07/01/2025
Lagi kong iniisip na makakaya ko ang lahat ng mga mangyayari kung sasabihin ng Diyos ang kahihinatnan nito. Alam ko na gumagawa ang Diyos para sa ating ikabubuti,pero mas magiging matatag ako sa pagharap sa mga problema kung alam ko agad ang magandang ibubunga nito. Pero hindi naman karaniwang ipinapakita ng Diyos sa atin ang kahihinatnan ng mga nangyayari. Gusto ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya. Katulad ito ng pagmamaneho sa gabi. Ang nakikita lang natin ay ang abot ng liwanag ng ilaw sa unahan ng sasakyan. Pero kahit ganoon,hindi tayo humihinto. Sapat ang liwanag ng ilaw para makarating tayo sa ating patutunguhan. Ang Salita ng Diyos ay parang ilaw sa unahan ng sasakyan. Ito ang siyang liwanag natin sa pagharap sa mga problema. Punong-puno ng mga pangako ang Salita ng Diyos sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari sa atin. Sinabi ng Panginoon na para sa ating ikabubuti ang lahat ng Kanyang plano para sa atin. Kung pakiramdam natin ay para tayong nagmamaneho sa madilim na daan,isipin natin ang Panginoon. Ang Diyos ang ilaw na gagabay at mag-iingat sa atin.
Hindi tayo madadapa sa dilim kung lumalakad tayo sa liwanag ng Salita ng Diyos.