23/02/2024
Ako si Obet.
Ako ay isa nang senior, may asawa, 3 anak, at 4 na apo. Kuntento na ko sa aking buhay at bawat araw ay nagpapasalamat ako na ako may lakas at nakakasama ang aking pamilya.
Ilang taon din ako na nahinto sa pagtatrabaho simula ng makagraduate na ang aking mga anak at yung dalawa ay nagkaron narin ng sarili nilang pamilya.
And buhay ko ay umiikot lang sa bahay, sementeryo (para dalawin ang aking mga magulang at magexercise dahil masarap maglakad lakad dun tahimik), at sa flying school (sabungan).
Pero nitong mga nakaraang buwan at taon, narealize ko na may lakas pa ako at gusto ko rin na makatulong sa aking pamilya. Kaya dito ko naisip na magtry na mag apply.
Para sa isang senior na katulad ko na hindi naman sanay sa gadget, kailangang kong matuto na gumamit ng laptop, makipag online meeting, mag unmute, at mag open ng camera. Madali lang din pala, pindut2 lang parang radyo.
Ngayon, bakit ko ito shineshare.
Una syempre ay yung sa kagustuhan kong makatulong sa aking pamilya. Hindi sila umaasa sa akin or sa aming mag asawa at hindi rin kami ganun sa aming mga anak. Naniniwala kasi ako na hindi kami responsibilidad ng mga anak namin at hindi namin sila pinalaki sa ganung pagiisip.
Pangalawang dahilan ay ito kasi ang linya ko. Nakita ko sa sarili ko at sinabi rin ng asawa at ng mga anak ko na may talent ako sa pakikipagusap at pakikipagconnect sa ibat-ibang tao. Kung naeenjoy ko to, hindi to magiging trabaho.
At pang huli, napapansin ko lang kasi na para bang iba na ang tingin ngayon sa trabaho o pagtatrabaho. Nauuso na yung idea na ang trabaho na 9 to 5 ay parang kulungan na dapat nating matakasan para umasenso.
Walang masama sa paghangad na umasenso. Pero ang tingin ko na dapat may mabago ay yung thinking na ang trabaho ay parang necessary evil na kailangan lang nating gawin para mabuhay. Hindi masama ang trabaho at wala akong nakikitang masama sa pagtatrabaho ng 20 to 40 years or hanggang sa hindi na kaya ng katawan mo.
Hindi rin namin realistic na lahat tayo ay maging businessman at iwan lahat ng 9 to 5 na trabaho.
Sayang naman kung wala ka nang makikitang magagaling na service crew, cashier, security guard, driver, teacher, nurse, at iba pang trabaho na makikita mo yung husay at pagiging iba ng bawat tao at trabaho.
Subukan mo minsan to, magpunta ka sa mall at umupo ka sa isang sulok habang nagbibilang ng social climber sa starbucks,
tingnan mo ng maigi ung bawat empleyado ng mall. Yung kanilang mga uniporme na nakaayon sa kanilang trabaho, yung kanilang ginagawa mismo na iba iba at ayon sa kanilang establishment o trabaho, tingnan mo ung pagkakaiba iba nila, kung panu interaksyon sakanila ng mga customer, at yung nagiging epekto nung serbisyo nila. Marerealize mo na sayang naman kung mawawala ang mga ito.
haba na pala
Ang sakin lang naman ay matuto tayong makuntento at makita na ang ating trabaho ay isang regalo.