Dj Heart MN

Dj Heart MN Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dj Heart MN, DJ, Buenavista.

Radio Disc Jockey @ DZNSFM 94.1 Radio Kamalindig Buenavista Marinduque

Monday 9:00 - 10:00 pm
Tuesday 11:00 am - 1:00 pm, 9:00 - 10:00 pm
Wednesday 11:00 am - 1:00 pm, 9:00 am - 1:00 pm
Thursday 11:00 am - 1:00 pm
Saturday 1:00 - 2:00 pm, 4:00 - 5:00 pm

MAHIGIT na limang taon na rin mula nang pagtibayin ang Clean Air Act o RA 8749. Sapat na panahon na ito upang makita ang...
27/04/2022

MAHIGIT na limang taon na rin mula nang pagtibayin ang Clean Air Act o RA 8749. Sapat na panahon na ito upang makita ang nagawa nito sa paglilinis ng hangin lalo na sa mga pangunahing siyudad sa Metro Manila.

Ang ebalwasyon ay hindi lang ginagawa sa sarling pananaw kundi base sa masusing pagmo-monitor at pag-aaral at pagsasagawa ng pananaliksik.

Ang taong 2003 hanggang 2004 ay mahahalagang panahon para sa kampanya ng pamahalaan upang linisin ang hangin. Kabilang sa milestones ng Clean Air Act at ng implementing rules and regulations (IRR) ay ang nagpi-phase-out ng leaded gasoline. At noong unleaded gasoline na ang ginagamit, nabawasan pa ang aromatics mula 45 percent hanggang 35 percent.

Maliban dito ipinatupad din ang pagbawas ng sulphur content ng automotive diesel mula sa 0.2 percent hanggang 0.05 percent at pagbawas ng 0.3 percent maximum sulpur ng industrial diesel. Isa pang mahalagang nagawa dahil sa Clean Air Act ay ang pagtanggal ng mga incinerators na ginagamit sa mga bio-medical wastes.

Pinasimulan din ang paggamit ng mga malinis na alternatibong gasolina tulad ng CNG o compressed natural gas at liquefied petroleum gas.

Ang paglalagay ng air quality monitoring stations sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at sa iba pang siyudad ay malaking tulong upang ma-monitor ang pagbuti o pagsama ng kalagayan ng hangin at upang makakuha ng mga impormasyon para makapagsagawa ng pollution management at control program.

23/04/2022

Pera mo pahalagahan mo is now live

22/04/2022

ABANGAN MAMAYA SI DJ HEART SA PROGRAMANG NIGHTHEART 9;00 to 10;00 pm.

HanapinHome » Sakit sa Tiyan » DehydrationDehydrationSanhi at SintomasGamot at LunasBuodKapag mas maraming tubig ang naw...
24/03/2022

Hanapin
Home » Sakit sa Tiyan » Dehydration

Dehydration
Sanhi at Sintomas
Gamot at Lunas
Buod
Kapag mas maraming tubig ang nawawala sa katawan kaysa sa pumapasok dito, nagkakaroon ng dehydration. Sa kondisyong ito, ang pasyente ay maaaring makaranas ng panunuyo ng mga labi, bibig, at balat, pananakit ng ulo, pagkauhaw, pagkakaroon ng mas madilaw na ihi, at marami pang iba. Kung ang dehydration ay malala na, mapapansin din sa pasyente na mas lubog na ang kanyang mga mata, mas mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at paghinga, at nanghihina na rin ang kanyang pakiramdam.

Kadalasang nagkakaroon ng dehydration kapag ang pasyente ay nagtatae o nagsusuka. Dahil dito, ang katawan ay hindi na makakilos nang maayos. Bukod sa tubig, sumasama rin sa pagtatae o pagsusuka ang mga electrolyte na kailangan ng katawan. Ang electrolytes ay ang medikal na termino para sa mga asin na kailangan ng katawan gaya ng sodium, calcium, potassium, chloride, phosphate, at magnesium.

Upang malunasan ang dehydration, kailangang mapalitan ang nawalang tubig at electrolytes sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, mga sports drink, o oresol. Para naman sa malalang dehydration, ang pasyente ay kailangan nang i-confine sa ospital upang siya ay makabitan ng suwero nang sa gayon ay maging mas mabilis ang pagpapalit ng tubig at mga electrolyte sa katawan.

Kasaysayan
Noong panahon ng sinaunang Gresya, laganap ang sakit na cholera. Sa kondisyong ito, ang mga pasyente ay nagtatae at nagsusuka na kadalasang nagreresulta sa dehydration. Dulot ito ng bacteria na tinatawag na Vibrio cholerae. Bagama’t hindi makahanap noon ng lunas ang mga sinaunang Griyego para sa sakit na ito, pinaniniwalaan nila na ang cholera ay dulot ng hindi wastong paglilinis ng katawan at kapaligiran.

Ngayon, maaari nang maibsan ang mga sintomas ng cholera gaya ng dehydration sa pamamagitan ng pag-inom ng oral rehydration solution o ORS. Subalit, mas kilala ito sa Pilipinas sa tawag na oresol. Itinuturing ito na isa sa mga pinakamahahalagang imbensyon sa kasaysayan ng medisina. Bagama’t ang pagkakabit ng suwero sa pasyente ay mainam na lunas para sa dehydration, ang oresol ay nakatutulong din upang manumbalik agad ang lakas ng pasyente.

Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang glucose o asukal upang masisipsip nito nang mas maayos ang asin at tubig sa katawan. Ang unang sumubok ng oral glucose saline para sa ilang pasyenteng may cholera ay si Robert Allan Phillips noong 1964. Dahil dito, ang mga siyentipiko ay nagsimulang pag-aralan at kumpletuhin ang bagong formula ng oral rehydration solution o ORS.

Ang unang sumubok naman ng standard ORS ay sila Nathaniel Pierce at ang kanyang mga kasamahan noong 1965-1969. Ginamit din ang ORS noong nagkaroon ng cholera sa Bangladesh noong 1971-1972 at Manipur noong 1978. Dahil matagumpay naman ang paggamit ng ORS upang mabawasan ang dehydration ng mga pasyente, ang World Health Organization o WHO ay nagsagawa ng Global Diarrheal Diseases Control Program noong 1978 at ang sentro nito ay ang paggamit ng ORS. Dahil sa ORS, maraming buhay ang nasagip mula sa cholera at pagtatae.

Mga Uri
Ang dehydration ay may tatlong uri. Kabilang na rito ang mga sumusunod:

Hypotonic dehydration. Sa uring ito, ang mas maraming nawawala sa katawan ay mga electrolyte kaysa sa tubig.
Hypertonic dehydration. Kabaligtaran naman ito ng Sa uring ito, ang mas maraming nawawala sa katawan ay tubig kaysa sa mga electrolyte.
Isotonic dehydration. Sa uring ito, magkasing dami lang ang nawawalang tubig at mga electrolyte sa katawan. Ito rin ang pinakalaganap na uri sa tatlo.
Upang malaman kung hypotonic, hypertonic, o isotonic ang dehydration ng isang pasyente, kailangan niyang sumailalim sa mga laboratory test gaya ng blood test (pagsusuri sa dugo), urinalysis (pagsusuri sa ihi), at iba pa.

Mga Sanhi

Image Source: www.scoopwhoop.com

Ang katawan ay naglalabas ng tubig at electrolytes sa pamamagitan ng pagpapawis, pag-ihi, pagdumi, pag-iyak, pagdura ng laway, at maging ang paghinga. Normal lang ang mga ito upang mailabas sa katawan ang mga toxin o nakalalasong kemikal. Subalit, maaaring maglabas ng mas maraming tubig at electrolytes ang katawan at magresulta sa dehydration kung nararanasan ang mga sumusunod:

Pagtatae
Pagsusuka
Pagkakaroon ng mataas na lagnat
Labis na pagpapawis ng katawan
Madalas na pag-ihi
Bukod sa mga nabanggit, maaari ring maging sanhi ng dehydration ang mga sumusunod:

Hindi pag-inom ng sapat na tubig
Hindi nakararamdam ng pagka-uhaw
Pagkawala ng ganang uminom sapagkat nakararamdam ng sakit sa lalamunan
Mga Sintomas

Image Source: www.medicalnewstoday.com

Batay sa tindi ng kondisyon, maaaring makaramdam ng iba’t ibang sintomas ang pasyente. Kung ang dehydration ay hindi malala o mild lamang, maaari itong lunasan sa bahay. Narito ang mga sintomas ng mild dehydration:

Bahagyang panunuyo ng mga labi, bibig, at balat
Pakiramdam na laging nauuhaw
Minsanan na lang kung umihi
Mas madilaw ang ihi kaysa sa dati
Pananakit ng ulo
Bahagyang pananakit ng mga kalamnan
Kung ang dehydration naman ay malala, maaaring makitaan ang pasyente ng mga sumusunod na sintomas:

Pagkakaroon ng lubog na mga mata
Labis na panunuyo ng balat
Hindi pag-ihi o kung umihi man ang ihi ay napakadilaw
Pagkahilo at pagkahimatay
Mabilis na pagtibok ng puso
Mabilis na paghinga
Pagkaantok at panghihina ng katawan
Ang mga sintomas na nabanggit ay para sa mga matatanda. Subalit, kung ang isang sanggol o bata ay pinaghihinalaang dehydrated, maaari siyang kakitaan ng mga sumusunod na sintomas:

Tuyong labi, bibig, at dila
Lubog na mga mata at bunbunan
Walang lumalabas na luha sa tuwing iiyak
Walang laman na ihi ang lampin sa loob ng 3 oras
Laging tulog
Mga Salik sa Panganib
Ang kahit na sinuman ay maaaring magkaroon ng dehydration. Subalit, maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon nito ng dahil sa mga sumusunod na salik:

Pagiging sanggol o bata. Kapag ang isang sanggol o bata ay nilagnat, maraming tubig ang nawawala sa kanyang katawan. Bukod dito, dahil sa mura nilang edad, hindi pa sila gaanong nakapagsasabi kung sila ay nauuhaw pa.
Pagiging matanda. Habang tumatanda ang isang tao, mas nahihirapan na siyang kumilos. Maging ang pagkuha ng tubig sa kusina ay nagdudulot na ng pananakit ng mga kasu-kasuan. Dahil dito, titiisin na lamang na hindi uminom ng tubig. Kung minsan naman, ang mga may edad na ay may ibang karamdaman na nagbabawal sa kanila na uminom ng maraming tubig gaya ng mga sakit sa puso.
Pagkakaroon ng ibang karamdaman. Kung may karamdaman ang isang tao gaya ng diabetes, mas napapadalas ang kanyang pag-ihi kaya naman maraming tubig at electrolytes ang nawawala sa katawan. Maaari ring magdulot ng dehydration ang hindi pag-inom ng tubig kung ang isang tao ay may sakit sa lalamunan sapagkat ang simpleng paglagok ng tubig ay maaaring magdulot ng matinding pananakit.
Pagiging atleta. Ang mga atleta ay mataas din ang posibilidad na maging dehydrated sapagkat maraming tubig at mga electrolyte ang nawawala sa kanilang katawan dahil matindi ang kanilang pag-eehersisyo.
Pag-Iwas

Image Source: www.freepik.com

Upang maka-iwas sa dehydration, mainam na gawin ang mga sumusunod:

Uminom ng 8 basong tubig araw-araw. Upang mapalitan ang nawawalang tubig sa katawan, uminom ng 8 basong tubig araw-araw. Kung nag-eehersisyo, mas damihan pa ang pag-inom ng tubig.
Damihan ang pag-inom ng tubig tuwing mainit ang panahon. Kung sobrang init ng panahon, ang katawan ay mas nagpapawis. Upang hindi ma-dehydrate, uminom ng mas maraming tubig araw-araw.
Iwasan ang pag-inom ng masyadong matatamis na inumin at kape. Ang masyadong matatamis na inumin at kape ay nakapagpapatuyo ng lalamunan. Bukod dito, ang mga inuming ito ay maaaring magdulot ng madalas na pag-ihi.
Magsuot ng maginhawang damit. Ang labis na pagpapawis ay maaaring magdulot ng Upang hindi mabilis pagpawisan, magsuot ng maginhawang damit.
Iwasang mag-ehersisyo o gumawa ng mabibigat na gawain sa mainit na oras. Kung mag-eehersisyo sa labas ng bahay gaya ng jogging, mainam na gawin ito tuwing umaga o gabi. Gayon din sa paggawa ng mabibigat na gawain, gawin lamang ito kapag hindi katirikan ng araw upang maiwasan ang
Kumain ng prutas at gulay. Ang prutas at gulay ay naglalaman ng maraming katas at nakatutulong ito upang mapalitan ang nawalang tubig at asin sa katawan. Bukod dito, ang prutas at gulay ay maigi sa kalusugan.
Kung ang dehydrated na pasyente ay isang sanggol o bata at nagpapakita ng malalang mga sintomas, kailangang ipakonsulta agad ng magulang ang kanilang anak upang malapatan ng karampatang lunas. Ang dehydration ay mapanganib sa mga sanggol at bata sapagkat nagdudulot ito ng malnutrisyon. Maaari rin itong humantong sa pangingisay (convultions) at pagkakaroong ng pinsala sa utak kapag hindi ito maaagapan.

Sanggunian
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dehydration-adults #1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dehydration/symptoms-causes/syc-20354086
https://www.medicalnewstoday.com/articles/153363.php
https://www.nhs.uk/conditions/dehydration/
https://medlineplus.gov/dehydration.html
https://kidshealth.org/en/teens/dehydration.html
https://kidshealth.org/en/parents/dehydration.html
https://www.healthline.com/health/how-to-tell-if-youre-dehydrated #14-symptoms
https://familydoctor.org/dehydration/
https://www.home-remedies-for-you.com/facts/greek-medicines.html
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/7530695
https://ancientgreecebyanyak.weebly.com/list-of-diseases.html
https://rehydrate.org/about/
https://www.physio-pedia.com/Dehydration
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dehydration/diagnosis-treatment/drc-20354092
https://www.webmd.com/children/news/20051031/can-sports-drinks-rehydrate-sick-kids
Mga Kaugnay na Sulatin

Kanser sa Bato (Kidney Cancer)

Alopecia

Meningitis

Pulmonary Fibrosis

Acromegaly

Irritable Bowel Syndrome

Ubong-Dalahit (Pertussis)

Cushing Syndrome

Impeksyon sa Ulo ng Ari ng Lalaki (Balanitis)

Balakubak (Dandruff)
Hanapin
Mga Bagong Artikulo
Mga Paraan Upang Maiwasan ang Pagkalat ng STD
Ano nga ba ang Urinalysis o Pagsusuri sa Ihi?
707 na Kaso ng COVID-19, Kumpirmado sa Pilipinas
Mga karaniwang sakit sa balat na nararanasan ng mga Pilipino
Mga karaniwang sakit sa balat na dulot ng impeksyon ng fungi

© 2019 Mediko Philippines. All rights reserved.
Mediko.ph does not provide medical advice, diagnosis or treatment.
Mga Bahagi ng Website
Mga Karamdaman
Mga Lunas
Mga Sintomas
Nutrisyon
Blog
Itanong Kay Doc
Tungkol sa Mediko.ph
Makipag-ugnayan
Mag-subscribe sa aming newsletter
Email Address*
Email Address

Get the latest stories on Entertainment, Sports, Lifestyle, Travel, Humour, and Opinions on ScoopWhoop.

Insomnia o Hirap MakatulogInsomnia ang tawag sa sakit kung saan nakakaranas ng hirap sa pagtulog o di kaya’y madaling ma...
16/03/2022

Insomnia o Hirap Makatulog
Insomnia ang tawag sa sakit kung saan nakakaranas ng hirap sa pagtulog o di kaya’y madaling maalimpungatan sa kalagitnaan ng pagtulog. Ang kakulangan sa tulog na dulot ng sakit na insomnia ay maaaring maka-apekto sa pang-araw-araw na gawain o kaya nama’y maka-apekto rin sa kalusugan. Ang insomnia ay maaring panandalian lamang na tumatagal ng ilang araw hanggang ilang linggo o kaya nama’y pangmatagalan na umaabot ng isang buwan o higit pa.

Bakit nagkakaroon ng insomnia?

Image Source: unsplash.com

Ang mga kaso ng insomnia ay maaring dulot ng:

Isang karanasang nakapag-dulot ng matinding stress gaya ng pagkawala ng trabaho, pagkamatay ng mahal sa buhay, o pagkahiwalay sa asawa.
Iba pang karamdaman
Mga kaganapan sa paligid gaya ng malakas na ingay, liwanag, matinding init o lamig.
Mga iniinom na gamot
Pagbabago sa nakasanayang oras ng pagtulog
Depresyon o matinding pag-aagam-agam
Sobrang pagkain sa gabi.
Pag-inom ng mga inuming may caffeine at alcohol.
Sino ang maaaring magkasakit ng insomnia?
Walang pinipiling edad o kasarian ang pagkakaroon ng sakit na insomnia ngunit ayon sa isang pag-aaral, mas mataas ng bahagya ang pagkakaroon ng insomnia sa mga kababaihan. Ito ay maaring konektado sa pagbubuntis o sa pagsapit ng menopausal period sa mga kababaihan.

Mas mataas din ang posibilidad na magkakaroon ng insomnia kung:

Ang edad ay 60 pataas.
May sakit sa pag-iisip gaya ng depresyon, bipolar disorder at nakakaranas ng troma.
Ang trabaho ay may pabag-bagong oras o shifting schedule
Naglakbay ng matagal at nakakaranas ng jet lag

Ano ang Pamamaga ng Paa (Swollen Feet)?Ang pamamaga ng paa (swollen feet) ay ang paglaki o paglobo ng isa o parehong paa...
15/03/2022

Ano ang Pamamaga ng Paa (Swollen Feet)?
Ang pamamaga ng paa (swollen feet) ay ang paglaki o paglobo ng isa o parehong paa. Puwedeng dulot lamang ito ng namagang laman o kaya naman ay dahil sa pagkakaroon ng labis na tubig (pamamanas).

Puwedeng mamaga ang mga paa kapag naglakad o tumayo nang matagal. Kung ganito lamang ang sanhi ng pamamaga, agad naman itong nawawala kapag nakapagpahinga. Pero bukod dito, puwede ring ang pamamaga ng paa ay dulot ng mainit na panahon, labis na pag-inom ng alak, pagbubuntis, pagkakaroon ng injury sa paa, kakulangan sa aktibidad, pagiging mataba, o kaya ay ang pagakakaroon ng ibang karamdaman.

Batay sa sanhi ng pamamaga ng paa, ang pasyente ay maaaring makaranas pa ng ibang mga sintomas, kagaya ng pananakit ng ulo o tiyan, pagkakaroon ng lagnat, pagsusuka, pagkahilo, panghihina, at iba pa.

Mga Posibleng Sanhi ng Pamamaga ng Paa
Maraming dahilan kung bakit namamaga ang isa o parehong paa. Puwede itong dulot ng lifestyle o paraan ng pamumuhay, mainit na panahon, pagbubuntis, pag-inom ng alak, pagtatamo ng injury sa paa, side effect ng pag-inom ng gamot, o kaya naman ay iba pang mga karamdaman. Upang mawala ang pamamaga ng paa, kailangang malapatan ito ng lunas batay sa sanhi nito. Ilan sa mga posibleng dahilan ng pamamaga ang mga sumusunod:

Kakulangan sa aktibidad at pagiging mataba. Kung ang isang tao ay madalas walang ginagawa at labis ang timbang, hindi nagagawa nang maayos ng kanyang lymphatic system ang magtanggal ng sobrang tubig sa katawan at puwede maipon ang tubig na ito sa mga paa. Ang lymphatic system ay bahagi ng immune system na tumutulong sa pagtatanggol sa katawan laban sa mga mikrobyo. Tumutulong din ito upang mapanatili ang wastong dami ng tubig sa katawan.
Pagsusuot ng masisikip na sapatos. Bukod sa kakulangan ng aktibidad at pagiging overweight o obese, puwede ring magdulot ng pamamaga ng paa ang pagsusuot ng masisikip na sapatos. Tumataas kasi ang presyon sa mga paa at hindi nagiging maayos ang pagdaloy ng dugo. Sa pagtaas ng presyon sa mga paa, puwedeng maipon ang tubig ng katawan sa mga ito.
Mainit na panahon. Ang simpleng init ng panahon ay isa rin sa mga posibleng sanhi ng pamamaga ng paa. Kapag ang mga paa ay nainitan, ang mga ugat nito ay nag-eexpand o lumalapad. Dahil dito, ang tubig ay tumatagas sa mga kalapit-bahaging mga tissue kaya naman namamaga ang mga paa.
Pagbubuntis. Kung ang isang babae ay nagbubuntis, maaaring mamaga ang kanyang mga paa lalo na sa pagsapit ng second trimester. Sa paglaki ng sanggol sa sinapupunan, tumataas ang presyon ng mga ugat sa ibabang bahagi ng katawan kaya naman naiipon ang tubig sa mga paa. Bukod dito, talagang gumagawa ng mas maraming tubig ang katawan ng isang babaeng buntis bilang paghahanda para sa panganganak.
Pag-inom ng alak. Isa rin ang pag-inom ng alak sa mga dahilan kung bakit puwedeng mamaga ang mga paa. Pinapataas kasi ng alak ang sodium level (asin) ng katawan kaya naman napipilitan ang katawan na huwag ilabas ang sobrang tubig nito. Kung hindi nawawala ang pamamaga ng paa dahil sa alak sa loob ng 2 araw, posibleng may problema na ang atay, bato, o puso ng pasyente.
Pagtamo ng injury. Puwede ring mamaga ang paa kung nagtamo ng injury ang bahaging ito dahil sa pagkakadapa, pagkakahampas o untog, pagkakabagsak ng mabigat na bagay, at iba pa. Kung wala namang nabaling buto sa paa, ang pamamaga ay puwedeng gumaling sa pamamagitan ng paglalagay ng yelo at bendahe.
Side effect ng pag-inom ng gamot. May ilang mga uri ng gamot na side effect ang pamamaga ng paa. Ilan sa halimbawa ng mga gamot na ito ang mga oral contraceptive, hormone replacement therapy, calcium channel blocker, steroid, antidepressant, non-steroidal anti-inflammatory drug, at diabetes medication. Kung namamaga ang mga paa dahil sa iniinom na gamot, sabihin ito sa iyong doktor upang mabago ang brand o dosage
Mga karamdaman. Sa ibang mga pagkakataon, ang pamamaga ng paa ay sintomas na pala ng isang kondisyon o karamdaman. Ilang halimbawa ng mga kondisyon na puwedeng magdulot ng pamamaga ng mga paa ay pre-eclampsia, impeksyon, venous insufficiency, blood clot, lymphedema, sakit sa puso, sakit sa bato, sakit sa atay, at iba pa.
Mga Sakit na Kaakibat ng Pamamaga ng Paa

Kung wala sa mga nabanggit na pangkaraniwang sanhi ang dahilan ng pamamaga ng mga paa, maaaring may mas nakapangangambang kondisyon ang pasyente. Kabilang sa mga malubhang sakit na kaakibat ng pamamaga ng paa ay ang mga sumusunod:

Pre-eclampsia. Ang pre-eclampsia ay isang uri ng komplikasyon ng pagbubuntis, kung saan tumataas ang presyon ng pasyente. Kapag may pre-eclampsia, nakararanas ang babae ng pamamaga ng paa, pagsakit ng tiyan at ulo, pagduduwal, pagsusuka, paglabo ng paningin, at iba pa.
Lymphedema. Nagkakaroon ng lymphedema ang isang tao kapag hindi mailabas ang labis na lymph fluid ng katawan. Kadalasang naaapektuhan ng kondisyong ito ang ibabang bahagi ng katawan kagaya ng mga paa. Karaniwang nagkakaroon ng lymphedema ang mga pasyenteng may kanser sapagkat napipinsala ang kanilang lymphatic system lalo na pagkatapos ng kanilang radiation therapy.
Venous insufficiency. Sa venous insufficiency, hindi nakadadaloy nang maayos ang dugo sa buong katawan dahil may pinsala ang mga valve ng puso. Dahil dito, tumatagas ang dugo sa mga blood vessel o ugat at naiipunan ng tubig ang mga paa. Kapag may ganitong kondisyon, ang pasyente ay maaaring makaranas ng pananakit ng mga paa, pagkakaroon ng makaliskis na balat, varicose veins, skin ulcer, at impeksyon.
Impeksyon. Kung namamaga ang paa, puwedeng sintomas din ito ng impeksyon. Kapag may impeksyon ang paa, kadalasan ay mayroon itong sugat at nana.
Deep vein thrombosis. Sa kondisyong ito, ang mga pangunahing vein o ugat ng mga paa ay nabarahan ng namuong dugo. Dahil dito, hindi makabalik ang dugo mula sa mga paa papuntang puso kaya naman namamaga ang mga paa.
Sakit sa puso. Puwede ring senyales ng sakit sa puso ang pagkakaroon ng namamagang mga paa. Kapag may pinsala ang puso, hindi nito magawang makapaghatid ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dahil dito, nagkakaroon ng sodium at fluid retention kaya naman namamaga ang mga paa.
Sakit sa atay. Kung may sakit sa atay, ang katawan ay hindi nakakagawa ng sapat na Ang albumin ay isang uri ng protina na tumutulong sa pagpigil sa dugo na tumagas sa mga ugat. Kung kulang sa albumin ang isang tao, tatagas ang kanyang dugo sa mga ugat at maiipunan ng tubig ang mga paa.
Sakit sa bato. Ang mga kidney o bato ay tumutulong sa pagbawas ng sobrang tubig sa katawan. Kung ang mga bato ay may sakit, maiipon ang tubig sa katawan ang pasyente at mamamaga ang mga paa.
Karamihan sa mga sakit na kaakibat ng pamamaga ng paa ay mapanganib at nakamamatay, kaya naman makabubuting magpakonsulta agad sa doktor kung nakararanas ng ganitong sintomas.

Mayroong mga epektibong paraan para humaba ang iyong buhay. Sana ay sundin niyo ang mga payong ito:Suriin ang iyong vita...
14/03/2022

Mayroong mga epektibong paraan para humaba ang iyong buhay. Sana ay sundin niyo ang mga payong ito:

Suriin ang iyong vitamins at supplements –
Ang isang magandang supplement ay ang Omega-3 fish oil. Ito’y napatunayang nagpapahaba ng buhay dahil pinapaluwag nito ang ating mga ugat.

Mag-relax
Magbawas ng mga gawain at pinoproblema sa buhay. Kapag lagi kang galit at mainitin ang ulo, tataas ang iyong stress hormones sa katawan.

Magdasal
Ayon sa pagsusuri, ang mga taong madasalin at masiyahin ay mas mahaba ang buhay kumpara sa mga hindi naniniwala sa Diyos.

Magpabakuna
Malaki ang tulong ng bakuna para makaiwas sa sakit. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa. Magpakonsulta sa doktor.

Umiwas sa alak
Nakasisira sa ating ugat, utak at atay ang alak.

Magpatingin sa magaling na doktor
Ang trabaho ng isang doktor ay ituro sa iyo ang dapat ipasuri sa iyong katawan. Magpa-blood test, urinalysis, X-ray at ECG bawat 1 o 2 taon.

Mag-ehersisyo
Ayon sa mga eksperto, kahit konting ehersisyo lang ay makatutulong na sa kalusugan. Maglakad, umakyat ng hagdan, at maglinis sa bahay.

Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay
Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa dahil may magbabantay sa iyo kapag ika’y nagkasakit.

Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay
Laging mag-isip ng maganda tungkol sa iyong sitwasyon at kapwa. Magbasa at manood ng mga “good news” lamang.

Tumulong sa kapwa
Ayon sa pagsusuri, ang taong matulungin ay nagiging mas masaya at mas healthy kumpara sa iba.

Umiwas sa bisyo at peligro
Huwag sumabak sa mga bisyo na makasasama sa iyo. Iwas sigarilyo, iwas alak at iwas droga. Mag-isip muna bago mag-desisyon.

Mag-ipon ng pera
Kailangan natin ng pera para makabili ng gamot at magpa-check up.

Mag-enroll sa PhilHealth o kumuha ng health card
Napakalaki ng benepisyo kung ika’y may PhilHealth card. Malaki ang mababawas sa inyong gastusin pang-ospital.

Kumain ng 2 tasa ng iba’t-ibang prutas at gulay araw-araw.
Ang pinakamasustansyang prutas ay ang saging, pakwan, mansanas at dalandan.

Kumain ng 2 tasa ng maberdeng gulay araw-araw

Kumain ng matatabang isda tulad ng sardinas (tamban), bangus, salmon, tilapia at mackerel (hasa-hasa, galunggong at tuna).

Magpapayat
Alamin ang iyong tamang timbang at piliting maabot ito. Piliin ang pagkain base sa kabutihan na maidudulot sa ating katawan.

Uminom ng gamot sa high blood at diabetes kung kinakailangan
Kung ang presyon mo ay lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka. Kung ang iyong fasting blood sugar ay lampas 125 mg/dl, ang ibig sabihin ay may diabetes na. Kumonsulta sa doktor para malaman ang dapat inumin na maintenance na gamot.

Alamin ang sakit
Magbasa at aralin ang iyong sakit. Kung mas maaga kang magpapa-check-up ay mas maaga nating malulunasan ang iyong nararamdaman.

Itigil ang sigarilyo
Tinatayang 6 na taon ang mababawas sa iyong buhay kung ika’y naninigarilyo. Itigil na ang sigarilyo at siguradong hahaba ang iyong buhay.

Good morning mga best friend .abangan po ninyo ako sa programang Food Mind and Body.at ako po ang inyong makakasama.ilik...
07/03/2022

Good morning mga best friend .abangan po ninyo ako sa programang Food Mind and Body.at ako po ang inyong makakasama.ilike at ifallow ang aking fb pag na Dj heart mn
At mag comment sa ating fb live maari ding ipadala bia messenger hanapinlang ag dj heart Navisa o di kaya ay mag text sa numerong 09123427985 .kita kits at mag karinigan tayo ngayong lunes 10 am to 1 pm.magandang araw

06/03/2022

🌎❤Yambayan ng OFW❤🌎

Abangan mamayang 6 hanggang 10 ng gabi si Dj Heart sa programang Tambayan ng OFW.Maari kayong mag padala ng mga pagbate ...
06/03/2022

Abangan mamayang 6 hanggang 10 ng gabi si Dj Heart sa programang Tambayan ng OFW.
Maari kayong mag padala ng mga pagbate at mga riquest na awitin.ipadala sa # 09123427985 at mag comment sa ating fb page na Dj Heart MN.

ABANGAN.

Abangan si Dj Heart sa programang 89s Throwback.ipadala ang inyong mga pag bati sa numerong 09123427985 at sa kanyang pa...
05/03/2022

Abangan si Dj Heart sa programang 89s Throwback.ipadala ang inyong mga pag bati sa numerong 09123427985 at sa kanyang page na Dj Heart MN.abangan ngayong 7 ng gabi hanggang 10 ng gabi.

02/03/2022

❤NightHeart❤
03 02 2022
9,pm tp 10,pm
DISCLAIMERS
No copyright infridgement intended,
I donot own the music that i play in this video,
They belong to their rightful owners,

tlVictor Mochere Tahanan  NegosyoPinakamahusay na mga tip sa personal na pananalapi na kailangan mong malamanConrad Oror...
26/02/2022

tl
Victor Mochere



Tahanan Negosyo
Pinakamahusay na mga tip sa personal na pananalapi na kailangan mong malaman
Conrad Orori by Conrad Orori Oras ng Pagbasa: Basahin ang 4 na minuto
A A
mag-abuloy
Pinakamahusay na mga tip sa personal na pananalapi na kailangan mong malaman



Ang personal na pananalapi ay mahalaga para sa kaligtasan ng buhay sa mundo ngayon. Ang pag-alam kung paano pamahalaan ang iyong pananalapi ay nauugnay dahil tinutukoy nito ang iyong hinaharap na buhay. Gayunpaman, dahil sa maraming mga tao ay madalas na abala sa pang-araw-araw na mga gawain, bihira silang makakuha ng oras upang malaman kung paano at kung bakit mahalaga ang personal na pananalapi. Upang maging mahusay sa pamamahala ng iyong pananalapi, dapat kang gumamit ng ilang napatunayan na mga tip na nagtrabaho para sa iba.

Maraming mga website at libro sa pananalapi ang may napakalaking impormasyon tungkol sa mga tip sa pananalapi. Ipadarama sa mga tao na ang personal na pananalapi ay isang napakalaking paksa. Gayunpaman, kailangan mo lamang malaman ang ilang mga tip na gagabay sa iyo sa kung paano gamitin ang iyong pananalapi sa tamang paraan. Bilang isang resulta, ang artikulong ito ay nagbuod ng napatunayan na mga tip sa personal na pananalapi na dapat mong malaman kung nais mo ang isang matagumpay na hinaharap.

Sa artikulo [Show]

1. Kumuha ng mga kasanayan sa pagbabadyet
Ang pagbabadyet ay lalabas ng isang plano kung paano mo gugugulin ang iyong pera. Ito ang unang tip sa pananalapi na dapat mong malaman kung nais mong maging matagumpay sa iyong buhay. Ang paglikha ng isang plano sa paggastos ay magbibigay-daan sa iyo upang matukoy nang maaga kung ang pera na iyong inaasahan ay sapat na upang gawin ang mga bagay na nais mong gawin. Upang mabuo ang pinakamahusay na badyet na masiyahan ang iyong mga pangangailangan, dapat mong bigyang pansin ang tatlong bagay na ito: kamalayan sa sarili, disiplina sa sarili at samahan.


Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan, malalaman mo kung saan mo ginugol ang iyong pera nang mali at maiwasan ito. Sa ganitong paraan, makatipid ka ng pera para sa isang mahalagang gawain. Bilang karagdagan, kung ikaw ay disiplina, lilikha ka at mananatili sa iyong badyet. Panghuli, ang mga kasanayan sa organisasyon ay makakatulong sa iyo upang planuhin ang iyong badyet sa tamang pamamaraan sa pamamagitan ng pag-prioritize ng mga mahahalagang pangangailangan.

2. Mas mababa ang gagastos kumpara sa iyong kinikita
Mayroong karaniwang pariralang ito na nagsasabing, "palaging mabuhay ayon sa iyong makakaya". Ito ay isang kritikal na parirala na hindi napapansin ng marami. Medyo isang bilang ng mga taong nagtatrabaho ng full-time na live na paycheck sa paycheck. Samakatuwid, ito ay isang pahiwatig na gustung-gusto ng mga tao ang pamumuhay na higit sa kanilang kinikita. Bagaman alam ng lahat na siya ay dapat mabuhay nang mas mababa sa kanilang kinikita, iilan lamang ang aktwal na nakakatugon dito.


Samakatuwid, ang paggastos ng mas kaunti sa iyong kinikita ay isang napatunayan na personal na tip sa pananalapi na palaging alam mo. Kung maari mong maisakatuparan ito, maiiwasan mo ang karaniwang pag-uugali ng mga taong naninirahan sa paycheck-to-paycheck. Kung nais mong makamit ito, dapat mong subaybayan ang iyong paggastos. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang talaan ng iyong mga pagbili. Bilang kahalili, maaari mong gamitin ang ilan sa mga personal na apps sa pananalapi.

3. Iwasan ang mga masamang utang sa lahat ng gastos
Hindi lahat ng utang ay masama. Sa katunayan, karamihan sa mga pinakamayamang tao sa mundo ay nakakuha ng kanilang kayamanan mula sa utang. Gayunpaman, dapat mong malaman na makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng masama at mabuting utang. Masamang utang ang makukuha mo sa pamamagitan ng pagbili ng isang produkto na mawawalan ng halaga bago ito makabuo ng kita. Isang magandang halimbawa ng naturang pautang ay ang auto loan. Sa kabilang banda, ang magagandang utang ay ang mga kapaki-pakinabang kung epektibo ang paggamit.

Ang isang halimbawa ng naturang pautang ay ang iyong kukunin upang bumili ng isang produkto na makikinabang sa iyo sa hinaharap. Sa karamihan ng mga kaso, ang pagbili ng isang asset ay itinuturing na isang mabisang paggamit ng isang pautang. Sa kasong ito, maaari kang magpasya na bumili ng isang piraso ng lupa. Sa wakas, ang mabubuting utang ay laging may mababang mga rate ng interes kasama ang halimbawa ng mga pautang sa mag-aaral, mga mortgage, at mga utang sa negosyo.

4. Lumikha ng isang plano sa pagtitipid
Ang pagkakaroon ng pagtipid ay isang mabuting paraan upang magplano para sa iyong hinaharap. Gayunpaman, nahihirapan ang karamihan sa mga tao na makatipid para sa kanilang hinaharap dahil nais nilang masiyahan ang kanilang mga pangangailangan bago magtipid. Ito ay isang mahinang diskarte tulad ng sa karamihan ng mga kaso, ang iyong mga pangangailangan sa pananalapi ay lampasan ang iyong mga kita. Samakatuwid, kung nais mong makatipid, dapat mo itong gawin bago gumastos. Ipinapahayag ng mga tagapayo sa pananalapi na dapat mong hangarin na makatipid ng hindi bababa sa 5% ng iyong mga kita bago gumastos. Ito ay isang napatunayan na tip sa personal na pananalapi na nagpatatag sa maraming tao sa pananalapi.


Kung nahihirapan kang gawin ito sa iyong sarili, maaari kang lumikha ng isang hiwalay na account sa pagtitipid. Pagkatapos, inatasan mo ang iyong bangko na awtomatikong ibawas ang isang naibigay na halaga at ideposito ito sa account na iyon. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang tukso ng paggastos bago magtipid. Karamihan sa mga tao ay patuloy na nagtatanong tungkol sa kahalagahan ng pag-save kung nagtatrabaho sila upang masiyahan sa kanilang pawis. Ang isang bagay na dapat mong malaman ay na kailangan mong magkaroon ng seguridad sa iyong buhay.

Kapag mayroon kang matitipid, ito ay isang pagkakataon upang masiyahan sa higit na seguridad sa hinaharap. Tingnan ito sa ganitong paraan, ano ang gagawin mo sakaling magkaroon ng emerhensiya kapag wala kang matipid? Maraming tao ang sasabihin na dumarating sila sa mga kaibigan at kamag-anak para sa suportang pampinansyal. Bagaman ito ay isang pagpipilian, hindi ka sigurado kung ang mga kaibigan na ito ay handang magbigay ng tulong. Samakatuwid, para sa iyong sariling seguridad, dapat kang magkaroon ng isang fallback sa kaso ng paglitaw ng hindi inaasahang.


5. Ingatan ang iyong kalusugan
Ang iyong kalusugan ang iyong yaman. Mag-ingat sa iyong kalusugan dahil kung nagkasakit ka, hindi ka makakapasok sa trabaho at mababayaran. Samakatuwid, ang unang bagay na dapat isipin sa anumang oras na naisip mong lumikha ng yaman ay ang iyong kalusugan. Ang unang paraan upang magawa ito ay ang pagbabayad ng iyong buwanang mga premium ng seguro sa kalusugan. Imposibleng mabuhay sa modernong lipunan nang hindi nagkakasakit. Ang lifestyle ay nagbago at bilang isang resulta, hindi maiiwasan ang mga sakit.

Bukod dito, laganap at hindi maiiwasan ang mga aksidente. Sa karamihan ng mga kaso, ang pangangalaga sa kalusugan ay mahal din, kung gayon, kung wala kang isang plano sa seguro, maaaring mahirap para sa iyo na makuha ang kinakailangang atensyong medikal kapag kailanganin. Ang pagiging maingat sa iyong kalusugan ay isang tip sa pananalapi na hindi mo dapat iwasan dahil ang kalusugan ay maaaring maging mahirap ka. Kung wala kang isang saklaw sa kalusugan, gugugol mo ang iyong matitipid sa pangangalagang pangkalusugan sa kaso ng mga komplikasyon na nauugnay sa kalusugan.


6. Bumuo ng mga layunin sa pananalapi
Ito ang huling pinakamahusay at napatunayan na tip sa personal na pananalapi. Sa tip na ito, dapat mong i-maximize ang mga prayoridad. Kung nais mong makamit ang karamihan sa iyong mga layunin sa pananalapi, dapat mong unahin ang mga ito sa mga tuntunin ng iyong mga pangangailangan. Sa ganitong paraan, dapat kang tumuon sa mga pinaka-nais na pangangailangan bago ang natitirang bahagi. Halimbawa, dapat mong tandaan kung ano ang nais mong makamit sa isang tukoy na panahon tulad ng 3 buwan.

Ang pagkakaroon ng isang malinaw na layunin sa pananalapi ay mapanatiling bukas ang iyong isip at uudyok upang makuha ang pananalapi upang maayos ang layunin. Samakatuwid, ito ay gumagana tulad ng isang pagganyak para sa iyo na gumawa ng higit pa. Maging makatotohanang, sa kung saan dapat kang magtakda ng isang layunin na alam mong makakamit mo. Ang pagtatakda ng isang layunin na higit na lampas sa iyong kita ay magpapapahamak sa iyo dahil tatagal bago mo ito makamit. Sa gayon, dapat kang magtakda ng mga makatotohanang layunin na alam mong makakamtan batay sa iyong mga kita.


Takeaway
Ang napatunayan sa itaas na mga tip sa personal na pananalapi ay nagtrabaho para sa marami. Samakatuwid, kung isasagawa mo ang mga tip na ito, sigurado ka na nasa tamang landas ka patungo sa kalayaan sa pananalapi.


Tags: Pera


nakaraang Post
Pinakamahusay na mga quote mula kay Oscar Wilde
susunod na Post
Nangungunang 10 pinakamahusay na mga tatak ng kotse sa Kenya 2022
Conrad Orori
Conrad Orori
Mag-iwan ng Sagot
Ang iyong email address ay hindi nai-publish. Mga kinakailangang patlang ay minarkahan *

Komento *

Pangalan

Email

Website

I-save ang aking pangalan, email, at website sa browser para sa susunod na puna ako.

Kasunduan sa Patakaran sa Pagkapribado
Sumasang-ayon ako sa Pribadong Patakaran.

Ang site na ito ay gumagamit ng Akismet upang mabawasan ang spam. Alamin kung paano naproseso ang data ng iyong komento.

Makinig sa artikulong ito
Makinig sa artikulong ito
Mga post sa uso
Nangungunang 20 pinakamalakas na militaryo sa buong mundo
Nangungunang 20 pinakamalakas na militaryo sa buong mundo 2022
2 PAGBABAHAGI
Nangungunang 20 pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo 2022
0 PAGBABAHAGI
Nangungunang 10 pinaka protektadong tao sa mundo 2022
6 PAGBABAHAGI
Nangungunang 10 pinakamahusay na gay dating apps 2022
3 PAGBABAHAGI
Paano malalampasan ang mga paywall ng mga site ng balita
1 PAGBABAHAGI


Sundan kami
11.8k
Mga tagasunod
2.1k
Mga tagasunod
450k
Subscriber
I-download ang aming app
Google-play
Shopping-bag
Birago
Newsletter
Mag-subscribe sa aming newsletter at makuha ang pinakabagong mga post na naihatid sa iyong inbox.

ang iyong email address


* Kinamumuhian namin ang spam tulad ng ginagawa mo.


Sumulat para sa amin
Kung nais mong mai-publish sa victor-mochere.com, mangyaring ipadala sa amin ang iyong artikulo gamit ito anyo.

Magpadala sa amin ng isang paksa
Kung mayroong isang paksa na nais mong makita na nai-publish sa victor-mochere.com, mangyaring ipadala ito sa amin gamit ito anyo.

Mag-ulat ng isang pagwawasto o typo
Nakatuon kami na panatilihin ang aming mga pamantayan sa editoryal, kasama ang kawastuhan. Ang aming patakaran ay suriin ang bawat isyu sa bawat kaso ayon sa batayan, kaagad sa pagkakaroon ng kamalayan ng isang potensyal na error o pangangailangan para sa paglilinaw, at upang malutas ito sa lalong madaling panahon. Kung napansin mo ang isang error o typo na nangangailangan ng pagwawasto, mangyaring huwag mag-atubiling Makipag-ugnayan sa amin para sa agarang pagkilos.


Patakaran sa editoryal
Ang pahintulot na gumamit ng mga sipi mula sa anumang artikulo ay ibinibigay napapailalim sa naaangkop na kredito ng pinagmulan na ibinigay sa pamamagitan ng pagtukoy sa direktang link ng artikulo sa Victor Mochere. Gayunpaman, ang paggawa ng anumang nilalaman sa site na ito nang walang malinaw na pahintulot ay mahigpit na ipinagbabawal.

Pagsisiwalat
Ang aming nilalaman ay suportado ng mambabasa. Nangangahulugan ito na kung mag-click ka sa ilan sa mga ad o link sa website na ito, maaari kaming makakuha ng komisyon.


Why women find older men so attractive
Datemyage.com
|
Sponsored
Opening A Mutual Fund Account In The US From Philippines Is Better Than You Think
Mutual Funds United States | Search Ads
|
Sponsored
Villas Prices in Dubai Might Be Cheaper Than You Think
Dubai Real Estate
|
Sponsored
These Digital Marketing Courses May Be Better Than You Think
Marketing Classes | Search Ads
|
Sponsored
Victor Mochere
Victor Mochere ay isa sa pinakamalaking impormasyong blog sa web. Nag-publish kami ng mahusay na na-curate na mga napapanahong katotohanan at mahahalagang update mula sa buong mundo.

Maghanap ng sa amin sa
Pahayagan
Flipboard
Paksa
Negosyo
Edukasyon
Aliwan
Naka-Flack
Pamumuno
Life Hacks
Buhay
Laro
Teknolohiya
Paglalakbay
Kayamanan
Sundan kami
Facebook-f
kaba
Instagram
Pinterest
LinkedIn
Youtube
Telegrama
Rss
I-download ang aming app
Google-play
Shopping-bag
Birago
Magpaanunsiyo Mga kupon Pagtatatuwa Karapatang magpalathala DMCA cookies Pribadong Patakaran Sumulat Para sa Amin Magpadala sa amin ng isang paksa Makipag-ugnay sa
© 2022 Victor Mochere. Lahat ng karapatan ay nakareserba.

tl
Paghahanap ...

Paksa
tungkol sa
arkibos
Mga Tala ng CPA
Digital Marketing
Patakaran sa Social Media
Sitemap
MAG-LOGIN
MAG-SIGN UP
© 2022 Victor Mochere. Lahat ng karapatan ay nakareserba.


Ang website na ito ay gumagamit ng cookies. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng website na ito nagbibigay ka ng pahintulot sa mga cookies na ginagamit. Bisitahin ang aming Patakaran ng Cookie. Payag ako

Victor Mochere is one of the biggest informational blogs on the web. We publish well curated up-to-date facts and important updates from around the world.

Address

Buenavista
4904

Telephone

+639123427985

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dj Heart MN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dj Heart MN:

Videos

Share

Category


Other DJs in Buenavista

Show All

You may also like