29/07/2024
[BAYAN1HAN: Kalinga sa Oras ng Kalamidad]
Nang dahil sa hagupit ng nagdaang Bagyong Carina ang kalakhang bahagi ng Marilao ay nalubog sa baha. Apektado ng sakunang ito ang ating mga kapwa BulSUan mula sa nabanggit na lungsod. Ito ang nagpapahirap sa kanila at kanilang pamilya na maka-ahon muli. Bilang kapwa kamag-aral, hindi lamang natatapos sa loob ng pamantasan ang ating sama-samang paglaban.
Kaya naman ang BulSUONE ay naglunsad ng proyektong nagnanais na tumulong at kumalinga sa mga biktima ng nagdaang bagyong Carina. Sa pamamagitan ng (Kalinga sa Oras ng Kalamidad) na isang donation drive na may layuning lumahok sa pag-alalay at pagkalinga sa mga Marileรฑong nasalanta ng naturang kalamidad, ating buhayin muli ang kultura ng bayanihan.
Sama-sama tayong mag-abot ng tulong sa abot ng ating makakaya at makiisa sa kanilang pag-ahon. Dahil ang progresibong pagkilos at pusong bukas-palad ay ang sentro ng pagbabayanihang tutulong sa pagkalinga at pag-ahon ng bawat isa sa oras ng kalamidad.
Maari niyo pong ipahatid ang inyong tulong pinansyal gamit ang impormasyon sa ibaba:
GCash Account:
Reinald John Austria
0950 550 1318
GoTyme Account:
Allan Iverson Reyes
017720590614
Katuwang ang mga sumusunod na organisasyon sa loob at labas ng pamantasan:
1. Samahan ng mga Mag-aaral na Humuhubog sa Kabataan at Naglilingkod sa Bayan
2. Council of Hotel and Restaurant Management Students
3. Akbayan Youth
4. Student Council Alliance of the Philippines
5. BulSU SG Academic Affairs Committee
6. BulSU CHTM Local Student Council
7. BulSU Office of the Student Regent
8. BulSU Student Government
9. Angat Buhay Marilao People's Council
10. ABC Scholars Youth In Action
11: Asosasyon ng mga Naglilingkod para sa Kaginhawaan ng Bayan
12. Legal Management Society
13. Sulong Kabataan Movement
14. Chamber of Young Business Leaders - BulSU JMA
15. BulSU Debate Society
16. Dambana Publication
17. Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino
18. Society of Young Entrepreneurs
19. Kaagapay Youth Guiguinto
20. Sangguniang Kabataan ng Lambakin
21. The Sizzlers
Lubos po kaming magpapasalamat sa bawat sentimong na inyong maibibigay para sa ating mga ka-bayan na biktima ng bagyong Carina.