12/07/2024
SUKDULAN NA ANG PAGNANAKAW NG VANGAG MARCOS ADMIN. PNP CHIEF MARBIL, SAAN MO DINALA ANG PARA SA MGA KAPULISAN?
FROM MY INBOX
Madam Maharlika:
Isa ako sa sumusubaybay sa mga vlogs mo, ako ay kabilang sa PNP, itago mo na lang ang aking pangalan. Gusto ko sana ipaalam sayo kung saan posible nanggaling ang pabuya na ipinatong kay Ptr. Quiboloy.
Napanood ko sa Balita na 10 million ang ibinibigay na pabuya ni Sec. Abalos sa kung sino man ang makakapagturo sa kinaruruonan ni Ptr. Quiboloy.
Nito lamang July 3, 2024, natanggap namin ang aming Rice Subsidy or Allowance for the month of June 2024. Bukod sa late na namin itong natanggap, binawasan pa ng 50 pesos. Ang PNP ay merong 228,000 personnel, kung i-multiply po natin iyan meron pong 11.4 million na nabawas sa aming kapulisan, from 650 na dapat naming matanggap, 600 pesos lang ang ipinasok sa aming account. Ito po ay hindi dapat nangyayari dahil ito po ay kasama sa budget na ipinasa sa Congress. Hindi po namin alam kung saan po napunta ang 11.4 million na ito. Alam naman po natin na Si Sec. Abalos ay siyang Secretary ng DILG, at ang PNP po ay under lamang po ng DILG. Sana po i-call out niyo ang PNP Finance at CPNP namin at mag explain sa aming na nasa baba. Magbigay po sila ng transparency.
Maraming salamat po, madam Maharlika.
God bless you and more power.