Sir Carlos Vlog

Sir Carlos Vlog 🇮🇹 "PROUD INC"🇮🇹
(2)

17/10/2024

Cabiao District athletics meet National High School

18/03/2024
18/03/2024

Ccto:
Viral teacher ngayon:
"Wala kayong mararating sa buhay" lalo na kung wala kayong respeto sa mga g**o niyo. Lalo na doon sa mga estudyanteng parang hangin na lang na dinadaanan ang mga dati nilang mga g**o. Tama naman. Noong panahon namin, sobra pa dyan ang ginagawa ng mga g**o namin. Madalas may kasama pang palo o pagpapahirap. Kaya ito kami ngayon, sanay sa mga pagsubok at pananakit ng kapwa. How come that today's generation of kids and parents have become so SENSITIVE to negative remarks or feedback and criticism? Kailangan din natin ng sermon at masasakit na salita minsan para matuto tayo. Hindi paraiso ang mundong ito. Mabuti nga at nagagawa minsan ng mga g**o magpaka-"Devil's advocate" para lang matuto ang mga bata. Google mo muna kung ano yang Devil's Advocate, at baka masamain mo na naman... Sama mo na ang "reverse psychology" na madalas ring gamitin ng mga tatay at nanay natin sa bahay.

Kung ikaw ay spoiled child, wala ka talagang puwang sa public school. Doon ka sa private school na madalas i-baby ang mga bata kahit pa pasaway ang mga ito. Dahil mawawalan sila ng kita kapag sila ay "malupit" o mahilig dumisiplina sa mga bata. Lalo na kapag naireport pa sila sa mga kinauukulan at mawalan ng mga tumatangkilik.

Ang pagiging g**o po ang pinaka-mahirap na propesyon dahil kung hindi niyo kayang palakihin ang mga anak niyo sa bahay, mas lalong mas mahihirapan ang g**o na disiplinahin ang napakarami niyong kabataan. Subukan niyong lumagay sa sitwasyon namin na may 40 to 50 estudyante sa loob ng klase, kung hindi niyo magagawa yan minsan (ang panenermon at "pamamahiya") lalo kung patong patong na ang mga problema niyo sabayan pa ng mga problema ng mga estudyante sa paaralan.

Sa obserbasyon ko, isa ang pagiging "SENSITIVE" masyado ng mga bata ngayon at mga magulang sa ginagawa ng mga g**o sa kanilang mga anak sa mga nagiging problema ng lipunan. Hayaan niyo na ang g**o ang dumisiplina sa mga batang hindi niyo naman kayang disiplinahin sa mga pamamahay ninyo. Trabaho namin yan, ang magpasunod ng mga magiging mabubuting mamamayan na magiging bahagi rin ng mas malawak pang lipunan. Kung hindi disiplinado ang mga kabataan, mas darami ang mga kriminal sa lipunan at mga walang respeto sa mga kababayan.

Ang kultura natin ngayon ay puno ng "jokes" at "pranks" at lahat na lang halos ng bagay ay ginagawang katatawanan o nirereport kay "Tulfo". Kung ang buhay ay lagi na lang masaya o pabor sa inyo, hindi niyo alam kung paano kayo kikilos sa tuwing negatibo ang naririnig o nararanasan niyo sa kapwa niyo.

Pinalaki kami sa mga palo noon at sermon lalo kapag kami ay nagkakamali sa bahay at paaralan. Kaya naman may narating kami sa buhay. Dahil imbes na umiyak at magmukmok, lumaban kami sa buhay at nagpakalakas. Hindi nagpadala sa mga masasakit na salita at pamamalo. Sa halip, ginamit namin ang mga karanasang iyon upang magtagumpay at matutong rumespeto sa iba.

Ang g**o ay pangalawang magulang ninyo kaya dapat ay alam niyo na kung ano ang maaaring gawin o magawa ng mga magulang ninyo sa inyong tahanan, ay magagawa rin ng mga pangalawang magulang sa paaralan. Sabi nga sa Bibliya:

Mga Kawikaan 13:24
"Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan."

Kaya kung ang bata ay hindi dumaan sa PAMALO, ay lalaki siyang PALALO.

Matagal ko nang gustong sabihin sa mga bata at magulang ngayon, na ang disiplina ay hindi laging POSITIBO. Kailangan rin ng negatibong pamamaraan. Kagaya ng reward at punishment minsan. Pasintabi sa Child Protection Policy ng DepEd, pero ito ay kailangan bisitahin upang makita kung ano na ang naging epekto nito sa ating mga kabataan, kaguruan, mga paaralan at sa lipunan.

Uulitin ko, hindi laging masaya ang buhay at hindi laging mabait sa'yo ang mga tao. May mga pagkakataon talagang kailangan mo ring makaranas ng "kasamaan" at kritisismo upang ikaw ay mas matuto pa sa buhay. Walang ibang tutulong sa iyo sa mundong ito sa karamihan ng mga problemang dadanasin mo kundi ang sarili mo lalo kapag wala ka nang ibang taong malalapitan. Kasama mong dapat alalahanin ang mga masasakit na karanasan sa buhay maging sa paaralan.

Tandaan, ang mga g**o ay TAO rin at nagkakamali. Hindi kami mga Santo o kaya ay anghel. May mga puntong napupuno rin kami sa kawalang-disiplina ng kabataan dahil may standards at targets kaming sinusunod. Walang sinuman ang maaaring humusga kung tama o mali ang aming ginagawa kung hindi ayon sa mga patakaran na sa amin ay inilalatag. Mayroon lamang maganda o masamang gawain pero kung tama o mali ang mga ito, ang resulta ang siyang magiging sukatan.

Ika nga, "the end justifies the means" at kung ang "end" naman o tunguhin ay mabuti kagaya ng pagdidisiplina, para sa akin kahit anong pamamaraan o "means" ang gamitin ng g**o o mga magulang ay makabubuti para sa mga bata maging positibo o negatibo man ito sa pananaw ng maraming tao.

Address

Purok 4
Cabiao
3107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sir Carlos Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sir Carlos Vlog:

Videos

Share