25/08/2020
PANDEMYA
Isa kang sakit na di malunasan
Buong mundo na ang iyong pinahihirapan
Maraming tao na ang iyong pinalisan
Sa kanilang pamilya ng hindi nila namalayan
Saan ka nga ba nagmula
Bakit lahat ng tao ay walang magawa
Parang nakakalat na isang bula
Na sa buong sulok ng mundo'y nagwawala
Ang mga tao ay nagkagulo
Nang sabihin ng pangulo nakalsada'y isasarado
Mga bahay ay dapat nakakandado
Mga pasyalan at gimikan ay dapat nakasarado
Lahat na ng tao ay nahihirapan
Sa kanilang kwarto ay nagsisiksikan
Para lamang hindi mahawaan
Hindi lumalabas kahit na walang laman ang tiyan
Mga politiko kayo ngayon ay nasaan
Ang sabi nyo noon kayo ay maaasahan
Bakit ngayon kayo ay nagbabangayan
Sa pera nang bayan na hindi nyo naman pinaghirapan.