Pluma serving you poetries to feed your lonely souls.

19/08/2021

Pagod ka pa rin ba?

28/06/2021

Bakas sa mukha ang pagkalas at pangiiwan

12/10/2020

Sana pagdating ng bukas. Sana lahat ng alaala mo ay kumupas na

24/08/2020

Follow us on Twitter

PNA~
04/08/2020

PNA~

28/04/2020

𝓑𝓾𝔀𝓪𝓷

-selenophile🌙

Gabi na, madilim
Ngunit tila kalungkuta'y dumalaw rin.
Lumabas ka, tingnan ang kalangitan
Titigan ang mga bituin at napakagandang buwan.

Ngunit tila ayaw lang pahintulutan,
Ng iyong nadaramang kalungkutan.
Di man nila pansin,
Mata mo'y nangungusap ng atensyon at kasiyahan.

Nais kong yakapin ka,
Ipadama sayong di ka nag iisa,
Malaman mong di ka nag iisa,
At lahat ay magiging maayos din gaya nung umpisa.

Sa kalungkuta'y wag papadaig,
Wag mong pasanin ang buong daigdig,
Narito ako handang makinig,
Sa lahat ng problema at hinaing.

Darating ang araw na ika'y muling mabubuo,
Di man ngayon, maaaring bukas o makalawa,
Ngunit di rin magtatagal, liwanag mo'y lilitaw,
Gaya ng kapalaran ng buwan.

28/04/2020

MASKARA

-uranophile

Sama ng loob ang dala nito
Pagiyak ang nagsisilbing simula nito
Bakit kung sino pa ang andyan sila pa ang talo?
Pagkakaibigan tila naglalaho

Simpleng bagay na nagsisilbing sandata
Sa twing may lungkot tayong nadarama
"Ok lang ako" ang nagsisilbing salita,
Salitang kabaliktaran ng bigkas nila

Umiiyak na naman ako
Kailangan ko ang isang bagay na ito
Para maging sandata at maitago ang lungkot na meron ako
Sa pagiyak, walang makakaalam kung patay na ako

Nararamdaman ko na ang layo layo nyo na
Ganito ba talaga pag hindi ka na mahalaga?
Ramdam ko na isa na lang akong basura
Tatalikuran ko muna kayo
Para isuot ang maskarang meron ako
Na sambit ko "Mahal ko kayo"

Sino nga ba ang talo
Sino nga ba ang panalo
Sa laban ng pagkakaibigan, lahat ay dehado
Umaatras na ang dila ko
Para isambit na mahalaga kayo

Sa pagtatapos ng araw
Kasabay ng pagkawala ng layaw
Simulan nating ayusin bago pa umayaw
Tanggalin na ang maskarang nagsisilbing saklaw,
Ng ating mukha at nararamdaman
Maskarang andyan para tayoy tulungan
At bagay na kailanman ay di mawawala sa ating paglisan

Aking kaibigan,
Pasensya kung nadala ng lungkot
Nawari ko'y di ko pala kaya kayong iwan at akoy takot
Salamat,
Sa pagalalay at pagsisilbing magandang kaibigan
Tapusin ang bangayan
Ibahin ang libangan
Pagdating sa dulo wala ng maskarang nakaalalay
At sa pagtatapos nito aking pagmamahal ang magsisilbing alay
Sa pagkakaibigan kailangan nating bigyang halaga
Para sa pagtatapos ng lahat, andyan parin sila nakakaalala

Sirain ang maskara
Gaya ng galit nating itinala
Sarhan ang libro ng pagkawala
At muli tayong magsimula
Pagkakaibigan, buksan ang panibagong pahina
Para sa panibagong librong ating bibigyang halaga~

--

28/04/2020

PAMILYA

Isang salita na may pitong letra,
Salitang sayo'y magpapadama,
Nang tunay na pagmamahal at pahinga,
Pahinga mula sa lungkot na dulot nila.

Nag iisang sigurado sa sa libo libong duda,
Takbuhan sa oras ng problema.
Makakasama mo sa lungkot at saya,
Ipadarama nilang di ka nag iisa.

Di man magkasundo sa lahat ng pagkakataon
Di man laging pinapaboran ng panahon,
Pinaparamdam nila ang kahalagahan ng lahat,
Kahalagahan ng buhay at nang marami pang bagay.

Di kailangan ng mga materyal na bagay,
Pagkat mahalaga ang pagmamahal na kanilang binibigay,
Di man mapunan lahat ng pangangailangan,
Ang mahalaga sama sama at nagmamahalan.

26/04/2020

"Nawalang Pagmamahal"

--Uranophile

Apat na sulok
Iisang bubong
Pero bakit parang ang mga tao ay nambabato ng bubog?
Mga hiyawan ay daig pa ang kulog
Laban dito, laban doon
Sigaw dito, sigaw doon
Parang ang sarili mo ay gusto mo na lang ibaon
Mga salita na para kang nilalamon
Tama na!
Nakakasakit na!
Wala na ba itong hahantungan?
Puro na lang ba bangayan?
Puro na lang din ba hiyawan?
Wala na bang pagmamahalan?
Pamilya diba?
Pero para tayong magkakalaban sa iisang digmaan
Turingan na parang aso't pusa
Wala na din bang magandang nagawa?
Yung ginawa mo na ang lahat para sa kanila pero hindi pa rin sapat
Pamilya na parang nagkakaroon na ng konting lamat
Na turing dati ay isang alamat
Mga bibig na binibigkas na lamang at "SALAMAT"
Pinaparamdam na mahal na mahal ang isa't isa
Pero bakit nawawala na?
Katapusan na ba talaga?
Pamilya pa rin ba ang turing sa isa't isa?
Gulong gulo na ako hindi ko na alam ang uunahin ko
Wala ng nagmamahal sakin ng totoo
Puro na lang gulo
Unti-unti ng nawawala ang tatag nito
Sa pamilya na ang Diyos ang nagbuo

--

25/04/2020

"Hindi Pinili"
--selenophile🌙

Ano nga bang meron sayo? yun ang di ko malaman,
Sa dami ng mga dapat kong pagpilian,
Ikaw ang pinili ng aking pansin na pagtuunan,
Kahit ako mismo, wala sayong pagpipilian.

Hindi man ako iyong tunay na mahal,
Ikaw ang aking pinili kahit ang sakit na,
Kahit ako'y durog na durog na,
Patuloy pa rin kitang pagtutuunan ng oras at atensyon.

Kung sakali mang maisipan mo,
Ang pilian sya at hindi ako,
Sana'y maging masaya ka, ipangako mo
Kahit nasasaktan ako, magiging masaya ako para sa inyo.

Wag mo akong masyadong alalahanin,
Nararamdaman ko'y gagaan din,
Hindi ako, ayos lang, unti unti ko itong tatanggapin,
Sa pagdating ng panahon ako'y magiging tunay na masaya rin.

Hindi man ako ang iyong pinili,
Pakatandaan mong ako'y mananatili,
Bilang kaibigan mong laging nasa 'yong tabi,
Ang nais ko lang makitang lagi kang nakangiti.

24/04/2020

"SA UNA LANG PALA MASAYA"

Piyesa ni Uranophile

Ayan na ayan na si kupido
Dala ang matulis na bagay na sayo ay tatama, pihado
Asan na asan na?
Bat wala akong naramdaman?
Pero nung nakita kita napamahal ako bigla

Ito na ang simula ng ating pagtitinginan
Tila may kakaiba nung akoy nilapitan
Nawala ang ulirat nung nasa harapan
Isang anghel na pinadala ng kaharian
Sa aking dasal ito ang tugon, kailanman

Napakasaya ng unang pagkikita
Tila kay tagal ng magkakilala
Walang ilangan, andyan na at nagkatulakan
Nagsaya at ikay nabitawan
Sa pagkakahawak ikay nawala sa tangan
Nahulog ako sayo sa halip ikaw,aking sinta

Tumagal ang pagsasama
Tama nga ang sinabi ng masa
Sa una lang pala masaya ang lahat
Nasimulan ang relasyon na may lamat
At ito ngayon naging isa na lang alamat

Bakit nga ba sa una lang lahat?
Dahil ba nawala ang salitang sapat?
O baka andyan na ngunit naghahanap pa den ng ibang karapat dapat?
Gulong gulo ang utak
Gulong gulo ang isip
Nasan na ang dating saya
Nasan ka?
Mahal kita

Nalinawan ako
Hindi lahat ng minamahal mamahalin ako
Tama na yung minsan na akong sumuko
Minsan ng napako
Minsan ng binigo
At ito ako ngayon muling bumangon
Ayokong maulit ang lahat ng nangyaring aking nilingon
Ayokong bumalik sa pagkakalunod
Sa pagibig na kailanman hindi ibinuklod

Tapusin na natin ang lahat ng meron sa atin
Mga alaala at pangalan wag na lamg natin banggitin
Tila masakit pa at walang saya
Andito na ang bagong nasaktan nya
Hindi na magpapadala "SA UNA LANG PALA TALAGA MASAYA"
~

24/04/2020

Mabuti na ang magisa
Sapat na ang sarili na lang talaga
Bakit kailangan magpapansin pa
Sa mga taong tayo na ang binabalewala

-Uranophile

24/04/2020

kaibigan, yan ang turing ko sa inyo
ngunit aking napagtanto,
ako lamang pala ang nagturing non sa inyo,
pagkat wala naman pala kayong pake sa nararamdaman ko.

-selenophile🌙

24/04/2020

Wala na ang dating sigla
Bakit kinakailangan humantong sa pagkawala
Pagkakaibigan na pinahalagahan
Pero ganun lang kadaling bitawan~

-Uranophile

24/04/2020

Pagsapit ng takipsilim
Simula ng pagsakop sakin ng dilim
Kasabay nito ang pangiiwan mo ng palihim
Sa akin na kay tagal mong inangkin~

-Uranophile

24/04/2020

sabi mo nung una mahal mo ako ngunit pagsapit ng kinabukasan sinabi mong maigi pang kaibigan na lamang ang ating turingan.

-selenophile🌙

24/04/2020

Bakit nga ba hindi na lang natin idaan sa tula ang ating nararamdaman?

-Uranophile

Address

Batangas
Batangas City
4202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pluma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category

Nearby media companies


Other Media in Batangas City

Show All