05/11/2025
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ | "Sa ESO, Sa Rooftop"
๐ ๐๐ข๐ญ๐ญ๐ฐ๐ธ๐ฆ๐ฆ๐ฏ ๐๐ฑ๐ฆ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ฃ๐บ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ซ๐ถ๐ฏ๐ฆ ๐๐ณ๐ข๐ฏ๐ค๐ช๐ด
Isa sa mga proud moments ko sa buhay ay iyong mapuntahan ang pansamantalang office ng ESO sa may rooftop nang hindi hinihingal at hindi pinagpapawisan.
Iyon ay noong bago ko pa maengkwentro ang
weird part ng storya sa mismong room malapit sa rooftop.
Alas siete na nang gabi nang akyatin ko ang office namin para sana hanapin ang ESO ID kong maghapon nang nawawala. Dahil last day naman na ng Studentsโ Days at simula na rin ng Hydrofest, nagpasya akong takbuhin ang tatlong palapag ng building papuntang office na tanging tibay ng loob at katiting na tapang ang dala.
Hindi pa noon sarado ang gate kayaโt laking pasalamat ko nang makapasok pa ako sa mismong building.
Habang tinatahak ang daan paakyat ay hindi ko napansing unti-unting bumabagal ang aking bawat pagyapak.
Biglang lumamig kahit na wala namang hangin.
At kung anong gaan ng aking paghinga ay siyang bigat naman ng aking pakiramdam โbagay na hindi pangkaraniwan at hindi panandalian.
Tinuloy ko ang paghakbang sa mga natitira pang step ng hagdan at tumigil sa may harap ng pinto.
๐๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฐ๐ค๐ฌ.
๐๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ช๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐ช-๐ญ๐ฐ๐ค๐ฌ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฆ ๐ฎ๐ข๐ข๐จ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ธ๐ช.
๐๐ข๐บ ๐ช๐ฃ๐ข ๐ฑ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ๐ณ ๐ฏ๐ข ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฌ๐บ๐ข๐ต ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ?
Pagbukas ko ng pinto ay agad ko rin binuksan ang ilaw.
Maraming papel ang nakakalat.
Hindi rin ganoon kaayos ang mga bangko.
Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng office. Tanging ito lamang ang maliwanag dahil kahit mismong rooftop ay walang ilaw.
Binuksan ko ang bintana para sana silipin kung ano ang itsura ng hagdan kapag gabi pero agad din isinara nang makitang sobrang dilim nito.
Pakiramdam ko tuloy ay may kung anong nakatingin sa akin doon. Para bang nakangiti na hindi.
Pero alam kong imposible iyon dahil wala naman nang ibang estudyante dito kun โdi ako lang.
Hinalughog ko ang buong office mahanap lang ang ID. Sa drawer, sa ilalim ng table at sa mga gilid-gilid. Maging sa bunton ng mga papel na nakalagay sa mesa ay inisa-isa ko na rin.
Ngunit, bigo akong mahanap ang ESO ID ko.
Hindi ko na alam kung saang lupalop ko pa pwedeng hanapin iyon. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng inis pero agad din โyong napalitan ng takot nang bigla akong makarinig ng kaluskos malapit sa pinto.
Hindi ko maipaliwanang nang buo ang tunog at hindi ko rin alam kung anong pinagmulan nito.
Pero sa isang bagay lang ako nakasisiguro.
๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ช๐ช๐ด๐ข.
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lamang pumasok ang kung sino mang lumikha ng ingay na iyon.
Dahil nakatungo ako, sapatos lamang niya ang kita sa peripheral vision ko. Hindi ko magawang iangat ang mga mata ko. Napakalakas nang kabog ng dibdib ko at ang nasa isip ko na lamang ay ang makaalis na sa puwesto ko.
Pero hindi kaya ng katawan kong gumalaw.
Hinintay ko siyang magsalita ngunit nasa ganoong puwesto pa rin siya.
Doon na ako naglakas-loob na tignan siya.
Kitang-kita ko kung paano niya ako titigan sa ilalim ng walang emosyon niyang mata.
Matangkad na lalaki, maayos ang pagkakahawi ng buhok at nakasuot ng dating uniporme ng campus. May hawak na bolpen sa kanang kamayโhindi normal kun โdi estilong pasaksak ang pagkakahawak nito roon.
โAno po โyon?โ tanong ko.
Isang sagot naman sa kaniya ang natanggap ko.
โMagpapa-biometrics.โ
Sa lamig ng kaniyang boses, tanging kurap na lamang ang naging reaksyon ko sa isinagot niya.
๐๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ด๐ต๐ถ๐ฅ๐บ๐ข๐ฏ๐ต๐ฆ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข-๐ฃ๐ช๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ต๐ณ๐ช๐ค๐ด ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ข๐ด?
Isa pang ipinagtataka ko ay sinong magpapa-biometrics nang last day of studentsโ days? Na dapat ay noon pa lang ay ginawa na niya bago pa sumapit ang event?
โAno pong program at section?โ tanong ko habang inihahanda ang biometrics.
Hindi siya sumagot.
Binalik ko sa kaniya ang tingin ko.
Wala siyang kibo, basta lamang nakatayo.
โAno pong program at section?โ pag-uulit ko.
โโWag na pala.โ
Sabay talikod deretso labas ng pinto.
Nang oras din โyon ay buong lakas kong sinilip ang labas ng pinto, hinintay ko rin marinig ang mga yabag pababa ngunit ni-katiting na ingay ay wala.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang bumaba nang hindi nahihimatay matapos ang pangyayaring iyon.
Hindi ko rin alam kung tunay bang nangyari iyon o pagod lamang ako?
Pero malinaw sa akin ang kaniyang itsura.
Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya nakikita sa campus.
Pero ang mga titig na โyon ang nakapagpalamig sa akin.
Animoโy nagsasabi na, โ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ช๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ต๐ณ๐ช๐ค๐ด.โ
๐๐ข๐ฏ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐ต๐บ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช.
๐๐ญ๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฃ๐บ ๐๐ฐ๐ฉ๐ฏ ๐๐ฐ๐บ๐ฅ ๐๐ข๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ฏ๐ข