Ang Aghamanon

Ang Aghamanon "Panulat ang mabisang sandata"
Opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School sa Filipino

Ang Aghamanon ay isa sa opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School. Layunin nitong magbigay ng mga napapanahong impormasyon at opinyon sa tulong ng ilang piling mag-aaral ng naturang paaralan.

WALANG PASOK: Isinuspinde na ang klase sa Rizal National Science High School bukas, Agosto 20, alinsunod sa DM 046, S. 2...
19/08/2024

WALANG PASOK:

Isinuspinde na ang klase sa Rizal National Science High School bukas, Agosto 20, alinsunod sa DM 046, S. 2024 dulot ng panibagong banta ng Volcanic Smog na ibinubuga ng Bulkang Taal na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Dagdag pa rito, pinapaalalahanan naman ang mga mag-aaral na patuloy pa rin ang klase sa pamamagitan ng Modular Distance Learning.

Hinihikayat ang lahat ng manatili sa bahay at magsuot ng facemask sa tuwing lalabas upang maiwasan ang pollutant exposure.

Manatiling Ligtas Riscians!

Sa muling pagsisimula ng panibagong yugto ng pahayagan, patuloy na maghahatid ng balita at maglilingkod ang "Ang Aghaman...
17/08/2024

Sa muling pagsisimula ng panibagong yugto ng pahayagan, patuloy na maghahatid ng balita at maglilingkod ang "Ang Aghamanon".

Kung kaya’t narito ang mga bagong patnugot sa taong pampanuruan 2024-2025 kung saan ang panulat ang magiging sandata.

Club Enlistment Day sa Risay, pinasinayaan; Halalang Risayan, Women's basketball tryouts, idinaos rin Nagdaos ng Club En...
17/08/2024

Club Enlistment Day sa Risay, pinasinayaan; Halalang Risayan, Women's basketball tryouts, idinaos rin

Nagdaos ng Club Enlistment Day ang Rizal National Science High School nitong Huwebes, ika-15 ng Agosto, kung saan nakilahok ang mga mag-aaral sa pagpapalista sa kani-kanilang mga ninanais pasukang academic club para sa taong panuruan 2024-2025.

Sa ganap na ika-1:45 ng hapon, makikitang pumupunta na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga nakatalagang lugar ng pagtitipunan ng bawat club; MAPEH Club sa senior high school rooftop, Literati Club sa dormitory rooftop, Future Scientist Club sa alumni hall, Sipnayan club sa covered court, TLE Club sa Home Economics room, KAPARIZ Club sa Conference Hall, Historia Club sa 8-Integrity room, at GKC Club sa 10-Perseverance room.

Kasunod nito, nagpasinaya rin ng botohan para sa mga itatalagang club officers para sa bagong taong panuruan sa pangunguna ng mga club advisers, mga g**o sa bawat asignatura, at dating mga club officers.

Samantala, inilunsad rin ang Halalang Risayan para sa mga mag-aaral na nais irepresenta ang ika-pito at ika-11 na baitang ngayong umaga sa pangunguna ng RNSHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG).

Ginanap naman ang Women's basketball tryouts matapos ang Clubbing Enlistment sa araw na ito.

Isinulat ni: Herbert Gabriel Pan
Mga larawan nina Aldred De Leon, Kristel Alcuizar, at Ann Varias

Buwan ng Wika, sinimulan naIdinaos ang kauna-unahang flag raising ceremony para sa pagsisimula ng ikalawang linggo ng ta...
05/08/2024

Buwan ng Wika, sinimulan na

Idinaos ang kauna-unahang flag raising ceremony para sa pagsisimula ng ikalawang linggo ng taong pampanuruang 2024-2025 ngayong Lunes, ika-limang araw ng Agosto, sa kabila ng pagkaantala noong nakaraang linggo dahil sa pag-ulan.

Sa pagsisimula ng buwang ito, ibinahagi ng Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) Club ang mga inihanda nilang aktibidad na maaaring salihan ng mga mag-aaral bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika na may temang, "Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Samantala, mainit namang tinanggap ng mga mag-aaral ng RNSHS ang pagbating mensahe ng ating bagong punong g**o na si Dr. Lyndel R. David.

Isinulat ni: Katrina Piñon
Larawan nina: Kristel Alcuizar, Eds Maycacayan, at Aldred De Leon

BE 2024, matagumpay sa kabila ng pinsala ni CarinaMatagumpay na idinaos ng Rizal National Science High School ang Brigad...
26/07/2024

BE 2024, matagumpay sa kabila ng pinsala ni Carina

Matagumpay na idinaos ng Rizal National Science High School ang Brigada Eskwela upang paghandaan ang taong panuruan 2024-2025, sa kabila ng ilang araw na suspensyon bunsod ng bagyong Carina.

Kasama ang mga magulang at mag-aaral mula ika-walo hanggang ika-sampung baitang, nilinis ang mga silid-aralan, pasilyo, at mga pasilidad ng paaralan sa tulong ng RNSHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at mga boluntaryo.

Kasabay nito, isinagawa rin ang In-Service Education Training (INSET) ng mga g**o, at ang Basic Life Support (BLS) Training ng mga estudyante mula ika-11 baitang sa pangunguna ng REACH Club at ni Mr. Marc Gian Paolo Cloza.

Nagsimula ang mga nasabing aktibidad mula alas-siyete ng umaga at natapos nang alas-kwatro ng hapon ngayong araw, Hulyo 26, 2024.

Isinulat ni: Marielle Gallego
Larawan nina: Eds Maycacayan, Aldred De Leon at Ann Varias

PASADA BALITA: Matapos ang patuloy na pagbugso ng malakas na ulan pansamantalang sinuspinde ang Brigada Eskwela sa Rizal...
23/07/2024

PASADA BALITA: Matapos ang patuloy na pagbugso ng malakas na ulan pansamantalang sinuspinde ang Brigada Eskwela sa Rizal National Science High School (RNSHS) bukas, ika-24 ng Hulyo, upang panatilihin ang kaligtasan ng mag-aaral, g**o at iba pang mga tauhan ng paaralan.

Dagdag pa rito, itutuloy ang Brigada Eskwela at operasyon ng opisina ng paaralan sa Huwebes, ika-25 ng Hulyo.

via | Rizal National Science High School

BE Ready: 'RNSHS, ikinasa ang Brigada Eskwela ‘24' Inilunsad ang unang araw ng Brigada Eskwela sa Rizal National Science...
22/07/2024

BE Ready: 'RNSHS, ikinasa ang Brigada Eskwela ‘24'

Inilunsad ang unang araw ng Brigada Eskwela sa Rizal National Science High School (RNSHS), ngayong ika-22 ng Hulyo, alas-syete ng umaga, upang maihanda ang mga silid-aralan sa pagbabalik ng klase.

Nakibahagi ang mga magulang at mag-aaral mula sa ika pito at ika labindalawang baitang sa paglilinis ng paaralan, katulong ang RNSHS Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at REACH Club.

"Ito ay panimula sa ating paghahanda sa darating na pasukan" ani ng Punong G**o Dr. Lyndel R. David sa kanyang pambungad na pananalita.

"Hindi lamang dapat tayo handa physically, emotionally, maging ang ating environment ay dapat handa,” dagdag niya.

Kaugnay nito, sa paglalayong maiangkop ang mga panibagong mag-aaral sa ikapitong baitang sa kanilang bagong paaralan, pinangunahan ni SSLG Adviser Dahlia Ramos-Robles ang pagtatalakay sa RiSci 101 talk.

“Yang mga katabi mo ang pinakaimportanteng ingredients to thrive in RiSci, make friends, make powerful connections" pagbibigay-diin ni Gng. Ramos-Robles.

Dagdag pa rito, tinalakay din ang mga naging karanasan ng mga estudyante sa pag-aaral sa loob ng paaralan gayundin ang mga payo upang malampasan ang mga hamong kahaharapin.

Isinulat ni: Dane Diaz
Larawan nina: Ann Varias at Aldred De Leon

Maraming salamat sa dalawang taong pamumuno at walang sawang suporta sa aming paaralan, Madam Edith Delos Santos! Tunay ...
18/07/2024

Maraming salamat sa dalawang taong pamumuno at walang sawang suporta sa aming paaralan, Madam Edith Delos Santos!

Tunay na naging inspirasyon ang iyong dedikasyon sa paglilingkod at paggabay sa amin.

Hangad ng pahayagang ito ang iyong tagumpay sa susunod na misyon. Muli, maraming salamat, Ma’am Edith!

Isang malugod na pagbati sa paglilipat antas ng mga ika-10 baitang na kasapi ng pahayagan! Sa apat na taon ninyong pagla...
30/05/2024

Isang malugod na pagbati sa paglilipat antas ng mga ika-10 baitang na kasapi ng pahayagan! Sa apat na taon ninyong paglalakbay, ipinamalas ninyo ang dedikasyon, katatagan, at ang galing sa pagsusulat. Ipinagmamalaki ng Ang Aghamanon ang inyong mga tagumpay. Nawa’y patuloy ninyong paunlarin ang mga kasanayan at kaalaman na magsisilbing gabay sa mga susunod pang landas na inyong tatahakin patungo sa inyong kinabukasan, na puno ng patuloy na pag-unlad at mga pagwawagi.

Padayon, mga Iskolar ng Bayan!

Isang malugod na pagbati sa pagtatapos ng mga ika-12 baitang na kasapi ng pahayagan! Sa anim na taon ninyong paglalakbay...
29/05/2024

Isang malugod na pagbati sa pagtatapos ng mga ika-12 baitang na kasapi ng pahayagan! Sa anim na taon ninyong paglalakbay, ipinamalas ninyo ang dedikasyon, katatagan, at ang galing sa pagsusulat. Ipinagmamalaki ng Ang Aghamanon ang inyong mga tagumpay. Nawa’y patuloy ninyong paunlarin ang mga kasanayan at kaalaman na magsisilbing gabay sa mga susunod pang landas na inyong tatahakin patungo sa inyong kinabukasan, na puno ng patuloy na pag-unlad at mga pagwawagi.

Padayon, mga Iskolar ng Bayan!

Birthday na ni Carl! 🥳Isang maligayang kaarawan sa ating Tagapamahala ng Pahina ng Pahayagan! Nawa’y naging maligaya ang...
10/05/2024

Birthday na ni Carl! 🥳

Isang maligayang kaarawan sa ating Tagapamahala ng Pahina ng Pahayagan! Nawa’y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo.

Kami ay walang hanggang nagpasasalamat sa iyong pagsusumikap at dedikasyon sa pagpapanatiling aktibo ng pahina ng ating publikasyon sa Facebook!

Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🥰


Birthday na ni Ma’am Jecelyn! 🥳Isang maligayang bati sa ating magandang G**ong Tagapayo ng Ang Aghamanon! Nawa'y naging ...
08/05/2024

Birthday na ni Ma’am Jecelyn! 🥳

Isang maligayang bati sa ating magandang G**ong Tagapayo ng Ang Aghamanon! Nawa'y naging maligaya po ang araw na ito para sa inyo.

Kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa iyong walang sawang pagsuporta sa kaunlaran ng ating organisasyon. Isang malaking karangalan ang magkaroon ng isang masipag at mapagmahal na g**o na katulad mo.

Mahal ka po namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Elijah! 🥳Isang maligayang kaarawan sa ating Manunulat ng Balitang Isports! Patuloy mong ipakita ang iyong...
24/04/2024

Birthday na ni Elijah! 🥳

Isang maligayang kaarawan sa ating Manunulat ng Balitang Isports! Patuloy mong ipakita ang iyong angking galing sa paghahayag ng iyong boses sa ating pahayagan

Nawa’y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! ❤️


Birthday na ni JM! 🥳Isang maligayang bati sa ating natatanging Ikalawang Patnugot ng Ang Aghamanon! Nawa'y naging masaya...
18/04/2024

Birthday na ni JM! 🥳

Isang maligayang bati sa ating natatanging Ikalawang Patnugot ng Ang Aghamanon! Nawa'y naging masaya ang araw na ito para sa iyo.

Kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa iyong kahusayan sa pagbibigay disenyo sa ating pahayagan. Tunay na naging makulay ang buhay ng ating organisasyon dahil sa iyo.

Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon, Ikalawang Patnugot JM! 🫶


Birthday na ni Jessa! 🥳Nawa’y naging masaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribus...
15/04/2024

Birthday na ni Jessa! 🥳

Nawa’y naging masaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribusyon sa ating pahayagan bilang Tagawasto ng Balita. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Jasmine! 🥳Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa paghahayag ng iyong bos...
14/04/2024

Birthday na ni Jasmine! 🥳

Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa paghahayag ng iyong boses bilang isang Manunulat ng Opinyon sa ating pahayagan. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


ODL ULI: Sa kaunting panahon na natitira sa taong panuruan 2023-2024, ginawang asynchronous o online distance learning a...
12/04/2024

ODL ULI: Sa kaunting panahon na natitira sa taong panuruan 2023-2024, ginawang asynchronous o online distance learning ang Abril 15-16, Lunes hanggang Martes.

Ito'y para bigyan pa ng karagdagang panahon ang mga estudyante sa gawaing kinakailangang mapasa sa pagtatapos ng taong panuruan.

via DepEd Philippines

Ulat ni Winona Cruz

ICYMI: Inanunsyo na ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagsasakatuparan ng Online Distance Learning/ Asynchronous Classes sa ...
07/04/2024

ICYMI: Inanunsyo na ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagsasakatuparan ng Online Distance Learning/ Asynchronous Classes sa lahat ng antas bukas, ika-7 ng Abril (Lunes) maging sa darating na ika-11 ng Abril (Huwebes), upang magbigay oras sa mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga nakatalagang asignatura, proyekto, at iba pang mga gawain.

Kalakip nito, idineklara rin na walang pasok sa darating na ika-9 at 10 ng Abril (Martes at Miyerkules) bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan at pagdiriwang ng Eid'l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan alinsunod sa bisa ng proclamation No. 514, s. 2024.

Karagdagan rito, naitalaga rin bilang Online Distance Learning/ Asynchronous Classes ang ika-12 ng Abril (Biyernes) para sa mga Senior High School na mag-aaral.

Iniulat ni Kendra Marquez
Idinisenyo ni Jia Valencia

Birthday na ni Danie! 🥳Maraming salamat sa paghahayag ng iyong boses sa mundo bilang isang miyembro ng Radio Braodcastin...
02/04/2024

Birthday na ni Danie! 🥳

Maraming salamat sa paghahayag ng iyong boses sa mundo bilang isang miyembro ng Radio Braodcasting. Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Ann! 🥳Nawa’y naging masaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribusyo...
21/03/2024

Birthday na ni Ann! 🥳

Nawa’y naging masaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribusyon sa ating pahayagan bilang Patnugot ng Pagkuha ng Larawan. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Georgia! 🥳Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong natata...
08/03/2024

Birthday na ni Georgia! 🥳

Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong natatanging kontribusyon sa ating pahayagan bilang isang Manunulat ng Agham at Teknolohiya. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


OPINYON — Damdamin o Dignidad?Kalat sa social media ang isang post ng TomasinoWeb, digital media organization ng Unibers...
23/02/2024

OPINYON — Damdamin o Dignidad?

Kalat sa social media ang isang post ng TomasinoWeb, digital media organization ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST), ukol sa isang larawan noong Huwebes, ika-15 ng Pebrero, na kung saan ay ipinakita ang mga estudyante sa College of Information and Computing Science (UST-CICS) na suot ang kanilang Type B uniform sa harapan ng 7-Eleven branch sa UST Quadricentennial Pavilion. Ang mistulang nakaeenganyo’t interaktibong litrato’y kalaunan ipinatanggal ng UST Office of the Student Affairs (UST-OSA) sa kadahilanang nagpapakita umano ang larawan ng pangungutya sa mga estudyante, kolehiyo, at sa kabuuan ng unibersidad. Tila naging marahas ang larawan para sa unibersidad at lantarang pagpapakita na mas importante ang dignidad ng unibersidad kaysa sa kalayaan ng mga estudyanteng ipahayag ang kanilang damdamin.

Wala namang masamang ipinapahayag ang larawan dahil ipinapakita lang nito ang kahawigan ng uniporme ng UST-CICS sa mga 7-Eleven employees. Dahil dito, para na rin sinabi ng UST-OSA na nakakapagpababa ng dignidad na maihambing sa isang convenience store employee dahil “hamak na convenience store employee” lamang ang mga ito—salungat sa imaheng pinoprotektahan nila. Naging elitista ang naturang reaksyon ng administrasyon ng UST ukol sa larawan ayon sa pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Ipinakita lamang ng UST-OSA na nilabag nila ang malayang pagpapahayag ng kanilang digital media organization— at hindi na bago ito sa larangan ng pamamahayag sa paaralan. Sa paggalaw ng freedom press at campus journalism, kung makikita sa isyu, ay masasabing limitado ang galaw at dapat sang-ayon sa opinyon ng mas nakakataas ng bawat pahayagan ng paaralan.

Dapat yakapin ang pagkakaroon ng social inclusivity kasama ang mga mamamayang nasa working class dahil kahit mukhang mababa, marangal naman ang kanilang ginagawang trabaho. Kailangan ng hindi lamang UST-OSA, pati na rin ang iba’t ibang eskwelahan na respetuhin at protektahan ang kalayaan ng integridad sa pagpapahayag ng mga campus journalists.

Kartun ni: Samantha Grey Lucos

TIGNAN: Isinapubliko na ng "DepEd Order No. 3, s. 2024 o ang Amendment to DepEd Order No. 022, s. 2023" para sa taong pa...
20/02/2024

TIGNAN: Isinapubliko na ng "DepEd Order No. 3, s. 2024 o ang Amendment to DepEd Order No. 022, s. 2023" para sa taong panuruan 2023-2024 na may pokus sa kalagayan ng mga estudyante at ng mga g**o upang maibalik ang dating iskedyul ng klase noong bago pa man bumagsak ang pandemya.

Nakasaad dito na ang katapusan ng taong-panuruan ay mailalapat sa May 31, 2024, Biyernes kung saan ang paggawad ng mga parangal para sa mga estudyante ay hindi lalagpas sa tatlong araw pagkatapos ng taong-panuruan.

Dahil sa pagpapatupad na ito, ang mga araw ng pagsusulit (Quarterly Examination) ay gaganapin sa:

•Ikatlong Markahan - March 25 - March 26, 2024.
•Ikaapat na Markahan - May 16 - May 17, 2024.

Gaganapin naman ang Centrally Managed Co-Curricular Activities pagtatapos ng taong-panuruan sa mga sumusunod na petsa:

•Palarong Pambansa - July 6 - July 17, 2024.
•National Festival of Talents (NFOT) - July 9 - 13, 2024.
•National Schools Press Conference (NSPC) - July 9 - July 13, 2024.
•Learners Convergence - July 9 - July 15, 2024.

Magsisimula ang bakasyon sa June 1, 2024 at magtatapos sa July 26, 2024, Biyernes, at ang bagong taong panuruan 2024-2025 sa July 29, 2024, Lunes at magtatapos naman sa May 16, 2025, Biyernes, sa susunod na taon.

Kaugnay na post: https://www.facebook.com/100064848304510/posts/796764642495139/?

via | DepEd R-4A Calabarzon

Ulat ni Duke Albona

PASADA BALITA: Pansamantalang isinuspinde ang face-to-face classes sa Rizal National Science High School bukas, ika-20 n...
19/02/2024

PASADA BALITA: Pansamantalang isinuspinde ang face-to-face classes sa Rizal National Science High School bukas, ika-20 ng Pebrero (Martes), upang magbigay-daan sa pagbubukas ng 2024 Palarong Panlalawigan na dadaluhan ng mga g**o ng paaralan sa Marikina Sports Stadium.

Sa halip, ipatutupad ang distance modular learning sa RiSci upang hindi maantala ang mga klase.

via | DepEd Rizal National Science HS

Ulat ni Carl Arellano

Birthday na ni Andrea! 🥳Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa paghahayag ng iyong bose...
17/02/2024

Birthday na ni Andrea! 🥳

Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa paghahayag ng iyong boses bilang isang Manunulat ng Lathalain sa ating pahayagan. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Ashley! 🥳Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong natatan...
17/02/2024

Birthday na ni Ashley! 🥳

Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong natatanging kontribusyon sa ating pahayagan bilang isang Tagadisenyo ng Pahina. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


TIGNAN: Aprubado kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang nauuusong pagsusuot ng duck hair clips sa mg...
17/02/2024

TIGNAN: Aprubado kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang nauuusong pagsusuot ng duck hair clips sa mga paaralan.

Aniya, hindi naman ito iba sa mga hair ribbons at headbands na pangkaraniwan nang sinusuot ng mga estudyante at g**o.

Kamakailan lamang, makikitang nakasuot ang ilang mga estudyante ng Rizal National Science High School ng mga "bibe hair clips" sa idinaos na taunang Educational Tour ng paaralan.

Ayon naman sa isang propesor mula University of the Philippines, ang pagsunod sa uso ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

Kung kaya’t ‘wag nang ikahiya ang mga bibe nyo!

Iniulat ni Herbert Pan
Idinisenyo ni Jia Valencia
Larawan ni Elishaelet Fulgueras

Muling idinaos makalipas ang ilang taon ang Intramural Sports Competition sa pangunguna ng MAPEH Club noong Pebrero 5 ha...
11/02/2024

Muling idinaos makalipas ang ilang taon ang Intramural Sports Competition sa pangunguna ng MAPEH Club noong Pebrero 5 hanggang Pebrero 8 sa Rizal National Science High School tampok ang iba’t ibang mga houses upang ipamalas ang mga kakayahang pang-atleta ng mga mag-aaral.

Naglaban ang mga atletang RiScian sa larangan ng mga palarong basketball (boys, girls), volleyball (boys, girls), badminton (singles, doubles), athletics (50m, 100m relay), e-games (Valorant, Mobile Legends) at mga Pinoy games (Pinoy henyo, sack race, patintero, tumbang preso, dodgeball).

Sa pangunguna ng mga mag-aaral mula sa Baitang 11, naganap din ang Zumba event at ticket selling na “Kalye Fiesta” noong umaga sa huling araw ng palaro upang bigyang sigla ang mga Pamilyang RiScian.

Mas pinainit ng mga muse at es**rt ng iba’t ibang mga houses ang laban sa kanilang pagrampa at pagpapakilala upang iwagayway ang bandera ng kani-kanilang mga natatanging pangkat sa pang-apat araw ng Intramurals.

Nagtapos ang Intramural Sports Competition sa pagtatanghal sa Yellow Gladiators bilang Best House, sumunod ang Red Archers na nasungkit ang 1st Runner-Up, Green Knights na nakuha ang 2nd Runner-Up at Blue Vikings sa 3rd Runner-Up.

Lubos namin kayong binabati mga natatanging atleta. Padayon, mga RiScian!

Iniulat ni Niah Elijah Roa
Mga larawan nina Ann Varias, Kristel Alcuizar, Aldred de Leon at Cassandra Reyes
Watermark: Marianne Legaspi

Birthday na ni Kish! 🥳Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribu...
09/02/2024

Birthday na ni Kish! 🥳

Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Maraming salamat sa iyong natatanging kontribusyon sa ating page bilang isang Layout Artist. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Birthday na ni Charles! 🥳Maraming salamat sa pagbibigay ng kulay sa ating pahayagan bilang isang Tagaguhit ng Kartun. Tu...
08/02/2024

Birthday na ni Charles! 🥳

Maraming salamat sa pagbibigay ng kulay sa ating pahayagan bilang isang Tagaguhit ng Kartun. Tunay na hindi maitatanggi ang iyong talento sa pagguhit upang ipahayag ang iyong boses sa mundo. Nawa'y naging maligaya ang araw na ito para sa iyo. Mahal ka namin mula sa iyong pamilya sa Aghamanon! 🫶


Address

J. P. Street
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 7am - 9pm
Tuesday 7am - 9pm
Wednesday 7am - 9pm
Thursday 7am - 9pm
Friday 7am - 9pm
Saturday 8am - 8pm
Sunday 8am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Aghamanon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Aghamanon:

Videos

Share

Nearby media companies


Other News & Media Websites in Binangonan

Show All