15/06/2024
Kahit anong hirap ng buhay at sitwasyon sikaping bumukod at itaguyod ang sariling pamilya.
Bumukod, kasundo mo man o hindi ang biyenan. Iba pa rin kasi yung freedom na mararamdaman mo bilang isang asawa at magulang na nagagawa mo yung gusto mo para sa sarili mong pamilya in your own roof. Mas nagkakaroon tayo ng room to grow bilang isang magulang at asawa.
I believe that this is very important for a healthy marriage, healthy parenting and healthy family relationship.
Check your spouse kung komportable ba sya sa kinalalagyan nya. Baka hindi mo alam gustong gusto na nya ng family privacy. May mga misis na nagtitiis lang dahil hinahayaan nilang mag lead ang mister nila pero kung ito naman din ang magle lead sa laging hindi nyo pagkakaintindihan siguro panahon na para mag step out sa iyong comfort zone.
You cannot grow if you choose to stay in your comfort zone.
Minsan may mga mister na kailangan lang ng konting push pero samahan natin ng support at panghihikayat na kaya nya at kaya ninyong mag asawa. Laging idaan sa maayos na usapan.
Laging piliin kung anong mas makakabuti para sa pamilya. Money can be earn pero yung pamilyang tinataguyod nyo mahirap ayusin kapag naging dysfunctional na.
Magtiwala kayo sa Diyos na kaya nyang mag provide. Basta marunong kayong magsumikap at kung gusto naman talaga laging may paraan.
Genesis 2:24 Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.
Ctto