28/09/2022
LAGPIO-FB-0928-2022-84
Laguna PNP-Operation
Press Release
Wednesday, September 28, 2022
3 Most Wanted Person City Level Arestado sa Magkakahiwalay Manhunt Operation ng Laguna Pulis
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 3 most wanted person City level arestado sa aagkakahiwalay manhunt operation ng Laguna pulis kahapon Setyembre 27, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga akusado na sina Jumel King Romeo Nacario, alias Jumel nakatira sa San Pedro City, Laguna, Arnold Leonardo nakatira sa Santa Cruz, Laguna at Jonathan Reymundavia Belandres, alias Atan, nakatira sa San Pedro City, Laguna.
Sa ikinasang manhunt operation ng San Pedro City Police Station ay naaresto ang akusadong si alias Atan rank no. 1 most wanted person City level sa ganap na 7:30 ng gabi kahapon Setyembre 27, 2022 sa Bgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna nahaharap ang akusado sa kasong RA 8353 (R**e 3 counts) na walang pyansang nirekomenda.
Sa hiwalay na operasyon ng San Pedro City Police Station ay na aresto ang akusadong si alias Jumel rank no. 3 most wanted person City level kahapon sa ganap na 8:10 ng umaga Setyembre 27, 2022 sa Bgy. Pacita Complex 1, San Pedro City, Laguna. Nahaharap ang nasabing akusado sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 (b) of RA 7610 (2) counts na may pyansa nirekomenda sa halagang Php 180,000.00 kada kaso.
Samantala sa ulat naman ng Sta Cruz Municipal Police Station ay nagkasa rin sila ng isang manhunt operation na nagresulta sa pagka aresto ng akusadong kinilalang si Arnold rank no. 3 most wanted person City level sa ganap na 6:06 ng gabi Setyembre 27, 2022 sa Brgy. Gatid, Santa Cruz, nahaharap naman ang nasabing akusado sa kasong R.A. 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002, (3 Counts).
Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating unit habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni Police Colonel Silvio “Sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay isang patunay lamang na hindi tumitigil ang pulis Laguna sa pagganap sa aming sinumpaang tungkulin. Nagpapasalamat din po kami sa pakikipag ugnayan at pakikipag tulungan ng mga mamayan ng Laguna para sa masmabilis na pagkahuli ng mga akusado ”.