06/12/2023
Seryoso muna tayo, mga ka-Marites. May nagpadala lang ng request na ito sa amin. At sana ay maishare nyo ito sa iba upang makatulong.
From: Anonymous Sender.
"Hello po,
Magbabakasakali lang na matulungan nyo ako gamit nitong USF.
Empleyado po ako ng isang BPO Sector sa Makati, natanggal po kami last September 28 due to Redundancy of Account. Nagbigay po sila ng Termination letter with computation kung magkano makukuha namin as sweldo sa darating na October 10 and 25, at computation din ng Separation Pay na makukuha namin ng October 28.
Maayos naman po nung una, kahit na medyo kulang yung sahod namin dahil hindi napo kami nagbabiometrics nun for attendance, kumbaga Payroll napo ang bahala sa attendance namin at ginawa nilang Default at walang Night differential. Yung iba sa amin may mga absent na isang araw kahit hindi naman dapat. Pinabayaan po namin dahil wala naman din pong maibigay na resolution at response ang TL namin. Hindi na nga po sila nagparamdam simula nung naterminate kami e. Kaya dina kami umasa.
Dumating yung October 28, which is bigayan ng 70% ng Separation pay, nadelay po iyon. Nagpa-DOLE yung isa naming kasama at inabisuhan yung company namin pero di rin sila umattend. Delay din po ang update nila samin na madedelay nga daw po ang aming Separation pay dahil sa Long weekend. Nagalit po kami, dahil unang una dapat po ay inayos na nila iyon before pa magHoliday. Pero hindi po nila yun ginawa. Naghintay po kami. Nakuha naman po namin.
November 28 po, dapat ay makukuha namin ang Final pay namin dahil yun po ang nakalagay sa pinirmahan naming Termination Letter na binigay nila. Nagsend po ulit yung kateam mate ko ng panibagong e-SENA request through DOLE portal ng November 29. Inabisuhan pa nga po ng Labor Inspector na nagassist sa kaniya sa una nyang request yung Managers and Payroll namin na magrespond. Pero hindi po sila nagabiso samin na madedelay pa rin pala, at almost 2 weeks kaming mahihintay. Last week, pumasok ang December, may mga nakaabot ng cut off na nakakuha ng final pay, pero kaming lima sa aming batch ay naiwan.
Ngayong linggo, nagumpisa na kami magemail ng magemail. Dahil kung hindi po sila iiemail ay hindi sila magrerespond. Nagsabi sila ng December 5 na on or before thursday since cut off iyon, makakareceive kami update. May posibility pa na madelay pa ng mas mahaba. Kahapon, December 6, hindi po sila nagemail, kung hindi po namin sila inemail ulit ng inemail ay hindi po sila magrerespond.
Frustrated napo kami kasi dinelay na nila mas lalo pa nilang dinedelay ang mga pera namin. Nagalit napo ako non, at nakapagsalita na ipapaDole na ulit namin sila. At nakareceive po ako ng email na iho-Hold nalang po nila yung FINAL PAY KO at ichecheke nalang habang hinihintay ang DOLE.
Sana po may makatulong sa akin kung ano ang dapat gawin. Maraming salamat p. Lumong lumo nap ako kasi need ko po ang perang iyong pambayad ng bahay. Kasi po kung hindi, mapapalayas po kami dito."
Please free to share this and comment what you think would help the sender about this. Thank you.