96.9 Radyo Natin Calapan City

96.9 Radyo Natin Calapan City Enjoy music like you never did before!
96.9 RADYO NATIN Calapan City
Your Friend, Your Radio!

PUNLA AT MGA BUTO NG GULAY, NAIBIGAY SA MGA MIYEMBRO NG ISANG ASOSASYON SA SAN TEODOROUpang mapalakas ang programa sa pa...
22/01/2024

PUNLA AT MGA BUTO NG GULAY, NAIBIGAY SA MGA MIYEMBRO NG ISANG ASOSASYON SA SAN TEODORO

Upang mapalakas ang programa sa pagtatanim ng gulay sa San Teodoro, namigay ang Municipal Agriculture Office (MAgO) ng vegetable seedlings o punla gaya ng Talong, Ampalaya, Kamatis, Kalabasa, Papaya, Repolyo at iba pa gayundin ang mga buto ng Okra, Sitaw, Petsay, Mustasa, Pipino at Sigarilias, sa mga maggugulay at mga miyembro ng San Teodoro Commercial Growers Association, noong Biyernes, Enero 19.

Inaasahan ng (MAgO) na sa susunod na buwan ay makakapag ani na ng mga gulay na nanggaling mismo sa nabanggit na bayan. Ayon naman sa lokal na pamahalaan, makakatulong ang programa sa mga magsasaka para madagdagan ang kita, magamit ang mga lupang nakabakante lamang, makita ang potensyal ng mga lupain sa tulad na uri ng pagsasaka at higit na makitang may pera at kita sa pagbubungkal ng lupa.

Samantala, ang nabanggit na gawain ay bahagi ng High Value Crops Development Program (HVCDP) intensification Program ng MAgO San Teodoro.

(Source: MAgO San Teodoro)

BAGONG MUNICIPAL HEALTH OFFICE NG BONGABONG, PINASINAYAANMatagumpay na nabigyang basbas at pagpapasinaya ang bagong gusa...
22/01/2024

BAGONG MUNICIPAL HEALTH OFFICE NG BONGABONG, PINASINAYAAN

Matagumpay na nabigyang basbas at pagpapasinaya ang bagong gusali para sa Municipal Health Office kahapon araw ng Biyernes sa Brgy. Aplaya sa pangunguna ng ating minamahal na Ama ng Bayan Mayor Doc Elgin A. Malaluan katuwang ang ating supportive Vice Mayor Totoy Candelario kasama ang Sangguniang Bayan Members na sina Konsehal Jayson Barcelona, Konsehal Dolores De Gala, Konsehal Mike Malaluan ,Konsehal Vicky Baes-Padullo, Konsehal Evelyn Alea, at Konsehal Niño Liwanag.

The inauguration ceremony was graced by the presence of esteemed dignitaries from the Department of Health - Center for Health and Development MIMAROPA spearheaded by Regional Director, Dr. Mario S. Baquilod, MPH, CESO IV together with DOH Representatives down to Provincial DOH Officer Dr. Ramon Bombais, MPH, Provincial Health Officer Dr. Cielo Angela Ante, MPH and Provincial Health Office personnels. Also, the event was attended by the hardworking Brgy. Captains of Metro Bayan, MHO staffs led by its department Head, Dr. Ronaldo F. Fetalvero, MHA who have played a pivotal role in bringing this vision to fruition.

Nagkaroon ng maikling programa ang pagpapasinaya na nagbigay diin sa mga aksyong medikal na makakatulong sa ating mga kababayan lalo na ang mga IPs. Nagkaroon rin ng ribbon cutting ceremony at releasing of balloons na nagsilbing simbolo sa opisyal na pagbubukas ng bagong yugto ng ating Municipal Health Office na naglalayong mabigay ang mas kalidad na serbisyo medikal para sa bawat isang Bongabonense.

(Source : LGU Bongabong)

MAHIGIT 2000 MAGSASAKA SA CALAPAN CITY, NABIGYAN NG TULONG PINANSYALUmabot sa 2,604 na mga magsasaka sa Calapan City ang...
22/01/2024

MAHIGIT 2000 MAGSASAKA SA CALAPAN CITY, NABIGYAN NG TULONG PINANSYAL

Umabot sa 2,604 na mga magsasaka sa Calapan City ang tumanggap ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Intervention Monitoring Card na naglalaman ng limang libong piso mula sa Department of Agriculture, noong Enero 10-12.

Ayon sa City Information Office, ang nasabing RFFA ay ayuda para sa mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture at may dalawang ektarya pababang lupang sinasaka.

Ayon kay Mayor Malou Morillo, ang pagkakaloob ng RFFA ay alinsunod sa RA 11203 o ang Rice Tarrification Law at RA 11598 o ang Cash Assistance for Filipino Farmers Act, kung saan nagtataka na ang lahat ng sobrang nakolektang taripa ay ibibigay sa mga kwalipikadong magsasaka.

Samantala, nanguna sa distribusyon ang tanggapan ng City Agricultural Services katuwang ang iba pang kawani ng pamahalaan at mga opisyal ng mga Farmers Association ng bawat barangay.

(Source: Mayor Malou Morillo FB/CIO)

22/01/2024

GOOD MORNING ORMIN
JANUARY 22,2024-MONDAY
ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG NEWS AND PUBLIC AFFAIRS PROGRAM
105.3 RADYO NATIN PINAMALAYAN
13.7 RADYO NATIN BONGABONG
96.9 RADYO NATIN CALAPAN CITY

22/01/2024

GOOD MORNING ORMIN.
JANUARY 22,2024 - MONDAY
ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG NEWS AND PUBLIC AFFAIRS PROGRAM
105.3 RADYO NATIN PINAMALAYAN
103.7 Radyo Natin Bongabong
96.9 Radyo Natin Calapan City
105.3 Radyo Natin Pinamalayan

𝙒𝙀𝘼𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀SOUTHERN LUZON PAGASA REGIONAL SERVICES DIVISION (SLPRSD) LOCAL WEATHER FORECAST Issued at: 5:00 AM, 22 Ja...
22/01/2024

𝙒𝙀𝘼𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙐𝙋𝘿𝘼𝙏𝙀

SOUTHERN LUZON PAGASA REGIONAL SERVICES DIVISION (SLPRSD)
LOCAL WEATHER FORECAST

Issued at: 5:00 AM, 22 January 2024
Valid until: 5:00 AM Tomorrow

SYNOPSIS: Northeast Monsoon affecting Northern and Central Luzon.

FORECAST: Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms are expected over Bicol region, Northern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque and Romblon. Moderate to strong winds coming from the East to Northeast will prevail with moderate to rough seas.

Source: Pagasa Southern Luzon

20/01/2024

GY REPLAY
JANUARY 20,2024-SATURDAY

20/01/2024

RADYO NATIN AT YOUR SERBIS
JANUARY 20-SATURDAY

HOST:DON SORATORIO
GUEST:MS.GUADA FE S.DE LEON
CHAPTER ADMINISTRATOR PHIPPINES RED CROSS ORIENTAL MINDORO.

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚"Therefore, confess your sins to one another and pray for one another, that you may be healed. The praye...
20/01/2024

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚

"Therefore, confess your sins to one another and pray for one another, that you may be healed. The prayer of a righteous person has great power as it is working." James 5:16

19/01/2024

GOOD MORNING ORMIN.
JANUARY 19,2024-FRIDAY
ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG NEWS AND PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

105.3 RADYO NATIN PINAMALAYAN
13.7 RADYO NATIN BONGABONG
96.9 RADYO NATIN CALAPAN CITY

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚"Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in ...
19/01/2024

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚

"Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you" 1 Thessalonians 5:16-18

18/01/2024

GOOD MORNING ORMIN 10:00-11:00AM

ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG BEST NEWS PROGRAM
JANUARY 18, 2024

Ang inyong tagapaghatid balita
Jay Corpuz

Mula dito sa 103.7 Radyo Natin Bongabong news center
Sabayang napapakinggan sa 96.9 Radyo Natin Calapan City at 105.3 Radyo Natin Pinamalayan


Radyo Natin Oriental Mindoro
96.9 Radyo Natin Calapan City
105.3 Radyo Natin Pinamalayan
103.7 Radyo Natin Bongabong

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚"Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, pr...
18/01/2024

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚

"Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." Philippians 4:6-7

17/01/2024

GOOD MORNING ORMIN 10:00-11:00AM

ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG BEST NEWS PROGRAM
JANUARY 17, 2024

Ang inyong tagapaghatid balita
Donabel Djbelleradyonatin Mores at Marlon Palermo

Mula dito sa 105.3 Radyo Natin Pinamalayan news center
Sabayang napapakinggan sa 96.9 Radyo Natin Calapan City at 103.7 Radyo Natin Bongabong

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚“Commit everything you do to the Lord, trust Him, and He will help you” Psalm 37:5
17/01/2024

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚

“Commit everything you do to the Lord, trust Him, and He will help you” Psalm 37:5

UNANG PRICE & SUPPLY MONITORING NGAYONG TAON, ISINASAGAWA SA MGA GROCERY STORE, SUPERMARKET SA CALAPAN CITYMatapos ang h...
16/01/2024

UNANG PRICE & SUPPLY MONITORING NGAYONG TAON, ISINASAGAWA SA MGA GROCERY STORE, SUPERMARKET SA CALAPAN CITY

Matapos ang holiday season, muling binantayan ng Trade & Industry Department ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga grocery stores, supermarkets, hardwares, drug stores sa Calapan City, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Price & Supply Monitoring sa mga Basic Necessities at Prime Commodities. Ito ang unang Price & Supply Monitoring sa bagong taon kung saan naisagawa noong Martes, Enero 9.

Sa presyo per kilo ng mga gulay:
Ampalaya - P110-200
Kalabasa - P70-120
Labanos - P120-200
Patatas - P180-300
Pechay Baguio - P120-250
Mixed Vegetable - P100-120
Bawang - P150-220
Sibuyas - P120-280
Siling haba - P200-400
Repolyo - P100-250

Sa presyo per kilo ng manok:

Buo - P165-220
Wings - P205-250
Pitcho - P179-220
Atay - P200-230
Balunan - P145-250

Sa presyo per kilo ng baboy:

Liempo - P330-390
Porkchop at Ground Pork - P290-365
Ribs - P280-360
Kasim - P300-320

Sa presyo per kilo ng isda:

Bangus - P240
Tilapia - P150-170
Tulingang Lapad - P280-300
Gulyasan - P260
Pulang Buntot - P300
Kanuping - P300
Manitis - P300
Pusit - P250
Bisugo - P350

Sa presyo per kilo ng bigas:

Special Rice Dinorado - P52
Sinandomeng - P48
Pinaula - P47
C-160 - P52
Special Rice Jasmin/ Laon - P52
RC-18 - P50

Ang presyo ng diesel at gasolina ay tumaas ng (.10) sentimo kada litro nitong Martes. Nagkaroon din ng pagtaas sa presyo ng SOLANE at GAS, na P38.00 at LPG na P30.00.

(Source: City Trade & Industry Calapan)

DRONE SEEDING DEMONSTRATION, ISINAGAWA SA MAY SAMPUNG EKTARYANG PALAYAN SA MANSALAYSa layuning maipakita sa mga magsasak...
16/01/2024

DRONE SEEDING DEMONSTRATION, ISINAGAWA SA MAY SAMPUNG EKTARYANG PALAYAN SA MANSALAY

Sa layuning maipakita sa mga magsasaka sa Mansalay, ang makabagong paraan ng pagtatanim kung saan pinaniniwalaang mas mabilis at tiyak na makakabawas sa gastos, isang Drone Seeding Technology Demonstration ang isinagawa ng Department of Agriculture katuwang ang lokal na pamahalaaan kahapon, Enero 15.

Ang nasabing demo ay isinagawa sa higit sampung ektaryang palayan sa Baroc, Barangay Sta. Brigida sa nabanggit na bayan.

Samantala, sa kaugnay na balita, upang mapaghandaan ang taong 2024, nagkaroon ng pagpupuplong ang mga kawani ng Rice Program sa DA- MIMAROPA. Sentro ng naging usapan ang mga isyu at pagsubok sa sistema ng pag-abot ng mga intervention na naranasan noong 2023 at kung paano ito masusolusyonan at mababago ngayong taon.

Pinag-usapan dito ang dry season seed status, Rice Competitiveness Enhancement Fund Rice Farmers Financial Assistance Program, Fertilizer Distribution Voucher updates, Composting Facility for Biodegradable Waste, at Small-Scale Composting Facilities na mayroon ang rehiyon.

(Source: Mansalay LGU/DA RFO MIMAROPA)

41-ANYOS NA LALAKI SA CALSAPA, SAN TEODORO, HULI SA PAGBEBENTA DIUMANO NG SHABU Timbog ang 41-anyos na lalaki sa baranga...
16/01/2024

41-ANYOS NA LALAKI SA CALSAPA, SAN TEODORO, HULI SA PAGBEBENTA DIUMANO NG SHABU

Timbog ang 41-anyos na lalaki sa barangay Calsapa, San Teodoro matapos isagawa ang isang drug buy-bust operation sa lugar noong Linggo, Enero 14.

Sa report ng MIMAROPA Police, ang suspek diumano ay sangkot sa pagbebenta ng pinaghihinalaang shabu sa isang undercover police officer sa halagang isanlibong piso. Nakumpiska sa operasyon ang nasa 0.97 grams ng pinaghihinalaang shabu, ang buy bust money at iba pang parapernalya.

Nasa kustodiya na ng San Teodoro Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito, sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, naging katuwang ng Regional Drug Enforcement Unit sa operasyon ang San Teodoro MPS at PPO Provincial Drug Enforcement Unit.

(Source: PRO MIMAROPA)

16/01/2024

sa nag-iisang GM ng Radyo Natin Nationwide, Glady Mabini! 🎉 Wishing you more power and passion sa work! 🙏

Kapartners, sama-sama nating batiin ng maligayang kaarawan sa comment section ang isa sa ating BFFs na si Glady! 🥳

16/01/2024

GOOD MORNING ORMIN
ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG NEWS AND PUBLIC AFFAIRS PROGRAM
JANUARY 16,2024


Radyo Natin Oriental Mindoro
96.9 Radyo Natin Calapan City
105.3 Radyo Natin Pinamalayan
103.7 Radyo Natin Bongabong

16/01/2024

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, GM! 🎂

God Bless you more and more Birthdays to come 🫶

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚"Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. Make every effort to kee...
16/01/2024

𝑽𝒆𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒂𝒚

"Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. Make every effort to keep the unity of the Spirit through the bond of peace." Ephesians 4:2-3

MASUSING IMBESTIGASYON SA PAGPATAY SA DATING KAPITAN SA CALAPAN, ISINASAGAWA Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon an...
15/01/2024

MASUSING IMBESTIGASYON SA PAGPATAY SA DATING KAPITAN SA CALAPAN, ISINASAGAWA

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya at tinitingnan ang lahat ng anggulo at posibleng persons of interest sa karumaldumal na pagpatay sa isang dating kapitan ng barangay sa Calapan City.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima na si Dr. Agustin “Dok Ting” Bolor, 63, dating kapitan ng Barangay San Vicente Central at nanalo bilang kagawad ng nasabi ring barangay noong halalan noong isang taon.

Nakadapa sa sahig ang biktima sa tabi ng kanyang k**a at may mga tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan na kanyang ikinamatay.

Ayon sa report ni Col. Samuel Delorino, provincial director ng Oriental Mindoro PPO, tinawag upang kumain ng kapatid ng biktima na si Cristeta Magundayao bandang alas 8:30 ng umaga noong Linggo, Enero 14 at nang hindi ito sumagot ay tinawag niya ang driver ng biktima, binuksan ang pinto at nakita nila ang nangyari sa doktor.

Ayon sa mga rumespondeng pulis, nilimas ng mga salarin ang pera at mga alahas ng kilalang dentista at pilantropo sa Calapan.

Pinutol pa umano ng mga suspek ang linya ng CCTV sa bahay ni Dok Ting.

(Report ni Jerry Alcayde)

NABABALITANG LOCKDOWN PATUNGKOL SA BENTAHAN NG BABOY SA NAUJAN, FAKE NEWS AYON SA MUNICIPAL AGRICULTURE  MAHALAGANG PABA...
15/01/2024

NABABALITANG LOCKDOWN PATUNGKOL SA BENTAHAN NG BABOY SA NAUJAN, FAKE NEWS AYON SA MUNICIPAL AGRICULTURE

MAHALAGANG PABATID 📣
Mula sa Municipal Agricultures Office (MAgO)

WALANG MAGAGANAP NA LOCKDOWN NG BABOY SA BAYAN NG NAUJAN!

Huwag basta maniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon at balita. FAKE NEWS po 'yun! Ipagbigay alam sa MAgO ang mga nagpapakalat nito at ang mga nais mansamantala.

MANANATILING TULOY ANG BENTAHAN NG BABOY SA BAYAN NG NAUJAN!

Magtulungan po tayo para hindi makapasok ang ASF sa ating bayan at para manatiling ASF FREE ang Bayan ng Naujan.

Manatiling naka-follow sa ating official page para sa mga napapanahon at tamang impormasyon.

Source: Naujan Public Information Office

200,000 NA PABUYA, IBIBIGAY NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA MAKAKAPAGTURO SA PUMATAY SA DENTISTANG SI DOK TINGP200,000.00 na p...
15/01/2024

200,000 NA PABUYA, IBIBIGAY NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA MAKAKAPAGTURO SA PUMATAY SA DENTISTANG SI DOK TING

P200,000.00 na pabuya sa makapagtuturo o makapagbibigay impormasyon upang mahuli ang suspek at kung may mga kasabwat ito.

Source: Tita Malou Flores-Morillo/Calapan City Information Office

31-ANYOS NA BABAE SA ROXAS, ARESTADO SA QUALIFIED THEFT; ISA PA, HULI NAMAN SA KASONG GRAVE THREATSDalawang indibidwal a...
15/01/2024

31-ANYOS NA BABAE SA ROXAS, ARESTADO SA QUALIFIED THEFT; ISA PA, HULI NAMAN SA KASONG GRAVE THREATS

Dalawang indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na law enforcement operation sa lalawigan noong Huwebes, Enero 11.

Sa report ng MIMAROPA Police, ang unang suspek ay nakilalang si Alyas Lea, 31-anyos kung saan naaresto sa Bagumbayan, Roxas sa kasong Qualified Theft. Ang pagkakaaresto sa suspek ay mula sa pinagsanib na pwersa ng Roxas Municipal Police Station, 2nd PMFC, PPO, RMFB Mimaropa at PNP SAF.

Samantala, huli rin ang isa pa, sa barangay Wawa, Pinamalayan sa kasong Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code. Nakilala ang suspek na si alyas Orly, 20-anyos kung saan naaresto ng mga tauhan ng Pinamalayan MPS at Police Provincial Office.

Nasa kustodiya na ng nakakasakop na himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.

(Source: PRO MIMAROPA)

TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON SA CALAPAN CITY AT BONGABONGHimas rehas ang tatlong inbidwal...
15/01/2024

TATLONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON SA CALAPAN CITY AT BONGABONG

Himas rehas ang tatlong inbidwal mula sa Bongabong at Calapan City, ito'y matapos maaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na drug buy- bust operation noong Huwebes, Enero 11.

Sa report ng PRO MIMAROPA, nakilala ang dalawang suspek na sina Alyas Ericson, 32-anyos at Alyas John, 23- anyos, pawang mga nakalista bilang mga newly identified individuals na diumano'y sangkot sa iligal na droga. Naaresto ang mga suspek sa naging operasyon ng Bongabong Municipal Police Station sa barangay Labasan kung saan nagbenta umano ang mga ito ng pinaghihinalaang shabu sa isang police poseur buyer, sa halagang isanlibong piso.

Nakumpiska sa naging operasyon ang tatlo pang sachet ng pinaghihinalaang shabu, na nasa P4,000 ang halaga, ang ginamit na buy-bust money at iba pang parapernalya.

Samantala, sa kaparehong araw, naaresto sa Calapan City pasado alas siete ng gabi si Alyas Sherwin, matapos ikasa ang isang buy bust operation sa barangay Balite sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa MIMAROPA Police, ang suspek ay sangkot diumano sa pagbebenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500. Nakumpiska sa nabanggit na operasyon ang nasa 0.33 grams ng pinaghihinalaang shabu na nasa P2, 244 ang estimated street value, kasama ang buy- bust money at iba pang parapernalya. Naging katuwang ng Calapan CPS sa operasyon ang Provincial at Regional Drug Enforcement Unit at Regional Mobile Force Company.

Ang mga nabanggit na suspek ay nasa kustodiya ngayon ng nakakasakop na himpilan ng pulisya habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga ito.

(Source:PRO MIMAROPA)

15/01/2024

GOOD MORNING ORMIN
ITINANGHAL SA KAUNA UNAHANG RADYO NATIN NATIONWIDE EXCELLLENCE AWARDS 2023 BILANG NEWS AND PUBLIC AFFAIRS PROGRAM
JANUARY 15,2024

105.3 RADYO NATIN PINAMALAYAN
13.7 RADYO NATIN BONGABONG
96.9 RADYO NATIN CALAPAN CITY

Address

Calapan

Opening Hours

Monday 8:30am - 7pm
Tuesday 8:30am - 7pm
Wednesday 8:30am - 7pm
Thursday 8:30am - 7pm
Friday 8:30am - 7pm
Saturday 8:30am - 7pm
Sunday 8:30am - 7pm

Telephone

+639152994833

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 96.9 Radyo Natin Calapan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 96.9 Radyo Natin Calapan City:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Calapan

Show All