01/07/2020
❤️
Naalala ko dati way back 2016, nakatambay ako sa labas ng pisonet para mag hantay ng tatayo para ako na ung susunod. Tamang papalit lang ng tag pipiso para makapag laro ng larong gusto ko. Pero hindi ako tumigil mangarap na balang araw magkakaron din ako ng sarili kong pc, nang sarili kong kwarto kung san maglalaro ako ng hindi ko na kailangang mag hintay. Kung san hindi ko na kailangang magpapalit ng barya para makapaglaro.
Ngayon naabot ko na sya.. Pano? Hindi ako tumigil mangarap. Hindi ako sumuko sa hamon ng buhay. Hindi ako nagpatalo sa negative na sinasabi ng iba.
Kaya sa mga bataan dyan.. Wag kayong titigil mangarap. Wag kayong susuko hangga’t hindi nyo pa naaabot ung bagay na gusto nyo. Hangga’t di nyo pa napupuntahan ung lugar na gusto nyo. Wag kayong titigil. “Wag kayong titigil mangarap”. Dahil merong mga taong andyan para tulungan kyo. “Kilalanin nyo lang ung mga tulong na dadating” Katulad ng pag tulong ng mga taong laging nandyan para sakin.
Thank you Tier One Entertainment Facebook Gaming Amplfy sa oppurtunity na binigay nyo sakin. Thank you sa mga boss kong walang sawang sumusuporta sakin. Alodia Gosiengfiao Tryke Gutierrez. Mas lalo ko pang gagalingan!
Kung umabot ka dito. Type mo “Pangarap”