ESNCHS Ang Sinag

ESNCHS Ang Sinag Ang Sinag ay ang opisyal na pahayagang pampaaralan ng Eastern Samar National Comprehensive High School, Sangay ng Lungsod ng Borongan.

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐——๐˜‚๐—ด๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ต๐—ฎ"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa s...
25/08/2024

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐——๐˜‚๐—ด๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ต๐—ฎ

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala." - Andres Bonifacio

Libo-libong taon na ang nagdaan noong nasungkit ng Pilipinas ang kalayaang kay tagal nang inaasam. Ngunit hindi makakamit ng bansa ang kasarinlan kung hindi dahil sa ating mga ninunoโ€” at sa ating mga bayani na patuloy nating hinahangaan.

Dugo. Binalot ng dugo ang buong Pilipinas, dugo ng ating mga bayani, para lang maisalba ang ating bansang kinatatayuan. Inialay nila ang kanilang buong buhay para sa taumbayan. Sa bawat patak ng dugo na kanilang ibinuhos, isang butil ng pag-asa ang kanilang itinanim. Hindi lamang ito mga pangalan sa mga pahina ng kasaysayan, kundi mga tunay na tao na may mga pangarap at ambisyon.

Pawis. Milyon-milyong pawis ang pumatak sa ating mga lupain. Pawis na puno ng determinasyon upang muling bawiin ang ating nga pagmamay-ari laban sa mga mananakop.

At luha. Mga luhang sumisimbolo ng pagmamahal sa bayan. Mga luhang nanggaling sa mga taong naghahangad ng katarungan at kalayaan. Ngunit dahil sa labis na emosyon na kanilang naramdaman, ito ang nag-udyok sa kanila upang sumulong sa laban. Kung kaya't narito tayo ngayon, nakatira sa ating bansang pinagmulan.

Ang tatlong ito ang naging pataba ng ating lupa. Ito ang naging ebidensya na labis na sakripisyo ang inalay ng ating mga ninuno, makaahon lang ang Pilipinas at ang mga mamamayan nito mula sa madugong labanan.

Kaya't ngayong araw ng mga bayani, bigyang-pugay natin ang ating mga magigiting na bayani na naglatag ng matibay na pundasyon upang maging atin ang ating kalupaan, ang ating bansang Pilipinas.

Isinulat ni Loraine Kim Abobo
Guhit ni Ghislaine Diolola | Ang Sinag

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—•๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐——๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎSa pangunahing layunin na magsalba ng b...
25/08/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—•๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐——๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

Sa pangunahing layunin na magsalba ng buhay, isinagawa ang inisyatiba ng Reserve Command at Philippine Army na magkaroon ng donasyon ng dugo kasama ang Philippine Red Cross- Eastern Samar Chapter, sa Junior High School Gym ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS), ngayong araw, Agosto 25, 2024.

Tungo sa kanilang tema na "Dugo Ko, Buhay Mo, Alay ng Tagapagtanggol ng Hukbong Mamamayan Para sa Bagong Pilipinas." Ito'y naglalayong magbigay serbisyo sa komunidad para sa kalusugan ng mamamayan.

๐Ÿ“ท: Lexia Arevalo | Ang Sinag

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎGinanap ang unang general assembly ng Ang Sinag, opisyal na pahay...
25/08/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

Ginanap ang unang general assembly ng Ang Sinag, opisyal na pahayagang pampaaralan ng ESNCHS, noong Agosto 23, 2024, sa silid-aralan ng 9-Narra.

Pinangunahan ito ng pambungad na pananalita ng Punong Patnugot na si Reign Kiezher Aboy, at sinundan ng mga patnugot sa iba't ibang kategorya at ipinahayag ang mga alituntunin sa nasabing pagpupulong. Dito, tinalakay ang mga agenda, kalakaran ng buong publikasyon at iba pa.

Isinulat ni Joselle Tiu
๐Ÿ“ท: Lloris Anika Ty | Ang Sinag

๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š  ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Ang ating sariling wika ay isang behikulo sa pagkatuto at kaunlaran. Dahil dito, nakiki...
25/08/2024

๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ang ating sariling wika ay isang behikulo sa pagkatuto at kaunlaran. Dahil dito, nakikilala tayo bilang isang malayang mamamayan.

Kaya, mahalin natin ang sariling wika at bigyan ng kahit katiting na pagpapahalaga.

Marahil kailangan natin itong ilawan at huwag lamang itabi sa lilim ng ating pagkawalang bahala para rito.

Sapagkat ating pakatandaan, ang bawat wika ay may kultura. Sa buwan ng Agosto, ibinabahagi at ipinapakita natin ang ating sariling wika. Gamitin natin ito, upang mas mapaunlad natin ang ating mga kaalaman tungkol sa wikang Filipino at maipakita rin natin ang ating pagmamahal sa bansa.

Isinulat ni Dheby Pableo
Guhit ni Ghislaine Diolola | Ang Sinag

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด โœ๏ธ Ngayong long weekend, mula Biyernes hanggang Lunes, ano nga ba ang mga plano ninyo? Layout ni Hazel Hila...
23/08/2024

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด โœ๏ธ

Ngayong long weekend, mula Biyernes hanggang Lunes, ano nga ba ang mga plano ninyo?

Layout ni Hazel Hilaria | Ang Sinag

23/08/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Isinagawa ang unang general assembly ng ESNCHS Ang Sinag para sa panuruang taon 2024-2025, ngayong araw, Agosto 23, 2024, sa klasrum ng 9-Narra.

Sa pagpupulong na ito, pinag-usapan ang mga inisyatiba, mga plano, at magiging hakbang ng publikasyon para sa buong taon sa pangunguna ng mga bagong executives at editors, kasama ang mga miyembro nito.

๐Ÿ“ท: Raydel Y. Samson
Edit ni Kimberly Lim Aclao | Ang Sinag

๐Œ๐€๐‹๐”๐†๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐† ๐“๐• ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐ŽNarito na ang resulta sa ginawang screening na n...
23/08/2024

๐Œ๐€๐‹๐”๐†๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐† ๐“๐• ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž

Narito na ang resulta sa ginawang screening na naganap, Agosto 22.

Ikinagagalak naming batiin ang mga bagong mamamahayag at teknikal na nagpakita ng husay at talento sa ginawang screening.

Samantala, para naman sa mga hindi pinalad, maraming salamat pa rin sa inyong giting at husay na ipinamalas.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Ma'am Anabelle Villiarino, tagasanay para sa nasabing kategorya.

Muli, pagbati sa mga bagong miyembro ng TV Broadcasting Filipino at ng Ang Sinag!

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—ข | Simula ngayong ika-27 ng Agosto 2024, mahigpit nang ipatutupad ang polisiyang 'NO ID, NO ENTRY' sa lahat ng m...
21/08/2024

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—ข | Simula ngayong ika-27 ng Agosto 2024, mahigpit nang ipatutupad ang polisiyang 'NO ID, NO ENTRY' sa lahat ng mga mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Ito ay naglalayong mapadali ang pagkakakilanlan ng isang mag-aaral at mapanatili ang seguridad at kaligtasan sa loob ng kampus.

Isinulat ni Christine Ladiao | Ang Sinag

๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข ๐——๐—”๐—ฌNgayong araw, Agosto 21, 2024, ginugunita ang araw ng pagpatay kay Benigno "Ninoy" Aquino Jr. noong 1983...
20/08/2024

๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข ๐——๐—”๐—ฌ

Ngayong araw, Agosto 21, 2024, ginugunita ang araw ng pagpatay kay Benigno "Ninoy" Aquino Jr. noong 1983. Bilang bahagi ng ating kasaysayan, atin itong ipaalala sa lahat ng mga Pilipino.

Samantala, dahil sa Proclamation No. 665 s. 2024 ng Malacaรฑang Palace, ngayong araw ay hindi holiday sapagkat ito ay inilipat sa Biyernes, Agosto 23, 2024.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข!Narito ang mga pangalan ng mga nakapasa sa ikalawang screening para sa Ang Sinag noong Agosto 15-16, 202...
17/08/2024

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข!

Narito ang mga pangalan ng mga nakapasa sa ikalawang screening para sa Ang Sinag noong Agosto 15-16, 2024.

Ma. Apple Pomarca
Mariah Ross Cada
Kellizhea Linneth Lira
Chelsy Caspe
Clark Greg Ogana
Chelssey Jhess Patilla
Sophia Denise Franco
Yvette Allaison Fuentes
Zayin Jacob Lucero

Layout ni Kimberly Lim Aclao

๐€๐–๐ƒ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐ˆ๐’ ๐’๐”๐Œ๐€๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐“๐• ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†-๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž!Kailan: Agosto 22, 2024 (4:00pm)Saan: DOST LabMagkakaroon n...
16/08/2024

๐€๐–๐ƒ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐ˆ๐’ ๐’๐”๐Œ๐€๐‹๐ˆ ๐’๐€ ๐“๐• ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†-๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž!

Kailan: Agosto 22, 2024 (4:00pm)
Saan: DOST Lab

Magkakaroon ng pangalawang awdisyon para sa TV BROADCASTING-FILIPINO ngayong darating na Huwebes ika-22 ng Agosto sa DOST Lab.
Pangungunahan ito ng kanilang tagapagsanay na si Ma'am Anabelle Villarino para sa nasabing kategorya.

Hinihikayat ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang na magsumite ng aplikasyon at mag-awdisyon upang maging opisyal na miyembro ng (ESNCHS) TV BROADCASTING-FILIPINO at ng ANG SINAG, ang opisyal na pampahayagang pangkampus ng ESNCHS (Filipino).

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—œ๐—ฅ ๐—ง๐—˜๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ!Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng ating Schools Division Superintende...
14/08/2024

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—œ๐—ฅ ๐—ง๐—˜๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ!

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng ating Schools Division Superintendent ng Sangay ng Lungsod ng Borongan na si Dr. Edgar Y. Tenasas, CESO VI.

Layout ni Khyle Abellar

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—ข | Para sa mga gusto pang mag-apply sa Ang Sinag, magkakaroon muli ng pangalawang screening bukas, Agosto 15, 20...
14/08/2024

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—ข | Para sa mga gusto pang mag-apply sa Ang Sinag, magkakaroon muli ng pangalawang screening bukas, Agosto 15, 2024, 4:00 pm sa DOST Lab at sa Biyernes, Agosto 16, 2024 sa parehong oras sa Library ng ESNCHS.

Sumali ka na!

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข!Narito ang mga pangalan ng mga nakapasa sa isinagawang screening para sa Ang Sinag noong Agosto 8-9, 202...
12/08/2024

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข!

Narito ang mga pangalan ng mga nakapasa sa isinagawang screening para sa Ang Sinag noong Agosto 8-9, 2024. Halos kalahati lamang sa mga aplikante ang nakuha para maging miyembro ng publikasyon.

Jan Crismann Gapud
Kathleen Payod
Princess Cheelsy Lorenzo
Angel Rose Amoyo
Erienne Zeyra Calacal
Princess Lexianelle Arevalo
Kim Samuel Dotingco
Jariel Ty
Samantha Danielle Andaliza
Khent Rhey Jhon Tanudra
Christine Ladiao
Elixir Nathan Lipata
Jimnald Mejica
Paul Jeremiah Navidad
Precious Jenel Lacbayo
Prince Edanne Fabula
Vincci Joules Acol
Joyce Araba
Delmar Chauncey Duane Araba
Martina Yukichi Malinao
Rosh Hashana
Jhelou Mae Lagdaan
Gian Cainto
Leionah Dorado

Layout ni Kimberly Lim Aclao

๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฃ๐—ง๐—”, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€Ginanap ang taunang halalan para sa mga bagong tagapangasiwa ng School Parent-Te...
09/08/2024

๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฃ๐—ง๐—”, ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€

Ginanap ang taunang halalan para sa mga bagong tagapangasiwa ng School Parent-Teacher Association (SPTA) sa School-Based Management (SBM) Hub kaninang hapon, Agosto 9.

Inihalal bilang tagapangulo si Letecia Amosco, pangalawang pangulo si Conrad Uy, Zhazha Vianney Beato bilang kalihim, habang si Daisy Mae Palconit ang itinanghal taga-ingat yaman.

Samantala, tinalakay din sa nasabing pagtitipon ang mga gagawing proyekto para sa taong panuruan.

Isinulat ni Anika Ty
๐Ÿ“ท: Anika Ty

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Nagtipon-tipon ang mga magulang ng mga estudyante ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ...
09/08/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Nagtipon-tipon ang mga magulang ng mga estudyante ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) para sa unang Homeroom Parent-Teacher Association (HRPTA) Meeting ng taong panuruang 2024-2025, ngayong araw, Agosto 9.

Dito tinalakay ng mga magulang at g**o ang ibaโ€™t ibang mga inisyatiba at proyekto ngayong taon. Naghalal din ng mga bagong opisyales ng HRPTA ang bawat pangkat at ng Grade PTA (GrPTA) ang bawat baitang.

Isinulat ni Joselle Tiu | Ang Sinag
๐Ÿ“ท: Earl Catalo at Anabelle Villarino

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโ—๏ธMagkita-kita tayo bukas sa DOST Lab pagkatapos ng klase (4:00 pm), magdala laman...
07/08/2024

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโ—๏ธ

Magkita-kita tayo bukas sa DOST Lab pagkatapos ng klase (4:00 pm), magdala lamang ng ballpen o lapis.

Tara na sa Sinag!

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโ—๏ธ๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก: Binago ang lugar at oras para sa mga aktibad na nakatakda sa Agosto ...
06/08/2024

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโ—๏ธ

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก:

Binago ang lugar at oras para sa mga aktibad na nakatakda sa Agosto 9. Gaganapin na ang interview sa DOST Lab na magsisimula nang 1:00 pm. Kasabay nito, tatanggap pa rin kami sa nasabing araw ng mga aplikante na sasailalim sa tatlong bahagi ng recruitmentโ€”registration, screening, at interview.

Samantala, mananatili sa Grade 10-Lopez Jaena ang aplikasyon sa Agosto 8 na magsisimula pagkatapos ng klase, 4:00 pm.

Layout ni Xanthe Malyssandre Escoto I Ang Sinag

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐˜‚๐—ท๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—น๐—บ ๐—ฃ๐—›Opisyal na ipinagkaloob ng Fujifilm Philippines ang isang donasy...
05/08/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ, ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐˜‚๐—ท๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—น๐—บ ๐—ฃ๐—›

Opisyal na ipinagkaloob ng Fujifilm Philippines ang isang donasyong camera sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) sa isinigawang turnover ceremony sa School-Based Management (SBM) Hub kaninang umaga, Agosto 5.

Pinangunahan ang inisyatibong ito ni Reginald James Lorico, isang alumnus ng ESNCHS at kaisa-isang Boronganon na tumanggap ng 2024 Sony World Photography Award, sa kauna-unahan pagkakataon.

Sa pagbabahagi ng Fujifilm ng camera sa unang pagkakataon, ipinahayag ni Gng. Hazel B. Meneses, punongg**o, ang kaniyang pasasalamat sa ibinigay ng korporasyon na gagamitin ng mga mag-aaral sa media arts.

Ibinahagi rin ni Marilen Catanghal, tagapamahala ng Fujifilm Ph ang kaniyang pagpuri sa mga mag-aaral ng ESNCHS na aktibong nakilahok sa dalawang araw na photography workshop.

โ€œI hope that this will start to something great not just in Borongan but also in other cities all over the Philippines," saad niya.

Samantala, dumalo rin sa seremonya si G. Rupert Ambil, opisyal ng Borongan City Information Office kasama ang iba pang photographers.

Bukod sa Compre, tumanggap din ng camera ang Sta. Fe National High School at Benowangan National High School.






๐Ÿ“ท: Anika Ty | Ang Sinag

๐Ÿฏ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!Malapit na ang aplikasyon para sa aming publikasyon. Kaya't kung ikaw ay...
05/08/2024

๐Ÿฏ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!

Malapit na ang aplikasyon para sa aming publikasyon. Kaya't kung ikaw ay isang Comprehenyo na nais sumali sa Ang Sinag, ito na ang tamang panahon!

Bisitahin ang link para sa ibang detalye ng aplikasyon:

https://www.facebook.com/share/p/3Qwf4zWu82xPvKmi/?mibextid=qi2Omg

Layout ni Xanthe Malyssandre Escoto | Ang Sinag

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—”๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ปSa mga nakalipas na taon, hindi maipagkakaila na maraming naging balakid sa pagpa...
05/08/2024

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—”๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Sa mga nakalipas na taon, hindi maipagkakaila na maraming naging balakid sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa, kung kaya't, binigyang-pansin ito ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng paglunsad ng bagong programa โ€” ang MATATAG Curriculum. Subalit, ang katanungang kung isa ba itong hakbang patungo sa dekalidad na edukasyon ng bansa o isa nanamang palyadong eksperimento ng nasabing ahensya ay patuloy na namamayani.

Inanunsyo ng Department of Education o ng DepED taong 2023 sa ika-10 ng Agosto ang kanilang nilikhang bagong kurikulum na tinawag na "MATATAG" โ€“ Makabagong kurikulum na napapanahon, Talino na mula sa isip at puso, Tapang na humarap sa ano man ang hamon sa buhay at Galing ng Pilipino nangingibabaw sa mundo.

Ayon kay Bise Presidente at dating DepED Secretary Sara Duterte, magsasagawa ng pagbabago sa dating kurikulum kung saan babawasan ang bilang ng mga learning competencies, at mas itutuon ang pokus sa mga asignaturang may kinalaman o may saysay sa larangang tatahakin ng mga kabataan. Bilang karagdagan, nais rin ng DepED na baguhin ang learning landscape ng Pilipinas para sa kinabukasan ng mga Pilipinong mag-aaral. Isa pa, upang maresolba ang employment rate ng mga kabataang nagsipagtapos sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang kakulangang kasanayan.

Dagdag pa rito, magsisilbing solusyon ang MATATAG Curriculum upang tugunan ang nakababahalang pagbaba ng akademikong pagganap ng mga estudyante, lalong-lalo na ang mga nasa elementarya, ayon kay Duterte. Kung pagbabatayan ang naging resulta ng PISA sa nakaarang taon at ngayon, talagang mababa ang ranggo ng Pilipinas sa buong mundo pagdating sa iba't ibang larangan at sa creative thinking. Umani ito ng pagka-alarma mula sa mga mamamayan, lalo pa't edukasyon ang susi sa progreso ng ating ekonomiya dulot ng mga taong may kasanayan sa iba't-ibang kumpanya sa bansa at siyang produkto ng aspektong akademiko.

Kung babalikan, ang MATATAG ay isang K-10 Curriculum na magsisilbing pundasyon para sa rebisyon ng dating kurikulum ng K-12. Ibig sabihin, mula Kindergarten hanggang Grade 10 lamang ang sakop nito at hindi pa kasama ang Senior High School. Ngayong taong-panuruan 2024-2025, sinimulan na ng iba't-ibang mga paaralan sa bansa ang pag-implementa ng kurikulum na ito sa Kindergarten, Grade 1, 4, at 7, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga g**o at iba pang mga miyembro ng paaralan na makapaghanda at makasabay rin sa prosesong tatahakin nila rito.

Gayunpaman, sa kabila ng mga benepisyong maidudulot ng programang ito ay nakalatag na malaking hamon para sa mga g**o at mag-aaral. Sa kadahilanang dapat nilang isaayos ang kanilang mga nakasanayan, talikuran ang tradisyunal na paraang kanilang natutuhan, at yakapin ang pagbabago na ngayon nasa kanilang harapan. Dagdag na apekto rin ang pagbabago ng takdang oras ng klase sa 45 na minuto.

Nakababahala ang magiging resulta ng repormang ito. Halos labindalawang taon na ang nakalipas simula nang maitatag ang programang K-12 ngunit wala pa ring pagbabagong naganap sa aspektong akademiko. Sadyang palyado talaga ang pag-iimplementa sa repormang ito. Batay na rin sa iba't-ibang ranggo ng bansa sa buong mundo. Isang mapait na reyalidad na kailangang tanggapin at ayusin ng gobyerno.

Bagama't maraming mga katanungan at pagkabahala na maging pasanin lamang ang repormang ito sa atin, sadyang hindi natin malalaman ang mga kasagutan kung hindi natin susubukan ang nasabing kurikulum. Ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pagpapa-unlad sa repormang ito para sa mga mag-aaral, dahil sa kabila ng lahat, iisa lang naman ang ating hangad at iyon ang mapaunlad at magkaroon ng progreso ang edukasyon sa bansang Pilipinas. Sa huli, isa pa rin itong reporma na naglalayong pagtibayin ang kaalaman na para sa atin.

Angkop at siguradong pagsasabatas ang nararapat at kailangan na tinatamasa ng sektor ng edukasyon, nang sa gayon, maipatupad rin nang maayos ang kooperasyon at pagkakaisa mula sa mga g**o, mag-aaral, at mga ahensiya ng pamahalaan. Huwag nating hayaan na maging isang palyadong eksperimento ang MATATAG Curriculum. Bigyang prayoridad ang edukasyon at lunasan ang mga balakid nito. Nang sa gayon, ang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino ay maliwanag, may halaga, at higit sa lahat, may patutunguhan.

Isinulat ni Andrea Obina
Iginuhit ni Stephen Gerald Calvadores

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—œ๐—– ๐—š๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ก๐—œ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ!Hindi lang isa kundi dalawang gintong medalya ang iuuwi ni Carlos Edriel Yulo para sa Pi...
04/08/2024

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ข๐—Ÿ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—œ๐—– ๐—š๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ก๐—œ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ!

Hindi lang isa kundi dalawang gintong medalya ang iuuwi ni Carlos Edriel Yulo para sa Pilipinas nang pagharian niya ang Men's Artistic Gymnastics - Vault Final sa 2024 Paris Olympics.

Matapos makopo ang ginto sa floor exercise finals, umarangkada naman si Yulo sa Olympic medal round ng vault na nagtala ng 15.166 average score. Mataas na difficulty at malinis na ex*****on ang ipinamalas ni Yulo sa kaniyang routines daan para sa 15.433 iskor sa kaniyang unang vault at 14.800 sa ikalawa.

Nasungkit naman ng Armenian gymnast na si Artur Davtyan ang Olympic silver sa average score na 14.966. Dikit naman sa puntos na ito ang idinelibera ng British gymnast na si Harry Hepworth na 14.949 para sa tansong medalya.

04/08/2024
๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!Kailan: Agosto 8-9, 2024 (4:00 pm)Saan: DOST Lab Paano: Magdala ng la...
04/08/2024

๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š!

Kailan: Agosto 8-9, 2024 (4:00 pm)
Saan: DOST Lab
Paano: Magdala ng lapis o ballpen. Narito ang mga hakbang ng aplikasyon:

๐’๐ญ๐š๐ ๐ž ๐Ÿ: REGISTRATION. Agosto 8, 2024 sa klasrum ng grade-10 Lopez Jaena. Magbibigay ng Registration Form ang Ang Sinag sa mismong araw ng screening. Para sa mga nakapag-register sa google form ng Ang Sinag, kayo ay inaasahang dadalo sa nasabing aplikasyon.

๐’๐ญ๐š๐ ๐ž ๐Ÿ: SCREENING. Agosto 8, 2024 sa klasrum ng grade-10 Lopez Jaena. Pagkatapos ng registration ay magkakaroon ng maikling oryentasyon at pagkatapos ay sisimulan na ang screening sa lahat ng mga kategoryang nais salihan. Bibigyan lamang ng isang paksa bawat kategorya.

๐’๐ญ๐š๐ ๐ž ๐Ÿ‘: INTERVIEW. Agosto 9, 2024 sa klasrum ng grade-10 Lopez Jaena. Para sa ikalawang araw ng aplikasyon, magkakaroon ng face-to-face interview ang mga aplikante upang mas makilala pa ng executives ang mga nais maging bahagi ng Ang Sinag.

Bukas ang aplikasyon para sa mga gustong maging:
Manunulat ng lathalain
Manunulat ng balita
Manunulat ng editoryal
Manunulat ng kolum
Manunulat ng isports
Manunulat ng agham at teknolohiya
Photojournalist
Video editor
Layout artist
Tagaguhit ng kartung pang-editoryal
Tagawasto ng sipi at taga-ulo ng balita

Layout ni Kimberly Lim Aclao | Ang Sinag

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—˜๐——๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—Ÿ ๐—ฌ๐—จ๐—Ÿ๐—ข!Matagumpay na nasungkit ng Golden Boy ng Pilipinas na si Carlos Edriel Yulo ang gintong m...
03/08/2024

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—˜๐——๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—Ÿ ๐—ฌ๐—จ๐—Ÿ๐—ข!

Matagumpay na nasungkit ng Golden Boy ng Pilipinas na si Carlos Edriel Yulo ang gintong medalya sa Men's Artistic Gymnastics - Floor Exercise Final sa Olympics 2024 sa Paris, France.

Nagtala ng 15.000 na puntos si Yulo daan para maiselyo ang pangunguna sa kompetisyon. Naiuwi naman ni Artem Dolgopyat ng Israel ang pilak sa iskor na 14.966 at ni Jake Jarman ng Great Britain ang tanso, 14.933.

Pinakaunang medalya ng Pilipinas ang pagkapanalong ito para sa 2024 Paris Olympics.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Isinagawa ang unang araw ng Writing With Light: A Fujifilm Photography Workshop sa Big Tent, Baybay Boulevard, ...
03/08/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Isinagawa ang unang araw ng Writing With Light: A Fujifilm Photography Workshop sa Big Tent, Baybay Boulevard, Lungsod ng Borongan, ngayong araw, Agosto 3, 2024.

Pinanguhan ang nasabing photography workshop ng mga batikang tagakuha ng larawan at bidyo na sina Ted Claudio, Azrael Coladilla, Jay Jallorina, at Kurt Giles Badon na nagsilbing panauhing tagapagsalita ng nasabing aktibidad.

Ang Fujifilm Photography Workshop ay inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Borongan at ng City Information Office na naglalayong makapagturo ng iba't ibang estratehiya sa pagkuha ng larawan sa mga taong may hilig nito mula sa iba't ibang probinsiya sa buong Silangang Visayas.

Samantala, ipagpapatuloy bukas, Agosto 4, ang workshop na may kaakibat na photography contest para sa mga delegado na sisimulan sa Baybay Boulevard hanggang Hamorawon .





๐Ÿ“ท: Earl Joseph Catalo | Ang Sinag

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด โœ๏ธ Kumusta ang unang linggo ng klase?  Ibahagi ang inyong komento sa ibaba.
03/08/2024

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด โœ๏ธ

Kumusta ang unang linggo ng klase?

Ibahagi ang inyong komento sa ibaba.

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐ŽMagkakaroon ng audition para sa TV Broadcasting Team ngayong araw 1:00 pm sa silid-aralan ng 11 HUMSS-A.Pangungu...
02/08/2024

๐€๐๐”๐๐’๐ˆ๐˜๐Ž

Magkakaroon ng audition para sa TV Broadcasting Team ngayong araw 1:00 pm sa silid-aralan ng 11 HUMSS-A.

Pangungunahan ito ni G. Edgar Andor, ang tagapagsanay para sa nasabing kategorya, kasama ang iba pang miyembro ng TV BROADCASTING TEAM.

Para sa mga matatanggap na miyembro at nag sumite ng kanilang online application, kayo ay hinihikayat na pumunta sa nasabing audition upang maging opisyal na miyembro ng ESNCHS TV Broadcasting Team (Filipino).

Lahat ng mag-aaral, nagpadala man ng aplikasyon o hindi na interesado ay hinihikayat na mag-audition.

Address

Brgy. Alang Alang
Borongan
6800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ESNCHS Ang Sinag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ESNCHS Ang Sinag:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Borongan

Show All

You may also like