Fliptop Zone

Fliptop Zone for entertainment ...
ka fliptop tuloy tuloy lng
paangatin ang mundo ng fliptop
FLIPTOP MAG INGAY

PAGKUKUMPARA ๐Ÿ“MGA LALAKE ITATAK NIYO TO SA KOKOTE NIYO!"Buti pa ang asawa ni ano, nakakapag-ayos parin kahit ilan na ang...
06/11/2024

PAGKUKUMPARA ๐Ÿ“

MGA LALAKE ITATAK NIYO TO SA KOKOTE NIYO!

"Buti pa ang asawa ni ano, nakakapag-ayos parin kahit ilan na ang anak nila."

"Buti pa si asawa ni ano magaling magbudget"

"Bakit yung ibang babae maganda at sexy parin kahit ilan na ang anak nila."

"Mabuti pa si asawa ni ano..."

"Blah blah blaaaaah"

Bago mo i-compare ang asawa mo
sa asawa ng iba or sa ibang babae,
magreality check ka, magself-reflect ka muna.

Baka naman kasi yung reality nila ganito,

-kaya nakakapag-ayos pa sila kasi
baka "GOOD PROVIDER" ang mga Mister nila.

Baka may budget talaga ang
mga misis nila pampaganda.

Pwede rin baka tinutulongan din sila
sa mga gawaing bahay kaya hindi ganon ka haggard.
Baka naman kasi hindi nakakastress ang mga mister nila.

Ito naman ang reality check mo,

For sure naman bago mo inasawa yan
nagandahan at nasexyhan ka na?
Kapag ba dumating ka sa bahay galing trabaho,
nabibigyan mo rin ba ng time si misis
para maasikaso ang sarili niya?

Minsan kasi may oras pa naman,
pero minsan yung lakas namin
para na lang sa mga anak at asawa namin,
wala ng para sa sarili.

Baka naman kasi hindi na makapag-ayos
at makapagpaganda eh kasi

MAS MADAMING INUUNA AT PRIORITY
ANG ASAWA MO AT KAYO YUN NG MGA ANAK MO.
ANG PAMILYA NIYA. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ

โœ…MINAHAL MO PERO SINAKTAN MO...Sa bawat relasyon, ang pagmamahal ay hindi laging nagtatapos sa kasiyahan...Minsan, kahit...
06/11/2024

โœ…MINAHAL MO PERO SINAKTAN MO...

Sa bawat relasyon, ang pagmamahal ay hindi laging nagtatapos sa kasiyahan...
Minsan, kahit gaano pa tayo kaingat, nagkakaroon tayo ng mga pagkakamali na nagdudulot ng sakit sa taong minamahal natin...

โ€œMinahal mo, pero sinaktan mo...
โ€ Ang mga salitang ito ay masakit pakinggan, ngunit para sa marami, ito ay isang reyalidad na kailangang harapin...

Nagmahal ka nang totoo buong puso, buong kaluluwa...
Ginawa mo ang lahat upang ipakita ang iyong pagmamahal, at inakala mong sapat na iyon...

Ngunit minsan, kahit anong gawin natin, may mga salitang nasasabi o gawaing nagiging sanhi ng lamat sa puso ng taong mahal natin...

Siguro dahil sa kawalang-ingat, sa hindi pagkakaintindihan, o sa takot na hindi mo alam kung paano ipakita ang nararamdaman...
Nagmahal ka, oo, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagdulot ka rin ng sakit...

Ang pag-unawa sa sariling pagkakamali ay mahirap, ngunit ito ang unang hakbang sa pagtanggap ng responsibilidad...

Sa pagmumuni-muni, nararamdaman mo ang bigat ng iyong nagawa...

โ€œPaano ko nagawang saktan ang taong nagbibigay saya sa akin?โ€ ang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa iyong isipan...

Ang bawat alaala ng inyong masasayang sandali ay nagiging paalala ng pagkawala ng tiwala, at ang sakit na naramdaman niya ay umaalingawngaw sa iyong puso...

Ngunit sa gitna ng pagsisisi, may natutunan kang mahalagang aral: ang pagmamahal ay hindi laging perpekto...

Ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang puro saya...
Ito ay puno ng pag-unawa, paghingi ng tawad, at pagsusumikap na magbago...

Kung tunay ang iyong pagmamahal, handa kang magsikap na magpakumbaba at gumawa ng paraan upang ayusin ang lamat na naidulot...

Handa kang maging tapat, humingi ng tawad, at ipakita sa kanya na hindi mo na uulitin ang pagkakamaling nagdulot ng sakit...

Sa huli, ang kwento ng โ€œminahal mo pero sinaktan moโ€ ay isang paalala na ang pagmamahal ay isang paglalakbay ng pagkakamali at pagkatuto...

Minsan, ang sakit ay nagiging daan upang tayo ay magbago, maging mas mabuti, at matutong mas mahalin ang taong pinahahalagahan natin...

Kung ikaw man ay nagkamali, tandaan na may pag-asa pa rin...

Mahirap man bumangon, ngunit sa bawat pagkilala ng sariling pagkakamali, may pagkakataon pa rin para sa tunay na pagbabago at muling pagtanggap ng pagmamahal...
~CTTO

SA PANAHONG SUSUBUKIN KAYO, KUNG GAANO KAYO KATATAG SA RELASYONG MERON KAYO...DOON MO MAKIKITA ANG TUNAY NA UGALI NG IYO...
06/11/2024

SA PANAHONG SUSUBUKIN KAYO, KUNG GAANO KAYO KATATAG SA RELASYONG MERON KAYO...

DOON MO MAKIKITA ANG TUNAY NA UGALI NG IYONG PARTNER.

AT KUNG NAG STAY KAYO SA ISA'T ISA KAHIT MERON KAYONg MGA KATANGIANG HINDI NYO GUSTO...

IBIG SABIHIN MAS LAMANG NA MAHAL NYO ANG INDIBIDWAL NA KATANGIAN DAHIL KAHIT HINDI KAYO PERPEKTO AY BUONG BUO NYONG MINAMAHAL ANG ISA'T ISA

KUNG NANA-NATILI PA RIN KAYO SA ORAS NG KAGIPITAN, HALOS KAYO'Y WALANG WALA NA SA ANTAS MAN NG PINANSYAL O EMOSYONAL

NANGANGAHULUGAN LANG NA, TANGGAP NINYO ANG SITWASYONG INYONG KINALALAGYAN,

DAHIL HINDI LAGING MAYROON AT HINDI NAMAN PALAGING WALA.

AT KUNG KAYO'Y MAKALILIGTAS SA MAPANUKSONG MGA MATA AT HINDI NYO NAIS SUNUBOK NA MAGTAKSIL SA INYONG MGA KAPAREHA...

NASISIGURO KO KAYO'Y MAGSASAMA NG MAPAYAPA.

Susubukin kayo ng Panahon, susubukin kayo ng mga nasa paligid nyo at malalaman nyo kung gaano nga ba kayo Katatag sa relasyong meron kayo.
~CTTO

โ€œNagtitiis ako para sa anak koโ€Sad to say, marami ang nasa ganitong sitwasyon ngayon. Inaabuso na, sinasaktan, pero nagt...
06/11/2024

โ€œNagtitiis ako para sa anak koโ€

Sad to say, marami ang nasa ganitong sitwasyon ngayon. Inaabuso na, sinasaktan, pero nagtitiis pa din kasama ang mga asawa nila.

โ€œAyoko ng broken familyโ€
Sa tingin niyo ba, buo pa din matatawag yung di kayo masaya at sinasaktan ka? Oo magkakasama kayo pero may lamat na. Sa tingin niyo okay sa mga anak na araw-araw may nagaaway na magulang? Hindi porke magkasama kayo ay buo.

โ€œMabuting ama ang asawa koโ€
Pero hindi mabuting asawa? Sa pamilya, inaalagaan at minamahal ang lahat ng miyembro. Deserve mo din ang pahalagahan.

โ€œResponsable ang asawa ko, siya ang bumubuhay sa aminโ€
Ano bang definition ng pagiging responsable? Hindi lang yan tungkol sa pera ah. Ang responsable ay iniisip ang kapakanan ng pamilya.

โ€œHindi ko kayang buhayin mag-isa ang mga anak koโ€
Kapag nakipaghiwalay ka, hindi mo naman kailangan sagutin lahat. Pwede mong ilaban ang child support. Kung wala kang trabaho ngayon, mag-isip ka na nga paraan paano kikita kasi yan ang susi para makaalis ka sa ganyang sitwasyon.

โ€œMahal ko ang asawa ko, umaasa akong magbabago siyaโ€
Kung paulit-ulit mo nang pinatawad at paulit-ulit ka nang niloloko, sa tingin mo magbabago pa? Kaya yan umuulit kasi alam na di mo kayang iwan kahit anong gawin niya.

Kung dati mabait siya at biglang nagbago ay di mo controlled yun. Biktima ka lang din. Pero yung paulit-ulit na ang pangaabuso sayo, tapos wala kang ginagawa, choice na yun. Maging mas matapang tayo at matatag. Matuto tayong lumaban kasi madaming mapagsamantalang tao.

Oo mahal natin sila pero matuto tayong mahalin ang sarili natin. Higit sa lahat, ating tandaan na responsibilidad natin na bigyan ng maayos at safe na buhay ang mga anak natin. Wag natin itong ipagkait sa kanila.
~CTTO

Wag mong pagdadamutan ang iyong Asawa Lalo na kung  wala siyang sariling Pera Kung wala siyang trabahoDahil sayo lang sy...
05/11/2024

Wag mong pagdadamutan ang iyong Asawa
Lalo na kung wala siyang sariling Pera
Kung wala siyang trabaho
Dahil sayo lang sya umaasa

Wag mong ipamuka sa kanya na ikaw ang nagpapasok ng pera
Sa inyong pamilya
Wag mo siyang hahanapan kung saan niya dinadala ang pera

Dahil sa totoo lang napakahirap mag budget
Kung magkano ang iaabot mo, pinagkakasya niya
Ginagawa niya ng paraan
Upang hindi mo na ito dagdag isipin pa.

Wag mo syang kwestyunin
Kung minsan ay isinisingit niya
Ang pagbili ng sarili niyang pangangailangan
Dahil deserve din naman niya yan
Sa buhay may asawa
Kaylangan pantay lang ang tingin sa bawat isa
Pareho kayong napapagod
Pareho kayong nagtatrabaho

Sa bahay lang siya
24/7 siya ikaw 6-8hours
May day off ka, siya wala
May sick leave ka, sya wala
May sweldo ka, siya wala
Kaya pantay pantay lang dapat
Hindi dahil ikaw ang nagpapasok ng pera
Ay ibig sabihin, wala na siyang ambag sa inyong pamilya.
~CTTO

" PAANO KAPAG YUNG LAGING UMINTINDI NG SAKIT AT PAGOD MO, NAPAGOD NA RIN KAKAINTINDI? ".Minsan loving someone so hard ca...
05/11/2024

" PAANO KAPAG YUNG LAGING UMINTINDI NG SAKIT AT PAGOD MO, NAPAGOD NA RIN KAKAINTINDI? ".

Minsan loving someone so hard can hurt us so bad. Yun bang ginawa mo naman lahat, binigay mo ang lahat just to make this person happy pero hindi ka naging sapat and will never be enough with the wrong person.

Pero huwag kang makampante dahil baka dumating sa punto na yung taong sobra-sobra ang pagmamahal sayo ngayon, yung taong hindi mo pinahalagahan, pag yan napagod, magsisisi ka.

You don't know how much that person tried na intindihin ka, you don't know how much that person tried na hindi masira ang tiwala niya sayo at panatilihing buo. You don't have an idea kung ilang besis nyang piniling ngumiti kahit gusto niya ng umiyak dahil sa mga pinaparamdam mo. You don't have idea kung paano niya pinili na intindihin ka kahit wala kang ibang ginawa kundi umarte na kasalanan niya pa at pawang ikaw ang biktima.

Langga, pag yang taong sobra-sobra ang pagmamahal sayo natauhan at marealize niya na ang hirap mong mahalin at ang sakit mong piliin dahil sa mga pinaparamdam mo, magiging kawalan mo ito. Kapag dumating ang araw na tuluyan siyang mapagod, wala ka nang babalikan.

Palaging tandaan na hindi dahil mahal na mahal ka ng isang tao ay pwede mo nang paulit-ulit i-invalidate ang kanyang naramdaman. Dahil ang taong mabait, mahirap kapag napagod.

Dahil kung nakaya mo siyang balewalain, lokohin, gamitin at i-take for granted, sorry to say pero hindi mo siya deserve at tama lang na pakawalan ka niya. Dahil kung para sayo hindi mo na appreciate ang kaniyang halaga sa iba blessings siya.

You will never understand how painful and draining it is dahil hindi naman ikaw ang naubos. To all girlies na hindi nasuklian ng right amount ang kanilang love to someone, tama lang na na bumitaw ka dahil baka siguro nilayo ka ni Lord sa taong ito dahil may maganda pa siyang plano para sayo. Smile kana at palaging tandaan mahalaga ka.
ctto:

Huwag mong isipin na iiwan ka ng babae dahil wala kang pera. Hindi ka iiwan ng BABAE dahil wala kang pera. Iiwan ka tala...
05/11/2024

Huwag mong isipin na iiwan ka ng babae dahil wala kang pera.
Hindi ka iiwan ng BABAE dahil wala kang pera. Iiwan ka talaga ng isang babae:

1) Kapag tumanggi kang baguhin ang iyong mga paraan o pag uugali.

2) Kapag wala kang oras para sa kanya.

3) Kapag pinahirapan mo ang iyong partner para intindihin ka niya!

4) Kapag ayaw mong makipag-usap sa kanya!.

5) Kapag wala kang tiwala sa kanya!.

6) Kapag wala kang pakialam sa nararamdaman niya.

7) Kapag sinubukan mong ibalik ang mga bagay mula sa kanyang nakaraan.

8)Kapag patuloy mong iniisip na mananatili siya habang patuloy kang nagsisinungaling, hindi tinatrato ng tama at hindi loyal.

9) Kapag nagkagusto/nagmahal ka ng ibang tao nang higit pa sa kanya.

10) Kapag hindi mo siya ipinagmamalaki, at minamaliit ang kanyang mga ginagawa.

Huwag mo gagawing komplikado ang mga bagay bagay para sa partner mo.

A REAL MAN KNOWS THAT ONE WOMAN IS ENOUGH.
IF YOU TREAT HER LIKE A QUEEN, SHE WILL TREAT YOU LIKE A KING.
~CTTO

Ang pagbibigay sa kanya ng paulit ulit na chance ay hindi magpapaganda sa pagtrato niya sa iyo. Ang pagmamahal sa kanya ...
05/11/2024

Ang pagbibigay sa kanya ng paulit ulit na chance ay hindi magpapaganda sa pagtrato niya sa iyo.

Ang pagmamahal sa kanya ng buong puso, o pagtrato sa kanya na parang siya ang pinakamagandang bagay sa mundo, ay hindi rin magbabago sa kanya.

Hindi mo mapipilit ang isang tao na magbago. At ang pagbabanta na aalis at babalik lang din ikaw sakanya ay parang inistuck mo na din ang sarili mo sa isang relasyong hindi mo alam kung may magandang patutunguhan

Sinubukan mo na ang lahat-maliban sa pag-alis ng tuluyan.
Kung nabasa mo ito, itโ€™s a sign.
Love yourself first,Know your worth ! โค๏ธ
~CTTO

"โค๏ธโค๏ธโค๏ธBAKIT MO PINALAYA, KAHIT MAHAL MO PA?"...โค๏ธโค๏ธโค๏ธEven though we don't want to, there are some things we need to let...
05/11/2024

"โค๏ธโค๏ธโค๏ธBAKIT MO PINALAYA, KAHIT MAHAL MO PA?"...โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Even though we don't want to, there are some things we need to let go of...
Even if we still want to win someone, there are times when we just stop...

Not because naduwag tayo, not also because hindi na natin mahal but because may sitwasyong kailangan nating huminto at ibigay ang kalayaan na gusto nila kahit ang kalayaan na yun ay lubusang ikakasakit natin...

Sa sobra nating pagmamahal sa isang tao nagiging selfish tayo, sa kagustohan nating piliting magwork ang relasyong matagal ng lumuwag mas lalo lang nating sinasaktan ang ating sarili...

You need to always remember that love is not all about pain, fighting, and begging just for them to stay...
You should always know your value dahil ang tunay na pagmamahal ay parang kape, dapat balanse ang pait at tamis...

Ang tunay na pagmamahal ay hindi pinipilit dahil ito ay kusang binibigay at kung totoong mahal ka ng isang tao?...

That person will no longer repeat the mistakes that he/she did in the past...
Dahil ang paulit-ulit na panloloko, at pagsisinungaling is no longer a MISTAKE but it is definitely a CHOICE...

Dahil kung matino ang isip mo, at alam mo sa sarili mo na may commitment ka to someone, kahit gaano ka-ganda at ka-gwapo ang ihaharap sayo hinding-hindi ka magpapadala sa libog at tukso because you know na may taong naghihintay at pinagkatiwalaan ka kahit pareho kayong nasa malayo...

Dahil kahit gaano pa natin kamahal we need to open our eyes, mind and heart that we do not deserve someone na mahal lang tayo pag tayo ang nandiyan...

We do not deserve a partner na in a relationship lang pag kayong dalawa lang ang magkasama...

Coz we all deserve a love that is PURE, TRUE, and REAL...

Remember you are a diamond that needs to be treasured and assured na sataong ito safe, secure, at siguradong ikaw lang talaga ang pipiliin niya sa araw-araw...

Na kahit ilang ulit man siyang mapagod ikaw parin ang pipiliin niyang maging pahinga...
โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
~CTTO

MAY MGA TAONG GUSTONG MAKASAMA KA , PERO HINDI KA NILA MAHAL Yung feeling na ayaw ka niyang mawala pero patuloy ka rin n...
05/11/2024

MAY MGA TAONG GUSTONG MAKASAMA KA , PERO HINDI KA NILA MAHAL

Yung feeling na ayaw ka niyang mawala pero patuloy ka rin niyang sinasaktan, ayaw niyang maghiwalay kayo pero palagi ka niyang pinapaiyak at sobrang toxic pa.

Masakit talaga bitawan yung taong matagal mong binuo,pinaghirapan at minahal o relasyon na matagal mong iniingatan at pinaglaban pero mas masakit ang manatili dito kapag alam mo na ngang toxic at napapatanong ka nalang kung minahal ka ba talaga niya, well that's not love anymore.Maybe he/she only needs you but donโ€™t love you.

Minsan kailangan mong kalimutan ang nararamdaman mo at tandaan kung ano ang nararapat para sa iyo, may mga tao kasi na saka ka lang ma appreciate kapag pagod ka na at ayaw mo na.Malalaman lang nila yung worth mo kapag sumuko ka na .

Ang relasyon ay nakasalalay sa mga pagkakaiba at mga pagkakatulad ng bawat isa.
~CTT0

๐Ÿ’ƒ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ’ƒANG BABAE WAG MONG SIYANG HAYAANG  MATULOG NG MABIGAT ANG LOOB HABANG UMIIYAK... Dahil yung nararamdaman niya sayo ma...
04/11/2024

๐Ÿ’ƒ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ’ƒANG BABAE WAG MONG SIYANG HAYAANG MATULOG NG MABIGAT ANG LOOB HABANG UMIIYAK...

Dahil yung nararamdaman niya sayo maaaring mapunta sa pagkapagod at yung lungkot niya ang magpapatulo sa mga luha niya gabi-gabi hanggang sa makatulog lang...

Wala ka doon, wala ka sa tabi niya para punasan ang mga luha niya sa mga pagkakataong kailangan ka niya dahil ikaw mismo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan...

Pagising niya ikaw ang una niyang iisipin, ikaw at ikaw lang, hindi ganoon kadali sa kanya para isipin kung anong kulang sa kanya at mali...

Hindi niya kasalanang maging sensitibo dahil mahal ka niya sa kadahilanang ikaw ang unang pumasok sa buhay niya dahil nangako kang mamahalin mo siya at aalagaan...

Ang mga babae nagiging mahina sila kapag ikaw na ang dahilan, pero ikaw din ang dahilan kung bakit sila nagiging masaya kahit panandalian...

โ€œ DON'T DO THIS TO HER , SHE'S WORTH SO MUCH MORE...โ€๐Ÿ™๐Ÿ™โค๏ธโค๏ธ
~CTTO

MAHIRAP TALAGA !  KAPAG IRESPONSABLE YUNG NAKARELASYON MO TAPOS WALA KA PANG SARILING INCOME... Yung tipong gusto mo san...
04/11/2024

MAHIRAP TALAGA !
KAPAG IRESPONSABLE YUNG NAKARELASYON MO TAPOS WALA KA PANG SARILING INCOME...

Yung tipong gusto mo sana bumili ng pagkaen na gusto mo na kahit piso wala ka, at wala kang pambili ng sariling mga personal hygiene mo.

Yung gusto mo sanang wag umasa sa asawa mo kasi nahihiya ka manghingi, pero no choice ka.

Yung tipong takot ka mag tanong kung sumahod na ba sya kasi gusto mo sana mabigyan ka kaya lang nag-iintay ka na lang abutan ka na minsan hindi ka na maabutan kasi kulang na kulang para lang sa gastusin at sa anak lang. Yung para sayo iniintay mo na lang kung kelan ka bigyan .

Gustuhin mo man lumayas at iwan sya ni singko wala kang pamasahe tas sisino sinuhin ka pa nya at ng side nya.

KAYA HANGGAT MAARI KUNG KAYA MO MAG TRABAHO, MAG TRABAHO KA
KASI IBA PA RIN KAPAG MAY SARILI KANG PERA

KUNG SWERTE KA SA ASAWA AT NABIBIGAY LAHAT NG PANGANGAYLANGAN AT GUSTO MO . MAPALAD KA
PERO KUNG MALAS KA SA ASAWA MAGSUMIKAP KA NA MAKAPAGTRABAHO KA HANGGAT MAARI WAG KANG MAG ANAK NG MAG ANAK.

PARA MAKARAOS KA .
~CTTO

HINDI LARO ANG MAGPAMILYAโ€ผ๏ธKailangan dyan mahal mo at kaya mong panindigan. Hindi pwede yung pag nahirapan kana buhayin ...
04/11/2024

HINDI LARO ANG MAGPAMILYAโ€ผ๏ธ

Kailangan dyan mahal mo at kaya mong panindigan. Hindi pwede yung pag nahirapan kana buhayin sila aayaw kana, pag naramdaman mo na nasasakal kana dahil may mga bagay na hindi mo na nagagawa eh tatakbuhan mo sila.

Kapag may nakita ka mas maganda at seksi eh pagpapalit mo na. Tandaan mo lahat iiwan mo, lahat tatalikuran mo, bisyo, tropa at ibp.. pati nga sarili mo halos hindi mo na iintindihin, pag may pamilya kna sila na ang lahat. Kung may sumobra lang yun ang para sayo.

Hindi laro yan na pag pagod kana o sawa kana eh pwede mo ayawan, may buhay at pakiramdam yan, responsibilidad mo yan kahit pa dumating ang unos o tukso. Wag ka susuko ipaglaban mo sila.
Wag mo pagpapalit kahit saan at kanino. Binuo mo yan, wag mo sisirain. Kaya saludo para sa lahat ng matinong ama, hindi madali pero hindi umaayaw.

BE MATURED ENOUGH BE A MANโ€ผ๏ธ
~CTTO

Napakadaling magcheat kapag hindi ka pa nahuhuli. Pero kapag nahuli ka na, doon ka na nagsisimulang humingi ng tawad, si...
04/11/2024

Napakadaling magcheat kapag hindi ka pa nahuhuli. Pero kapag nahuli ka na, doon ka na nagsisimulang humingi ng tawad, sinasabing aksidente lang iyon. Sigurado ka ba?

Bakit pa hintayin na magawa na ang pinsala bago makaramdam ng pagsisisi? Bakit pa hintayin na masira ang tiwala bago mapagtanto ang halaga ng pagmamahal ng isang tao?

Ang katapatan ay sinusubok kapag walang nakatingin, kapag walang kailanman makakaalam. Itโ€™s easy to break hearts pero ang pag-aayos nito ay nangangailangan ng tapang. Kailangan ng katapatan. At minsan, pagkatapos ng pagtataksil, kahit pag-ibig ay hindi sapat upang ibalik ang tiwalang nawala.

Isipin mo ang puso ng taong iyong sinaktan, nagtatanong sa kanilang halaga, nagtataka kung bakit hindi sila sapat. Isipin mo ang mga luha na minsan ayaw nilang ipakita, ang mga ngiting pilit nilang ipapakita para lamang itago ang kanilang sakit.

Kaya, kung natutukso kang ipagkanulo ang isang taong nagtitiwala sa iyo, mag-isip ka nang maraming beses. Isipin mo ang lahat ng mga gabing naghintay sila para sa iyo, ang mga pagkakataong naniwala sila sa iyo nang walang pag-aalinlangan.

Kapag nasira mo na ang tiwalang iyon, wala nang pagbalik sa dati. Piliin ang katapatan kaysa tukso, katotohanan kaysa kasinungalinga.

Because one day,when you truly realize the value of what you lost, you may find itโ€™s too late to say SORRY.
~CTTO

"๐—ฌ๐—จ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ช ๐—ž๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—›๐—œ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š..."Minsan kahit gaano natin kamahal o kagusto yung isang t...
04/11/2024

"๐—ฌ๐—จ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ช ๐—ž๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—›๐—œ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š..."

Minsan kahit gaano natin kamahal o kagusto yung isang tao, aabot talaga tayo sa punto na mapapagod tayo...

Mapapagod tayo kakaintindi sa mga bagay na paulit-ulit nalang nangyayari...
Mapapagod tayong isalba yung relasyong yung partner mo walang ginawa para isalba kung anong meron kayo...

It's hard to let go,
it's hard to move forward lalo na kung minahal natin yung tao ng husto, but loving someone so hard is not enough kung hindi naman ito nasusuklian ng tama...

Loving someone is painful kung palagi nalang ikaw ang nag-aadjust at umiintindi just to keep things working...

Never be so confident enough na mahal na mahal ka, at hindi ka niya kayang pakawalan dahil minsan pag yung tao naabuso at napagod na, wala kanang babalikan pa...

To all of the girlies na hindi na reciprocate ang love na deserve nila, to someone na puro sakit at trauma nalang ang nararamdaman sa isang relationship...

Hayaan mo lang, dahil darating sa punto na yung taong di mo kayang pakawalan, nakaya mo nang hayaan dahil naubos ka, dahil nasagad ka, at pag dumating yung point na yun, kataposan niyo na...

Huwag niyong i take for granted yung taong mahal na mahal kayo...
Never niyong saktan ng paulit-ulit yung taong walang ibang inintindi kundi ang mapabuti kayo, dahil one day you'll realize kung gaano sila ka importante, at once alam na nila ang worth nila, you can never have them back dahil inabuso niyo sila...

Salahat ng mga sinaktan, pinaglaruan, ginawang rebound palaging tandaan na mahalaga ka and you deserve a kind of love that is pure and genuine..
~CTTO

โ€œmay pinagsisisihan ka ba?...โ€Alam kong hindi na kayang pagtakpan ng salitang mahal kita ang mga masasakit na nabitiwan ...
04/11/2024

โ€œmay pinagsisisihan ka ba?...โ€

Alam kong hindi na kayang pagtakpan ng salitang mahal kita ang mga masasakit na nabitiwan na...
Hindi na kayang burahin ang dapat ay masasayang alaala lang...
Hindi na mapupunan ang mga pagkukulang...
Hindi na rin magagawang buuin nang walang lamat ang mga nabasag na...

Pagod na ako sa pagtatalo ng puso't isip ko kung hahabol ako o hindi...
Kung tatanungin ko ang sarili ko kung naging masaya ba ako noon ay oo...
Napasaya naman ako ng taong s'ya ring dahilan ng matinding sakit...
Pero kung pinagsisisihan ko bang nakilala ko s'ya o may pinagsisisihan ba ako?...

Wala, dahil hindi rin naman matatawaran yung mga araw na naramdaman kong mahal ako, buo yung pagkatao ko...
Umayon yung tadhana kahit saglit...
Naniwala ako sa pag-ibig muli at hindi man naging maganda ang aming pagtatapos...
Ayaw ko pa ring magsisi dahil sa pag-iwan n'ya sa akin...

Marami akong natutunan...
At babaunin ko ang mga aral at hindi ko pagsisisihang nagmahal ako ng tama sa paraang alam ko...
At kung sakali mang magkita kami muli... Magpapasalamat pa rin ako sa pagpaparamdam ng sakit dahil yun ang naging pundasyon ko para maging matatag ngayon...
~CTTO

BAGO KA SUMUKO, BASAHIN MO MUNA 'TO..."Sawang sawa na ako sa ugali mo...""Palagi na lang tayong nag-aaway, wala na bang ...
04/11/2024

BAGO KA SUMUKO, BASAHIN MO MUNA 'TO...

"Sawang sawa na ako sa ugali mo..."
"Palagi na lang tayong nag-aaway, wala na bang bago?..."

If your relationship is already in this situation... Try to ask yourself another question...

"Kapag sumuko ako, at nakakilala ng panibago. Pagdadaanan kaya namin 'to?...

Panigurado talagang pagdadaanan niyo dahil wala namang relasyong perpekto...
Definitely may excitement...
Pero what if dumating na din kayo sa point na puro away na lang?...
Hindi ba't ganun din?...
So why susuko?...
Why maghahanap ng iba?...
Kung pagdadaanan mo din yun sa iba?...
Diba?...
Imagine palit ka ng palit ng partner pero hindi ka nag go-grow up?...
Having that mindset na kung akala mo mahahanap mo sa iba ang ginhawa sa isang relasyon is so wrong...

Lahat ng relasyon dumadaan sa tensyon...
Hindi lahat masaya, lahat nagkakaroon ng problema...
Pero hindi dahilan yun para sumuko at maghanap ka ng iba...
Minsan kapag nag-stay tayo sa isang tao, dun tayo mas natututo...

And that's the reason to stay...
Finding another person isn't the right choice... Finding the solution is the right action...
~CTTO

โ€œ๐˜ฟ๐™„ ๐™‹๐™Š๐™๐™†๐™€๐™ ๐™‰๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™‰๐™๐™„๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐˜ผ๐™ ๐™‰๐˜ผ๐™‚ ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™’๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž ๐™€๐™ƒ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™‰ ๐™‰๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™ ๐™Ž๐™„๐™๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹โ€๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ž...
03/11/2024

โ€œ๐˜ฟ๐™„ ๐™‹๐™Š๐™๐™†๐™€๐™ ๐™‰๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™‰๐™๐™„๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ ๐˜ผ๐™ ๐™‰๐˜ผ๐™‚ ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™’๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Š๐™๐˜ผ๐™Ž ๐™€๐™ƒ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™‰ ๐™‰๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™ ๐™Ž๐™„๐™๐˜ผ ๐™‰๐˜ผ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‹โ€

๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž๐ฆ ๐ฐ๐ซ๐จ๐ง๐ ! ๐“๐ž๐ฅ๐ฅ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ญ๐ก๐จ๐ฌ๐ž ๐ฐ๐ก๐จ ๐ฃ๐ฎ๐๐ ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ, ๐ˆ๐ญโ€™๐ฌ ๐ฃ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ .

Ako nga, Naging MOMMY at the age of 18. After having 3 KIDS, PINAGPALIT ng asawa at naging SINGLE MOM naman.

Nagsimulang WALANG PERA, inalis ang ARTE at HIYA.. sa halip ginamit ang ABILIDAD at DISKARTE sabay KUMAYOD, NAGSIKAP, NAGTIIS at NAGTIYAGA.

Iโ€™m just beyond grateful for God's grace, dahil I can somehow say NAGBUNGA ang SACRIFICES, PAIN, DEPRESSION at HARDSHIPS na pinagdaanan ko nuon na akala ko dati ay wala na ko kapupuntahan.๐Ÿ’”

Ngayon may SAKTONG BUHAY pero KUNTENTO. Nakaka kain ng masasarap, nabibili kahit pano ang mga gusto, nakakapagtravel sa ibat ibang bansa at higit sa lahat, MASAYA kami ng 3 anak ko.๐Ÿ’–

Kaya ikaw kung SINGLE MOM KA DIN, kapit lang at patuloy mo lang ung magandang ginagawa mo para sa sarili mo at sa mga anak mo.

Tandaan WALANG SHORTCUT sa buhay, kailangan pagdaanan lahat ng TRIALS.

WALANG IMPOSSIBLE SA DIYOS, basta maging mabuting tao ka, pursigido at determinado sa pangarap mo, may buong tiwala sa sarili, may malalim na faith eh siguradong may HAPPY ENDING ka din in GODโ€™S PERFECT TIME.๐Ÿ™Œ๐Ÿป
~CTTO

Address

Cabanatuan City
3101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fliptop Zone posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category

Nearby media companies


Other Video Creators in Cabanatuan City

Show All