05/09/2024
PROTIPS - September 6, 2024
Love Your Clients
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ang iyong trabaho ay regalo sa iyo ng Diyos. Ito'y pagpapala na marapat nating ipagpasalamat araw-araw. Regalo at biyaya ding maituturing ang pagkakaroon ng customers at clients. Isang cashier sa isang supermarket ang nagtanong sa akin kung kamag-anak ko ang isa sa kanyang mga suki. Hindi pamilyar sa akin ang pangalang kanyang binanggit kahit na pareho kami ng apelyido. Pero ang tumatak sa akin ay ang paglalarawan ng cashier sa kanyang customer, ang sabi niya, "Kilala mo na si...na customer friend ko?" Customer friend, di ba't napakagandang ang uganayan natin sa ating mga kliyente ay lumalago din hanggang sila'y maging kaibigan na rin natin? Paano ito mangyayari? Love your clients.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong panalo.
How can we serve our clients lovingly? Let me count the ways.
1) Don't let them waste their time waiting. Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong customer ay ang iwasang paghintayin siya at sayangin ang kanyang oras. Ang mga tao ngayon, lalong-lalo na sa mga Metro Manila ay pagod na pagod na sa kahihintay. Naghihintay sa traffic, naghihintay na makasakay ng bus o MRT. Kung pati ba naman sa telepono, restaurant, o pagpila para makapagbayad sa cashier ay maghihintay sa sila, baka naman kapag nagka-usap na kayo ay ubod na ng init ang ulo nila. Love your clients by respecting their time and not making them wait unnecessarily.
2) Genuinely listen to their concern. Maipakikita mo ang loving service sa inyong customers sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang problema at concern. Kapag may lumapit sa inyong customer at may tanong o komento siya sa inyong produkto o serbisyo, sa halip na maging defensive, matutong makinig at umunawa.
3) Know them by name. Ang isang palatandaan ng mahusay na customer service ay ito, you make your customers feel at home and valued. Simulan mo sa pamamagitan ng pag-alala sa kanilang mga pangalan. Tandaan mo rin kung ano ang kanilang preferences at paborito. Kung ikaw ay isang customer, hindi ba masarap sa pakiramdam na hindi mo pa sinasabi kung ano ang order or gusto mo ay alam na agad ito ng nag-a-assist sa iyo? I'm sure you will feel happy to receive such kind of attention and service.
Ang sabi sa John 13:34 ay ganito, "A new commandment I give to you, that you love one another, even as I have loved you, that you also love one another." Ang bawat kliyente na mayroon ka ay kaloob at biyaya ng Diyos. Mahalin mo sila - value their time, listen to their concerns and know them by name, know also their interests.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!