19/09/2024
Mga kapwa ko magulang basahin po natin ito, hope may matutunan din po kayo base on my experience
Di madaling maging magulang, kelangan mo ng mahabang pasensiya, pang unawa, malalim na pagmamahal at syempre commitment. Habang bata pa yang mga yan dapat hulmahin mo sila para maging mabuting tao at anak, hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi na kung ano ang ugali at gawi sa paligid nya ay magiging ganon din sila, kung tarantado si ama, ganon din si anak, ganon daw yon, pero sa akin its a big No, why.?
Kasi di lang iisa ang magulang, 2 tayo, kung may pagkukulang ang isa, dapat punuan ng isa, kahit ganun turuan natin sila ng tama, love them more, at ibabalik nila yon sayo, never tell them na obligasyon nilang sundin ka, wala silang obligasyon sa yo, ang dapat lang nilang matutunan is how to be love, care and not to be selfish and everything will follow, pag sinabi mo kasing obligasyon, sapilitan, dapat nilang gawin which is not fair, although you tought them how to be a good person and child, nagkakamali at magkakamali din ang mga yan, dyan mo ipapasok yung pang unawa, hindi sila perfect, kahit anong mangyari dapat laging nandiyan ka, masama or mabuti man, dapat nararamdaman nila na andiyan ka, na di mo sila hahayaang di na makatayo sa pagkakadapa, then commitment, kung malalaki na sila at kumikita na, at nakalimutan ka nila, wag mo silang bibitawan, darating ang araw babalikan ka nila, darating ang panahon maaalala ka nila, kakailanganin ka nila, ang pagiging magulang lifetime commitment yan, hanggat humihinga ka, kaylangan ka nila, di porke may sarili na silang buhay they dont need you anymore, parang ikaw din yan, hinahanap hanap ang pagkalinga ng magulang lalo na pag down na down sila,
Madali ang maging magulang, mambuntis ka or magpabuntis ka, after 9 months magulang ka na, pero napakahirap MAGPAKAMAGULANG'''
ganun din sa mga anak
Mahirap MAGPAKAANAK'''
Eenjoy mo ang pagiging magulang, hayaan silang mag enjoy sa buhay in a good way, trust them, para magkaroon din sila ng tiwala sa sarili , be their shield, encouraged, support and be thier bestfriend, dahil kung may dapat silang maging unang kaibigan ay dapat ikaw muna yon, dahil ikaw ang dahilan kung bakit sila andito ngayon,