09/08/2020
Salute and God bless to our troops ππ΅πβ€
BAKIT KALIWA SUMALUDO ANG COMMANDING GENERAL NG PHIL ARMY? THIS IS HIS STORY.
Taong 1995 at 4 na taon pa lang simula noong itatag ang Abu Sayaff Group sa pamumuno ni Abdurajak Janjalani noong na-assign ang bagong promote na si Captain Cirilito Sobejana sa Basilan. Noong January 13 1995, habang nagpapatrolya kasama ang kaniyang pinamumunuan na platoon na hindi aabot sa 30-sundalo, nakasagupa ni Cpt. Sobejana sa Lower Kapayawan, Isabela, Basilan ang malaking grupo ng ABU SAYAFF na aabot sa 150. Lumaban ang mga sundalo at tinangkang ipagtanggol ang lugar laban sa mga terorista ng 4 oras habang hinihintay ang mga reinforcements. Unang tinamaan si Cpt Sobejana sa ibabang bahagi ng kaniyang kanang kamay habang inaabot ang radyo ng namatay na kasama, pangalawa tinamaan ulit ang kanang kamay pero hindi siya nagpatalo at pinanghinaan ng loob kaya naman kahit ang kaniyang pinamumunuan ay hindi nawawalan ng pag-asa. Kagat-kagat ang kaniyang duguan at baldado na kamay, tumatakbo siya paikot at pabalik sa lugar ng labanan para i-direct ang kaniyang mga tropa at linlangin ang mga kalaban. SInasadya niyang magpakita sa kalaban minsan para maisalba ang nagigipit na mga kasamahan. Sa pangatlong pagkakataon, tinamaan ang dalang baril ni Cpt. Sobejana na tumagos sa kaniyang katawan. Mahigit 30 na terorista ang namatay at at hindi mabilang ang mga nasugatan. Duguan at sugatan na umatras ang mga Abu Sayaff nuong maramdaman nila na paparating ang 4th Scout Ranger Company na reinforcement sa tropa ng gobyerno.
Iginawad kay Cpt Sobejana ang Medal of Valor, ang pinakamataas na award sa AFP dahil sa katapangan at kagalingan na ipinakita nuong araw na iyon. Na- disable na din ang kaniyang kanang kamay na nakailang operation sa ibat ibang ospital sa US.
Ngayon, si General Sobejana ang bagong upo na Commanding General ng Philippine Army na nagbabantay sa buong Pilipinas. Siya ay Graduate ng PMA 1987 at isang Scout Ranger!
CONGRATULATIONS SIR!
ctto