22/07/2024
ANG KALIGTASAN NG KALULUWA AY NGAYON MISMO SA BUHAY NA ITO NAKAKAMTAN
2 Corinthians 6:2
(Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan)
SA BIBLIA, MAY MGA NALIGTAS NA KAHIT BUHAY PA SILA
MGA TAGA EFESO
Ephesians 2:8-9
Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
ANG MGA SINULATAN NI PEDRO
1 Peter 1:9
Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
ANG MGA TAGA CRETA (GREECE)
Titus 3:5
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
PAGKATAPOS NG KAMATAYAN, PAGHUHUKOM NA ANG NEXT; WALA NANG CHANCE NA MALIGTAS ANG MGA HINDI NALIGTAS SA BUHAY NA ITO
Hebreo 9:27
At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
IYONG MAYAMANG TAO SA LUKAS 16 AY NAMATAY AT NAPUNTA AGAD SA IMPIYERNO
Luke 16:22-24
At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
At sa Hades [o impiyerno]na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
GOD BLESS !