Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City

Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City FM Radio
(088) 326-4100 | (0917) 154-8927 HEART 92.7 is therefore designed to embody the sound, character and feel of that golden era of Philippine FM radio.
(5)

Highland Broadcasting Network Corporation's 92.7 Heart FM CDO & 93.7 Heart FM Bukidnon is designed to embody the sound, character and feel of that golden era of Phil. HEART 92.7 is envisioned as a resurgence of the 80’s – 90’s style of FM broadcasting in Philippine airwaves, this was an era of highly creative radio personalities whose talents paved the way to colorful renditions of radio music programming, driven by an intensely competitive environment of growing networks.

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗧𝗢𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠Epektibo kahapon, araw ng Lunes, Hulyo 22, pinati...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗧𝗢𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠

Epektibo kahapon, araw ng Lunes, Hulyo 22, pinatigil na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang operasyon ng POGO sa bansa.

Ayon sa Pangulo, na walang magandang idinudulot ang POGO sa ating bansa.

Dagdag aniya, ang POGO ay nagpapanggap ng legitimate entities subalit ang kanilang operasyon ay sangkot sa mga ilegal na aktibidad gaya ng financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, torture, at murder.

Ipinag-utos din ng Pangulong Marcos sa PAGCOR na simulang itigil ang operasyon ng POGO hanggang sa katapusan ng taon.

Samantala, nananawagan din ang Pangulo sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno, law enforcers, at government workers na maging mapagmatyag at isipin ang kalusugan ng bansa.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘-𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗢𝗩𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗥𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟴 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗗𝗔Inaasahang makakamit sa 2028 ang sin...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘-𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗢𝗩𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗥𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟴 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗗𝗔

Inaasahang makakamit sa 2028 ang single-poverty rate ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), kung saan mas bababa pa ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Base sa 2023 full year official poverty statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay bumaba sa 15.5% mula sa 18.1% ang poverty incidence ng populasyon noong 2021.

Nalampasan nito ang target ng gobyerno na pababain sa 16% to 16.4% poverty incidence para sa 2023 na itinakdang porsiyento sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Ang bilang ng ‘food-poor families’ ay bumaba sa 740,000 noong 2023 mula sa isang milyong pamilya noong 2021.

Samantala, ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy nilang pinagtitibay ang mga patakaran at hakbangin sa pagpapasigla ng buhay ng mga Pilipino.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: NEDA website
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗜𝗕𝗔𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗗𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., s...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗜𝗕𝗔𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗗𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang iba't ibang proyekto at programa ng gobyerno para lumakas pa ang sektor ng agrikultura at upang makamit ang food security ng bansa.

Ayon sa Pangulo, na pakatutukan ng kaniyang administrasyon ang pagpapalakas sa lokal na produksiyon.

Binigyang-diin ng Pangulo ang buhos na suporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda gaya ng pamamahagi ng 100 milyong kilo ng mga sari-saring binhi at pataba para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto.

Sa ngayon, sinabi ni PBBM na sinimulan na rin ng gobyerno ang proyektong Lawa at Binhi kung saan isinasagawa na ang mga modernong imbakan ng tubig upang lalong maging handa at protektado ang mga magsasaka sa banta ng tagtuyot.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗔𝗟𝗔-𝗔𝗬 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔Nagtalaga si Cagayan de Oro City Mayor Klarex...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗔𝗟𝗔-𝗔𝗬 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔

Nagtalaga si Cagayan de Oro City Mayor Klarex Uy ng City Fiesta Committee ilang linggo bago ang Higala-ay Festival sa susunod na buwan alinsunod sa hakbang sa Executive Order No. 309-2024 kung saan ay itinalaga ding chairperson si Uy sa naturang komitiba.

Itinalaga rin si Chief of Staff Sheila Lumbatan at City Councilor Jay Roa-Pascual, chairman ng Committee on Tourism, bilang co-chairpersons ng nasabing City Fiesta Committee.

Inaasahan na sa pagsagawa nito ay masisiguro ang kaayusan sa isang buwang selebrasyon na binubuo ng iba’t ibang aktibidad.

Samantala, naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng siyudad sa launching ng Higala-ay Festival ngayong Agosto 2 sa Rio de Oro Boulevard.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: City Government of Cagayan de Oro
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗢𝗦𝗖𝗔𝗥 𝗠𝗢𝗥𝗘𝗡𝗢, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗔𝗠𝗜𝗦 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗡...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗢𝗦𝗖𝗔𝗥 𝗠𝗢𝗥𝗘𝗡𝗢, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗔𝗠𝗜𝗦 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗙𝗘𝗥𝗘𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗥𝗠𝗘𝗡

Tinawag na black propaganda ni former Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang alegasyong mula sa Balingasag, Misamis Oriental ang karamihan sa mga voter transferee sa Barangay Carmen sa syudad ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Moreno, ang abogado mismo ni Cagayan de Oro 1st District Lordan Suan ang nagreklamo sa ngayo'y aabot sa 16,000 na botante kung saan lumipat sa nasabing barangay.

Dagdag aniya, na imposible ring karamihan sa voters transferee ay mula sa Balingasag dahil isa sa mga kailangang dokumento ay certification mula sa barangay.

Samantala, binigyang diin naman ni City Mayor Spokesperson Janboy Actub na fake news ang lumabas na balita kung saan nagmula pa umano ito sa kampo ni Mayor Uy.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗠𝗜𝗦𝗔𝗠𝗜𝗦 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗔Natagpuan na ang bangkay ng 16-anyos...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗠𝗜𝗦𝗔𝗠𝗜𝗦 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗔

Natagpuan na ang bangkay ng 16-anyos na lalaki matapos na malunod sa Looc, Salay, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktimang si Mel Ian Jabagat Bagongon Lagonglong Municipal Police Station residente ng Lagonglong, Misamis Oriental.

Ayon kay Lagonglong Municipal Police Station OIC Deputy Station Commander Police Lieutenant Antonio Jesus Salvacion, naliligo sa dagat ang biktima kasama ang kanyang kaibigan at bigla na lamang itong naglaho.

Dagdag aniya, dahil sa insidente agad itong inireport sa mga otoridad.

Isang araw matapos ang insidente, isang mangingisda ang nakakita sa biktima.

Sa ngayon, nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan upang masigurong walang foul play sa nangyaring insidente.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: Lagonglong Mun.Police Station
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗣 𝟭 𝗦𝗔 𝗩𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗥𝗡 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢Kinilala ang lalawig...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗣 𝟭 𝗦𝗔 𝗩𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗥𝗡 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢

Kinilala ang lalawigan ng Bukidnon bilang Top 1 Voluntary Blood Donors sa buong Region 10 para sa taong 2023 sabay sa ginanap na 2024 Regional Sandugo Awards ng Department of Health Region 10.

Personal na tinanggap ni Provincial Governor Rogelio Neil Roque ang pagkilala kasama si Bukidnon Provincial Health Sector Overseer Dr. Jose Rhoel de Leon.

Pinarangalan ang lalawigan sa kontribusyon at suporta nito sa National Voluntary Blood Services Program ng DOH alinsunod sa National Blood Services Act of 1994 para masiguro rin na sapat ang supply ng dugo sa mga blood bank center sa probinsya maging sa buong rehiyon.

Samantala, binigyan din ng Plaque of Appreciation ang Bukidnon Provincial Medical Center bunsod sa suporta din nito sa naturang programa.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: LGU Bukidnon
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗖𝗜𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦Nag-abot ang provincial government ng Buk...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗖𝗜𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦

Nag-abot ang provincial government ng Bukidnon sa ilalim ng Provincial Social Welfare & Development Office ng relief packs sa 355 mga pamilya na apektado ng pagbaha sa Valencia City, Bukidnon.

Kabilang sa nakatanggap ng ayuda ang 186 mula sa Barangay Catumbalon habang 169 naman ang nagmula sa Barangay Maapag.

Sa naturang food pack ay nakapaloob ang 6 na kilo na bigas, mga de-lata, at iba pa.

Samantala, nagpapasalamat naman ang apektadong mga residente sa tulong na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO: LGU Bukidnon
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗕𝗨𝗬𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡Arestado an...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗕𝗨𝗬𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡

Arestado ang tatlong high-value individuals matapos ikasa ng mga tauhan ng Malaybalay City Police Station ang drug buy-bust operation sa Purok 2, Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasabing mga suspek ay nasa legal na edad ngunit kailangan munang ipribado bunsod ng isinasagawang malalimang imbestigasyon.

Narekober mula sa operasyon ang 59 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱407,000 at iba pang drug paraphernalias.

Sa ngayon, ay himas-rehas ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | '𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧' 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗠𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡Ang kasalukuyang pag-ulan b...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | '𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧' 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗠𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Ang kasalukuyang pag-ulan bunsod ng southwest monsoon, o mas kilala bilang "Habagat," ay magdadala pa rin ng katamtamang hanggang malalakas na pag-ulan sa rehiyon ng Davao sa darating na weekend.

Gayunpaman, wala pang napapansing low-pressure area (LPA) malapit sa timog na bahagi ng Mindanao maliban sa dalawang bagyong nasa kanluran at silangan ng arkipelago na nag-umpisa bilang mga tropical depression na pinangalanan na Butchoy at Carina.

Batay sa PAGASA, lalo na ang buong Davao, ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng southwest monsoon, na nagbabala sa posibilidad ng flash floods lalo na sa mga mababang lugar.

Ang tropical depression Butchoy ay lumabas sa Philippine Area of Responsibility nitong Sabado ng umaga, Hulyo 20, ilang oras matapos itong mabuo.

Sa ngayon, hindi direktang apektado ang Pilipinas ng Butchoy o Carina, ngunit sa mga susunod na tatlong araw, ilang lugar sa kanlurang bahagi ng bansa ang maaapektuhan ng southwest monsoon.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗣𝗢𝗣𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗖𝗦Umaasa si Pope Francis na ang P...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗣𝗢𝗣𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗖𝗦

Umaasa si Pope Francis na ang Paris Olympics ay siyang magdadala ng pangkalahatang kapayapaan.

Sa kaniyang misa sa Vatican, hinihikayat nito ang mga atleta na maging atleta na magdala ng mensahe ng kapayapaan at maging modelo sa mga kabataan.

Dagdag aniya, gaya ng makalumang tradisyon, ang Olympics ay isang pagkakataon rin para matapos na ang anumang hindi pagkakaintindihan at kaguluhan sa mga bansa.

Binanggit ng Santo Papa ang mga kaguluhang nagaganap sa Ukraine, Gaza, Myanmar, at maraming iba pa.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗔𝗜𝗥𝗦𝗧𝗥𝗜𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗥𝗔𝗘𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗬𝗘𝗠𝗘𝗡, 𝟲 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬Patay ang anim na katao at maraming iba pa ang sugatan ...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗔𝗜𝗥𝗦𝗧𝗥𝗜𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗥𝗔𝗘𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗬𝗘𝗠𝗘𝗡, 𝟲 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang anim na katao at maraming iba pa ang sugatan sa nangyaring airstrikes ng Israel sa pantalan ng Yemen.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF), tinarget ng kanilang fighter jets ang pinagkukutaan ng mga Houthi terrorist sa Hodeidah port.

Dagdag anila, ito rin ang unang pagkakataon na nagsagawa ang Israel ng airstrikes sa Yemen.

Ang nasabing airstrike ay bilang ganti ng Israel sa ginawang drone attack ng Houthi noong nakaraang mga araw na ikinasawi ng 50-anyos na lalaki at ikinasugat ng maraming iba pa.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗔𝗟𝗘𝗫 𝗘𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝟮 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡𝗔𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗥𝗡𝗘𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗣𝗔𝗜𝗡Nagwagi ng dalawang titulo si Pinay tennis star Ale...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗔𝗟𝗘𝗫 𝗘𝗔𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝟮 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡𝗔𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗥𝗡𝗘𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗣𝗔𝗜𝗡

Nagwagi ng dalawang titulo si Pinay tennis star Alex Eala sa W100 Vitoria-Gasteiz na ginanap sa Spain.

Unang tinalo ng World Number 155 si Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra sa finals sa score na 6-4, 6-4 para makuha ang singles title.

Ito na ang pang-limang overall na titulo ni Eala sa singles matapos na magwagi sa Manacor noong 2021, Chiang Rai noong 2022, Roehampton at Yecla sa taong 2023.

Bago ang singles championship ay nagwagi rin si Eala kasama ang partner nitong si Estelle Cascino ng France at nakuha ang doubles championship.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗝𝗔𝗡𝗘 𝗗𝗘 𝗟𝗘𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗔𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗥𝗢𝗕 𝗚𝗢𝗠𝗘𝗭 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗜 𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔Itinanggi nina Jane de...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗝𝗔𝗡𝗘 𝗗𝗘 𝗟𝗘𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗔𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗥𝗢𝗕 𝗚𝗢𝗠𝗘𝗭 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗜 𝗠𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔

Itinanggi nina Jane de Leon at Rob Gomez na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Kamakailan lang naging mainit na usapin ang ibinahagi na video ni Jane sa kanyang social media account kung saan kumakain siya ng ramen at dito nakitang sumilip si Rob na nasa tabi noon ng aktres.

Ayon sa aktres, minsan lang ito mag-upload ng video kung saan nahagip si Rob, ngunit agad itong nagawan ng artikulo.

Mababatid na magkasama sina Jane at Rob sa Taiwan dahil co-stars sila sa horror film na "Strange Frequencies: Haunted Hospital."

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗗𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗜𝗚𝗘 𝗔𝗡𝗢 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗢 𝗗𝗜𝗧𝗢? 𝗜𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗢 𝗡𝗔 𝗬𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔!
23/07/2024

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗗𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗜𝗚𝗘 𝗔𝗡𝗢 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗢 𝗗𝗜𝗧𝗢? 𝗜𝗖𝗢𝗠𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗢 𝗡𝗔 𝗬𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔!

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: nasa layong 380 km sa Silangan (East) bahagi ng Aparri, Cagayan ang sentro ng namataang ...
23/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: nasa layong 380 km sa Silangan (East) bahagi ng Aparri, Cagayan ang sentro ng namataang Bagyo (Typhoon) "CARINA" sa loob ng Philippine Area of ​​​​Responsibility (PAR); bilis na 130 kph at paggalaw ng 10 km patungo sa North Northwestward (North Northwestward).

Posibleng lumabas ng PAR ang bagyo ngayong Miyerkules (Hulyo 24) ng gabi o madaling araw ng Huwebes (Hulyo 25).

Ang Northern Mindanao ay hindi apektado ng Bagyo ngunit makakaranas ng panaka-nakang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan at pagkulog dulot ng Southwest Monsoon.

Forecast Position of TY "CARINA":
- Jul 23, 2024 02:00 PM - 315 km East of Basco, Batanes
- Jul 24, 2024 02:00 AM - 295 km Northeast of Itbayat, Batanes
- Jul 24, 2024 02:00 PM - 355 km North Northeast of Itbayat, Batanes
- Jul 25, 2024 02:00 AM - 450 km North of Itbayat, Batanes
- Jul 25, 2024 02:00 PM - 545 km North Northwest of Itbayat, Batanes (OUTSIDE PAR)
- Jul 26, 2024 02:00 AM - 695 km North Northwest of Itbayat, Batanes (OUTSIDE PAR)
- Jul 27, 2024 02:00 AM - 1,060 km North Northwest of Extreme Northern Luzon (OUTSIDE PAR)

Walang ulan sa CDO sa ngayon.

Walang ulan sa Libona; Mampayag, Dahilayan at Lindaban, Manolo Fortich.

NORMAL ang LEVEL ng Cagayan at Iponan River.
Patuloy naman itong minomonitor ng CDRRMD.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!

You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030





Source: ORO-CDRRMD

𝗦𝗢𝗠𝗘𝗧𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗢 𝗕𝗢𝗢𝗦𝗧 𝗬𝗢𝗨 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗘𝗠𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬!
23/07/2024

𝗦𝗢𝗠𝗘𝗧𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗢 𝗕𝗢𝗢𝗦𝗧 𝗬𝗢𝗨 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗜𝗦 𝗟𝗘𝗠𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬!

22/07/2024

JULY 23, 2024: HEART FM BALITA 92.7 CAGAYAN DE ORO CITY 93.7 BUKIDNON

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧:  Lumakas ang sentro ng bagyo at naging (Typhoon) "CARINA" sa loob ng Philippine Area of ...
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: Lumakas ang sentro ng bagyo at naging (Typhoon) "CARINA" sa loob ng Philippine Area of ​​​​Responsibility (PAR) at nasa layong 420 km sa Silangan (East) bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan; bilis na 120 kph at mabagal na paggalaw sa North Northeastward.

Nananatiling posibleng lumabas ng PAR ang bagyo ngayong Miyerkules (Hulyo 24) ng gabi o madaling araw ng Huwebes (Hulyo 25).

Ang Northern Mindanao ay hindi apektado ng Bagyo ngunit makakaranas ng panaka-nakang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan at pagkulog dulot ng Southwest Monsoon.

Forecast Position of TY "CARINA":
- Jul 23, 2024 02:00 AM - 410 km East of Aparri, Cagayan
- Jul 23, 2024 02:00 PM - 340 km East of Basco, Batanes
- Jul 24, 2024 02:00 AM - 330 km East Northeast of Itbayat, Batanes
- Jul 24, 2024 02:00 PM - 380 km North Northeast of Itbayat, Batanes
- Jul 25, 2024 02:00 AM - 440 km North of Itbayat, Batanes
- Jul 25, 2024 02:00 PM - 545 km North of Itbayat, Batanes (OUTSIDE PAR)
- Jul 26, 2024 02:00 PM - 815 km North Northwest of Extreme Northern Luzon (OUTSIDE PAR)

NORMAL ang LEVEL ng tubig sa Cagayan at Iponan River.

Patuloy naman itong binabantayan ng CDRRMD.

Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnon for more news and updates

𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!

You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030



𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰: PANG. MARCOS: "PINALALAKAS NATIN ANG KAKAYAHAN NGMGA MAMAMAYAN SA PANAHON NG KAGIPITAN"
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰:
PANG. MARCOS: "PINALALAKAS NATIN ANG KAKAYAHAN NG
MGA MAMAMAYAN SA PANAHON NG KAGIPITAN"

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰:PANG. MARCOS: "OUR EMPLOYMENT RATE HAS INCREASED"
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰:
PANG. MARCOS: "OUR EMPLOYMENT RATE HAS INCREASED"

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰PANG. MARCOS: "PH SATELLITES IN SPACE HAVE GENERATED DATA, PROVIDING VITAL INFORMATION IN AGRI ...
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰
PANG. MARCOS: "PH SATELLITES IN SPACE HAVE GENERATED DATA, PROVIDING VITAL INFORMATION IN AGRI AND ENVIRONMENT"

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰PANG. MARCOS "IBINIDA ANG FARM-TO-MARKET ROADS, MAKINARYA AT PAGKUKUMPUNI NG IRIGASYON PARA SA ...
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰
PANG. MARCOS "IBINIDA ANG FARM-TO-MARKET ROADS, MAKINARYA AT PAGKUKUMPUNI NG IRIGASYON PARA SA MGA MAGSASAKA"

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰: PANG. MARCOS: "LAYUNIN NATING MAGINGPERMANENTE ANG PAGDARAOS NG MGA KADIWA"
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰:
PANG. MARCOS: "LAYUNIN NATING MAGING
PERMANENTE ANG PAGDARAOS NG MGA KADIWA"

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰PANG. MARCOS: MEASURES ON IMPORT COMMODITIES TO BE IMPLEMENTED TO SHOW WE MEAN BUSINESS
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰
PANG. MARCOS: MEASURES ON IMPORT COMMODITIES TO BE IMPLEMENTED TO SHOW WE MEAN BUSINESS

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰PANG. MARCOS: MORE THAN P2.7-B WORTH OF SMUGGLED GOODS HAVE BEEN SEIZED
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰
PANG. MARCOS: MORE THAN P2.7-B WORTH OF SMUGGLED GOODS HAVE BEEN SEIZED

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰PANG. MARCOS: “TULOY-TULOY AT PINABIBILIS ANG PAGKAKAHATI-HATI NG CLOA PARA SA MGA BENEPISYARYO...
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰
PANG. MARCOS: “TULOY-TULOY AT PINABIBILIS ANG PAGKAKAHATI-HATI NG CLOA PARA SA MGA BENEPISYARYO NITO.”

𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬-𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟮𝟮.Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnonno...
22/07/2024

𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬-𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟮𝟮.

Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnonnon for more news and updates

𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵3.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!

You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030



𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬-𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟮𝟮.Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnon f...
22/07/2024

𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬-𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪, 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟮𝟮.

Follow and like Heart FM 93.7 - Bukidnon for more news and updates

𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!

You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030



𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡, 𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟯 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔Patay ang Isang Indibidwal Habang Tatlong Iba pa ang Patuloy na ...
22/07/2024

𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝗙𝗠𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 | 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗𝗡𝗢𝗡, 𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟯 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Patay ang Isang Indibidwal Habang Tatlong Iba pa ang Patuloy na Pinaghahanap Matapos Rumagasa ang Matinding Pagbaha sa Probinsya ng Bukidnon.

Ito ang inihayag ng Office of the Civil Defense Region 10 kasabay ng pagdeklara ng Blue Alert status sa Northern Mindanao dahil sa epekto ng hanging habagat.

Kinilala ang namatay na si Evelyn Candido, 48 taong gulang, at residente ng Maramag, Bukidnon.

Ayon sa OCD Region 10, patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers ang anak ni Candido na si Roschelle at dalawang iba pa kung saan mula naman sa Kalilangan, Bukidnon.

Dagdag pa ng OCD Region 10, na tinatayang aabot sa 15 milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga kabahayan at istruktura dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang monitoring ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang seguridad ng publiko.

Follow and like Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City for more news and updates
𝗟𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻 𝘁𝗼 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗙𝗠 𝟵2.𝟳 𝗼𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗮𝗱𝗶𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗷𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗮𝘃𝗼𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗵𝗶𝘁𝘀!
You may also download the online application on Google Playstore at the link below:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amfmph.apr_202104191030




PHOTO:CTTO
Nathaniel Ebal, BA Comm, LDCU

Address

5th Floor, FICCO Admin Building, Vamenta Boulevard, Carmen
Cagayan De Oro
9000

Telephone

+639171579927

Website

https://twitter.com/heartfm927, https://www.tiktok.com/@heartfm92.7, https://www.

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Heart FM 92.7 - Cagayan de Oro City:

Videos

Share


Other Broadcasting & media production in Cagayan de Oro

Show All