Ethan Hernandez

Ethan Hernandez I am a licensed forester, a researcher with an interest in plant ecophysiology, an entrepreneur, and a content creator focusing on plants and ecosystems.
(9)

Check out my Google Scholar Profile (Jonathan O. Hernandez).

Ito ang Blue Ternate, na kilala rin bilang Butterfly Pea. Ang halamang ito ay naglalaman ng 'ternatins', isang uri ng an...
30/01/2025

Ito ang Blue Ternate, na kilala rin bilang Butterfly Pea. Ang halamang ito ay naglalaman ng 'ternatins', isang uri ng anthocyanin, na may iba't ibang pharmacological activities, kabilang ang anti-inflammatory, antimicrobial, diuretic, at antidiabetic properties (Mukherjee et al., 2008). Ang Blue Ternate ay may maraming gamit, mula sa pagiging fodder at nitrogen-fixing crop, hanggang sa paggamit bilang pangkulay sa pagkain at tradisyonal na gamot (Oguis et al., 2019).
Scientific name: Clitoria ternatea
Family name: Fabaceae

Thank you Philippine Science High School (main campus) for this. Kitakits!
29/01/2025

Thank you Philippine Science High School (main campus) for this. Kitakits!

29/01/2025

Talisay, Umbrella tree, or Tropical almond

29/01/2025

Towel para sa forester

Very excited ako i-meet ang first class ko kaso HOLIDAY pala! Kaya pala sabi ko why sarado pa eh mag 8am na! So, sino im...
28/01/2025

Very excited ako i-meet ang first class ko kaso HOLIDAY pala! Kaya pala sabi ko why sarado pa eh mag 8am na! So, sino imeet ko dito? Hahaha. Tara na here 🙂 Ah siya mag Kung Hei Fat Choi sa mga singkit.

28/01/2025

Talong-talongan, Tandang-aso, Solanum, pea eggplant, Turkey berry, cherry eggplant or Talongan

Kapag may nagfriend request po sa inyo using my name and photo (as shown below) ay HINDI PO AKO YAN. Please help me repo...
28/01/2025

Kapag may nagfriend request po sa inyo using my name and photo (as shown below) ay HINDI PO AKO YAN. Please help me report that account and please don’t accept. May blue badge po ang legit.

Nakatikim na ba kayo niyan? Paborito ko yan. Sige nga, anong tawag niyan sa inyo?
28/01/2025

Nakatikim na ba kayo niyan? Paborito ko yan. Sige nga, anong tawag niyan sa inyo?

If sa tingin niyo po ay di dumadaan sa inyo ang mga posts ko, gawin po ninyong “Favorite” ang Page ko. You can follow th...
28/01/2025

If sa tingin niyo po ay di dumadaan sa inyo ang mga posts ko, gawin po ninyong “Favorite” ang Page ko. You can follow these 3 simple steps. Meron kasing nagmemessage na kung tumigil na daw ako magvlog 🙂

Thank you!

Ang Bulak-Manok, o kilala rin bilang Billy Goat W**d, ay isang uri ng damo na natural na dumadami sa Pilipinas at napaka...
28/01/2025

Ang Bulak-Manok, o kilala rin bilang Billy Goat W**d, ay isang uri ng damo na natural na dumadami sa Pilipinas at napakahirap i-eradicate. Tinatawag din itong Billy Goat W**d dahil sa amoy nito na kahawig ng sa lalaking kambing (Okunade, 2002). Sa ibang mga bansa, itinuturing ang Bulak-Manok bilang isa sa mga pangunahing invasive w**d.

Sa kabila nito, maraming benepisyo ang maaring makuha mula sa damong ito. Ang katas ng dahon nito ay ginagamit bilang pangtapal para sa mga sugat, kagat ng insekto at ahas, pati na rin sa rayuma (Durodola, 1977). Sa ibang mga lugar, ginagamit ang Bulak-Manok bilang "green manure" upang mapataas ang ani. Ang mga dahon nito ay dinidikdik at ginagamit na panggagamot sa dibdib para sa pneumonia (Kotta et al., 2020). Gayunpaman, mas kilala ang Bulak-Manok sa kakayahan nitong magpagaling ng mga sugat.

Scientific name: Ageratum conyzoides
Family name: Asteraceae

Ito ang MADRE DE AGUA. Kilala ang halamang ito bilang masustansyang pagkain para sa mga alagang baboy, manok, kambing, b...
27/01/2025

Ito ang MADRE DE AGUA. Kilala ang halamang ito bilang masustansyang pagkain para sa mga alagang baboy, manok, kambing, baka, at marami pang iba. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay mayaman sa protina, bitamina, at mineral (Sarwatt et al., 2003; Saria at Preston, 1995). Kung nag-aalala kayo sa mataas na presyo ng mga nabibiling 'feeds' sa merkado, maaari ninyong isaalang-alang ang Madre de Agua bilang alternatibo, dahil bukod sa masustansiya, ito ay mabilis matunaw at agad na nagugustohan ng mga alaga.

Scientific name: Trichanthera gigantea
Family name: Acanthaceae

Ito ang TANGAN-TANGAN o Castor Oil Plant, na kilala rin bilang Gatlawa at Wonder Tree. Ang halamang ito ay may maraming ...
27/01/2025

Ito ang TANGAN-TANGAN o Castor Oil Plant, na kilala rin bilang Gatlawa at Wonder Tree. Ang halamang ito ay may maraming medicinal uses. Ang sariwang dahon at bark ng sanga ay ginagamit upang gamutin ang sakit ng ulo (Frimpong et al., 2021; Olsnes, 2004). Samantalang ang langis mula sa buto ng castor ay ginagamit externally sa katawan para sa pananakit ng kasu-kasuan o arthritis pain. Ang balat ng ugat naman ay ginagamit para sa mga sakit sa balat. Ang pinagbabaran ng dahon ay epektibo ring lunas para sa sakit ng tiyan (Elkousy et al., 2021).

Mahalagang malaman na may mga kaso ng pagkalason na naiuugnay sa castor oil plant dahil naglalaman ito ng Ricin, isang nakalalasong substansiya, lalo na kung ito ay nalunok at nakadepende sa dami (Hayoun et al., 2023; Worbs, 2011). Ang mga sintomas ng pagkalason ay maaaring magsama ng pagsusuka, dehydration, at pagkahilo (Lucas, 2006).

Scientific name: Ricinus communis
Family name: Euphorbiaceae

27/01/2025

Tibig, Tubog, Tabog, or sacking tree

Sa aking pagpirma ngayon, sa mga darating na araw ay ipapakita ko sa inyo ang aking nabiling taniman ng mga halamang gam...
27/01/2025

Sa aking pagpirma ngayon, sa mga darating na araw ay ipapakita ko sa inyo ang aking nabiling taniman ng mga halamang gamot at mga edible wild plants. Sa tingin niyo good idea?

Umaasa po ako na inyong nauunawaan na kapag mayroong records ng “toxicity”ang isang halaman, mas binibigyang-priyoridad ...
26/01/2025

Umaasa po ako na inyong nauunawaan na kapag mayroong records ng “toxicity”
ang isang halaman, mas binibigyang-priyoridad ko po ang pagbibigay ng paalala o babala kaysa sa pagtutok sa mga benepisyo. Kasama ang aspetong ito sa pagreresearch o pag-alam ukol sa toxicity ng bawat halamang aking ifefeature. Re: Precautionary principle.

Mag-ingat sa Buddha Belly Plant. Kilala rin ito bilang ginseng, purging nut, at gout stick. Ayon sa isang article mula s...
26/01/2025

Mag-ingat sa Buddha Belly Plant. Kilala rin ito bilang ginseng, purging nut, at gout stick. Ayon sa isang article mula sa North Carolina Extension website, ang dagta nito ay maaaring magdulot ng contact dermatitis. Bukod dito, halos lahat ng bahagi ng halamang ito ay nakalalason, lalo na ang mga buto nito na naglalaman ng purgative oil at iba pang phytotoxins (Begg at Gaskin, 1994). Ang balat ng stem ay sinasabing maaaring gamitin bilang panglason sa isda.

Bagamat may mga medicinal uses ang halamang ito, mahalagang gamitin ito sa maliit na dami lamang. Sa ilang lugar, ang ugat nito ay dinidikdik upang makuha ang aphrodisiac effect na katulad ng ginseng. Ibinababad sa al*k. Sa ibang bansa, ang pinagpakuluan ng mga dahon at bulaklak ay ginagamit bilang mouthwash. Ano pa ang ibang mga gamit ninyo sa halamang ito?

Scientific name: Jatropha podagrica
Family name: Euphorbiaceae

26/01/2025

Katas ng mulberry leaves pangmask ng pait ng ampalaya

Ang katotohanan sa likod ng SARDINAS.
26/01/2025

Ang katotohanan sa likod ng SARDINAS.

Address

Bay

Telephone

+639198106059

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ethan Hernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ethan Hernandez:

Videos

Share

Category