Thunder News Philippines

Thunder News Philippines media broadcast
(2)

DALAWANG INDIVIDUAL KABILANG ANG ISANG TAO NG PROVINCIAL CAPITOL ARESTADO SA BUYBUST OPERATION SA BARANGAY MILAGROSA PUE...
23/11/2023

DALAWANG INDIVIDUAL KABILANG ANG ISANG TAO NG PROVINCIAL CAPITOL ARESTADO SA BUYBUST OPERATION SA BARANGAY MILAGROSA PUERTO PRINCESA CITY. 37,808.00 NA HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA.

Aabot sa 5.56 Gramo ng Shabu na nagkakahalaga ng 37,808.00 ang nasamsam ng Police Station .1. DET) katuwang ang RDEU, Anti Crime Task Force Sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office MIMAROPA., sa kanilang ikinasang Buybust Operation laban sa itinuturing na (HVT) na si Antony Tan Babas 57 anyos tubong Ilo-ilo Officer ng Provincial Capitol, residente ng Manalo Extension, Brgy Bancao-Bancao Puerto Princesa City, arestado rin ang kasama nitong Babae na kinilalang s Jean Balino Samue 24 anyos, residente ng Purok Pardeco, Brgy. Bancao Bancao sa naturang lungsod.

Basi sa ulat ng City PNP ikinasa ang Operasyon laban sa mga suspek dahil sangkot ang mga ito mga Operasyon ng bintahan ng Droga sa Lungsod.

Kong saan nitong 12:30 ng madaling araw Nobyembre 24, 2023 ikinasa na ang Buybust Operation laban sa suspek na si Babas kong saan isang Pulis Asset ang nag aktong Buyer dito at nabilhan ang suspek ng isang
Pakete na naglalaman ng pinaniwalaang ilegal Droga na tumitimbang ng 5.56 grams.

Matapos magkaabotan itim dito na inihudyat ang pag-aresto ng mga kapulisan sa Suspek, Nabawi din sa mga ito ang mga Buybust Money na ginamit sa Operasyon, Celphone at isang Unit ng Motor.

Samantalang mahaharap naman ang mga naaresto sa kasong Paglabag sa Sec.5 in relatio to 26-b Article ll ng RA.9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Thunder News Philippines

23/11/2023

Panoorin: Malaking Buwaya na spotan kagabe ng mga residente sa So. Tagdalungon Barangay Rio Tuba Bataraza, Palawan.

Binulabog ang katahikan ng gabe ng mga residente ng Sitio Tagdalungon Bataraza Palawan matapos na magpakita ang Isang Malaking Buwaya sa mga residente sa nabanggit na lugar pasado alas otso ng gabe nitong Huwebes Nobyembre 23, 2023.

Makikita sa kuhang Vedio ni Mhadz Salleh ang napakalaking Buwaya sa ilalim ng kabahayan ng mga tao sa lugar, ilang sandali lang matapos magkagulo ang mga tao agad ding bumalik sa ilalim ng dagat ang nasabing Buwaya.

Pangamba ng mga residente sa lugar na baka muling Bumalik ang buwaya at may mabiktima sa kanila lalo na ang hanap buhay ng mga tao dito ay pangingisda na hindi maiwasan lumulusong sa Dagat, kaong dati naring may naiiulat na mag nasakmal ng buwaya sa nasabing bayan, kaya nais ng mga residente na mahuli ang nasabing malaking Buwaya bago pa ito makapaminsala.

Samantala Dati ng sinabe ng PCSD na ang Bayan ng Bataraza Palawan ang isa sa tirahan ng mga Salt Crocoodle dahil sa mga lalaking mga Ilog na lagusan ng Dagat na pinamumugaran ng mga Buwaya.

๐Ÿ“นMhadz Salleh

Thunder News Philippines

MGA ILEGAL NA SIGARILYO NASABAT SA BAYAN NG NARRA, 5 KATAO ARESTADO. Arestado ang 5 katao na nagtangkang mag-puslit ng i...
23/11/2023

MGA ILEGAL NA SIGARILYO NASABAT SA BAYAN NG NARRA, 5 KATAO ARESTADO.

Arestado ang 5 katao na nagtangkang mag-puslit ng ilegal na mga sigarilyo sa Barangay Antipuluan Bayan ng Narra 9:00 ng Gabe nito Nobyembre 21, 2023.

Kinilala ang mga suspek sa mga pangalang Alyas ''VER 37 anyos driver ng Hond Motor Scooter, Alyas ''KING 29 anyos Euro 150 Motorcycle Kapwa mga residente ng Sofronio Espaniola Palawan, Alyas ''MARK 26 anyos, residente ng Quezon, Palawan, Alyas ''ROD 21 anyos residente ng Brgy. Aramaywan, Narra, Palawan at isang Alyas ''SANNY 28 anyos residente ng Brooke's Point Palawan driver ng Beat Morcycle.

Ayon sa report ng mga Awtoridad nagsagawa noon ng Anti-Criminality Operation ang grupo ng Bantay Palawan Task Force sa naturang ng mapansin ng mga ito ang dalawang Motor at isang Tricycle na kargado ng mga Bag na pinaniniwalaang Naglalaman ng mga ilegal na sigarilyo na talamak ang bintahan sa southern palawan agad humingi ng Back Up ang Grupo sa Narra MPS para Madakip ang mga suspek, kong saan nakuha sa mga ito ang mga Ilegal na sigarilyo na aabot ng nasa 300 reams na kinabibilangan ng Fort Black, Fort White at Berlin Red Cegarettes.

Samantala pansamantalang nakalaya ang mga suspek matapos magpiyansa sa Korte, habang inihahanda na ng mga Awtoridad ang mga kasong May kaugnay sa paglabag sa SEC.13 ng RA.10643 Laban sa mga Suspek.

Thunder News Philippines

Tignan: Baha sa Barangay Elvita Narra Palawan Bahagya ng Humupa ngayong umaga. Bahagya ng Humupa ang tubig baha sa mga L...
23/11/2023

Tignan: Baha sa Barangay Elvita Narra Palawan Bahagya ng Humupa ngayong umaga.

Bahagya ng Humupa ang tubig baha sa mga Lugar na nakaranas ng Pagbaha kahapon sa bayan ng Narra partikular na sa Barangay Elvita na pumasok na sa mga kabahayan ang tubig na halos mangalahati na ang tubig baha sa mga mabababang kabahayan sa Lugar.

Stranded din ang ilang mga sasakyan na Gabe na umuwi matapos na umapaw din ang Baha sa kalsadang papasok sa naturang Baray,
Kong saan ilan sa mga ito umaga na bago pa nakatawid ang mga sasakyan matapos ngang humupa na ang Baha sa lugar.

Kong matatandaan isa lamang sa mga barangay na binabantayan ng Lukal na pamahalaan ang Barangay Elvita tuwing ganitong nakakaranas na kalamidad ang naturang Bayan dahil sa mababang lugar na kinaroroonan nito.

Thunder News Philippines

LALAKI NA MAY KASONG PAGLABAG SA PD 705 ( ILLEGAL LOGGING) AT RA.7161 ARESTADO SA BAYAN NG TAYTAY PALAWAN Bagsak sa kama...
22/11/2023

LALAKI NA MAY KASONG PAGLABAG SA PD 705 ( ILLEGAL LOGGING) AT RA.7161 ARESTADO SA BAYAN NG TAYTAY PALAWAN

Bagsak sa kamay ng Taytay MPS ang isang Lalaki na may kasong paglabag sa PD.705 at RA.7161 sa Barangay Talog Taytay Palawan nitong Nobyembre 22, 2023.

Kinilala ang nadakip na suspek sa pangalang alyas ''JR 46 anyos Magsasaka residente ng Taytay, Palawan.

Inaresto ito ng mga Personel ng Taytay MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyo ni Hon. Judge Anna Leah Y Tiongson-Mendoza ng RTC Branch 164 Roxas, Palawan dahil sa kaso nitong Paglabag sa PD.705 o Illegal Logging na may piyansang 90,000.00, samantalang 40,000.00 naman sa isa pa nitong kasong paglabag sa RA.7161 o The Revised Forestry Code.

Source:Pal. PPO

Thunder News Philippines

SERBISYO PUBLIKO!Isang kababayan po natin ang kumakatok sa ating puso at humihingi po ng ating tulong sya po ay si Mr. R...
22/11/2023

SERBISYO PUBLIKO!

Isang kababayan po natin ang kumakatok sa ating puso at humihingi po ng ating tulong sya po ay si Mr. RULAND ABOG ng Quezon Palawan na ngayon po ay nakaratay dahil sa kanyan karamdaman.

"Aku po se RULAND K ABOG. Taga sittiu tumarbong baranggay pinglavanan quezon. Po. Sr. Humehinge po sana aku NG tulung. Nyu. Dahil po sa aking kalagayan ngayun. Aku po ay. Nades gras sya. At nahulug po aku sa puno ng nyog. At nag karuun po ng malaking frubblima ang. Aking isfainal cord injuries. At ng Dahil po. Pag ka. Des gras sya ku aku po ay. Nakahiga nalang puh ngayun. At dimaka lakad. At nag karuun po aku NG malalaking sugat sa likud at bewang ku pu. Nung. Nakaraang Taun lang po. Etu ng yare. At sangayun po. Ay. Meses kunalang po ang. Nag hahanap bahay saamin. At my mga anak pah pu akung Maliliit pa at my pinapaaral. Subbrang hirap po talaga. Nag. Kalagayan namin. At hinde ren po sapat ang kannyang. Kinikita. Sa pag. Lalako ng gulay. At hinde papo namen sareling gulay. Ina ang kat.. Nya lang po. Mahirap lang pu kami. Kay. Hangang ngayun po ay. Ganetu paren po ang kalagayan ku. Zana po ay mabigyan nyu po ng pancin ang aking coment uh kalagayan. Ngayun. Marameng marameng salamat puh. Saen nyu. Good bless po"

Sa may ga sobra sobra pera dyan Sana po matulongan natin ang ating kawawang kababayan sa mga naiis tumulong finacial o mga Good's pwedi nyo po sya itxt o tawagan sa number. 09385637118.
Pwedi rin po direkta sa kanilang GCASH Account ROSALIE. PALABRICA. 0965.953.9235. sa mga nais magsend via GCASH kahit piso malaking tulong napo yan pag naipon.

Marameng salamat po advnce sa mga tutulong Good bless salamat po diyos napo bahala gumanti saating lahat, Patulong narin po pashare.

Thunder News Philippines

Tignan: Ilang bahagi ng Barangay Elvita lubog sa Baha kahapon.๐Ÿ“ทThunder NewsCooper Angelyn Cervates.Thunder News Philippi...
22/11/2023

Tignan: Ilang bahagi ng Barangay Elvita lubog sa Baha kahapon.

๐Ÿ“ทThunder NewsCooper Angelyn Cervates.
Thunder News Philippines

LALAKING TULAK NG ILEGAL NA DROGA ARESTADO SA BARANGAY ANTIPULUAN NARRA, PALAWAN. Timbog sa ikinakasang Buy Bust Operati...
22/11/2023

LALAKING TULAK NG ILEGAL NA DROGA ARESTADO SA BARANGAY ANTIPULUAN NARRA, PALAWAN.

Timbog sa ikinakasang Buy Bust Operation ang isang Lalaking pinaghihinalaang Tulak ng ipinagbabawal na Droga sa purok Pagkakaisa Brgy. Antipuluan, Narra, Palawan pasado alas Sengko ng hapon Nobyembrem 22, 2023. Sa pangunguna ng PDEU PALAWAN katuwang ang NARRA MPS.

Kinilala ang naarestong Suspek sa Pangalang alyas "Rogie" 30 anyos residente ng Brgy. Mabini Aborlan Palawan.

Bago ang Pagkakaaresto sa Sinasabing Tulak isang Pulis Asset muna ang nakabili sa Suspek ng isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang Shabu.

Matapos magkaabutan ng itim at Buybust Money dito na inihudyat ang pagaresto sa suspek.

Sa patuloy na Body Search sa suspek nakumpiskahan pa ito ng dalawang Pakete na naglalaman na pinaniniwalaang Shabu, nabawi din sa Posisyon nito ang Buybust Money na ginamit sa Operasyon.

Samantala mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.

Thunder News Philippines

---Bayan ng Narra nakakaranas ngayon ng Tuloy Tuloy na Pag-ulan.Nangangamba ang mga residente ng Narra sa Posibling Pagb...
22/11/2023

---Bayan ng Narra nakakaranas ngayon ng Tuloy Tuloy na Pag-ulan.

Nangangamba ang mga residente ng Narra sa Posibling Pagbaha dahil sa tuloy tuloy na pag buhos ng-ulan na nararanasan ngayon sa bayan ng Narra.

Ayon sa impormasyong natanggap ng News Team mula pa kaninang umaga Nobyembre 22, 2023 ay nakakaranas ng pag-ulan ang bayan ng Narra at ilang mga karatig munisipyo sa southern Palawan, maliban dito wala narin umanong suplay ng kuryente sa Naturang Munisipyo mula pa kaninang Umaga.

Samantala nakaantabay ngayon ang mga sangay ng pamahalaan sa nasabing munisipyo partikular na ang MDRRMO sa magiging lagay ng panahon.

Thunder News Philippines

17 Vietnamese National na sakay ng Vietnamese Cargo Vessel na VIET HAI STAR nasagip ng PCG matapos itong lumubog sa kara...
22/11/2023

17 Vietnamese National na sakay ng Vietnamese Cargo Vessel na VIET HAI STAR nasagip ng PCG matapos itong lumubog sa karagatang sakop ng Balabac Palawan.

Ang nasabing Vietnamese Vesel ay naglayag galing Ho Chi Minh Vietnam patungong Cagayan De Oro 9:00pm ng gabe noong Nobyembre 21, 2023 na Kargado ng nasa 4,000 tons na Bigas, kong saan nasa 810 yards mula sa Balabac Port ng mangyari ang aksidente.

Nasa ligtas ng kalagayan ang nasagap na mga Vietnamese Crew.

๐Ÿ“ทPCG
Thunder News Philippines

HALOS 400 RESIDENTE, LIGTAS NA INILIKAS NG PCG Ligtas na Nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang halos 400 resident...
22/11/2023

HALOS 400 RESIDENTE, LIGTAS NA INILIKAS NG PCG

Ligtas na Nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang halos 400 residente sa limang magkakatabing baranggay sa Catarman, Northern Samar, kasunod ng lagpas-taong tubig-baha kahapon, ika-21 ng Nobyembre 2023.

Binubuo ito ng humigit-kumulang 80 pamilya mula sa Brgy. Macagtas, Brgy. Molave, Brgy. Yakal, Brgy. Narra at Brgy. Ipil-ipil.

Liban sa Catarman, puspusan din ang evacuation at rescue operation na isinagawa ng mga PCG personnel at iba pang first responders sa mga munisipalidad ng Biri, Palapag, at San Jose, Northen Samar.

Sa mga oras na ito, nananatiling naka-standby ang mga deployable response groups ng PCG sa naturang probinsya.

Ito ay upang agarang makapagbigay ng kinakailangang serbisyo sa mga pamilyang na-trap sa kani-kanilang tahanan kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng shear line.

[๐Ÿ“ทCourtesy of Coast Guard Station Northern Samar]

Via: PCG
Thunder News Philippines

Tignan: Sitwasyon sa mga Lugar na Apektado ng Baha sa Northern Samar, partikular ang Brgy. Poblacion at Brgy. Progress B...
22/11/2023

Tignan: Sitwasyon sa mga Lugar na Apektado ng Baha sa Northern Samar, partikular ang Brgy. Poblacion at Brgy. Progress Biri.

Patuloy ang isinasagawang Rescue Operation ng sangay ng Pamahalan Para sa paglikas ng mga Apektadong Pamilya sa Lugar dulot ng Matinding pagbaha dahil sa malakas na pagulan na nararanasan sa doon.

Magkatuwang ang Philippine Coast Guard Sub Station (CGSS) at MDRRMO.,sa Operation.

๐Ÿ“ทPCG
Thunder News Philippines

DALAWANG INDIVIDUAL NA MAY KASONG QUALIFIED THEFT ARESTADO SA MAGKAKAIBANG MUNISEPYO SA LALAWIGAN NG PALAWAN. Arestado n...
21/11/2023

DALAWANG INDIVIDUAL NA MAY KASONG QUALIFIED THEFT ARESTADO SA MAGKAKAIBANG MUNISEPYO SA LALAWIGAN NG PALAWAN.

Arestado ng mga tauhan ng Palawan Police Provincial Office ang dalawang individual na may kaparihong kaso sa magkahiwalay na Munisipyo sa lalawigan ng Palawan.

Una dito ng madakma ng Coron MPS nitong Nobyembre 21, 2023 sa Brgy. Poblacion 1 ang Rank 2 sa Provincial Level at Rank No.2 naman sa Municipal na may kasong Qualified Theft na kinilalang si Alyas ''Nonoy'' 24 anyos may live-in Partner residente ng Brgy. 4 Coron, Palawan.

Inaresto ito ng mga Tauhan ng Coron MPS., sa bisa ng Arrest Warrant na inisyo ni Hon. Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163 Coron dahil sa kaso nitong nabanggit, wala naman inilaang piyansa ang Korte sa kaso nito nabanggit.

Samantala arestado rin noong Nobyembre 20, 2023 ang isang Babae na may kapariho ding kaso sa Brgy. Sta. Teresita, Dumaran, Palawan.

Kinilala ang naarestong Suspek sa pangalang alyas "Lelen" , 27, anyos, may live-in Partner residente sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang akusado ng mga personel ng Dumaran MPS katuwang ang PIU., Palawan at 1st PMFC., sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyo ni Hon. Judge Paz Soledad B. Rodriquez-Cayetano ng RTC Branci 49 Puerto Princesa Dahil sa kaso nitong Qualified Theft ng RPC. 309 na walang kaukulang Piyansa.

Thunder News Philippines

TIGNAN: Halos umabot na sa bobong sa ekwelahan ang baha sa Jipapad National High School sa Jipapad, Eastern Samar matapo...
21/11/2023

TIGNAN: Halos umabot na sa bobong sa ekwelahan ang baha sa Jipapad National High School sa Jipapad, Eastern Samar matapos nakaranas nang matinding pag-ulan at pagbaha ang nasabing lugar dahil parin sa epekto ng Shear Line.

Mag-ingat po ang lahat.

๐Ÿ“ท Proceso Lopez Mengote/Facebook
Thunder News Philippines

Flash Report// Aksidente sa Harap ng PSU Narra, Dalawang Motor Nagkabanggaan ngayong Tanghali Driver Sugatan.Kumpletong ...
21/11/2023

Flash Report// Aksidente sa Harap ng PSU Narra, Dalawang Motor Nagkabanggaan ngayong Tanghali Driver Sugatan.

Kumpletong deralye ng balitang ito abanggan SaThunder News Philippines
๐Ÿ“ทJhonard Pineda.

BASA: PALECO NAKATAKDANG MAGTAAS NG KANILANG SINGIL SA KORYENTE. Thunder News Philippines
20/11/2023

BASA: PALECO NAKATAKDANG MAGTAAS NG KANILANG SINGIL SA KORYENTE.

Thunder News Philippines

๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—ก๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—š๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐——๐—ช๐—œ๐—™๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—˜๐—ซ๐—”๐— . Pasado ang dalawampung (20) mga iskolar...
20/11/2023

๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—ก๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—š๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐——๐—ช๐—œ๐—™๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—˜๐—ซ๐—”๐— .

Pasado ang dalawampung (20) mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang Midwife Licensure Examination na ginanap ngayong buwan ng Nobyembre 2023.

Ang nakapasang mga bagong midwife na kumuha ng Diploma in Midwifery Program sa Palawan State University ay sina Marnel B. Ortez;
Faye Chenevix C. Barone; Karla Angelika A. Buรฑi, at Ivy Mae M. Celestre ng Narra; Leslie Ann A. Alaska ng Linapacan; Alexandra V. Ayeras ng San Vicente; Chisi Jeiel Y. Basilisco; Elena Jhoy C. Garcia; Germaine Mae D. Gilarma; Zephania P. Lariosa; Ma. Angela Nicole D. Ramirez, at Kizzy L. Zaragosa; Alexa Mae B. Cutamora ng Taytay; Analea G. Daquer ng El Nido; Kaye Margiebeth A. Esmeralda, at Shanelle Angelie G. Gapuzan ng Roxas; Gizelle E. Mesa ng Rizal; Cherie Ann F. Miraflores ng Dumaran; Roselle V. Pulao ng Quezon, at Ellaine A. Visabella ng Coron.

Ang nasabing mga iskolar ay tinulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng SPS Alay sa Kabataan- Programang Pang-Edukasyon para sa Palawenฬƒo na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses gaya ng Midwifery.

Ayon kay Gng. Maria Victoria B. Baaco, Program Manager ng SPS Alay sa Kabataan, maliban sa scholarship grant na ipinagkaloob sa mga naturang iskolar, 12 sa mga ito ay nag-avail din ng financial assistance mula sa programa na nagkakahalaga ng P30,000.00 para sa kanilang mga gastusin upang maiproseso ang mga kinakailangang dokumento at bayarin para sa kanilang review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon.

Isa rin sa mga layunin sa pagkakaloob ng naturang scholarship ay ang hangarin ni Gob. V. Dennis M. Socrates na lalo pang mapalakas ang sektor ng kalusugan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karagdagang medical professionals sa Palawan na inaasahang maglilingkod sa mga susunod na araw sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't ibang munisipyo sa lalawigan.

Source: PIO PALAWAN
Thunder News Philippines

THUNDER NEWS PHILIPPINES ULAT PANAHON UPDATE:โ˜€๐ŸŒฆWala nang inaasahang pamumuo ng bagyo sa loob at labas ng PAR na maaaring...
20/11/2023

THUNDER NEWS PHILIPPINES ULAT PANAHON UPDATE:โ˜€๐ŸŒฆ

Wala nang inaasahang pamumuo ng bagyo sa loob at labas ng PAR na maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na 5-7 araw.

Asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan lalo na sa silangang bahagi ng bansa dahil sa pinagsamang epekto ng Amihan at Shear Line.

Sourc:Philippine Weather System.
Thunder News Philippines

MANGINGISDA NA MAY KASONG CHILD ABUSE TIMBOG SA BAYAN NG LINAPACAN PALAWAN. Timbog ng Linapacan MPS ang isang 27 anyos n...
19/11/2023

MANGINGISDA NA MAY KASONG CHILD ABUSE TIMBOG SA BAYAN NG LINAPACAN PALAWAN.

Timbog ng Linapacan MPS ang isang 27 anyos na Mangingisda na may kasong Paglabag sa RA.7610 o Child Abuse sa Bahagi ng Barangay New Colaylayan, Linapacan, Palawan 2:00 ng Hapon nito Nobyembre 19, 2023.

Kinilala ang natimbog na Suspek sa pangalang Alyas 'MAKO'' residente ng nabanggit na lugar.

Dinakip ito ng mga personel ng Linapacan MPS sa pamamagitan ng Arrest Warrant na inisyo ni Hon. Judge Anel P. Cezar ng Branch 163 Coron, Palawan dahil sa kaso nitong nabanggit na may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng 36,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan na ngayoy nasa kustodiya na ng Linapacan MPS para sa Proper Documentation.

Thunder News Philippines

Rank No.1 Most Wanted Person sa Batangas City, Arestao.        Tagumpay ang Batangas City Police Station na mahainan ng ...
19/11/2023

Rank No.1 Most Wanted Person sa Batangas City, Arestao.

Tagumpay ang Batangas City Police Station na mahainan ng Warrant of Arrest ang Isang babareng tinuturing na No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Batangas nitong ika-18 ng Nobyembre, 2023 sa Brgy. Dumantay, sa naturang bayan.
Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, dakong 6:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang operatiba ng Batangas CPS kasama ang Provincial Intelligence Unit ng Batangas PPO, Batangas Provincial Mobile Force 1st Company at MARPSTA Batangas SOU3 para maghain ng Warrant of Arrest sa Brgy. Dumantay, Batangas City, Batangas na nagresulta sa pagkaaresto sa akusadong si Danica Arquillo y Bagon alias "Ycay", 26 taong gulang, walang asawa, call center agent at residente ng naturang barangay. Inaresto si Arquillo sa bisa ng Warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8, Batangas City para sa kasong Violation of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na may petsang ika-16 ng Nobyembre, 2023 at walang piyansang nakatalaga.
Kasalukuyang nasa kustudiya ng Batangas CPS si alias "Ycay" at kakaharapin ang kaso laban sa kanya.
โ€œNaging matagumpay ang operasyon na ito dahil na din sa pakikipagtulungan ng komunidad. Patunay na higit pa sa lakas ng pulisya, ang lakas ng pakikiisa na siyang magdadala sa atin ng marami pang tagumpay sa bawat nating operasyon laban sa anumang uri ng iligal na gawain. โ€โ€“ PCOL BELMONTE

Source: Batangas PNP PIO.
Thunder News Philippines

OATH TAKING CERYMONY NG MGA NANALONG BARANGAY OFFICIAL SA BAYAN NG NARRA ISINAGAWA KANINA.Naging matagumpay ang isinagaw...
19/11/2023

OATH TAKING CERYMONY NG MGA NANALONG BARANGAY OFFICIAL SA BAYAN NG NARRA ISINAGAWA KANINA.

Naging matagumpay ang isinagawang Oath Taking Ceremony para sa mga nanalong mga kandidato sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang kabataan Election, kong saan Dinalohan ito ng 23 mga nanalong mga Barangay Kapitan sa 23 Barangay na nasasakopan sa Bayan ng Narra.

Sa naturang Oath Taking Ceremony present naman dito ang Buong sangguniang Bayan Members na pinangunahan ni Acting Mayor Marcelino Jun Calso, Acting Vice Mayor Arnold Virano at Rep.mula sa DILG sa katauhan ni DILG OIC Ted S.Guian.

Sa nasabing Oath Taking na sinaksihan naman ng kaanak ng mga nanalong Barangay Official Mula punong Barangay at mga Barangay kagawad.

๐Ÿ“ทKap Ernesto Ferrer Jr.

Thunder News Philippines

DALAWANG AUSTRALIAN NATIONAL NARESCUE NG PCG MATAPOS MAUBUSAN NG FUEL AT MAPADPAD SA BAYBAYING SAKOP NG BARANGAY BATO BA...
18/11/2023

DALAWANG AUSTRALIAN NATIONAL NARESCUE NG PCG MATAPOS MAUBUSAN NG FUEL AT MAPADPAD SA BAYBAYING SAKOP NG BARANGAY BATO BATO NARRA, PALAWAN.

Dalawang Australian National ang nasagip ng Cost Guard District Narra Palawan Substation nitong Nobyembre 17, 2023 sa Baybaying Sakop ng Brgy. Bato Bato Narra, Palawan.

Kinilala ang narescue na mga Australian National na sina MR.KELVIN MUARICE, HOFMAN 74 ANYOS at MRS. DEANA HOFMAN 67 anyos.

Ayon sa Ulat ng Cost Guard Narra Sub. Station naglalayag ang naturang mga Australian National Sakay ng isang yati galing Kudat, Malaysia patungo sana ng Puerto Princesa na makasagupa ang mga ito ng masamang lagay ng Panahon at mawala sa Rota hanggang sa mapadpad ang mga ito at maubusan ng fuel.

Hanggang sa ma- spotan ang mga ito na humihingi ng Tulong sa katubigang sakop ng Barangay Bato Bato.

Sa Tulong ng Binuong Team ng Coast Guard Substation Narra, PDRRMO, MDRRMO, MOA NARRA, OFFICE OF CITINIKEL at BRGY. BATO BATO OFFICIAL Matagumpay na narescue ang Dalawang Duyohan na ngayoy nasa Ligtas ng Kalagayan.

๐Ÿ“ทKap Ernesto Ferrer Jr.
Thunder News Philippines

17/11/2023

ITO PARA SA MGA EMPLOYER NASCAR HINDI SUMUSUNOD SA DOLE PANOORIN NYO, AT DOLE Palawan BAKA NAMAN MA-MONITOR NYO RIN YONG IBA DITO SA PALAWAN, MARAMING NAKAKARATING SAAMING REKLAMO ONE TIME MAY ILALAPIT KAMI SA INYO. Raffy Tulfo in Action .

6.8 NA LINDOL NA TUMAMA SA SOUTHERN MINDANAO NAG-IWAN NG MATINDING PINSALA SA ILANG BAHAGI MG DAVAO OCCIDENTAL. Bumagsak...
17/11/2023

6.8 NA LINDOL NA TUMAMA SA SOUTHERN MINDANAO NAG-IWAN NG MATINDING PINSALA SA ILANG BAHAGI MG DAVAO OCCIDENTAL.

Bumagsak ang kisame ng Robinson sa General Santos City at iba pang mga karatig na lugar dahil sa naranasang malakas na pagyanig. Sa unang report mula sa Phivolcs magnitude 7.2 ang tumama sa Davao Occidental na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao na sa kalaunan ibinaba ng Phivolcs sa Magnitude 6.8.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang tsunami mula sa malakas na Magnitude 6.8 na lindol (linog) na yumanig sa Southern Mindanao ngayong 4:14 PM. Ganunpaman, patuloy na pinag-iingat ang lahat sa mga posibleng aftershock.

๐Ÿ“ทContribute Photos
Bantay Bagyo Watch
Thunder News Philippines

PCG MEMBER PATAY MATAPOS MAG- COLLAPSE SA WATER SEARCH AND RESCUE TRAINING SA RIZAL PALAWAN. Nasawai ang Isang miyembro ...
17/11/2023

PCG MEMBER PATAY MATAPOS MAG- COLLAPSE SA WATER SEARCH AND RESCUE TRAINING SA RIZAL PALAWAN.

Nasawai ang Isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG habang isinasgawa ang water search and rescue (WASAR) training sa Rizal, Palawan nitong nakalipas n araw.

Ayon sa facebook Post ng PCG Palawan Dead on arrival sa ospital si Apprentice Seaman (ASN) alyas "Sarip" 27, taga-Balabac, Palawan at nakatalaga sa PCG District Palawan.

Ayon sa report nangyari ang insidente habang nilalangoy ng grupo ni "Sarip" ang 100 metro pabalik sa kanilang starting point bilang bahagi ng pagsasanay nitong Nobyembre 15 ng hapon.

Ayon sa report ng Coast Guard, nawalan ng malay si "Sarip" sa gitna ng training at agad itong napansin ng training staff kayaโ€™t binigyan ito ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).
Subalit hindi narin naisalba pa ang buhay ng naturang PCG Member.

Samantala dahil dito sinuspindi na ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang naturang pagsasanay habang pinag-aaralan pa ang safety procedures.

๐Ÿ“ทPCG Palawan.
Thunder News Philippines

CITY PNP NAGBABALA SA PANIBAGONG MODUS NA NAGPAPAKILALANG MAKAKALIWANG GRUPO NA NANGHIHINGI NG PERA. Nagbigay ng babala ...
17/11/2023

CITY PNP NAGBABALA SA PANIBAGONG MODUS NA NAGPAPAKILALANG MAKAKALIWANG GRUPO NA NANGHIHINGI NG PERA.

Nagbigay ng babala ang Puerto Prices City Police Office sa mga mamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa hinggil sa mga modus ngayon ng ilang mapagsamantalang individual para makapanluko ng kapwa.

Ayon sa PPCPO., "sa mga nakatanggap o makakatanggap ng mensahe mula sa text o tawag na nagpapakilalang mga makakaliwa di umano at nanghihingi ng pera ay huwag po tayong magpasilo sa kanilang pananakot at pangingikil"

"Ito po ay isang modus operandi lamang ng mga taong nais manamantala at makakuha ng salapi o anumang bagay sa masamang paraan"
Dagdag pa ng PPCPO.

Ayon pasa PPCPO., "Kaagad na makipag ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa Police Station 1 - 09173115746/ 09088201910 at Police Station 2 - 09271624065/ 09985985904.

Source PPCPO.
Thunder News Philippines

6,600 NA HALAGNG SHABU NA NAKUMPISKA SA ISANG TRICYCLE DRIVER SA IKINASANG BUYBUST OPERATION SA BAYAN NG BATARAZA PALAWA...
17/11/2023

6,600 NA HALAGNG SHABU NA NAKUMPISKA SA ISANG TRICYCLE DRIVER SA IKINASANG BUYBUST OPERATION SA BAYAN NG BATARAZA PALAWAN.

Aabot sa 6,600.00 na halaga ng Shabu ang nasamsam sa ikanasang Buybust Operation ng PDEA PALAWAN, Katuwang ang PDEU, RDEU, Brooke's Point MPS at Bataraza MPS laban sa isang Tricycle Driver sa Sitio Canumay, Barangay Riotuba Bataraza, Palawan 9:35 ng Gabe nitong Nobyembre 16, 2023.

Kinilala ang Subject ng Operasyon sa Alyas ''Lito' 45 anyos residente ng Brgy. Pangobilian, Brooke's Point, Palawan.

Bago ang pagkakaaresto kay alyas ''Lito' isang pulis aset muna ang nag aktong Buyer kong saan na-scoran ang suspek ng illegal na droga matapos magkaabotan ng items Dito na inihudyat ang pag-aresto sa suspek kong saan nakuha dito ang 1 gramo ng pinaniniwalaang shabu.

Kaugnay nyan inihahanda na ng Mga Awtoridad ang kasong paglabag sa RA.9165 o The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Thunder News Philippines

NA-DISQUALIFIED SA BSKE ELECTION UMABOT SA 39 NA KANDIDATO.Umabot nalamang sa 39 kandidato sa nakaraang Barangay at Sang...
17/11/2023

NA-DISQUALIFIED SA BSKE ELECTION UMABOT SA 39 NA KANDIDATO.

Umabot nalamang sa 39 kandidato sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang dinisqualify ng Commission on Elections (Comelec).Mula sa daan-daan na sinapahan nito.


Ayon sa Comelec, naging maaga ang pangangampanya ng mga nasabing kandidato kayaโ€™t pinatawan sila ng disqualification ng Comelec.

Ang mga na-disqualify ay mula sa mga lugar ng Quezon City, Taguig City, at Marikina City, gayundin sa Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Masbate, Iloilo, Surigao del Norte, Bukidnon, Northern Samar, Laguna, Maguindanao del Norte, Rizal, Bulacan, at Oriental Mindoro.

Muli naman nagpaalala nag COMELEC na sumunood sa kanilang mga aguidlines upang hindi matulad sa mga kandidatong napabilang sa nadisqualified.

Thunder News Philippines

ISA PATAY ISA SUGATAN SA NANGYARING PAGKA-AKSIDENTE NG ISANG ELECTRONIC TRICYCLE SA BAYAN NG ABORLAN PALAWAN.Isa patay i...
15/11/2023

ISA PATAY ISA SUGATAN SA NANGYARING PAGKA-AKSIDENTE NG ISANG ELECTRONIC TRICYCLE SA BAYAN NG ABORLAN PALAWAN.

Isa patay isa naman ang malubhang nasugatan matapos Aksidenteng magselfcrash ang isang Electronic Tricycle 8:20 ng Umaga Nobyembre 15, 2023 sa kahabaan ng Municipal Road Barangay San Juan, Aborlan, Palawan.

Kinilala ang mga sakay ng naturang Electronic Tricycle sa mga Pangalang Christopher Rosales Sorberto 38 anyos Driver ng Tricycle, at isa nitong Backr Rider.

Lumalabas Sa imbistigasyon ng Aborlan MPS, naginuman ang mga ito sa shop ng nabanggit na driver, matapos makaubos ng ilang Bote ng alak nagyaya pa ang driver na pumunta sa Bahay nito sa kay ng E-tricycle, Pagtapat umano ng mga ito sa Kurbadang Bahagi ng Daan nawalan ng Kontrol ang Driver nito hanggang sa Bumangga sa Poste ng Ilaw, kong saan nagtamo ng bali sa boto nito sa kanang Kamay ang driver na si Chistopher Rosales Sorbeto habang malalang tama naman sa ibat ibang parte ng katawan ang tinamo ng backrider.

Matapos ang pangyayari agad naitakbo ang dalawang Biktima ng Romesponding Rescue 165 sa Aborlan Medecare Hospital subalit idineklara ng dead on arrival ng mga doktor ang backrider dahil sa tinamo nitong malalang pinsala sa bahaging ulo.

Thunder News Philippines

BANGKAY NG ISANG LALAKING CRETAKER NATAGPUAN SA BAYAN NG BAYAN NG SAN VICENTE PALAWAN.Isang Bangkay ng Lalaki ang natagp...
15/11/2023

BANGKAY NG ISANG LALAKING CRETAKER NATAGPUAN SA BAYAN NG BAYAN NG SAN VICENTE PALAWAN.

Isang Bangkay ng Lalaki ang natagpuan 4:20 ng hapon nitong Nobyembre 15, 2023 sa Brgy. Kinding, San Vicente, Palawan.

Kinilala ang nakitang Bangkay sa pangalang Juancho Reyes Isang Caretaker pansamantalang naninirahan sa naturang Lugar.

Ayon sa spot report ng San Vicente MPS isang Concerned Citizen ang nagtungo sa kanilang himpilan para ireport ang natagpuang Bangkay sa lugar, basi sa kwento ng kapitbahay na unang nakakita sa Bangkay pumunta ito sa bahay ni Juancho Reyes Para alamin ang kalagayan dahil Ilang araw na nitong hindi nakikita, pagdating nito sa Bahay ni Reyes dito na nito nakita ang katawan ni Juancho Reyes na nakahiga sa Sopa Bed na wala ng Buhay.

Samantala agad namang nagresquest ng Postmortem Examination para malaman ang sanhi ng kamatayan ng naturang Caretaker.

Thunder News Philippines

TIGNAN: ISANG FUEL TANKER TRUCK BUMALIKTAD KANINA SA KAHABAAN NG NATIONAL HIGH WAY BARANGAY STA LUCIA PUERTO PRINCESA CI...
15/11/2023

TIGNAN: ISANG FUEL TANKER TRUCK BUMALIKTAD KANINA SA KAHABAAN NG NATIONAL HIGH WAY BARANGAY STA LUCIA PUERTO PRINCESA CITY.

Isang Fuel Tanker Truck ang Bumaliktad pasado alas Onse ng Umaga kanina Nobyembre 15,2023 sa Kahabaan ng National Highway, Barangay Sta Lucia, Puerto Princesa City.

Basi sa mga nakakita sa pangyayari Galing Bayan ng Narra ang Fuel Tanker patungong Lungsod ng Puerto Princesa na may kabilisan ang Takbo pagtapat nito sa Lugar ng Aksidente Bigla itong Gumiwang hanggang sa Bumaliktad sa gilid ng Daan.

Isa rin sa nakikitang Dahilan ang Madulas na kalsada dahil katatapos lang ng pagbuhos ng ulan sa lugar.

Samantalang ligtas naman ang Driver nito at Dalawang Helper na hindi na nabanggit pa ang mga pangalan na nagtamo lamang ng mga minor injury.

๐Ÿ“ทLaxamana Mohamad Abdurahman

Thunder News Philippines

15/11/2023

PANOORIN: ISANG FUEL TANKER TRUCK BUMALIKTAD KANINA SA KAHABAAN NG NATIONAL HIGH WAY BARANGAY STA LUCIA PUERTO PRINCESA CITY.

Isang Fuel Tanker Truck ang Bumaliktad pasado alas Onse ng Umaga kanina Nobyembre 15,2023 sa Kahabaan ng National Highway, Barangay Sta Lucia, Puerto Princesa City.

Basi sa mga nakakita sa pangyayari Galing Bayan ng Narra ang Fuel Tanker patungong Lungsod ng Puerto Princesa na may kabilisan ang Takbo pagtapat nito sa Lugar ng Aksidente Bigla itong Gumiwang hanggang sa Bumaliktad sa gilid ng Daan.

Isa rin sa nakikitang Dahilan ang Madulas na kalsada dahil katatapos lang ng pagbuhos ng ulan sa lugar.

Samantalang ligtas naman ang Driver nito at Dalawang Helper na hindi na nabanggit pa ang mga pangalan nagtamo lamang ng mga minor injury.

๐Ÿ“นLaxamana Mohamad Abdurahman

Thunder News Philippines

47,250.00 NA HALAGA SMUGGLED NA MGA SIGARILYO NASABAT NG BANTAY PALAWAN SA BAYAN NG QUEZON PALAWAN. Nasabat ng pinagsani...
15/11/2023

47,250.00 NA HALAGA SMUGGLED NA MGA SIGARILYO NASABAT NG BANTAY PALAWAN SA BAYAN NG QUEZON PALAWAN.

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad kabilang ang Bantay Palawan ng Pamahalaang Panlalawigan ang nasa 155 na reams ng mga smuggled na sigarilyo sa Sitio Odiong, Brgy. Panitian sa bayan ng Quezon, Palawan nitong nakalipas na Nobyembre 12, 2023.

Batay sa ulat ng Bantay Palawan, nakumpiska mula sa tatlong suspek ang mga iligal na sigarilyo habang ibinibiyahe patungo sa kanilang pagbebentahan.

Umaabot naman sa P47,250.00 ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled ci******es na ngayon ay nasa kostudiya na ng 2ND SOU-MG Quezon MSBC para sa tamang disposisyon.

Source: PIO PALAWAN.
Thunder News Philippines

MGA BARIL AT BALA NA NAKAIMBAK SA ISANG KWARTO NG ROXAS MPS SA ROXAS PALAWAN NATUSTA MATAPOS MASUNOG. Tupok ang mga  mah...
14/11/2023

MGA BARIL AT BALA NA NAKAIMBAK SA ISANG KWARTO NG ROXAS MPS SA ROXAS PALAWAN NATUSTA MATAPOS MASUNOG.

Tupok ang mga mahahalagang gamit ng Roxas Municipal Police Station kabilang na ng mga Baril at mga Bala matapos sumiklab ang apoy sa imbakan ng mga sa nasabing Police Station sa Barangay 2, Roxas, Palawan.

Ayon sa mga nakaduty na pulis sa PNP Station nangyai ang Sunog pasado alas dos ng hapon Nobyembre 14, 2023, kong saan nagulat nalang Ang mga ito ng bigla nalang may usok silang nakita at mabilis na sumiklb ang apoy sa ikalawang palapag kong saan nakaimbak ang mga mahahalagang kagamitan.

Nagmistulang pasko pa sa lugar dahil sa mga pumuputok na pinaniniwalaang mga bala na nasusunog, kaya hindi makalapit basta bsta ang mga tao sa lugar para Maapula ang sunog dahil sa panganib na maaring tamaan ng mga pumuputok na bala na nagmumula sa nasusunog na imbakan ng supply ng naturang himpilan.

Samantala, agad naman nakarespondi ang BFP Roxas na syang nag-apula ng sunog, habang patuloy pang iniimbestigahan ng BFP Roxas ang pinagmula ng sunog.

Thunder News Philippines

Address

Batangas City

Opening Hours

Monday 5am - 10pm
Tuesday 5am - 10pm
Wednesday 5am - 10pm
Thursday 5am - 10pm
Friday 5am - 10pm
Saturday 5am - 10pm
Sunday 5am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Thunder News Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Batangas City

Show All