Pines FM 96.6

Pines FM 96.6 Radio Station

30/08/2024

Bataraza!๐Ÿ

Suportahan ang entry ng ating bayang Bataraza sa ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐‡๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐ƒ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Œ๐ˆ๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐’ (PBBM)!

I-heart (โค๏ธ) ang mismong video katumbas ng 2 points at i-share para sa additional 5 points.
Maaaring bumoto sa voting period mula August 27 hanggang September 15, 2024.

30/08/2024
30/08/2024

โ€œLets show our love and support to the Municipality of Bataraza's official entry in Bidang Manininda sa fruits and vegestable section by hiting the like button, share it with your friends."

30/08/2024
29/08/2024

BASAHIN || Ilang bayan sa Southern Palawan, isinailalim sa Yellow Warning Level ng PAGASA

Naglabas ng Heavy Rainfall Warning No. 7-A ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa Palawan ngayong Huwebes, August 29, dahil sa patuloy na epekto ng southwest monsoon o habagat.

Isinailalim sa Orange Warning Level ang bayan ng Kalayaan Islands, samantalang nasa ilalim naman ng Yellow Warning Level ang Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Espaรฑola, Rizal, Brooke's Point, Bataraza, at Balabac.

Nagbigay babala ang PAGASA na posible ang pagbaha sa mga mababang lugar at maaaring magkaroon ng landslide sa mga kabundukang bahagi.

29/08/2024
SCHEDULED POWER INTERRUPTIONDATE: September 01-02, 2024 || Saturday and SundayAFFECTED AREAS: Ipilan to Tarusan, Bataraz...
28/08/2024

SCHEDULED POWER INTERRUPTION

DATE:
September 01-02, 2024 || Saturday and Sunday

AFFECTED AREAS:
Ipilan to Tarusan, Bataraza

PERIOD/DURATION:
08:00am to 05:00pm

ACTIVITY/IES:
Construction of double circuit-insertion of pole along Ipilan to Barong-barong, conductor stringing and massive line clearing.

๐Ÿ“ท PALECO Brookes Point Sattelite Office

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—ก-๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—ฆ๐—จ-๐— ๐—–๐—•๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—กPormal na idinaos ang inauguration...
28/08/2024

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—ก-๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—ฆ๐—จ-๐— ๐—–๐—•๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก

Pormal na idinaos ang inauguration and turn-over ceremony ng bagong school building ng Mindanao State University-Main Campus Bataraza Extension (MSU-MCBE) sa barangay Inogbong, Bataraza ngayong araw, ika-28 ng Agosto, 2024.

"We have finally seen the very commitment given by LGU Bataraza, hoping for another commitment. As long as kakayanin ng LGU Bataraza under our mayor's leadership, Mayor Hj. Abraham Ibba, we would like to continue this commitment. Education is the cornerstone of progress. Together, let us continue to support MSU, ensuring the next generation will produce innovators."

Ito ang mensahe na ibinahagi ni Hon. Laurence Amores, Sanguniang Bayan (SB) member at Chairman committee in education sa nasabing programa na nagpapakita ng malaking suporta ng LGU sa MSU Bataraza.

Kabilang sa mga tampok na bahagi ng programa ay ang ceremonial turn-over ng symbolic key, unveiling of the marker, ribbon-cutting ceremony, blessing ng bagong gusali, at pagbibigay ng plaque at certificates sa mga panauhing pandangal.

Ang bagong gusali ay inaasahang magiging instrumento sa paghubog ng mas de-kalidad na pagkatuto para sa mga mag-aaral ng MSU-MCBE. Higit pa rito, ito rin ay nagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa mga kabataan ng Bataraza at mga kalapit na lugar.

Dumalo sa makasaysayang okasyong ito ang mga opisyal at kawani ng LGU Bataraza, mga kinatawan mula sa MSU system, mga g**o, staff, at mga mag-aaral ng nasabing paaralan. |via Elcana Zafra, Amer Banawas/PINES-FM 96.6

  โ€ผ๏ธ๐Ÿ“ขNananawagan si Gena R. Sucod sa kung sino mang tricycle driver o pasaherong nakapulot o nakakuha ng kaniyang CELLPH...
28/08/2024

โ€ผ๏ธ๐Ÿ“ข

Nananawagan si Gena R. Sucod sa kung sino mang tricycle driver o pasaherong nakapulot o nakakuha ng kaniyang CELLPHONE na REALMEC12 (RED CASE). Pinaniniwalaang naiwan ito ngayong araw, August 28, 2024, bandang 9:30-9:50 AM sa tricycle na sinakyan niya mula PSU Bataraza papunta sa Gomburza Street.

Sa sino mang may mabuting kalooban na nakapulot ng cellphone, hinihiling na sana'y sagutin ang tawag dahil ang cellphone ay naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon. Maaari ring tumawag sa numerong 09493727724 o makipag-ugnayan sa himpilan ng Pines FM 96.6. Bukod dito, maaari ding mag-message sa kanyang Facebook account (Gin Sucod) o sa account ng kanyang kaibigan (Kris Tene Kaye).

The photo is for attention only.

27/08/2024
"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’‰๐’Š๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’"๐ŸŽถNgayon ay ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญBigyan natin ng pagkilala at pagpapahalaga ang mga bayani n...
26/08/2024

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’‰๐’Š๐’ ๐’”๐’‚๐’š๐’"๐ŸŽถ

Ngayon ay ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Bigyan natin ng pagkilala at pagpapahalaga ang mga bayani ng nakaraan na naghangad ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bansang Pilipinas. Maging ang mga modernong bayani na patuloy na humuhubog sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal at dedikasyon sa bayan.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang kabayanihan at mga natatanging kontribusyon sa pagsulong ng ating bansa! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Š๐€๐‹๐˜๐Ž๐”๐“๐‡๐’๐”๐†๐€๐, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐‚๐จ๐š๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒAgusto 25, 2024| Sa pagdiriwang ng Int...
25/08/2024

๐Š๐€๐‹๐˜๐Ž๐”๐“๐‡๐’๐”๐†๐€๐, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐‚๐จ๐š๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐š๐ฒ

Agusto 25, 2024| Sa pagdiriwang ng International Youth Day ngayong araw, ang KALYOUTHSUGAN, isang samahan ng mga kabataan sa Bataraza, ay nag-organisa ng isang coastal clean-up drive sa baybayin ng Saipuddin, Marangas, Bataraza.

Pinamunuan ni Mr. Jan Art Serna mula Bataraza District Hospital ang nasabing aktibidad. Nagsimula ang gawain ganap na 8:00 AM at natapos ng 11:00 AM.

Layunin ng clean-up drive at ng nasabing samahan na hikayatin ang iba pang mga kabataan na makilahok sa mga makataong gawain tulad ng pangangalaga sa kapaligiran.

Samantala, matapos ang matagumpay na paglilinis sa baybayin, nagdaos ang mga organizers ng isang volleyball event sa Bataraza Sports Complex bilang bahagi ng kanilang programa na may temang "LINIS SET SPIKE! A Coast to Court Clean-Up Drive Initiative."

Kabilang sa mga lumahok sa programa ay mga manlalaro ng volleyball mula sa Bataraza, mga miyembro ng LGBTQ+ community, coast guards, at iba pang mga volunteers mula sa iba't ibang sektor ng komunidad.

Ang nasabing palaro ay nagbigay saya at pagkakataon sa mga kabataan na ipakita ang kanilang husay sa larangan ng sports kasabay ng kanilang adbokasiya para sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.




Photo Courtesy: Julius Divinasflores

๐™๐™€๐™๐™๐™€๐™Ž๐™ƒ๐™€๐™ ๐™๐™๐˜ผ๐™„๐™‰๐™„๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐™€๐™Ž๐™Ž๐™„๐™Š๐™‰, ๐™„๐™Ž๐™„๐™‰๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™€๐™ˆ๐™‹๐™‡๐™€๐™”๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‰๐™„๐™Ž๐™„๐™‹๐™”๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™•๐˜ผNangasiwa ng Refresher Training session a...
22/08/2024

๐™๐™€๐™๐™๐™€๐™Ž๐™ƒ๐™€๐™ ๐™๐™๐˜ผ๐™„๐™‰๐™„๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐™€๐™Ž๐™Ž๐™„๐™Š๐™‰, ๐™„๐™Ž๐™„๐™‰๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™€๐™ˆ๐™‹๐™‡๐™€๐™”๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‰๐™„๐™Ž๐™„๐™‹๐™”๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™•๐˜ผ

Nangasiwa ng Refresher Training session ang Bataraza Human Resource Management Office (HRMO) para sa mga empleyado ng Bataraza upang mapanatili ang kahusayan ng mga empleyado sa pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin sa bayan. Ito ay iginanap sa Municipal Lagoon kahapon, Agosto 21, 2024.

Ang programa ay dinaluhan ng mga regular, casual, contract of service (cos) at job order employees upang ipabatid sa kanila ang mahahalagang guidelines at polisiya sa pagtatrabaho, gayundin ang work etiquette na dapat nilang sundin bilang mga empleyado.

Ang mga napag-usapang talakayan ay ang mga sumusunod; Policy on the Availment of Compensatory Time-Off, filing of DTR and Travel orders, Dress Code, Code of Ethics at mayroon ding Question and Answer Discussion.

Ang nasabing programa ay bahagi ng pagpapanatili ng lokal na pamahalaan ng Bataraza na maging maayos at kalidad ang serbisyong publiko na hatid ng mga empleyado ng munisipyo ng bayan.




Photo courtesy: Lennart Caseria

20/08/2024
In celebration of the National Disaster Resilience and as part of our commitment to the community, the Bataraza Emergenc...
20/08/2024

In celebration of the National Disaster Resilience and as part of our commitment to the community, the Bataraza Emergency Response Unit (B.E.RU) SAR Auxiliary Team, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office of Bataraza, Palawan, and the 18th Special Forces Company of the Philippine Army steered a 5-day (August 07-11,2024) SAR Training on Tactical Combat Casualty Care (TCCC), High Angle Rescue (Mountain), Water Search and Rescue, Swift Water Rescue Training, and Rifle Familiarization, enhancing individual skills and knowledge as frontlines of disaster management and advocates of peace and security in the community.

This SAR Training focuses on the crucial skills and knowledge that a rescuer needs. A targeted approach to ensure everyone remains proficient and compliant. The training covers essential procedures and safety protocols that will equip teams with the vital skills they need, help maintain safety standards, ensure a rapid and coordinated response, foster confidence, and enhance adaptability in the face of unexpected challenges
The MDRRMO Bataraza and B.E.R.U Auxiliary Team would like to express their sincere gratitude to the 18th Special Forces Company - Riverine of the Philippine Army for its invaluable support and partnership in making this Training a resounding success. Their expertise and dedication were instrumental and vital in providing our rescuers with essential knowledge and skills to prepare for and respond to any type of disaster.

The main goal of Search and Rescue (SAR) operations is to Rescue the greatest number of people in the shortest amount of time, and the most important person in a rescue attempt is the RESCUER.

Photo courtesy: Lance Caballes

๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ๐™€๐™๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™•๐˜ผ, ๐™‹๐™„๐™‰๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐™Š๐˜พ๐˜ผ๐™‡ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ ๐™๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐™‡๐™” ๐™๐™Š๐™๐™๐™ˆ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”BATARAZA, PALAWAN โ€“ Ipinagdiwang ang malaking kontri...
20/08/2024

๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ๐™€๐™๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™•๐˜ผ, ๐™‹๐™„๐™‰๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐™Š๐˜พ๐˜ผ๐™‡ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ ๐™๐˜ผ๐™ˆ๐™„๐™‡๐™” ๐™๐™Š๐™๐™๐™ˆ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”

BATARAZA, PALAWAN โ€“ Ipinagdiwang ang malaking kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Bataraza sa ginanap na "Local Farm Family Forum" ngayong Agosto 20, 2024 sa Old Municipal Gymnasium. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga magsasaka mula sa iba't ibang barangay ng Bataraza.

Sa temang "Pagsaludo sa Matatag at Mapanlikhang Magsasaka at Mangingisda Tungo sa Maunlad na Ekonomiya," kinilala ang kahalagahan ng mga magsasaka at mangingisda sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Mr. Jerome Genilan, Officer-In-Charge ng Municipal Agriculture Office, ang kahalagahan ng mga magsasaka sa kanilang kontribusyon sa bayan.
"Ngayon, nandito tayo para bigyan ng pagkilala at pagpupugay ang mga ambag ng ating mga magsasaka. Kinikilala natin ang kanilang kontribusyon sa ating bayan. Kaya naman, pagsikapan nating i-adopt ang teknolohiya na binigay ng gobyerno ng sa ganun ay maging epektibo ang ginagawa nating pagsasaka," ani Genilan.

Samantala, nagbigay rin ng mensahe si Hon
Eddie Sagun, Sangguniang Bayan (SB) Committee on Agriculture, na nagpaalala sa mga magsasaka ng kanilang mahalagang papel sa lipunan. "Tayong mga farmer malaki ang ginagampanan natin sa ating bansa dahil kung walang farmer, walang makakain ang mga mamamayan. Kung kaya't kami sa LGU ay patuloy na susuporta sa ating mga lokal na magsasaka sa ikakaangat ng ating bayan," wika ni Hon. Sagun.

Ang "Local Farm Family Forum" ay bahagi ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang mas mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Bataraza. Bukod sa mga talakayan, nagkaroon din mga makabuluhan at masayang mga aktibidad tulad ng raffle draw, cooking contest, quiz bee, R.I.C henyo, OPM, at iba pa.

Ang forum ay pinangunahan ng Bataraza Municipal Agriculture Office katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH), Philippine Coconut Authority (PCA), EUNLAD COOP, at mga lokal na asosasyon ng magsasaka sa bayan ng Bataraza. | via Elcana Zafra, Janet Salay/ Pines-FM 96.6

  โ€ผ๏ธ๐Ÿ“ขNananawagan si Miss Julie Ann Villanueva sa sino mang nakapulot o nakakita ng kaniyang WALLET (kulay Pale Blue) na ...
19/08/2024

โ€ผ๏ธ๐Ÿ“ข

Nananawagan si Miss Julie Ann Villanueva sa sino mang nakapulot o nakakita ng kaniyang WALLET (kulay Pale Blue) na naglalaman ng pera mula sa kaniyang scholarship. Pinaniniwalaang nahulog ito ngayong gabi, August 19, 2024, bandang 6PM sa Bataraza Town Center Convention Hall o sa daan papuntang Tarusan.

Sa sino mang mabuting loob na nakapulot, maaari pong tawagan ang numerong 09536297345 o makipag-ugnayan sa himpilan ng Pines FM 96.6. Maaari rin kayong mag-message sa kaniyang Facebook account (Julie Ann Villanueva).

The photo is for reference only.

๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™„๐™‡๐˜ผ๐™Ž๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐™€๐™€๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™„๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฟ๐™€๐˜ผ๐˜ฟ ๐™Š๐™‰ ๐˜ผ๐™๐™๐™„๐™‘๐˜ผ๐™‡ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Š๐™Ž๐™‹๐™„๐™๐˜ผ๐™‡Nasawi ang 50 anyos na lalaki matapos gilitan ng kanyan...
19/08/2024

๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™„๐™‡๐˜ผ๐™Ž๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™Ž๐˜ผ ๐™‡๐™€๐™€๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐™„๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฟ๐™€๐˜ผ๐˜ฟ ๐™Š๐™‰ ๐˜ผ๐™๐™๐™„๐™‘๐˜ผ๐™‡ ๐™Ž๐˜ผ ๐™Š๐™Ž๐™‹๐™„๐™๐˜ผ๐™‡

Nasawi ang 50 anyos na lalaki matapos gilitan ng kanyang kainuman sa Barangay Ocayan, Bataraza, Palawan nitong Linggo, August 18. Kinilala ang biktima na si Joel Livingstone, residente ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, bandang alas-11 ng umaga nang magsimula ang inuman ng biktima at ng suspek na kilala lamang bilang alyas "Fred," 53 anyos na magsasaka na taga-Ocayan din. Ngunit pagsapit ng hapon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nauwi sa trahedya.

Sa gitna ng kanilang alitan, kumuha ng kutsilyo si Fred at walang awa niyang nilaslas ang leeg ni Livingstone habang ito ay nakahiga. Sa kabila ng malubhang sugat, nagawa pa ng biktima na tumakbo papunta sa highway upang humingi ng tulong. Nakita siya ng mga nagrorondang pulis mula sa Bataraza Municipal Police Station (MPS) at agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital. Gayunpaman, idineklara na siyang patay pagdating sa ospital.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Bataraza MPS. Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Photo courtesy: Palawan Provincial Police Office

๐™ƒ๐™š๐™–๐™™๐™จ ๐™๐™ฅ: ๐™‡๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™š๐™š๐™ ๐™š๐™ฃ๐™™ ๐˜ผ๐™ก๐™š๐™ง๐™ฉ! ๐Ÿ—“๏ธGet ready for a 4-day weekend! With Ninoy Aquino Day rescheduled to August 23, the long ...
18/08/2024

๐™ƒ๐™š๐™–๐™™๐™จ ๐™๐™ฅ: ๐™‡๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™š๐™š๐™ ๐™š๐™ฃ๐™™ ๐˜ผ๐™ก๐™š๐™ง๐™ฉ! ๐Ÿ—“๏ธ

Get ready for a 4-day weekend! With Ninoy Aquino Day rescheduled to August 23, the long weekend stretches through to Monday, August 26, which is National Heroes Day.

Got any plans for the extended break?๐Ÿ–๏ธ๐Ÿž๏ธ

18/08/2024
TINGNAN || Nagsagawa ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa pangunguna ng RTN Community Relations (ComRel) te...
18/08/2024

TINGNAN || Nagsagawa ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) sa pangunguna ng RTN Community Relations (ComRel) team ng isang orientation at Memorandum of Agreement (MOA) signing para sa mga bagong iskolar sa RTN Training Center, RTN Townsite, Rio Tuba, Bataraza, August 17, 2024.

Tampok ng programa ay ang MOA signing at Mental Health forum kung saan nagkaroon ang mga scholars at kanilang mga magulang ng pagkakataon para sa isang interaktibong talakayan at tanungan.

Buong-puso ang pasasalamat ng mga iskolar at kanilang pamilya sa kumpanya para sa patuloy na suporta na nakakatulong upang mabawasan ang kanilang gastusin sa edukasyon.

Dumalo sa naturang aktibidad ang mga iskolar mula sa mga impact barangays at kanila mga magulang kasama ang ilang barangay officials ng barangay Rio Tuba.

- Via Sweet Quilang/Pines Fm

๐‹๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข: ๐…๐ซ๐ข๐ž๐ง๐๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐†๐š๐ฆ๐ž, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐’๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ซ๐š๐ณ๐šBilang bahagi ng pagdiriwang ng...
17/08/2024

๐‹๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข: ๐…๐ซ๐ข๐ž๐ง๐๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐†๐š๐ฆ๐ž, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐’๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ซ๐š๐ณ๐š

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024, matagumpay na idinaos ang Laro ng Lahi: Friendship Game ngayong araw, ika-17 ng Agosto 2024, sa Bataraza mini coliseum.

Nagtipon-tipon ang mga kabataan mula sa iba't ibang youth organization sa Bataraza upang ipagdiwang ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng tradisyunal na mga laro. Layunin ng naturang aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga kabataan.

Sa aktibidad na ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makisalamuha sa isa't isa. Sa pasimulang laro na kadang-kadang, magkakasama ang mga miyembro ng isang organisasyon, ngunit sa mga sumunod na laro tulad ng sack race at hula hoop pass, pinaghalo-halo ang mga grupo upang hikayatin ang pakikipag-ugnayan sa ibang organisasyon.

Sa isang bahagi ng programa, nagpahayag ng karanasan at natutunan si Parix Eaxle Esteban, isa sa mga kabataan na lumahok sa aktibidad.

"Ngayong hapon nga po, pinaghalo-halo tayo at hiniwalay mula sa ating mga organisasyon, dahil dito mas na-enhance ang ating ability to communicate with others. Also, marami rin tayong natutunan, tulad ng cooperation at teamwork, na siyang talagang na-highlight sa ating mga aktibidad," ani Esteban.

Ilan pa sa mga tinampok na laro sa aktibidad ay ang red and blue, stop dance, Ulo-Paa-Tuhod-Bote, at Find your group, na hindi lamang naghatid ng kasiyahan kundi nagbigay-daan din upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang galing at diskarte.

Sa gitna ng tema ngayong taon na "From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development," na may layuning itaguyod ang kahalagahan ng teknolohiya at digital sa pagkamit ng isang mas maunlad at sustainable na hinaharap, ang Laro ng Lahi ay nagsilbing makabuluhang paalala sa mga kabataan ng kanilang makulay na pinagmulan.

Sa pagtatapos ng aktibidad, ang mga kalahok ay nag-uwi ng hindi lamang ng mga premyo, kundi ng mga bagong kaibigan at mga aral na kanilang babaunin saan man sila mapunta.

Ang Laro ng Lahi: Friendship Game na pinangunahan ng Municipal Youth Development Office - Bataraza bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2024 ay nagbigay ng makulay at makabuluhang karanasan sa mga kabataan ng bayan ng Bataraza.|Via Luislie Bacaro, Amer Banawas/Pines-FM 96.6

๐“๐š๐ค๐›๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ: ๐…๐ฎ๐ง ๐‘๐ฎ๐ง, ๐’๐ข๐ง๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ซ๐š๐ณ๐š Kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ...
17/08/2024

๐“๐š๐ค๐›๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ: ๐…๐ฎ๐ง ๐‘๐ฎ๐ง, ๐’๐ข๐ง๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ซ๐š๐ณ๐š

Kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024 na may temang "๐™๐™ง๐™ค๐™ข ๐˜พ๐™ก๐™ž๐™˜๐™ ๐™จ ๐™ฉ๐™ค ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™š๐™จ๐™จ: ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฉ๐™ ๐˜ฟ๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™๐™ฌ๐™–๐™ฎ๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™Ž๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™–๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™ก๐™š ๐˜ฟ๐™š๐™ซ๐™š๐™ก๐™ค๐™ฅ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ," ay nag-organisa ng FunRun ang Municipal Youth Development Office - Bataraza para sa mga kabataan ng Bataraza, August 17, 2024.

Sa isang panayam, ipinahayag ni Ma'am Genise Ellen N. Monter, itinalagang MYDO Bataraza officer, ang layunin ng nasabing aktibidad. "Layunin ng Fun Run na hikayatin ang mga kabataan na magkaroon ng healthy lifestyle, upang mas mapangalagaan nila ang kanilang kalusugan at regular na mag-ehersisyo," ani Monter.

Mahigit sa 50 kabataan mula sa iba't ibang organisasyon ng mga kabataan mula Bataraza ang masayang nakibahagi sa takbuhan mula New Municipal Building hanggang Bataraza Sports Complex.

Nagpahayag ng damdamin si Trisha G. Eleazar, isa sa mga kabataang lumahok sa aktibidad. Ayon kay Eleazar, "Masaya po ako kasi bukod sa nakasama ko ang mga ka-organisasyon ko, nagkaroon din ako ng pagkakataong makahalubilo ang mga miyembro ng ibang organisasyon."

Ilan sa mga organisasyon na lumahok sa aktibidad ay ang Bataraza Pines Smasher, Lakandula, Bataraza NHS boys and female scouts of the Philippines, Brigada Pagbasa, Bataraza NHS SSLG, The Verdant Crown Journalists, at Pinya Nayon.

Samantala, matapos ang takbuhan, nagkaroon ng masiglang Bida Dance at zumba dance sa Bataraza Mini coliseum, kung saan buong puso namang nakiisa ang mga kabataan at mga kalahok mula sa iba't ibang sektor.

Ilan naman sa ahensya tulad ng Philippine National Police (PNP), Philippines Coast Guard (PCG) Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO-Bataraza), at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nagbigay ng kanilang suporta at partisipasyon sa mga aktibidad, na nagbigay-dagdag saya sa okasyon.

Buong pusong pinasalamatan ng Municipal Youth Development Office - Bataraza ang lahat ng sumuporta, naging katuwang, at lumahok, lalo na ang ama ng bayan Municipal Mayor, HJ. Abraham M. Ibba, na walang sawang nagbibigay ng kaniyang pagmamahal at suporta sa mga kabataan ng Bataraza.

Ang matagumpay na Fun Run na ito ay patunay na ang kabataan ay handang maging katuwang sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago para sa isang mas maunlad at digital na hinaharap. |Via Luislie Bacaro/Pines-FM 96.6

TINGNAN|| Petroleum Engineering students mula sa Palawan State University, qualified sa PetroBowl World Championships na...
17/08/2024

TINGNAN|| Petroleum Engineering students mula sa Palawan State University, qualified sa PetroBowl World Championships na gaganapin sa United States of America (USA) ngayong darating na Setyembre 23.

Bunga ito ng kanilang matagumpay na pakikilahok sa PetroBowl Asia Pacific Regional competition na iginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong Hulyo 25-27, 2024.

Ito ay sina Ryan Bert Saja, Daniel Josh Toreta, Josef Anthony Cantos, Fatima Je-an Saidil, at Angel Alexis Ver Maulion kasama ng kanilang coach na si Engr. Dexter B. Tanabe.

Congratulations & best of luck, Petroleum students ng PalSU!๐Ÿ…

Photo courtesy: Society of Petroleum Engineers-PSU FB page

16/08/2024

๐—ข๐—ผ!, ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™– ๐™ง๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ-๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™ž๐™ก๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™๐™–๐™ฎ ๐™ค ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ช๐™ ๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–. Narito ang ilang dahilan kung bakit:

๐Ÿญ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—จ๐—œ๐—Ÿ๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป: Tinitiyak ng building permit na ang inyong konstruksyon ay sumusunod sa local building codes, safety standards, at zoning laws, kahit na natapos na ang inyong bahay. Nakakatulong ito upang matiyak ang kaligtasan at integridad ng estruktura.

๐Ÿฎ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐˜€๐—ฎ: Ang hindi pagkakaroon ng permit ay maaaring magdulot ng legal at pinansyal na problema, tulad ng multa, o kailanganin na gumawa ng magastos na pagbabago upang makasunod sa mga kinakailangan. Maari rin kayong makaharap ng legal na aksyon.

๐Ÿฏ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ถ-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป: Ang kawalan ng permit ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagbebenta ng inyong ari-arian. Baka hindi interesado ang mga potensyal na mamimili, o maaaring kailanganin ninyong ayusin ang mga isyu sa permit bago makumpleto ang pagbebenta.

๐Ÿฐ. ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ: Ang mga insurance companies ay maaaring tumanggi na i-cover ang estruktura na itinayo nang walang permit. Maaaring magdulot ito ng pinansyal na panganib kung sakaling magkaroon ng pinsala o ibang problema.

๐Ÿฑ. ๐—ฅ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐˜: Sa ilang kaso, maaaring kailanganin ninyong kumuha ng permit nang retroaktibo, na maaaring magastos at kumplikado. Maaaring kailanganin ding gumawa ng mga pagbabago upang matugunan ang mga kinakailangan ng local codes.

๐Ÿฒ. ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€: Sa Pilipinas, kailangan ng building permit at occupancy permit bago mag-apply para sa electrification services. Kung wala ang mga permit na ito, hindi ninyo maikokonekta nang legal ang inyong ari-arian sa electrical grid.

Ang pagkakaroon ng tamang mga permit ay makakatulong na protektahan ang inyong pamumuhunan at tiyakin ang kaligtasan at maayos na kondisyon ng inyong ari-arian.



Bataraza Public Information
Pines FM 96.6

๐——๐—œ๐—š๐—œ๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—–๐—ฌ, ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ, ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐—ญ๐—”Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kaba...
16/08/2024

๐——๐—œ๐—š๐—œ๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—–๐—ฌ, ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ, ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”๐—ญ๐—”

Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024 na may temang "From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development," nagsama-sama ang kabataan ng Bataraza sa Municipal Lagoon ngayong Agosto 16, 2024.

Nagpakita ng suporta ang iba't ibang youth organizations ng Bataraza mula sa Mindanao State University-Main Campus Bataraza Extension (MSU-MCBE), Palawan State University-SSC, Pinyanayon Dance Group, Bataraza National High School (BNHS) Boy Scouts, Verdant Crown, at Nikel Journo, na masiglang nakilahok at nakiisa sa mga talakayan at aktibidad.

Isa sa mga tampok na aktibidad ay ang Digital Literacy Training na pinangunahan ni Ms. Blessie Villanueva, MaEd teacher mula sa BNHS. Tinalakay niya ang mahalagang papel ng kabataan sa responsableng paggamit ng digital devices at social media.

Ani Villanueva, "Kapag nagsasama tayo gamit ang technology, social media, magiging katuwang tayo sa pag-unlad ng ating bayan. Sabay-sabay nating mamimeet ang goal ng bawat isa. Ang click to progress ay nangangahulugang, in one click, marami tayong makakamit."

Nagkaroon din ng Mental Health Awareness seminar na ibinahagi ni Mr. Julius Divinasflores mula sa Rural Health Unit na nagbigay-diin sa iba't ibang uri ng mental health disorders at mga tips upang mabawasan ang stress.

Ipinaalala niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili, "Hindi ka man balikan ng iba, balikan mo ang iyong sarili. Love yourself first before the others, it's the greatest love of all."

Sa pangunguna ni Mrs. Genise Ellen Nacis-Monter, PDO1 MYDO head, matagumpay na naisakatuparan ang mga aktibidad na naglalayong bigyan ng kamalayan at kaalaman ang kabataan tungkol sa paggamit ng digital technology at pangangalaga sa kanilang mental health.

Ang programang ito ay isinulong ng Municipal Youth Development Office (MYDO), sa pakikipagtulungan nito sa Local Government Unit (LGU) ng Bataraza, Department of Interior and Local Government (DILG), at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) Marangas. |via Elcana Zafra, Amer Banawas/Pines-FM 96.6


TINGNAN| Iminungkahi ng House of Representatives ang House Bill 10747 na naglalayong gawing anim (6) na taon ang termino...
15/08/2024

TINGNAN| Iminungkahi ng House of Representatives ang House Bill 10747 na naglalayong gawing anim (6) na taon ang termino ng pamumuno ng mga Barangay at Sanguniang Kabataan (SK) officials.

Ano ang opinyon mo? Pabor ka ba dito?

Address

Bgy. Marangas
Bataraza
5306

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pines FM 96.6 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pines FM 96.6:

Videos

Share