WATCH: Mensahe ng pasasalamat mula kay Maricel de la Rosa ng Sto. Tomas, Batangas kasunod ng libreng check-up sa isinagawang medical mission ng Dyaryo Veritas at Jaden and Friends sa kanyang 2-taong gulang na anak na si Jamia nitong Sabado.
WATCH: Ang mga mensahe ng pagpapasalamat mula kay Leonida Alcantara ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas at Rizza Reboso ng Brgy. Mahabang Parang, Batangas City kasunod ng matagumpay na medical mission ng Dyaryo Veritas at Jaden and Friends, Inc. noong Agosto 24 sa Batangas City Coliseum.
Super Health Center sa Agoncillo, pinasinayaan ni Senador Bong Go
Agoncillo, Batangas - Mas mailalapit na ang serbisyong medikal sa mga residente ng bayang ito matapos na isagawa noong ika-17 ng Hunyo ang pormal na pagbubukas ng Super Health Center sa Barangay Pamiga ng bayang ito.
Personal na nakiisa sa inagurasyon si Senador Bong Go na sinamahan nila Batangas Vice Gov. Mark Leviste, Batangas 3rd District Rep. Maitet Collantes, Batangas 1st District Board Member Armi Bausas, San Nicolas Mayor Lester De Sagun, Agoncillo Mayor Cindy Valenton-Reyes, Agoncillo Vice Mayor Daniel Reyes, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at iba pang mga lokal na opisyal. Nakiisa rin sa inagurasyon at nagbigay-saya sa mga tao ang batikang aktor na si Philip Salvador.
Ang Superhealth Center ay isang medium type ng polyclinic kung saan puwede ang panganganak, dental, laboratory, maging ang konsulta ng Philhealth.
"Ang kinaganda nito nakalagay ito sa strategic areas. Dise otso po ang itatayo sa buong probinsya ng Batangas at mahigit 600 sa buong Pilipinas. Yan po ang Super Health Center po. Ilapit natin ang serbisyo medikal sa ating mga kababayan," ani Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography sa isinagawang press briefing.
Mayroong 18 super health centers na itatayo sa lalawigan ng Batangas kabilangn na ang bagong bukas sa Agoncillo habang mahigit 600 naman ang sa buong Pilipinas.
"Yan po ang super health center. Ilapit po natin ang serbisyo medikal sa ating mga kababayan," ani Go.
Sa araw ding iyon ay binisita rin ni Go at ng mga opisyal ang evacuation center ng Agoncillo, na aniya'y malaking tulong sa nasabing bayan.
Ang mahirap aniya sa mga evacuation center noong pumutok ang Bulkang Taal ay walang kumportable, malinis at maayos na evacuation center na tutuluyan ang mga evacuees pero ngayon ay mayroon nang sariling evacuation center ang Agoncillo.
Naghain na ng panukalang batas sa Senado si Go kung saan gagawing mandatory ang pagtatayo ng evacuation centers
WATCH: Napuno ng mga tao ang paligid ng Gualberto Avenue sa Rosario, Batangas upang sakshihan ang malikhaing disenyo ng mga 120 nakahaing sinukmani sa ginanap na Pinakamalikhaing Sinukmani Contest sa ginanap na Sinukmani Festival 2024 kanina. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-337 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Rosario bilang bayan. 📹Marlon Luistro
ANNOUNCEMENT: Sa darating na Agosto 24 ay magkakaroon ng libreng medical screening at check-up ang Dyaryo Veritas sa in cooperation with Jaden and Friends Foundation para sa mga batang may sakit sa puso.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan at magtala sa Municipal / City Health Officer ng inyong bayan o di kaya ay tumawag sa 09236090295 / 09173121893.
WATCH: Mga nagsasarapang putaheng tilapya na pinalaki sa Taal Lake ang bumida sa isinagawang kauna-unahang Tilapya Cookfest sa Sta. Teresita, Batangas nitong Mayo 15. Bahagi pa rin iyan ng weeklong celebration ng Town Fiesta sa nasabing bayan. Layon din nitong maipromote ang turismo sa nasabing bayan.
📹Marlon Luistro
4 mahinang phreatic eruptions, naitala sa Bulkang Taal
Apat na mahinang phreatic o steam driven eruptions ang naitala sa Bulkang Taal noong ika-10 ng Mayo.
Sa inilabas na advisory ng Phivolcs nangyari ang mahinang mga pagsabog sa may main crater ng Bulkang sa pagitan ng 7:03 to 7:09 am, 7:17 am to 7:18 am, 7:52 to 7:54 am at 7:54 am to 8 am ng araw ding iyon.
Lumika ito ng puting plume o usok na may taas na 100 hanggang 300 metro sa may main crate bago napadpad sa direksyong timog kanluran.
Bahagyang tumaas din kahapon ang ibinugang asupre o sulfur dioxide ng bulkan sa 2,346 tonnes per day.
Nilinaw naman ng Phivolcs na batay sa kasalukuyang datos ay maaari pang masundan ang mahinang mga pagsabog. Gayunman ay malabo namang humantong sa magmatic eruption ang nangyaring pagaalburoto ng bulkan.
Nananatili pa rin sa Alert Level 1 Status ang Bulkan kayat ayon sa Phivolcs, nanantiling abnormal ang lagay nito. Nadoon pa rin aniya ang banta ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at pagbuga ng nakamamatay na volcanic gas.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta sa Taal Volcano Island na idineklarang permanent danger zone lalo na sa mga lugar ng main crater at Daang Kastila Trail.
Inaabisuhan din ang mga pilotong iwasang magpalipad malapit sa bulkan para na rin sa kanilang kaligtasan mula sa panganib na dulot ng airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagputok ng bulkan at wind-remobilized ash. (Marlon Luistro)
Longest Tamales Ibaan
Bumida sa katatapos na Les Kuhliembo festival sa Ibaan, Batangas ang 58 metrong habang pagkakasalansan ng tamales, na siyang pinakamahaba sa kasaysayan ng Ibaan
WATCH: Pasok na sa Maharlika Pilipinas Basketball League National Finals ang Bacoor City Strikers matapos nitong patumbahin ang Batangas City Embassy Chill, 54-49 sa Game 2 ng MPBL South Division Finals sa Batangas City Coliseum nitong Biyernes
📹 MPBL / Marlon Luistro
#mpbl #bacoor #batangascity #basketball
WATCH: Nilampaso ng Bacoor City Strikers ang Batangas City Embassy Chill, 89-68 sa kanilang Strike Gymnasium, Bacoor City para sungkitin ang Game 1 ng kanilang Best of 3 ng Maharlika Pilipinas Basketball League South Division Finals showdown nitong Lunes.
📹 MPBL
WATCH: Pinailawan na ang 30 talampakang Giant Xmas Tree sa The Outlets Lipa nitong Sabado ng gabi. Sinamahan pa ito ng makulay na lights exhibition at fireworks display.
📹Maricar Lajos, BSU Intern
Pormal nang binuksan ngayong umaga ang 23rd Aboitiz Football Cup sa Aboitiz Pitch, The Outlets Lipa sa Lipa, Batangas. Lalahok sa nasabing kompetisyon ang mga koponan mula sa Calabarzon Region at Metro Manila para sa kategoryang Under 7, Under 11 at Under 9. Tatagal ang torneo hanggang ika-9 ng Disyembre.
WATCH: Boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao, sasabak na nga ba sa 2024 Paris Olympics? Pacquiao Vs Mayweather Part 2, tuloy na ba?
📹 Marlon Luistro
Pinatumba ng Batangas City Embassy Chill ang Gensan Warriors, 66-62, sa harap ng 5,100 patron sa Batangas City Coliseum nitong Martes para makapasok sa MPBL Division Finals. Makakaharap nila ang Bacoor Strikers sa Best-of-3 showdown na magsisimula sa Nobyembre 13.
📹 MPBL / Marlon Luistro
Pormal nang sinimulan ngayong araw ang Calacatchara Festival 2023 sa Calaca City, Batangas.
Ngayon ang unang taong ipinagdiriwang ang nasabing festival mula ng naging siyudad ang Calaca.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-188 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Calaca bilang bayan.
📹 Arman Digno
Panoorin: Ipinagdiwang ng Taal ang El Pasubat Festival bilang bahagi ng ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing bayan. Tampok sa selebrasyon ngayong araw ang street dancing at magarbong float parade. 📹 Audrey Aguila, LPU-Batangas Intern.
Panoorin: Ang tradisyunal na Dagit o Salubong sa harap ng San Sebastian Cathedral, Lipa City sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. 📹 Marlon Alexander Luistro
Panoorin: Ang tradisyunal na prusisyon sa Lipa City ngayong Biyernes Santo. 📹 Marlon Luistro
Panoorin: Idinaos sa Barangay Dacanlao, Calaca City, Batangas ngayong Miyerkules Santo ang Corrida de Cavalos tampok ang karera ng mga kabayo.
Ang Corrida de Cavalos ay isang karera ng mga kabayo na may kalesa. Ito naman ang sinasakyan ng tao na tinatawag ay “kutsero”.
Ito ay paligsahan ng pinakamabilis na kabayo na hindi naman ganon kalakihan ng gantimpalaZ
Ito'y dahil sa hindi naman sa premyo nakabase ang mga kalahok kundi mas mahalaga ang mga panata kay San Rafael na tunay na dahilan ng pagdayo ng mga deboto iba’t ibang probinsya.
Nasa P2,000 ang inuwing gantimpala ng mga nagwagi sa karera habang P1,000 naman ang sa mga non-winners.
Nagkaroon din ng paraffle kung saan nagwagi ang mga mapalad na napiling kalahok ng Harness sa unang premyo, Hopples sa ikalawang premyo at Clippers para sa ikatlong premyo.
Nakiisa naman sa selebrasyon ang sexy star na si AJ Raval na nagbigay-saya sa mga Calaquenyo fans. ✍️📹 Arman Digno, LPU-Batangas intern
Tingni: Ang kasalukuyang sitwasyon sa Passenger Terminal ng Batangas Port as of 5:15 pm ngayong Martes Santo 📹 Apollo Mutia, LPU-Batangas intern