10/01/2025
πππππππ ππππ πππππππππππ ππ ππππππππππππ ππ πππ πππ ππ πππππ ππππππ
ππππ’ππ’π π»πππππ£π | πΉππ 10, 2025
Simula Enero 12, 2025, ipatutupad na ang gun ban sa buong bansa bilang paghahanda sa nalalapit na halalan. Sa Bicol Region, nangako ang Kasurog Cops na mas paiigtingin ang kanilang operasyon upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng rehiyon. Magtatagal ang gun ban hanggang Hunyo 11, 2025.
Ayon kay PBGen. Andre Dizon, Regional Director ng PNP Bicol, mahigpit na ipatutupad ang mga checkpoint sa mga pangunahing kalsada at estratehikong lugar sa rehiyon. Bukod dito, isasagawa rin ang Oplan Katok upang tiyakin na ang mga may-ari ng baril ay sumusunod sa batas, partikular sa pag-renew ng kanilang mga lisensya.
βAng gun ban ay para sa kapayapaan at kaayusan sa ating rehiyon. Sisiguraduhin namin na walang armas ang magagamit sa anumang ilegal na aktibidad, lalo naβt nalalapit na ang halalan,β ani PBGen. Dizon.
Ang mga pulis ng Bicol Region ay hinikayat din ang publiko na makipagtulungan sa pagpapatupad ng gun ban. Ang sinumang mahuli na lalabag dito ay mahaharap sa mabigat na parusa alinsunod sa Omnibus Election Code.
Nagpaalala rin ang Kasurog Cops sa mga rehistradong gun owners na agad asikasuhin ang pag-renew ng lisensya ng kanilang baril upang maiwasan ang paglabag sa batas. Patuloy namang nananawagan ang mga awtoridad sa mga residente na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga himpilan.
Sa mahigpit na pagpapatupad ng gun ban, layunin ng Kasurog Cops na gawing ligtas at mapayapa ang eleksyon sa Bicol Region.