27/06/2024
Tayo na at makilahok bukas sa gaganapin na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
Sabay² tayong mag- Duck, Cover & Hold
Manatiling handa sa banta ng lindol! Makiisa sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa ika-28 ng Hunyo, alas dos ng hapon. Sabay-sabay tayong mag-duck, cover, and hold dahil !
Katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, patuloy na pinagbubuti ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagsasagawa ng NSED.
Ngayong Second Quarter NSED nakatakdang dumating sa Metro Manila ang tinatawag na assisting regions upang makilahok sa full scale exercise.
Sila ay ipadadala sa mga itinalagang lokasyon kung saan magtatayo ng alternate emergency operations centers. Nakabase ito sa Harmonized National Contingency Plan for Magnitude 7.2 Earthquake due to West Valley Fault movement na sentro ng NSED.
Ang NSED ay isa lamang sa paghahanda mula sa lindol. Bagaman nakatutulong ito, hindi ito sapat. Marami ang dapat isakatuparan at pagtibayin gaya ng engineering solutions at building code compliance.
Patuloy na makiisa sa mga paghahanda. Mahalaga ang kooperasyon ng iba’t ibang sektor sa mga programa, proyekto, aktibidad at maging sa mga polisiya na may kinalaman sa paghahanda mula sa lindol at iba pang panganib.