26/11/2025
Fit ka ba talaga sa mundo ng layer chicken farming? Madali ma-inspire sa idea ng “kita araw-araw,” pero hindi madali ang kapalit, araw-araw na pagod, responsibilidad, at commitment. Dito hindi puwede ang pabaya isang pagkukulang lang ramdam agad sa production. Bawat oras may bantay, bawat problema kailangan agad solusyon.
Pero kung kaya mong panindigan ang routine, na kaya mong magising nang maaga at kayang magtrabaho kahit walang nakakita, malayo ang mararating mo sa industriya na ito. Sa poultry farming hindi pera ang tunay na puhunan—kundi sipag, disiplina at tamang mindset. Kung tugma sa iyo ang lifestyle na to dito ka talagang uunlad.