05/10/2025
𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡
Diyan kita madalas matagpuan.
Nakatindig at nakakapanginig ng laman.
Sa bawat titig mong ako ang pinagmamasdan,
Pinangarap kong minsan ako naman—
Ang katulad mong titindig sa unahan.
Malikot na mata, kumakabog na dibdib,
Natutuyot na mga labi, mga kamay na nanginginig.
Pinagsamang kaba at pananabik na nakaliblib,
Ang pakiramdam na nasa gitna—tiningala at nakakabilib.
Hindi ko nawari, hindi kailanman,
Na sa ganitong sitwasyon pala ako makatatagpo ng kayamanan—
Ang magsilbing representasyon ng pinagpipitagang nilalang,
Upang magturo nang lubos, hindi magbigay kaalaman lamang.
Ngayon ay unti-unti ko nang nahihinuha,
Mula sa bawat oras at salita, sa bawat agos ng dugo at luha.
Ang isang g**o ay lubos ang husay at dedikasyon,
Sapagkat kapalit nito ay nahulmang bata—sa kaalaman man o kondisyon.
Kaya pagsaludo sa g**o, nararapat na ipagsigawan;
Hindi sila nahihiyang tanggapin tayo sa kanilang karanasan.
Sinisig**o nilang imumulat tayo sa reyalidad ng mundo—
Simula sa pagbibigay at pagtanggap ng mga turo nang buo.
Kaya kung mamarapatin, tulungan sana ako rito;
Ibang persona at katauhan man, ikaw ay sinisimbolo.
Nararapat na maiparating na ikaw pa rin ang kapiling—
Isang inspirasyon at modelo, tunay na maituturing.
Kaya naman, noong dumating ang panahon,
Ako naman ang nakaharap upang sa pagkamangmang sila’y iaahon.
Gamit ang mga leksyong inaral ng ilang taon,
“Ma’am/Sir” ang pangarap—sa puso’y nagbibigay-baon.
Baon ng ngiti at kasiyahan habang sila’y nasisilayan,
Suot ang unipormeng nagbibigay pagkakakilanlan.
Bawat letrang sa kanila ay aking masasambit—
“Thank you, Teacher.” Sa akin, iyon ang kapalit.
Kaya’t sa pagharap sa kanila ay palaging pinaghahandaan,
Sapagkat tayo ang kanilang nagsisilbing huwaran—
Ang modelong kanilang tinitingnan,
At estudyanteng g**o na nagbibigay sa kanila ng tahanan.
Kaya naman, kahit hindi pa ganap na mga g**o,
Ang dedikasyon ay makikita at mararamdaman ng buo.
Ito man ay nakakapagod, paglilingkod ay walang pag-aalinlangan;
Estudyanteng g**o’y may pangarap sa unahan—
Lugar na nais mapwestuhan.
✍️ Phoebe Chelzea Mauro & Shamelle Añonuevo
dibuho ni Kassandra Garcia