25/05/2022
Naranasan mo na sigurong mahulog… hindi sa bangin o sa anumang mataas na lugar kundi sa maling tao, sitwasyon o desisyon. Yung tipong bibigay na ang mga tuhod mo sa hirap at bigat nang nararamdaman mo. Gusto mo na lang pumikit at umasang paggising mo, magiging okay na ang lahat.
Pero sigurado, kung naranasan mo nang mahulog noon, natutunan mo ring bumangon at tumayo muli.
Alam mo kung bakit?
PAIN CAN MAKE YOU STRONGER
Kapag naharap ka sa sitwasyong parang matatapos na ang lahat, magkakaroon ka ng pagkakataong magsimula ulit. At kapag tingin mong walang wala ka na talaga, magkakaroon ka ng opportunity na baguhin at makamit muli ang lahat.
Sa mga ganitong panahon ka magkakaron ng chance to grow stronger and better.
YOU ARE WORTH FOR SOMETHING BETTER AND HIGHER
Kapag dumating ka sa pinakamababa na pwede mong marating, saka mo lang makikita kung gaano kataas at katayog ang pwede mong pangarapin at pagsikapang abutin.
Kapag nasa baba ka at binato ka ng bola at kung anu-ano pa, may pagkakataon kang ibato ang mga iyon pabalik sa itaas.
Minsan clueless ka sa mga pwedeng mangyari at sa mga bagay na kaya mong gawin, kaya nilalagay ka sa mahihirap na sitwasyon para matutunan mo muling magtiwala sa sarili mong kakayahan.
LOOK UP AND SEE THINGS IN A POSITIVE PERSPECTIVE
Courage. Be courageous enough to rise again. ‘Wag mong hayaang lamunin ka ng pain. Hindi porke mahirap at masakit ang sitwasyon mo ngayon ay hindi na ito magiging maayos at masaya pa sa susunod na panahon.
Whenever you feel low and down, just look up. Tumingin ka sa itaas at alalahanin mong isa kang tao na may potential na tumaas din. Alalahanin mong may halaga ka. Alalahanin mong kakayanin mo lahat.
Tumingin ka lang sa itaas. Hinihintay lang naman kasi ng mundo na mapansin mo kung ano ka talaga.
“Whenever you feel down, do not let negative emotions ruin you. Instead, take it as a challenge to humbly reach the top.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
1. Ano ang pinakamasakit na pangyayari ang dumaan sa iyong buhay?
2. Paano mo nalagpasan ang pangyayaring iyon?
3. Anu-ano ang mga natutunan mo mula sa masakit na karanasan na iyon?