19/06/2024
"YOU DESERVE WHAT YOU TOLERATE” sabe nga ng karamihan. Kaya hangga’t maaari gusto ko ma disiplina ang mga anak ko sa sarili kong pamamaraan. Hindi pwedeng ako ang matakot sa kanila, dapat sila matakot sakin. Unti unti ko na nakikita ang pag uugaling meron ang mga anak ko lalo na pag di nila nakukuha ang gusto nila. Pero hindi lahat ng bagay kaya makuha lalo na pag bata ka at idadaan sa pag iyak ang gusto. Kaya hangga’t maaga pa, putulin na agad yung sungay. Kasi hindi naman ang taong naka paligid sayo ang mahihirapan, kundi sarili mo din. Hindi kami mayaman, hindi rin namin everyday kayang ibigay ang gusto ng mga anak namin pero sana respetuhin niyo kung paano mag disiplina ang isang magulang sa kanilang mga anak.
Someday, lalaki ang mga anak mong walang respeto sayo pag pinag patuloy mo yung awa tuwing umiiyak sya at dun ma s-spoil ang bata dahil akala nila "Okay lang" ng gagawin nila (mag wala, ma-galit, at mamalo 😅pag di na kuha ang gusto)
Di ko kailangan maging santa-santahan sa mata ng tao para lang mag mukha akong maayos na nanay sa mga anak ko. Dahil gusto ko lumaki sila na hindi ako ang dapat ma takot sa kanila.