RADIO TM FM 95.1 MHz

RADIO TM FM 95.1 MHz Radio TM FM is a member of ABS Station FM 95.1 Mhz with the power of Transmitter 5000 watts.
(2)

03/11/2024

PANOORIN!! Mensahe Mula Kay Omer kesmen sa Isinagawang Turn Over Ceremony 1.Unit Multipurpose Building Under Transitional Development Impact Fund (TDIF)

Implementing Minister: Minister of Public Works MPW-BARMM in Collaboration with the office of Member of Parliament.Hon.said z. Salendab.

Nitong Araw Ng beyernes November 01.2024
At Tamontaka 1.Cotabato City

PAF plane natanggalan ng gulong, sumadsad sa runwayPansamantalang isinara ang Basco Airport sa Batanes para sa mga fixed...
03/11/2024

PAF plane natanggalan ng gulong, sumadsad sa runway

Pansamantalang isinara ang Basco Airport sa Batanes para sa mga fixed-wing aircraft hanggang ngayong Nobyembre 3 kasunod ng pagsadsad ng Philippine Air Force (PAF) plane nang matanggalan ng gulong habang nagla-landing sa runway ng paliparan, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado.

Kinumpirma ng Spokesperson nitong si Col. Ma Consuelo Castillo kamakalawa ng gabi ang pagsadsad ng PAF C295 transport aircraft na may kargang family food packs na ipamamahagi sana ng Office of Civil Defense (OCD) para sa mga naapektuhan ng bagyong Leon sa lalawigan.

Bandang alas-3 ng hapon nitong Sabado nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster relief mission ang C295 aircraft.

Sa kabila ng insidente, sinabi ni Padilla na magpapatuloy ang isinasagawang rescue at relief operations ng PAF sa Batanes.

Sinabi naman ni Civil Aviation Autho¬rity of the Philippines (CAAP) cluster 1 ma¬nager Ronald Estabillo, ang nasirang aircraft ay nananatiling nasa runway kahapon, kung kaya ang mga helicopters lang ang puwedeng lumapag sa airport.

Ani Estabillo, ang equipment o kagamitan na gagamitin upang maialis ang PAF plane mula sa runway ay inasahan ang pagdating nitong Sabado at kapag naisaayos na ay magbabalik sa normal ang operasyon ng nasabing paliparan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CAAP at Philippine National Police-Aviation Security Group (Avsegroup) sa insidente.

Source: Pilipino Star Ngayon, Nov. 3, 2024, Joy Cantos

Anak napatay ng ama sa saksakNapatay sa saksak ng isang ama ang kanyang 29-anyos na lalaking anak sa Barangay Sta, Cruz ...
03/11/2024

Anak napatay ng ama sa saksak

Napatay sa saksak ng isang ama ang kanyang 29-anyos na lalaking anak sa Barangay Sta, Cruz sa bayan ng Ronda sa Cebu nitong Biyernes, November 1, 2024.

Sa ulat ng pulisya at ng mga barangay officials sa Sta. Cruz, kilala ang napaslang na si Michael Ugbaniel sa pagiging marahas sa kanyang sariling ama, si Moises, tuwing may hindi sila pinagkakaunawaan.

Unang nagtalo ang mag-ama bago naganap ang madugong insidente nitong All Souls Day, November 1.

Una diumanong hinampas ng malaking bato ni Ugbaniel ang kanyang ama at tumakbo palayo. Hinabol siya ng kanyang ama na may dalang kutsilyo at agad siyang sinaksak sa dibdib ng maabutan.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Ugbaniel, ayon sa mga imbestigador ng Ronda municipal police.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang ama ni Ugbaniel na si Moises, nahaharap na sa kaukulang kaso. (Nov.3, 2024, Contributed report)

Lolo at apo, 2 apo tupok sa sunog Patay ang isang senior citizen at dalawang batang apo nang ma-trap sa nasusunog nilang...
02/11/2024

Lolo at apo, 2 apo tupok sa sunog

Patay ang isang senior citizen at dalawang batang apo nang ma-trap sa nasusunog nilang dalawang palapag na tahanan sa Teresa, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Narciso Santos, 71-anyos; at mga apong sina Skyler Bolante, 10-anyos at Amber Santos, 7-anyos.

Lumilitaw sa ulat ng Teresa Municipal Police na dakong alas-11:53 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Carissa Homes East 2, Brgy. San Gabriel, bayan ng Teresa.

Ayon kay Major Edzel Macasero, hepe ng Teresa Police Station, natagpuan ng mga rumespondeng fire marshals ang mga biktima na kapwa patay na matapos maideklarang under control ang sunog.

Sa ulat, alas-11:53 ng umaga habang mahimbing na natutulog ang mga biktima nang hindi nila namalayan ang pagliyab ng kanilang kabahayan.

Hindi na nagawang makalabas ang mga biktima na nasa ikalawang palapag ng bahay dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa buong kabahayan na tumupok sa ‘di pa batid na halaga ng mga ari-arian.

Hinihinala ng mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection at Teresa Police na maaaring nasawi sa “suffocation” ang mga biktima dahil sa matinding usok sa loob ng kanilang silid matapos na ma-trap.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na naap**a dakong alas-12:32 ng tanghali, nitong Biyernes.

Sinisiyasat ng mga awtoridad kung faulty electric wire ang sanhi ng sunog, at maging ang kabuuang danyos o pinsala nito.

Source: Pilipino Star Ngayon, Nov. 2, 2024, Ed Amoroso & Mer Layson

P10-M halaga ng ma*****na naharang sa Ninoy Aquino International AirportNaharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino Inter...
01/11/2024

P10-M halaga ng ma*****na naharang sa Ninoy Aquino International Airport

Naharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang kargamento na naglalaman ng mahigit P10 milyong halaga ng “kush” o high-grade ma*****na.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio nitong Biyernes, Nobyembre 1, ang kontrabando ay nadiskubre sa masusing physical examination sa parcel mula Estados Unidos.

Dito na nadiskubre ng mga awtoridad ang 7.1 kilo ng kush na isiniksik sa parcel.

Itinurn-over ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa masusing imbestigasyon at pinag-aaralan na ang paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Source: Remate Online, Nov. 1, 2023, RNT/JGC

CAFGU member binaril, patay, inagawan ng motorIsang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit binaril ng ilang...
01/11/2024

CAFGU member binaril, patay, inagawan ng motor

Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit binaril ng ilang ulit sa ulit at inagawan pa ng motorsiklo sa isang bahagi ng Awang-Upi Highway sa Tenorio area sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi Biyernes, Nov. 1, 2024.

Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo ang biktima, si Charlie Marohom.

Galing diumano ang naturang CAFGU member sa duty sa isang detachment at pababa ng ng Cotabato City ng tambangan ng mga armadong sakay ng motorsiklo na agad ding kinuha ang kanyang motorsiklo, sinakyan ng isa sa kanila at sabay na silang tumakas. (Nov. 1, 2024)

Lanao gov tanging kandidato ng Malacañang na hindi UBJP memberIkinagalak ng marami sa Lanao del Sut at sa iba pang probi...
01/11/2024

Lanao gov tanging kandidato ng Malacañang na hindi UBJP member

Ikinagalak ng marami sa Lanao del Sut at sa iba pang probinsya ng Bangsamoro region ang pagbigay ng bendisyon nito lang nakalipas na linggo ni President Ferdinand Marcos, Jr. kay reelectionist Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., bilang kandidato ng Malacañang para sa naturang puwesto.

Tanging si Gov. Adiong lang ang dineklarang kandidato ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagka-governor ng Lanao del Sur ang mula sa Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP) regional party, kasabay ng apat na iba pa na mula naman sa United Bangsamoro Justice Party ng Moro Islamic Liberation Front.

Si Adiong ay isa rin sa mga founders Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition, mas kilala bilang BGC. Ang kanyang partido, ang SIAP, ang pinaka-unang regional political party sa BARMM na ilang beses ng naiulat ng regional at national media na may mahigit ng 600,000 na mga dokumentadong supporters at mga miyembro sa limang probinsya at tatlong lungsod ng rehiyon.

Kasabay ni Gov. Adiong na na-proklamang mga pinapaborang kandidato ni Pangulong Marcos nitong nakalipas na linggo lang sina Tucao Mastura sa pagka-governor ng Maguindanao del Norte; Ali Midtimbang sa pagka-governor ng Maguindanao del Sur, Esmael Sali sa pagka-governor ng Tawi-Tawi, at Hajiman Salliman sa pagka-vice governor ng Basilan.
Sina Mastura, Midtimbang, Sali at Salliman ay mula naman sa United Bangsamoro Justice Party na pinamumunuan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Bagama’t hindi miyembro ng UBJP, si reelectionist Gov. Adiong ay kilalang masigasig na supporter ng peace process ng Malacañang at ng M**F na ang pinuno ay si BARMM Chief Minister Ebrahim din. (Nov. 2, 2024)

01/11/2024

PANOORIN!! Message of Support Mula Kay Bangsamoro Director General Professor. Tahir G. Nalg, Ng MBHTE -BARMM Madaris Education.sa Isinagawang Turn Over Ceremony 1.Unit Multipurpose Building Under Transitional Development Impact Fund (TDIF)

Implementing Minister: Minister of Public Works MPW-BARMM in Collaboration with the office of Member of Parliament.Hon.said z. Salendab.

Nitong Araw Ng beyernes November 01.2024
At Tamontaka 1.Cotabato City

20 drivers positibo sa PDEA-9 random drug testingAbot sa 20, mula sa 756 na drivers at conductors ng mga bus at mga pamp...
01/11/2024

20 drivers positibo sa PDEA-9 random drug testing

Abot sa 20, mula sa 756 na drivers at conductors ng mga bus at mga pampasaherong van, ang nag-positibo sa ginagawang drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ibat-ibang lugar sa Region 9 nitong Huwebes.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, sasailalim sa psychosocial interventions ang 20 na mga hindi pumasa sa drug test na kanilang isinagawa sa ibat-ibang lugar sa Zamboanga peninsula kaugnay ng “Oplan Harabas” ng ahensya.

Ayon kay Gadaoni-Tosoc, malaki ang naitulong ng Land Transportation Office at pulisya sa kanilang isinagawang drug testing kaugnay ng Oplan Harabas, kung saan 736 sa 756 mga drivers at conductors na sumailalim dito ay pasado.

Ang Oplan Harabas ay naglalayong mailayo sa disgrasya ang mga pasahero ng mga bus at mga pampasaherong van na bibyahe sa mga highway sa Region 9 ngayong All Saints Day at All Souls Day holidays. (Nov. 1, 2024)

01/11/2024

Suara Talainged
live at Upi Maguindanao del Norte

Pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan, ni-raid ng BIRNilusob ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang malaking...
01/11/2024

Pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan, ni-raid ng BIR

Nilusob ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang malaking pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan dahil sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang naturang pabrika ay illegal na gumagawa ng mga sigarilyo na matatagpuan sa Cabanatuan City.

Anya ang pabrika ay may P636,935,703.54 ng unpaid taxes at pe¬nalties.

Sinabi ni Commissioner Lumagui na naisagawa ang raid katulong ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at natuklasan nila na ang operasyon ng pabrika ay nasa ground floor ng isang rest house at mayroong truck contai¬ners na ginagamit bilang storage facilities para pagtaguan ng mga kontrabando.

Nakita rin ang isang bunker at isang firing range bukod sa mga illicit ci******es, machines, fake tax stamps, raw to***co at ibang materyales na ginagamit sa pag manufacture ng sigarilyo.

Sa naturang raid, nahuli dito ang 15 Chinese nationals at ipaghaharap na ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa National Internal Revenue Code.

Source: Pilipino Star Ngayon, Angie Dela Cruz, Nov. 1, 2024

Tatay pinatay ng praning na anakIdineklarang dead-on-arrival ang isang 53-anyos na ama ng tahanan matapos na siya ay ata...
01/11/2024

Tatay pinatay ng praning na anak

Idineklarang dead-on-arrival ang isang 53-anyos na ama ng tahanan matapos na siya ay ataduhin ng saksak sa dibdib ng anak na high sa droga sa loob ng kanilang bahay sa Hacienda Bacsay, Barangay Robles, La Castellana, Negros Occidental.

Kinilala ni Police Major Rhojn Darell Nigos, hepe ng La Castellana police, ang biktima na si Rolando Mosquera Sr.

Sa ulat,kakauwi lang ng biktima mula sa pagtatanim ng puno ng saging nang salubungin ng saksak ng kutsilyo ng kanyang 21-anyos na anak ang dibdib nito.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga kamag-anak at dinala sa ospital kung saan idineklara itong patay.

Naaresto ang suspek habang nagtatago sa isang madamong lugar at narekober ang kutsilyo na ginamit sa krimen, isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544, dalawang lighter, at isang kulay berdeng kurtina na may mga mantsa ng dugo.

Sinabi ng pulisya na inaakala ng suspek na binabalak siya ng kanyang ama na ilibing nang buhay nang siya ay nagtatanim ng mga puno ng saging.

Kagagaling lang ng Bicol sa probinsiya ang suspek kung saan siya ipinadala dahil sa kanyang pagkalulong sa droga.

Isinailalim sa drug test ang suspek at sasampahan ng kasong parricide at illegal drugs.

Source: Pilipino Star Ngayon, Doris Franche-Borja, November 1, 2024

Rider nag-overtake, patay sa kasalubong na busIsang motorcycle rider ang nasawi nang sumalpok ang minamanehong motorsikl...
01/11/2024

Rider nag-overtake, patay sa kasalubong na bus

Isang motorcycle rider ang nasawi nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakasalubong na bus sa national highway sa Brgy. Taboc, San Juan, La Union.

Ayon sa pulisya, ang driver ng kulay itim na Rusi 125 motorcycle ay isa umanong administrative aide 1, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Naguituban, San Juan, La Union,samantalang ang 40-anyos na driver ng kulay puting bus ay residente naman ng Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang motorsiklo ay papuntang timog samantalang ang bus ay papunta naman ng opposite direction.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang motorsiklo sa isang sasakyan kaya nakasalubong nito ang bus na nagresulta sa kanilang banggaan.

Resulta nito, nagtamo ang driver ng motorsiklo ng severe injuries na agad na dinala sa ospital, su¬balit namatay din ito.

Source: Pilipino Star Ngayon, Doris Franche-Borja, Nov. 1, 2024

Patay sa mga tama ng bala at mga shrapnel ng rifle gr***des ang 19 katao mula sa dalawang grupong Moro, parehong may com...
31/10/2024

Patay sa mga tama ng bala at mga shrapnel ng rifle gr***des ang 19 katao mula sa dalawang grupong Moro, parehong may combat weapons na walang mga dokumento, na nagkaengkwentro sa Barangay Kilangan sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Miyerkules, October 30, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang isa sa dalawang nagbarilan na mga grupo ay pinamumunuan ni Engineer Alonto Sultan habang ang isa naman ay sakop ng isang commander ng Moro Islamic Liberation Front na si Ikot Dandua at isa pang pansamantalang nakilala lang na Bawsi na marami ding tauhan na mga kasapi ng M**F.

Kinumpirma ng mga local executives at ng pulisya na dalawa sa mga tagasunod ni Sultan ang namatay sa naturang palitan ng putok gamit ang mga assault rifles at gr***de launchers habang 17 naman na mga nalagas, patay sa mga tama ng bala, sa grupo nila ikot at Bawsi.

Matagal ng may alitan sa control ng 280 ektaryang lupa sa Sitio Gageranin sa Barangay Kilangan sa Pagalungan ang dalawang grupo. Iginigiit nila Sultan na ang naturang lupa ay sa kanila ngunit. Ayon sa mga residente ng naturang lugar, mga ninuno nila ang nagsasaka sa naturang mga mga lupain bago na sumiklab ang Mindanao Moro rebellion apat na dekada na ang nakalipas.

Sa ulat ng mga barangay officials at ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya, unang nagka-tensyon sa Sitio Gageranin ng muling igiit ng grupo nila Sultan ang kanilang pagmamay-ari ng lupang pinag-aawayan kung saan pumalag ang kabilang panig kaya sumiklab ang palitan nila ng putok gamit mga M16 at M16 assault rifles.

Nagsisikap na ang local government unit ng Pagalungan, ang 90th Infantry Battalion at ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na maayos ang sigalot na nakaapekto ng hindi bababa sa 2,000 na mga residente ng naturang barangay. (October 31, 2024)

2 lalaki lunod sa ilog sa BulacanDalawang lalaki ang naiulat sa magkahiwalay na insidente nang pagkalunod sa ilog ng bay...
31/10/2024

2 lalaki lunod sa ilog sa Bulacan

Dalawang lalaki ang naiulat sa magkahiwalay na insidente nang pagkalunod sa ilog ng bayan ng Paombong, Bulacan.

Sa report ng Calumpit rescue, natagpuang palutang-lutang ang alsadong bangkay nitong umaga ng Martes, Oktubre 29 sa ilog na sakop ng Brgy. San Isidro, Paombong ang bangkay ng isang lalaking nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’4”- 5’6”, may katamtamang katawan, nakasuot ng itim na short at t-shirt.

Sinasabing bandang 12:50 ng tanghali nitong Linggo ay may napaulat na isang lalaki ang nalunod sa Brgy. Gatbuca, Calumpit.

Ang ikalawang insidente ay naganap sa ilog ng Brgy.Atlag, Malolos na kung saan isang lalaking grade 8, student ang nagtampisaw hanggang sa malunod at mamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang insidente ng pagkalunod sa nasabing ilog.

Source: Pilipino Star Ngayon, Oct. 31, 2024, Omar Padilla

Magsasaka binaril sa ulo, patayPatay ang isang magsasaka nang barilin sa ulo at katawan ng dalawang kalalakihan habang n...
31/10/2024

Magsasaka binaril sa ulo, patay

Patay ang isang magsasaka nang barilin sa ulo at katawan ng dalawang kalalakihan habang nagpapakain ng baka nito, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salao, Rosario Batangas.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Melchor Sabelita, 57-anyos, residente ng nasabing barangay.Habang tumakas ang dalawang hindi pa nakilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kasalukuyang nagpapakain ng mga alaga nitong baka ang biktima nang dalawang kalalakihan ang dumating at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Nang duguan itong humandusay ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Source: Pilipino Star Ngayon, Nov. 30, 2024, Cristina Timbang

P1-M halaga ng shabu nasamsan ng PDEA sa Lanao SurNasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P1...
31/10/2024

P1-M halaga ng shabu nasamsan ng PDEA sa Lanao Sur

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P1 million na halaga ng shabu mula sa mga armadong dealers matapos ang kanilang palitan ng putok sa isang liblib na barangay sa Wao, Lanao del Sur nitong umaga ng Miyerkules, October 30, 2024.

Sa pahayag nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang entrapment operation sana ang kanilang isasagawa sa Barangay Kili Kili East sa Wao ngunit sila ay pinaputukan ng mga kasama ng isang dealer na kanila sanang bibilhan ng shabu.

Ayon sa mga barangay officials, nakahalata ang naturang grupo, pinamumunuan ng isang nagngangalang Paulo na kilalang shabu dealer sa Wao, na mga law-enforcement agents ang bibili ng P1 million na halaga ng shabu sa kanila kaya sila agad na namaril at mabilis na tumakas.

Nakumpiska nila Castro at kanyang mga kasama ang P1 million na halaga ng shabu na naiwan nila Paulo at kanyang mga armadong mga kasama.

Ayon kay Castro, nailatag ang naturang entrapment operation sa tulong ng mga Army units na sakop ng 103rd Infantry Brigade at mga impormanteng alam ang mga illegal na gawain ng naturan grupo. (October 31, 2024)

31/10/2024
Patay sa mga tama ng bala at mga shrapnel ng rifle gr***des ang 19 katao mula sa dalawang grupong Moro, parehong may com...
30/10/2024

Patay sa mga tama ng bala at mga shrapnel ng rifle gr***des ang 19 katao mula sa dalawang grupong Moro, parehong may combat weapons na walang mga dokumento, na nagkaengkwentro sa Barangay Kilangan sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Miyerkules, October 30, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang isa sa dalawang nagbarilan na mga grupo ay pinamumunuan ni Engineer Alonto Sultan habang ang isa naman ay sakop ng isang commander ng Moro Islamic Liberation Front na si Ikot Dandua at isa pang pansamantalang nakilala lang na Bawsi na marami ding tauhan na mga kasapi ng M**F.

Kinumpirma ng mga local executives at ng pulisya na dalawa sa mga tagasunod nila Commander Ikot at Bawsi ang namatay sa naturang palitan ng putok habang 17 naman ang mga nalagas patay sa mga tama ng bala, sa grupo ni Engr. Alonto Sultan.

Matagal ng may alitan sa control ng 280 ektaryang lupa sa Sitio Gageranin sa Barangay Kilangan sa Pagalungan ang dalawang grupo. Iginigiit nila Sultan na ang naturang lupa ay sa kanila ngunit. Ayon sa mga residente ng naturang lugar, mga ninuno nila ang nagsasaka sa naturang mga mga lupain bago na sumiklab ang Mindanao Moro rebellion apat na dekada na ang nakalipas.

Sa ulat ng mga barangay officials at ng mga opisyal ng pulisya sa probinsya, unang nagka-tensyon sa Sitio Gageranin ng muling igiit ng grupo nila Sultan ang kanilang pagmamay-ari ng lupang pinag-aawayan kung saan pumalag ang kabilang panig kaya sumiklab ang palitan nila ng putok gamit mga M16 at M16 assault rifles.

Nagsisikap na ang local government unit ng Pagalungan, ang 90th Infantry Battalion at ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na maayos ang sigalot na nakaapekto ng hindi bababa sa 2,000 na mga residente ng naturang barangay. (October 31, 2024)

30/10/2024

PANOORIN!!
Opening Remarks Mula Kay Hon.Datu Bimbo Ayunan Pasawiran sa Isinagawang Kamustahan sa Barangay sa mother Kalanganan . Cotabato City Ngayon Araw Merkules October 30.2024

30/10/2024

LIVE ENTERVIEW.

Si Barangay Chairman Hon.Joharto U.Binangon .sa KATATAPOS Ng Ika-2nd Semester Ng Barangay Assembly Day Ngayon Araw Ng Merkules October 30.2024

BREAKING NEWS|||ISA SA KAPATID NG ASPIRANT CONCILOR NG TEAM MALIMO PINAGBABARIL AT MA SWERTENG NAKA ILAG SA BALA NG SUSP...
30/10/2024

BREAKING NEWS|||
ISA SA KAPATID NG ASPIRANT CONCILOR NG TEAM MALIMO PINAGBABARIL AT MA SWERTENG NAKA ILAG SA BALA NG SUSPEK SA BAYAN NG BULUAN MAGUINDANAO DEL SUR BARMM.

BULUAN MDS- Kahapon October twenty eight taong twenty twenty four sa oras na alas tres singkweta ng hapon,maituturing pangalawang buhay ng isa sa Kapatid ng aspirant concial ng Team Malimo na si Jedin "Kuya Ebz" Timpolok Daunotan.

Ayon sa biktima siya ay nag hatid ng pasahero niya sa kaniyang motor na pinapasada sa gumamale street Poblacion Buluan Maguindanao Del sur, ng may biglang naka motor na Baja Kawasaki Kulay p**a at may ankas ng bigla siyang pinag-babaril habang nag mamaneho at ng palapit na di umano ang suspek ay binaril sa may ibaba ng tainga niya at ma Swerteng Hindi pumutok ang baril ng suspek ,at ng patuloy niyan binaril ang biktima ay duon na nag karoon ng tyansa na makapasok sa isang masgit na kung saan duon siya naga imaaam Kasama ang kaniyang ama na Sila ang nag sisilbing maintenance o care taker ng MASJID NORJANA o sa White House sa nabanggit na Bayan tinamaan ng suspek ang sa gilid ng side car na minamaneho ng biktima

Nagpasalamat sa Allah ang tinaguriyang The king of Moro Song na si Datu Khomeini Camsa Bansuan na walang nangyari sa kaniyang Partner sa larangan ng pagkanta ng Moro song, Kasama ang Pamilya ng biktima.

Kinilala ang biktima na si Jeppoy Timpolok Daunotan, isa siyang Practitioner Qur an reading imaam at kilala din sa talento niyang pag piano.

Matatandaan nitong October twenty five twenty twenty four, walang awang pinag-babaril din ang isa sa anak ng aspirant concial na si Mamalangkas Idsa ang kaniyang anak na si Saddam Idsa.

Nanawagan naman ang Pamilya ng mga biktima na makuha at makamit nila ang HUSTISIYA at mapanagot ang sa likod ng gumawa ng krimen na eto dahil alam nila kung sino ang suspek sa pag baril Kay jeppoy at pag baril pag patay Kay Sadam Idsa.

Dag dag pa ng Pamilya ng mga biktima ay nanawagan Sila Kay Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Hon Cong Datu Thong Paglas at ng mga PNP AFP na matulongan silang makamit ang HUSTISIYA at para sa mamayan ng Buluan upang matigil na ang patayan sa nabanggit na Bayan.

Nagpapatuloy parin ang imbistigasyun ng mga kapulisan .

Ccto image

Address

Buluan
9616

Telephone

+639068563588

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RADIO TM FM 95.1 MHz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RADIO TM FM 95.1 MHz:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Buluan

Show All