
13/08/2024
" SALAMAT SA MALING TAO "
Marami akong natutunan sa buhay ko—
sa mga maling desisyon na nagawa ko
sa bawat kamalian at pagkabigo na naranasan ko..
sa maling pagtrato sa akin ng ibang tao
dun ako natuto.
May oras na nalulungkot ako—
mga oras na bigla nalang tumutulo
ang mga luha ko.
yung pakiramdam na ayaw muna sa mundo pero kailangan mong magpatuloy dahil sa mga pangarap at mahal mo..
Marami akong malungkot na kwento..
mga desisyon at pagpili sa maling tao
yung binuhos mo sa kanila yung buong buhay mo..
Iiwan ka lang palang luhaan at talo.
Pero hindi ako papayag na maging talunan
dahil sa lahat ng akin kamalian.
yun ang naging inspirasyon ko sa lahat ng akin ngayong kasiyahan.
dahil sa aking mga kamalian at kabiguan, matatagpuan ko rin yung tamang tao na ako'y mamahalin at iingatan..
Salamat sa mga maling tao na nagdaan sa buhay ko..mga maling tao na pinaglaruan lang at sinaktan ako..
salamat dahil sa inyo'y natuto ako.
salamat dahil sa pananakit nyo, mahahanap ko na ang tamang tao na magiging inspirasyon ko sa bawat laban na tatahakin ko..
ctto ❤️