Akh Faisal Manigid ÎÎ

Akh Faisal Manigid ÎÎ � MOTIVATION �

https://sweatco.in/hi/faisalmanigid Check out this free app — It Pays to Walk 🚶

23/09/2023

Sa ngaun Kaylangan muna natin magtiis.
Ipa ubaya nalang muna natin Kay "Allah"☝️ Ang lahat.
Magiging ok din Ang Lahat🦋🤍

NIKKAH: sep.20 2023Mubarak and Congrats 🎉👏Samsudin & Aisa ALLAHUMMA BARIK LAHUMA🤲
21/09/2023

NIKKAH: sep.20 2023

Mubarak and Congrats 🎉👏
Samsudin & Aisa

ALLAHUMMA BARIK LAHUMA🤲

17/09/2023
17/09/2023

Upo ka muna, tapos inom ka ng tubig🦋☝️

17/09/2023

Assalamu alaykum warahmatullahi wabarakaatuho

Sa gusto pong mag enroll sa Ma'had Tahfidz Al-Qur'anil Kareem Buluan, Maguindanao Del Sur ay open po ang kanilang Ma'had para tumanggap Ng bagong mulit kung saan stay in po ito dahil mag memorize po sila Ng Qur'an at iba pa.

Sa gusto pong mag inquire, mag enroll mag Pm lang po Kay Ustadz Hanan P Mindal para po sa karagdagang information.

17/09/2023

Su kapyan nu ka Salam nengka Kano suled nengka Muslim🦋☝️

17/09/2023
17/09/2023

Itago nengka sa ginawa i yabala na kapegkapia na ginawa nengka siyaba sa dunya na lingkab a pakuboran😥

ANG PINAKA MAINAM NA SUNNAH AY KAPAG NATAKATANGGAP NG BIYAYA O MAGANDANG BALITA AY MAGSAGAWA NG SUJUD " Sujiod Shukr "❗❗...
17/09/2023

ANG PINAKA MAINAM NA SUNNAH AY KAPAG NATAKATANGGAP NG BIYAYA O MAGANDANG BALITA AY MAGSAGAWA NG SUJUD " Sujiod Shukr "❗❗

👉 Ipinag-utos ang pagsagawa ng Sujiod Shukr kapag nagkaroon ng biyaya tulad ng:

- Pagkakaroon ng bagong silang na anak
- Pagkakaroon ng bagong sasakyan, tahanan o anumang kagamitan,
- Pagkakaroon ng personal o pangkalahatang tagumpay ng mga Muslim o kaligtasan mula sa anumang kapahamakan, gumaling sa sakit etc..
- Pagkatanggap ng sahod, na promote sa trabaho, nagtapos sa pag-aaral, nakapasa sa isang exam (Bar, Board, Civil service etc..)
-Nakapag-asawa ng una o pangalawa (duaya) o anupamang biyayang natanggap bilang pasasalamat kay Allah mula sa Biyayang Kanyang Ipinagkaloob

👉👉 ANG PAMAMARAAN NG PAGPATIRAPA AY ANG MGA SUMUSUNOD:

a- Sa panahong pagkarinig ng magandang balita, agad magpatirapa ng isang beses na walang binibigkas na Takbeer (Allahu Akbar) bago magtirapa at kung ito naman ay binigkas ay wala namang pagbabawal ayon sa pananaw ng ibang mga pantas

b- Ang pagtirapa ay hindi nangangailangan ng pagsagawa ng Wudu, Pagtatakip ng awra o Pagharap sa Qibla ayon sa nakakaraming mga Salaf (sinaunang mananampalataya) at ang mga Muhaqqeqqen (eksperto).

Paliwanag: Kung ang babae ay walang takip sa ulo o nakalabas ang siko at wala namang nakakakita sa kanya na hindi mahram, Maaari siyang magpatirapa sa ganitong kalagayan at hindi na kailangan takpan pa ang ulo at siko .

Gayundin ang lalaki kung hindi niya natakpan ang awra ay wala namang pagbabawal na magpatirapa, Ngunit mas mainam na takpan nalang niya ang nasabing awra.

c- Walang natatanging Dua na bibikasin, Bagkus basahin lamang ang Dua sa pag-sujiod katulad ng “Subhana rabbiyal a’la”.
Ipinahintulot basahin ng isang beses o higit sa isang beses ayon kay Shaikh Bin Bazz.
Maaari rin niyang dagdagan ng karagdagang Dua na naaayon sa pangyayari.

d- Pagkatapos niyang magpatirapa, Siya ay tatayo na wala ng bibigkasing Takbeer at wala naring isasagawang Tasleem (salam)

e- Maaaring isagawa an

ANG PINAKA MAINAM NA SUNNAH AY KAPAG NATAKATANGGAP NG BIYAYA O MAGANDANG BALITA AY MAGSAGAWA NG SUJUD " Sujiod Shukr "❗❗

👉 Ipinag-utos ang pagsagawa ng Sujiod Shukr kapag nagkaroon ng biyaya tulad ng:

- Pagkakaroon ng bagong silang na anak
- Pagkakaroon ng bagong sasakyan, tahanan o anumang kagamitan,
- Pagkakaroon ng personal o pangkalahatang tagumpay ng mga Muslim o kaligtasan mula sa anumang kapahamakan, gumaling sa sakit etc..
- Pagkatanggap ng sahod, na promote sa trabaho, nagtapos sa pag-aaral, nakapasa sa isang exam (Bar, Board, Civil service etc..)
-Nakapag-asawa ng una o pangalawa (duaya) o anupamang biyayang natanggap bilang pasasalamat kay Allah mula sa Biyayang Kanyang Ipinagkaloob

👉👉 ANG PAMAMARAAN NG PAGPATIRAPA AY ANG MGA SUMUSUNOD:

a- Sa panahong pagkarinig ng magandang balita, agad magpatirapa ng isang beses na walang binibigkas na Takbeer (Allahu Akbar) bago magtirapa at kung ito naman ay binigkas ay wala namang pagbabawal ayon sa pananaw ng ibang mga pantas

b- Ang pagtirapa ay hindi nangangailangan ng pagsagawa ng Wudu, Pagtatakip ng awra o Pagharap sa Qibla ayon sa nakakaraming mga Salaf (sinaunang mananampalataya) at ang mga Muhaqqeqqen (eksperto).

Paliwanag: Kung ang babae ay walang takip sa ulo o nakalabas ang siko at wala namang nakakakita sa kanya na hindi mahram, Maaari siyang magpatirapa sa ganitong kalagayan at hindi na kailangan takpan pa ang ulo at siko .

Gayundin ang lalaki kung hindi niya natakpan ang awra ay wala namang pagbabawal na magpatirapa, Ngunit mas mainam na takpan nalang niya ang nasabing awra.

c- Walang natatanging Dua na bibikasin, Bagkus basahin lamang ang Dua sa pag-sujiod katulad ng “Subhana rabbiyal a’la”.
Ipinahintulot basahin ng isang beses o higit sa isang beses ayon kay Shaikh Bin Bazz.
Maaari rin niyang dagdagan ng karagdagang Dua na naaayon sa pangyayari.

d- Pagkatapos niyang magpatirapa, Siya ay tatayo na wala ng bibigkasing Takbeer at wala naring isasagawang Tasleem (salam)

e- Maaaring isagawa ang Sujiod kahit nakasakay sa pamamagitan pagyuko habang nakaupo kung sakali nakakayanan pang yumuko

f- Kung siya ay nasa kalagayan ng Salah ay hindi niya maaaring isingit o isagawa ang Sujiod Shukr

g- Isang beses lang po isagawa ang Sujud Shukr, Ngunit kung may dumating panibagong biyaya o maganda balita pagkatapos mo magsujud sa una ay maaari karin ulit magsujud doon sa bagong dating na magandang balita.

h- Kahit ang taong nasa kalagayan ng Hayd (mens) o Junob ay maaaring magsagawa ng Sujud

Ang katibayan sa pagsagawa ng SUJIOD SHUKR ay

Alinsunod sa naisalaysay ni Abi Bakra (kalugdan siya ni Allah), katunayan ang Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan) kapag dumating sa kanya ang bagay na kanyang ikatutuwa,kapag siya ay binalitaan ng magandang balita, siya ay magsasagawa ng pagpapatira bilang pasasalamat kay Allah”

-Ang pagpapatirapa na ito ay isang uri ng pasasalamat ng ating puso at labi!!

-Ang Sunnah na ito ay kadalasang nakakaligtaan na ng mga tao (Sunan Mahjoorah), kaya sa iyong pagsasagawa ay napabilang ka sa mga taong bumubuhay ng Sunnah ng Propeta

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

عن أبي بكرة رضي الله عنه: «أن النبي صلى الله عليه وسلم كان إذا أتاه أمرٌ يسره أو بُشر به خَر ساجدًا؛ شُكرًا لله تبارك وتعالى» أخرجه أبو داود وابن ماجه.

✍️ Zulameen Sarento Puti

11/09/2023

Ang Talambuhay ni Umar Bin Al-Khattāb (R.)!

• Ang Buong Pangalan niya:

Siya si Umar Bin Al-Khattāb Bin Nufail Bin Abd Al-Uzza Bin Rayah Bin Abdullah Bin Qart Bin Razzah Bin Uday Bin Ka'b Bin Lu'ay Bin Ghalib Bin Fahr Bin Malik Bin Al-Nadr (na Quraish) Bin Kinana Bin Khuzaymah Bin Mudraka Bin Ilyas Bin Mudar Bin Nizar Bin Maad Bin Adnan, Al-Adawi Al-Qurashi.

• Ang Kapanganakan niya:

Isinilang siya apat na taon pagkatapos ng tatlumpung taon bago ang marangal na misyon ng Propeta, at iniulat na siya ay ipinanganak labing tatlong taon pagkatapos ng taon ng Elepante.

• Ang Palayaw niya:

Ang palayaw ni Umar Bin Al-Khattāb ay Al-Farouq, at tinawag siyang Al-Farouq dahil pinagkaiba ng Allah ang kufr at pananampalataya sa pamamagitan niya.

• Ang Pagpapakumbaba niya:

Siya ay mapagpakumbaba sa harap ng Taga paglikha at sa kaniyang mga tauhan, sa kabila ng kaniyang prestihiyo at sa mga bansang nasa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Naatutulog siya sa Masjid at pumapasyal sa kanyang tauhan nang walang hukbong nagbabantay sa kanya.

Nang si Hormuzan ay pumasok sa kanya; Nakita niya itong nakahiga sa Masjid na walang mga bantay, kaya't sinabi niya: Ito, sumusumpa ako sa Allah, ang pinagpalang hari.

Nang pasukin siya ng ilang tao na sakop ng kanyang pamumuno, nakaramdam siya ng pagmamalaki sa kanyang sarili, kaya gusto niyang burahin ito, kaya lumabas siya na may dalang tubig sa kanyang likod.

• Ang mga Asawa niya:

Siya ay nakapag-asawa ng pitong babae noong mga panahon bago ang Islam at sila:

1. Zainab Bint Mazoon.
2. Malika Bint Jarul, ngunit hiniwalayan niya ito.
3. Qoraibah Bin Abi Umayyah Al-Makhzoumi, pagkatapos ay hiniwalayan niya ito.
4. Umm Hakim Bint Al-Harith Bin Hisham, pagkatapos ay hiniwalayan niya siya, at may nagsabing hindi niya ito hiniwalayan.
5. Jamila Bint Asim.
6. Atika Bint Zaid.
7. Umm Kulthum Bint Ali Bin Abi Talib (R.).

• Mga anak niya:

Siya ay may siyam na anak na lalaki, at sila: Abdullah; Ang Maalam at ang Muhaddith, si Ubaydullah, Asim, dalawang nakapangalan ng Zaid, tatlong nakapangalan ng Abdur-Rahman, Abu Shehma.

Sa mga babae, ay pito, sina: Hafsa; Ina ng mga Mananampalataya, Ruqayyah, Fatima, Aisha, Safiya, Jamila, at Zainab.

• Si Umar (R.) bago ang Islam:

Siya ay isinilang sa Makkah, at sa kanyang pagkabata ay namuhay siya sa kahirapan at kalupitan ng buhay. Nagtrabaho siya sa pagbabantay ng mga kamelyo, na nag-iwan ng malaking epekto sa kanyang pagkatao, na naging mas lumalaban sa mga kahirapan, higit pa mapagparaya sa responsibilidad, at mas malayo sa pagmamahal sa ginhawa at karangyaan.

Sa kanyang kabataan, lumipat siya mula sa pagtatrabaho sa pagbabantay ng kamelyo tungo sa pangangalakal, at nakapag-ipon ng kayamanan.

• Ang pagyakap niya sa Islam:

Yuamakap siya sa Islam sa edad na dalawampu't anim, at siya ang ikaapatnapung tao sa pagkakasunud-sunod ng mga yumakap sa Islam.

• Si Umar (R.) sa panahon ng Propeta (PBUH):

Si Al-Farouq (R.)ay lumabas na may balak na patayin ang Sugo ng Allah (PBUH), at may isang lalaki na sumalubong sa kanya sa kanyang paglalakbay, at sinabi nito sa kanya na ang kanyang kapatid na babae ay yumakap sa Islam, kaya galit na galit siya sa kanyang narinig na balita.

Pagdating niya, nakita niya itong nagbabasa ng mga talata mula sa Surat Taha, kaya natitiyak niya ang kanyang pagyakap sa Islam, binugbog siya at at ang kanyang asawang nagbabasa.

Nang makita niyang umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo, nanlambot siya at tinanong siya kung ano ang binabasa niya, kaya ibinigay niya ito pagkatapos niyang maligo.

Abangan ang susunod na kabanata sa kwento ng Talambuhay ni Umar Bin Al-Khattāb (R.).

Tinipon at Isinalin sa Wikang Tagalog ni: Abdullah M. Edres.

11/09/2023

KAYA TAYO HINDI NABUBUSOG DAHIL HINDI MAGKAKASAMA SA IISANG KAINAN❗❗❗

👉Naging kultura natin kapag tayo ay kakain bawat isa ay may sariling tayong plato at magkakahiwalay (hindi magkakasama sa isang plato o bandehado)❗

👉 Minsan pati ang mag-asawa ay may kanya kanyang plato at hindi nagsalo-salo sa iisang plato na may pandidiri❗

Kung hindi na kayang magsama kumain sa iisang plato o bandihado atles hindi sila magkakalayo ng upuan!

Ngunit, kung kaya naman ay mas mainam na sila ay kumain sa iisang bandehado dahil ang Barakah (biyaya) ay bumababa sa kalagitnaan ng pagkain!

👉👉 May isang Sahaba (kasamahan ng Propeta) ang dumaing sa Propeta) kung saan kanyang sinabi:
“Oh Sugo ni Allah! Kumakain kami ngunit hindi kami nakakaramdam ng pagkabusog”

Tugon ng Propeta: “Maaari kayo ay kumakain na magkakahiwalay (hindi nagsasalo-salo)?

Kanilang sinabi: “Opo!”

Sinabi ng Propeta: “Magsslo-salo kayo sa iisang kainan at sambitin ninyo ang pangalan ni Allah at biyayaan (Niya kayo sa inyong pagkain (Ang Barakah ay darating)” Inulat ni Imam Ibn Majah.

👉 Sa ibang Hadith: “Ang pinaka mainam na pagkain sa paningin ni Allah ay kung saan ang may maraming kamay” Mainam na Hadith ayon kay Shaikh Albani

Ang ibig sabihin ng maraming kamay ay: nagsalo-salo sa kainan❗❗

PAALAALA:

♦️ Hangga’t maaari ang mag-asawa ay kumain na magsalo sa iisang plato upang ang biyaya ay darating sa kanila, gayundin ang magkakapatid sa pananampalataya!

♦️Tinuruan tayo ng relihiyong Islam kung paano magkakalapit ang ating mga puso at huwag magtalikuran sa isa’t isa.

♦️ Kapag magsalo-salo sa iisang kainan, hangga’t maaari ay unang kunin ang pagkain na malapit sa kanya bago kumuha mula sa kalagitnaan ng pagkain o bandihado at sikapin na ang bawat kamay ay malinis at iwasan na mahulog ang pagkain mula sa kanyang bibig sa kainan!

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "يا رسولَ اللَّهِ إنَّا نأكلُ ولا نَشبعُ قالَ: فلعلَّكُم تأكُلونَ متفرِّقينَ ؟ قالوا: نعَم، قالَ: فاجتَمعوا على طعامِكُم، واذكُروا اسمَ اللَّهِ علَيهِ، يبارَكْ لَكُم فيهِ" حسنه الألباني في صحيح ابن ماجه 2674
و في رواية: "أحَبُّ الطعامِ إلى اللهِ ما كَثُرَتْ عليه الأيْدِي" حسنه الألباني في صحيح الجامع 171

✍️ Zulameen Sarento Puti

11/09/2023

𝗗𝗲𝗮𝗿 𝗤𝗮𝗱𝗮𝗿シ︎

𝘈𝘱𝘺𝘢 𝘥𝘪𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘶 𝘦𝘯𝘵𝘦𝘯 𝘬𝘢, 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘱𝘺𝘢 𝘦𝘯𝘥𝘢𝘸 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘯𝘥𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘺𝘢 𝘐 𝘬𝘢𝘮𝘣𝘦𝘣𝘦𝘵𝘢𝘥𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘨𝘬𝘢🤎🦋

10/09/2023

Kung hindi ka magtitiis, hindi ka magtatagumpay.🦋

10/09/2023

♡"Layuan mo kung ano ang nakakasakit para sa iyo,at mananatili ka sa isang mabuting kaibigan,dahil bihira mo lang ito matatagpuan,"♡🦋

10/09/2023

Huwag kang umasa sakin hindi ako Hafidh/Aleem
Isa lang akong simpleng tao na may pananampalataya sa ALLAH SWT.

07/09/2023

TUDTULAN SA KANO ISA A ULIPEN A SUBLA E KALBIT NIN. Pakikinig nu mapas ka masla e makuwa lun guna

By. Ustadz Saguir Salendab

22/08/2023

BANGSAMORO MORAL GOVERNANCE
(Kapedssambi sa ukit, palangayan nu Bangsamoro, endu Sistema a da makasugat, Kano Sistema nu Allah ta'ala ☝️

By. Ustadz Lucman Sultan

21/08/2023
21/08/2023

Hiya zawjatie 👳🧕🌹

Malaking halimbawa ito sa mag Asawa🌺

I've received 1,500 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🤍🤗🎉
21/08/2023

I've received 1,500 reactions to my posts in the past 30 days. Thanks for your support. 🤍🤗🎉

20/08/2023

INTERMISSION

Led by. mozaddima Adam Maitula Salilit

19/08/2023

A lot of people are broken inside but still manage to smile.
To everyone under secret pains, May Allah wipe away your tears!🤍

19/08/2023

“Mahal kita
alang-alang sa Allah”
is better than (Iloveyousomuch).

Good parents are those who educate their children about Islam.”
19/08/2023

Good parents are those who educate their children about Islam.”

19/08/2023

Education is not About Medals and High Grades, it's all About Manners and good Attitude you've Learned.

Ang pagiging mahinhin ng Isang babae,  ay isa sa mga dahilan kung bakit ka ginagalang ng mga lalaki🌹
19/08/2023

Ang pagiging mahinhin ng Isang babae, ay isa sa mga dahilan kung bakit ka ginagalang ng mga lalaki🌹

Address

Poblacion Buluan
Buluan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akh Faisal Manigid ÎÎ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Buluan media companies

Show All