๐๐ง๐ง๐ฌ. ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ก ๐ ๐๐ง๐๐๐๐, ๐ก๐๐-๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก ๐ฃ๐๐๐ฅ๐ข!
Pinagmumura at dinuro-duro ni Atty Melvin Matibag, asawa ni San Pedro Congressional Representative Ann Matibag ang isang poll watcher sa Barangay Sto. Nino, Lungsod ng San Pedro matapos itong hindi sumunod sa utos na lumabas siya ng nasabing presinto.
Base sa kwento ng mga nakasaksi, pinalalabas ni Atty, Melvin Matibag ang mga poll watchers ng kalabang kandidato na kanilang sinusuportahan. Nang hindi ito lumabas ay sinugod at pinagmumura niya ito at tinakot pa umanong ipapadampot sa kapulisan.
Pinagmumura din umano ni Melvin Matibag ang tagapagbantay ng paaralan matapos nitong hingian si Melvin Matibag ng COMELEC ID para makapasok ito at magikot ikot sa paaralan.
Ikinagalit naman ito ng ilang resindent ng Barangay Sto. Niรฑo dahil wala sa lugar ang paghahari-harian nito dahil hindi naman ito botante ng nasabing barangay.
Inihahanda na din ang pormal na reklamo laban kay Melvin Matibag.
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Dahil sa walang humpay na dredging activities na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, hindi man lang umabot sa Orange Level ang tubig sa San Isidro River.
Kaya naman mabilis agad nawala ang tubig sa mga lugar na madalas bahain noon tulad ng Barangay San Antonio, Cuyab, Sto. Niรฑo at Poblacion.
Puspusan naman ang ginawang clearing operation ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Engineering Office (CEO) sa mga puno na malapit sa mga kable ng kuryente na maaring maging dahilan ng brownout.
(c) City of San Pedro
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Ilog ng Biรฑan sa Laguna, umapaw na. Ayon sa CDRRMO ng lungsod, baha na ang ilang lugar sa Brgy. San Jose, Brgy. Malaban, Brgy. Casile, Brgy. Canlalay, Brgy. Dela Paz, at Brgy. Poblacion.
Video courtesy: Rey Buhay
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Pag-aresto sa isang empleyado ng Bureau of Customs sa Binan Laguna dahil sa umano'y fixing at extortion.
Nagtulong ang Anti-Red Tape Authority at CIDG para mahuli ang lalaki na isang acting collecting officer at concurrent custodian ng BOC sa Laguna Technopark, Inc. sa Biรฑan, Laguna.
Sa isang entrapment operation, huli sa aktong nanghihingi at tumatanggap ng pera ang BOC employee sa isang negosyante.
Nasa CIDG na ang lalaki at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. | via Allan Francisco
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Isang binatilyo, nirescue ang isang aso sa rumaragasang ilog sa Biรฑan City, Laguna.
Ayon sa uploader na si Margole Ilagan, "7am nakita ko ang Aso sa Ilog iyak ng iyak 11 am na ng rescue siya. God bless you kuya! sa kabila ng matinding pagsubok na dinadanas natin sadyang may mga tao na mabubuti ang puso. Sana dumami pa ang katulad mo. Stay safe Biรฑanenses!"
Marami naman ang natuwa sa kabayanihan ng binatilyo at kaagad nag trending ang post na umani ng 2k shares at halos 10k na reaction.
(c) Jefferson Paul Carali | News Correspondent | LFDN
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Bumulwak ang tubig baha sa Phase 1, Barangay Langkiwa kasunod ang malakas na ulan kaninang tanghali.
Nagulat ang mga residente na hindi naman noon bumabaha sa kanila at amoy burak pa ang bumubulwak na tubig sa kanila.
Reklamo ng mga residente sumakit ang kanilang mga tyan at sikmura pagkatapos ng malakas na ulan dahil sa baho ng tubig baha na bumulwak sa kanilang lugar.
Nanawagan naman ang mga residente ng mabilisang aksyon mula sa Pamahalaang Bayan ng Biรฑan.
- Jefferson Paul Carali | News Correspondent | LFDN
ASH FALL SA BALIBAGO
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Sobrang maalikabok parin hanggang sa ngayon sa Brgy. Balibago, Siyudad ng Sta. Rosa. Isang linggo na mula noong pumutok ang Bulkang Taal ngunit ayon sa mga Netizens ay wala pang hakbang ang Pamahalaang Lunsod ng Sta. Rosa upang malinis ang mga kalye.
Marami na tuloy sa mga residente ang uma-alma at nagrereklamo dahil sa kapal ng alikabok na kanilang nalalanghap. Marami na rin sa kanila ang dumadaing ng hirap sa paghinga. - ๐ธ๐๐ ๐ฟ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ค๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก