06/12/2024
Brgy. Chairman sa Sablayan, Arestado sa illegal drugs
Arestado ang barangay chairman ng Brgy. Ilvita sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro sa anti-illegal drugs operation noong gabi ng Miyerkoles ,December 4,2024.
Sa report mula kay BGen.Roger Quesada, Regional Direcrtor ng PNP-MIMAROPA, ang naarestong suspek ay si Maolin Juan Sabado Yasay, 32 taong gulang.
Isinagawa ang pag-aresto sa kapitan ng barangay sa Sitio Cigaras, Brgy. Ilvita, Sablayan, Occ. Mindoro bandang 11:00 ng gabi.
Magkakasanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Sablayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit-Occidental Mindoro, Regional S) ang nagsagawa nh operasyon sa suspek na itinuturing na high value individual.
Nagbenta umano ang kapitan ng barangay sa poseur buyer ng mga otoridad ng 0 .65 grams ng hinihinalang shabu na nasa 1,000 pesos ang halaga.
Gumamit ng 2 body camera ang mga otoridad sa operasyon.
Kinasuhan na ang kapitan ng barangay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Prosecutors Office sa San Jose.