Ing Siuala

Ing Siuala ING SIUALA: Ing Camulatan Quing Catutuan
Ang opisyal na Pahayagan sa Filipino ng San Roque National High School

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Isang Magnitude 3.8 na lindol ang naitala sa bayan ng Bamban, Tarlac ngayong gabi 8:48pm ika-23 ng ...
23/08/2024

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | Isang Magnitude 3.8 na lindol ang naitala sa bayan ng Bamban, Tarlac ngayong gabi 8:48pm ika-23 ng Agosto 2024.

๐Œ๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ ๐๐Ž ๐“๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’!



Earthquake Information No.1
Date and Time: 23 August 2024 - 08:48 PM
Magnitude = 3.8
Depth = 013 km
Location = 15.49ยฐN, 120.61ยฐE - 002 km N 81ยฐ E of City Of Tarlac (Tarlac)

Reported Intensities:



Instrumental Intensity:
Intensity III - Bamban, TARLAC

https://earthquake.phivolcs.dost.gov.ph/2024_Earthquake_Information/August/2024_0823_1248_B1.html

๐—ฆ๐—œ๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—— ๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—ก (๐—˜๐—Ÿ ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ข ๐——๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก)Punto De Vista ni Prudencio: Kay layo na ng aming nilakbay na mga katipunero...
23/08/2024

๐—ฆ๐—œ๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—— ๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—œ๐—ก (๐—˜๐—Ÿ ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ข ๐——๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก)

Punto De Vista ni Prudencio:

Kay layo na ng aming nilakbay na mga katipunero. Bitbit ang aming mga mabibigat na armas, mga iilang gamit, at ang sedulang halos mapunit ko na sa pagkahahawak kong sobrang higpit. Mahigit isang libong mga katipunero kaming naghihintay sa bakuran ng aming itinuturing na ina ng katipunan, si Ginang Melchora Aquino.

Palubog na ang araw at malamig na rin ang simoy ng hangin, hindi na rin maipinta ang bawat itsura ng aking mga kasamahan sa paghihintay kay Andres Bonifacio ang ama ng hukbong ito.

Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman, nag-aalab ang puso kong ipaglaban ang ating karapatan kaya hindi ako nag-alinlangan sa pagsali sa magaganap na himagsikan. Natutuliro, nangangamba, at ako'y natatakot hindi ko itatangging kaunting parte pa rin sa akin ang naduduwag, ngunit nang aking pagmasdan ang sedula, umaapoy sa galit ang puso ko para sa aking kapwa mamamayang Pilipino.

Umingay nang kaunti at ako'y napaangat ng tingin.

"๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ!"

Seryoso ang mukha ni Andres at dala ang kaniyang sedula. Natahimik ang lahat at nagsilapit sa pagdating niya.

"Pagmasdan ninyo ang inyong sedula! Pagmasdanan ninyo ang papel na umaalipin sa atin!" ang sigaw ni Andres ay may halong lungkot, p**t, at katapangan.

"Katipunan, nararapat na nating wakasan ang ilang daang pananakop ng espanya. Mas lamang man sila sa mga armas, mas marami man ang kanilang hukbo. Hindi nila tayo mapipigilan dahil tayo'y lalaban, hanggang sa ating huling hininga!"

Ako'y naluluha, para sa kinabukasan ng bansang Pilipinas.

"Tayo ang may karapatan dahil tayo ang mga anak ng bayan! Sa atin ang lupain at ipaglalaban natin ang ating karapatan pagkat sa atin ang bansang ito! ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—”!"

Walang pag-aalinlangang pununit namin ang sedula hudyat nang pagsisimula ng aming rebelyon.

"๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ! ๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—œ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก!"

Nawala na ang aking takot at pangamba at desidido na pagkat bubuo kami ng kasaysayan na makapagpapalaya sa ating bansa.

Ipaglalaban kita Pilipinas,
sapagkat tapat akong naglilingkod saiyo,
at minamahal kita nang buong puso.

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ป๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘›๐‘โ„Ž๐‘’๐‘ง
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

Ang ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ ay isang pambansang non-working holiday sa Pilipinas na taon-taong ipinagdiriwang tuwing ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ...
22/08/2024

Ang ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ ay isang pambansang non-working holiday sa Pilipinas na taon-taong ipinagdiriwang tuwing ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ bilang paggunita kay dating Senador ๐๐ž๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ "๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ" ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ, ๐‰๐ซ., ang asawa ni ๐‚๐จ๐ซ๐š๐ณ๐จ๐ง ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ, na kalaunan ay naging ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas.

Ito rin ay nagsisilbing taunang paalala ng patuloy na pakikibaka para sa tunay na demokrasya at ang pangangailangan para sa pagbabantay sa pagprotekta sa mga kalayaang pinaghirapan. Bilang pagpupugay sa alaala ni Ninoy Aquino, atin ding gunitain ang ating paninindigan sa mga mithiin na kanyang ipinag tagumpay.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š'๐ฒ๐จ ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ!

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘‘๐‘’ ๐ท๐‘ข๐‘™๐‘–๐‘›
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐น๐‘Ž๐‘–๐‘กโ„Ž ๐‘…๐‘œ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘’๐‘ 
๐ผ๐‘ค๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Žโ„Ž ๐‘…๐‘’๐‘ ๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘œ

๐“๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ! ๐ŸŒŸHanggang bukas po ang MEMBERSHIP DRIVE para sa mga organisasyon sa ating paa...
21/08/2024

๐“๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐šโ€™๐ญ ๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ! ๐ŸŒŸ

Hanggang bukas po ang MEMBERSHIP DRIVE para sa mga organisasyon sa ating paaralan, makibahagi ka na! โœ…

๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”'๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—”!Ikaw ba ay may natatanging taglay na talento sa pagsulat? May utak na...
20/08/2024

๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”'๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—”!

Ikaw ba ay may natatanging taglay na talento sa pagsulat? May utak na naghahangad ng karunungan at kaalaman? At pusong may paninindigan sa katotohanan?

Ating paalabin ang iyong pagka-pilipino, makiisa sa ๐‘ฐ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’–๐’‚๐’๐’‚: ๐‘ฐ๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’•๐’‚๐’ ๐‘ธ๐’–๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’•๐’–๐’•๐’–๐’‚๐’. Ang opisyal na pahayagang Filipino ng San Roque National High School.

Kaisa ang SRNHS SSLG at ang iba pang mga organisasyon ng San Roque National High School, gaganapin ang Membership Drive sa ilalim ng punong akasya mula ika-20 hanggang ika-22 ng Agosto. 8:00 hanggang 11:00 ng umaga at 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Ang mga sumusunod ay ang mga kategoryang maaari ninyong salihan:
- Pagsulat ng Editoryal (Editorial Writing)
- Paglalarawang Tudling (Editorial Cartooning)
- Pagsulat ng Balita (News Writing)
- Pagsulat ng Lathalain (Feature Writing)
- Pagsulat ng Kolum (Column Writing)
- Pagsulat ng Balitang Pampalakasan (Sports Writing)
- Pagsulat ng Agham ( Science Writing)
- Pagkuha ng Larawang Pampahayagan (Photojournalism)
- Pagwawatso ng Sipi at Pag-uulo ng Balita (Copyreading & Headline Writing)
- Balitang Panradyo (Radio Broadcasting)
- Balitang Pantelebisyon (TV Broadcasting)
- Collaborative Desktop Publishing

๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ, ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ, ๐‡๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐† ๐’๐ˆ๐”๐€๐‹๐€!!

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

"๐’๐€ ๐๐€๐†๐Š๐”๐‡๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐€๐˜ ๐๐€๐Š๐”๐Š๐”๐‡๐€ ๐ƒ๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐Ž."Tuwing ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ— ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ay ipinagdiriwang ang ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐ก๐จ๐ญ...
19/08/2024

"๐’๐€ ๐๐€๐†๐Š๐”๐‡๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐€๐˜ ๐๐€๐Š๐”๐Š๐”๐‡๐€ ๐ƒ๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐Ž."

Tuwing ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ— ๐ง๐  ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ay ipinagdiriwang ang ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ก๐ฒ ๐ƒ๐š๐ฒ, bilang pagkilala sa mga mahuhusay na mga photographer. Kaya sa araw na ito ay mas lalong hinihikayat ang mga photographer sa buong mundo na ipakita ang mga larawang nakuhanan sa lahat ng sangkatauhan upang maengganyo ang mga tao at mapahalagahan ito.

Ayon kay ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐  na isang photojournalist, "๐Š๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง" ang tumatatak sa kaniyang isipan sa bawat pagkuha ng larawan, sa kadahilanang gustong maghatid ng katotohanan at walang kasinungalingan, at maglingkod sa mga mamamayan upang malaman ang mga nangyayari sa kapaligiran at sa komunidad. Katulad ni Courtney ay may dahilan din ang mga ibang photographer sa pagkuha ng larawan maaaring para maglingkod, para sa sariling kasiyahan, propesiyon nila at marami pang iba.

"๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‡๐”๐‡๐”๐’๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐†๐‘๐€๐๐‡๐„๐‘ ๐๐€ ๐Š๐ˆ๐๐”๐Š๐”๐‡๐€๐๐€๐ ๐€๐๐† ๐†๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐”๐๐ƒ๐Ž ๐€๐“ ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐€ ๐๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐‡๐€๐ ๐€๐๐† ๐๐€๐–๐€๐“ ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐Š๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐–๐€๐“ ๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐“๐€๐Ž๐."

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘–๐‘โ„Ž๐‘œ๐‘™๐‘’ ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘’รฑ๐‘Ž
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐ฟ๐‘Ž๐‘‘๐‘ฆ ๐น๐‘’๐‘Ÿ๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘ง

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—›๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—ง๐—œ๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ!Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ay ipinagdiriwang ang World Hepatitis Day upang itaas ang kamalayan tun...
28/07/2024

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—›๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—ง๐—œ๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ!

Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ay ipinagdiriwang ang World Hepatitis Day upang itaas ang kamalayan tungkol sa hepatitis. Ang hepatitis ay isang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa liver cells at impeksiyon sa atay.

Ayon sa artikulo ng World Health Organization (WHO), ang araw ng Hulyo 28 ang napili upang gunitain ang kaarawan ng isang Nobel-prize winning scientist na si Dr. Baruch Blumberg, na nakadiskubre ng Hepatitis B at ang unang gumawa ng bakuna para malabanan ang sakit na ito.

Ang World Hepatitis Day ay naglalayong hikayatin ang mas marami pang tao na magpasuri, magpabakuna, at magkaroon ng sapat na kamalayan ukol sa pag-iwas at paggamot ng sakit. Binibigyan nitong diin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang labanan ang hepatitis at
protektahan ang kalusugan ng bawat isa.

Samahan niyo kami ngayong ika-28 ng Hulyo sa pagpapataas ng kamalayan para sa panganib na dala ng sakit na hepatitis.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘š๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐‘€๐‘Ž๐‘’ ๐ถ. ๐บ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘๐‘–๐‘Ž
๐ผ๐‘›๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘ ๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Žโ„Ž ๐‘…๐‘’๐‘ ๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘œ
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐น๐‘Ž๐‘–๐‘กโ„Ž ๐‘…๐‘œ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘’๐‘ 

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ดIsang leadership training camp ang idinaos para sa mga mag-aaral ...
27/07/2024

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด

Isang leadership training camp ang idinaos para sa mga mag-aaral na nais maging bahagi ng organisasyong YES-O nitong ika-23 ng Hulyo sa San Roque National High School.

Layon ng seminar na linangin ang kasanayan sa pamumuno ng mga estudyante at magbigay ng kaalaman sa tamang pangangalaga ng kalikasan.

Pinamagatan ang programa na "๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜€: ๐—ฃ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ป๐˜„๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ถ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐˜‚๐—ถ๐˜๐˜€."

Sinimulan ang seminar sa pangunguna nina Bb. Miracle Faith L. Tuazon at Bb. Clarise Angel T. Lising ang pagbubukas ng gawain kasunod ng pag-awit ng Lupang Hinirang na isinagawa ni Gng. Karren Quiambao.

Itinuro naman ni Bb. Angela Joy C. Victoria ang mga katangian na dapat at kailangan taglayin ng isang lider.

Kasunod nito, ipinaliwanag naman ni Bb. Melanie Grace M. Bantula ang mga konstitusyon at mga batas ng YES-O.

Sa pamamagitan ng programang ito nagkaroon ang mga lider at mga potensyal na lider ng pagkakataon upang maipamalas at mahasa ang kanilang angking galing sa iba't ibang aspeto sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba't ibang mga aktibidad.

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘’๐‘Ÿ๐‘™๐‘’๐‘› ๐บ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘๐‘–๐‘Ž
๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐ธ๐‘™๐‘—๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘…๐‘œ๐‘—๐‘Ž๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐ด๐‘ โ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘ก๐‘– ๐ต๐‘’๐‘Ÿ๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘‘๐‘œ
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐ด๐ฝ ๐‘€๐‘Ž๐‘™๐‘™๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘–
๐ผ๐‘›๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘ ๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Žโ„Ž ๐‘…๐‘’๐‘ ๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘œ

๐’๐‘๐๐‡๐’, ๐ง๐š๐ค๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐‚๐š๐ฆ๐ฉInilunsad ang National Learning Camp (NLC) sa San Roque National High School ...
26/07/2024

๐’๐‘๐๐‡๐’, ๐ง๐š๐ค๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ

Inilunsad ang National Learning Camp (NLC) sa San Roque National High School na programa ng Department of Education (DepEd) bilang voluntary learning recovery para sa mga mag-aaral.

Umabot ng 148 na Roqueans ang masigasig na sumali sa naturang programa na nagsimula nitong ika-2 ng Hulyo at nagtapos ng ika-18 ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Sa pagsisimula ng proyekto, ibinahagi ng San Roque National High School ang plano at layunin ng DepEd sa programang ito sa mga mag-aaral at mga magulang.

Binuo ito upang makabangon ang mga kabataang Pilipino mula sa pandemic-related learning losses.

Nakatuon ito para sa mga Grade 7 hanggang Grade 10 upang mapalalim at madagdagan pa ang kanilang kaaalaman sa asignaturang English, Science at Mathematics.

May tatlong bahagi ang NLC, dito malalaman ng mga g**o kung saan nabibilang ang isang mag-aaral batay sa kaniyang pangangailangan.

Ito ang Enhancement, Intervention at ang Consolidation camp na tutuon sa mga pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Masayang nagsipagtapos ang mga mag-aaral kasama ang kanilang magulang at mga g**o.

Tunay ngang malaking tulong ang NLC, sa mga mag-aaral upang maging handa sila sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral.

๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘‘๐‘’ ๐ท๐‘ข๐‘™๐‘–๐‘›
๐‘€๐‘”๐‘Ž ๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐ฝ๐‘’๐‘๐‘ ๐‘ฆ ๐‘‚๐‘Ÿ๐‘™๐‘Ž๐‘ง๐‘Ž ๐‘Ž๐‘ก ๐ถ๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘ก๐‘›๐‘’๐‘ฆ ๐‘€๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘”
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐พ๐‘Ž๐‘ก๐‘™๐‘ฆ๐‘› ๐ต๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘–๐‘œ๐‘›
๐ผ๐‘›๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘ ๐‘ก๐‘œ ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Žโ„Ž ๐‘…๐‘’๐‘ ๐‘๐‘–๐‘๐‘–๐‘œ

๐—ฆ๐—ฅ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ '๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎOpisyal nang inilunsad ang Brigada Eskwela 2024 nitong ika-22 ng Hulyo sa SRNHS...
24/07/2024

๐—ฆ๐—ฅ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—˜๐˜€๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ '๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ

Opisyal nang inilunsad ang Brigada Eskwela 2024 nitong ika-22 ng Hulyo sa SRNHS, na may temang "Bayanihan para sa Matatag na Paaralan", sa pangunguna ng mga mag-aaral, magulang at mga g**o ng paaralan.

Pinangunahan ni Gng. Karren Quaimbao ang panalangin kasunod ng pag-awit ng Lupang Hinirang na isinagawa ni Bb. Exie Dee Grace Medina.

Ipinaliwanag ni G. Laurel Medina ang Regional Memorandum No. 474 s. 2024 at ang mga kailangang gawin ng bawat isa sa pag-arangkada ng Brigada mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 27.

Inabisuhan naman nina Gng. Rowena Manipon at G. Laurel Medina ang mga mag-aaral at magulang ukol sa mga namumuno ng programa, para sa mga may karagdagang katanungan.

Hindi na pinahaba pa ni Gng. Leonida Desierto ang kanyang panghuling mensahe upang ilaan ng karamihan ang kanilang oras sa paglilinis at pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat isa sa paaralan.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ด๐‘ข๐‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฆ ๐ด๐‘™๐‘“๐‘œ๐‘›๐‘ ๐‘œ
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘
๐‘ƒโ„Ž๐‘œ๐‘ก๐‘œ๐‘—๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ ๐‘ก: ๐ถ๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘ก๐‘›๐‘’๐‘ฆ ๐‘€๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘”

Nitong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ -๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ay pinagdiriwang ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† na may temang "๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป...
16/07/2024

Nitong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ -๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ay pinagdiriwang ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† na may temang "๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜."
Ito ay upang bigyang diin ang mahahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagbuo ng kapayapaan at paglutas ng mga salungatan.

Ang mga marahas na karanasan na nakakaapekto sa edukasyon, at ang hindi pagkapantay-pantay sa ekonomiya ay naglilimita sa mga oportunidad na nararapat sa karamihan na lubos na nakakaapekto sa mga kabataan. Sa pagpapamalas ng talento at kakayahan, suporta ang kailangan lalo na ng mga kabataan. Imbis na sabihing โ€œ hindi ito praktikal โ€œ bakit hindi natin sila bigyan ng pagkakataong maipakita kung anong magandang epekto nito sa kanilang buhay?

Sa World Youth Skills Day, magkaisa tayo sa pagkilala sa potensyal ng mga kabataan bilang mga ahente ng kapayapaan at mangako sa pagbibigay sa kanila ng mga kasanayan at pagkakataon upang tugunan ang mga hamon at makibahagi sa isang mapayapa, maunlad, at napapanatiling kinabukasan.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘‘๐‘’ ๐ท๐‘ข๐‘™๐‘–๐‘›
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กBata, bata, gising kana ba?Mga mata mo'y mulat na ba?Tulad ng iyong inang ginigising ka sa ...
11/07/2024

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก

Bata, bata, gising kana ba?
Mga mata mo'y mulat na ba?
Tulad ng iyong inang ginigising ka sa umaga kinakailangang tap*kin ka pa ba?
Mga napapahong isyu sa bansa ngayon, alam mo na ba?
Kung hindi pa, ipapaliwanag ko. Hayaan mong ikuwento ko sayo at ipaalala ang mga mahahalagang isyu.

Kung kukumustahin mo man ang mundo, puno pa rin ito ng diskriminasyon marami pa rin sa mga kapwa natin ang nagtatago sa aparador at hindi maipakita ang tunay na katauhan dahil marami sa kanila ang hindi tanggap ng lipunan. Marami pa rin ang inosente at hindi alam ang kahalagahan ng reproductive health, maraming mapupusok na kabataan ang walang sapat na kaalaman sa tuwing umiinit ang katawan. Marami pa rin ang pumapasok sa yungib ng tukso nang hindi alam ang tamang pagplaplano sa pagbuo ng pamilya, kaya naman sa dulo mga tao sa mundo'y mala nagsisiksikang sardinas sa lata. 2024 na nga at marami pa rin ang pinipiling maging mapagsawalang bahala. Pagiging iresponsable sa mga kalat, mga kanal tuloy barado at bumabaha,
mga puno ay tinutumba, mga sasakyan na tila ba sing-itim ng black magic ang usok,
climate change ay nagkalabo-labo,
mas uminit ang klima at ang daloy ng panahon ay hindi na tulad ng dati.

At kapag sobrang dami ng populasyon natin, ano? Mga isyu sa mundo ay hindi matapos-tapos. Mula sa walang hanggang pangunahin nating pangangailangan kay hirap na ring tugunan, mga tao sa mundo ay hindi na magkaintindihan, marami ang pinipili na lang magbulag-bulagan sa isyu ng lipunan.

Ngayong araw ng World Population,
inaalala natin ang kahalagahan ng ating mga layunin at tungkulin para pangalagaan ang ating kalikasan at maging isang responsableng mamamayaman.

Simulan mo ito sa pagbukas ng iyong isipan, subukang hanapan ng solusyon ang misteryo ng mundo, at higit sa lahat umaksyon patungo sa pag-unlad at pagbabago.
Kaya huwag kang mapusok! Pag-isipan ang mga desisyon dahil hindi paurong ang takbo ng oras para magbulagbulagan sa isyu ng lipunan. Hindi pa huli para limitahan ang kaalaman, hindi pa huli para makiisa at humanap ng solusyon sa problema ng mundong dapat may samahan.

Maligayang Araw ng Populasyon para sa mga taong binubuksan, inaalam at hindi nagsasawang makamit ang hustisya mula sa maliit hanggang sa malaking problema. Maligayang Araw ng Populasyon, dahil mas pinili mong tanggapin ang pait ng katotohanan at gumawa ng paraan para sa mas magandang kinabukasan.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ป๐‘Ž๐‘›๐‘›๐‘Ž ๐‘†๐‘Ž๐‘›๐‘โ„Ž๐‘’๐‘ง
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐น๐‘Ž๐‘–๐‘กโ„Ž ๐‘…๐‘œ๐‘ ๐‘Ž๐‘™๐‘’๐‘ 

Iniaabot ng Ing Siuala mainit na suporta, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ!๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐ฝ๐‘Ž๐‘’๐‘š๐‘’๐‘’ ๐‘‡๐‘œ๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘’๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐พ๐‘Ž๐‘ก๐‘™๐‘ฆ๐‘› ๐ต๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘–๐‘œ๐‘›
11/07/2024

Iniaabot ng Ing Siuala mainit na suporta, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ!

๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐ฝ๐‘Ž๐‘’๐‘š๐‘’๐‘’ ๐‘‡๐‘œ๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘’๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐พ๐‘Ž๐‘ก๐‘™๐‘ฆ๐‘› ๐ต๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘–๐‘œ๐‘›

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ— ๐๐† ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž | ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐ŸฅณMaligayang kaarawan sa katuwang na tagapayo at tagapagsanay ng ๐ˆ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฎ๐š๐ฅ๐š na si ๐†....
08/07/2024

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ— ๐๐† ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž | ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐ ๐Ÿฅณ

Maligayang kaarawan sa katuwang na tagapayo at tagapagsanay ng ๐ˆ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฎ๐š๐ฅ๐š na si ๐†. ๐‘๐ ๐€๐ง๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐š๐œ๐ข๐จ๐ง!

๐’œ๐“ƒ๐‘” โ„๐“ƒ๐‘” ๐’ฎ๐’พ๐“Š๐’ถ๐“๐’ถ ๐’ถ๐“Ž ๐“๐“Š๐’ทโ„ด๐“ˆ ๐“ƒ๐’ถ ๐“ƒ๐’ถ๐‘”๐“…๐’ถ๐“…๐’ถ๐“ˆ๐’ถ๐“๐’ถ๐“‚๐’ถ๐“‰ ๐“ˆ๐’ถ ๐’พ๐“Žโ„ด๐“ƒ๐‘” ๐“Œ๐’ถ๐“๐’ถ๐“ƒ๐‘” ๐“ˆ๐’ถ๐“Œ๐’ถ๐“ƒ๐‘” ๐“ˆ๐“Š๐“…โ„ด๐“‡๐“‰๐’ถ ๐’ถ๐“‰ ๐‘”๐’ถ๐’ท๐’ถ๐“Ž ๐“ˆ๐’ถ ๐’ถ๐“‚๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐“‚๐‘”๐’ถ ๐’ท๐’ถ๐“‰๐’ถ๐“ƒ๐‘” ๐“‚๐’ถ๐“‚๐’ถ๐“‚๐’ถ๐’ฝ๐’ถ๐“Ž๐’ถ๐‘”. ๐’ข. โ„›๐’ฉ!

"PITONG LETRANG GINTO""LANGGA, SORRY!! MAHAL KITA!!" Hagulgol at pasigaw na iyak ng babae sa harap ng nakaratay at payap...
07/07/2024

"PITONG LETRANG GINTO"

"LANGGA, SORRY!! MAHAL KITA!!"

Hagulgol at pasigaw na iyak ng babae sa harap ng nakaratay at payapang mukha ng lalaki na sumakabilang buhay. Halos utal-utal ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig dahil sa sakit na nararamdaman.

Hayyyyy....Kung makaiyak akala mo ay trinato nito nang maayos ang asawa. Araw at gabi ay sinisigawan niya ito dahil sa pagkakamali. Kulang lang ang naibigay na pera ay halos hiwalayan niya na ito.

"PA! BAKIT!? PATAWARIN MO'KO!"

P**a at maga ang mata ng isang dalagang babae habang papalapit sa kabaong. Mabigat ang bawat hakbang nito dahil sa kirot ng puso dulot ng sakit.

Tsk tsk tsk! Noong nabubuhay pa ang ama, hindi naman naging mabuting anak. Hindi lang naibigay ang gustong materyal na bagay, puro sumbat na ang ginawa. Kung sagut-sagutin ang ama ay para bang may napatunayan na.

"PARE! PASENSYA! BUMALIK KA NA!"

Sa pagbagsak ng kaniyang luha ay kasabay nito ang pagbagsak ng kaniyang tuhod sa malamig na semento. Pabulong na lamang ang mga salitang binibitawan nito.

Teka?....Nasaan ba ito noong nangangailangan ng tulong? Siya pala ang lalaking hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Siya ang kaibigan na nariyan kapag may kailangan, pero pag ikaw ang nangailangan...wala!

-------------------------------

"Boss, hindi pa ba tayo aalis?"

Napatigil ako sa pakikinig ng mga mensahe nang tawagin ako ng aking empleyado.

"LUISITA FUNERAL SERVICE"

Bahagya akong napatingin muli sa uniporme ng aking empleyado...."Si nanay." Bulong ko.

Kami ang nag-asikaso ng funeral service nitong namayapang lalaki. Huling gabi na nito kaya naman nagbibigay mensahe ang mga ito.

Dati ko nang naramdaman ang sitwasyon na meron sila ngayon. Noong nawala si inay, wala ni katiting na luha ang lumabas sa aking mata. Hindi dahil hindi ko siya mahal, kundi dahil hindi ako karapatdapat sa kaniya. Puro masasakit na salita at sumbat lang ang natanggap ni nanay sa akin. Reklamo at galit ang naiparamdam ko sa kaniya. Hindi ko nakita ang mga sakripisyo niya sa akin.

"Kapag ako'y namatay, huwag na kayong magbigay ng mensahe dahil ang mga mensaheng 'yan ay dapat sinabi na noong nabubuhay pa ako."

Ito ang minsan nang sinabi ng aking nanay. May kirot sa puso ko noong narinig ko ito.

"KUNG ANG DIYOS NAGPAPATAWAD PWES AKO HINDI!"

Ang salitang hindi ko malilimutan at habang buhay na pagsisisihang nabitawan kong salita sa aking ina.

Hindi pa huli ang lahat para sabihingโ€”"๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐——."

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘’๐‘–๐‘›๐‘’ ๐ผ๐‘™๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐พ๐‘Ž๐‘ก๐‘™๐‘ฆ๐‘› ๐ต๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘–๐‘œ๐‘›

๐—ฆ๐—ฅ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฐMatagumpay na isinagawa ang opening parade ng Interbatch Basketball Le...
04/07/2024

๐—ฆ๐—ฅ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Matagumpay na isinagawa ang opening parade ng Interbatch Basketball League New Season 2024 nitong ika-30 ng Hunyo na dinaluhan ng ibaโ€™t-ibang kalahok sa San Roque National High School.

Pinangunahan ang naturang programa nina Ginoong June Vital bilang Overall Batch Coordinator at Sir Ricalito Payad bilang Overall Head Organizer.

Ang mga manlalaro ay ang mga dating mag-aaral ng SRNHS na mula sa batch 1994 - 2019.
Nasa dalawampu't limang batch ng mga Roqueans ang nagtagisan sa palarong ito kaya't mababakas sa kanilang mukha ang kaba ngunit mas nangingibabaw ang tuwa dahil mula silang nagsama-sama.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘’๐‘๐‘–๐‘œ๐‘ข๐‘  ๐ฟ๐‘ฆ๐‘˜๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘™๐‘’๐‘ 
๐ฟ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘ก ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง!Pagkilala sa ating mga matatapang na estudyanteng mamamahayag na nagpamalas ng...
03/07/2024

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง!

Pagkilala sa ating mga matatapang na estudyanteng mamamahayag na nagpamalas ng kanilang mga natatanging akda at kontribusyon sa likod ng paghahatid ng makatotohanan at maaasahang balita.

Salamat sa paggamit ng inyong pag-ibig sa pagsusulat sa larangan ng pamamahayag upang bigyang liwanag ang katotohanan. Ang inyong mga naihatid na balita ay nagbigay ng kamulatan at kamalayan sa bawat indibidwal.

Ating kilalanin ang mga mahuhusay na estudyanteng bumuo ng Ing Siuala para sa taong 2023-2024. Pagpupugay sa inyong pagpapamalas ng inyong mga angking galing sa likod ng mga maaasahang balitang naihahatid sa mga tao.

๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐— ๐—”๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข!

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘’๐‘Ÿ๐‘™๐‘’๐‘› ๐บ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘๐‘–๐‘Ž
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž:๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง ๐‘Ž๐‘ก ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐——๐—”๐—ฌNgayong ika-2 ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng mga manunulat sa larangan ng...
02/07/2024

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐—— ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐——๐—”๐—ฌ

Ngayong ika-2 ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng mga manunulat sa larangan ng isports sa buong mundo. Sila'y ating bigyang pugay sa kanilang tagumpay at kanilang pagpapatuloy sa pagsisikap at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa balitang pampalakasan.

Ang pagpapahayag ng balitang isports ay 'di biro. Nangangailangan ito ng tiyaga, dedikasyon, at kalidad sa pagpapahayag ng tiyak at walang mintis na balita. At dahil dito milyon-milyon ding mga tagahanga sa buong mundo ang nagkakaroon ng kamalayan sa bawat piling larangang isports.

Sa inyong serbisyo, kami ay tunay na humahanga. Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang kahusayan, kasipagan, at katapatan sa pagpapahayag ng balitang pampalakasan! Saludo kami sa inyo!

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ผ๐‘ฃ๐‘Ž๐‘› ๐น๐‘Ž๐‘—๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘‘๐‘œ
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐ฟ๐‘Ž๐‘‘๐‘ฆ ๐น๐‘’๐‘Ÿ๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘ง

๐— ๐—”๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง. ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— . ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!!Bilang isang mamamayang Pilipino marapat lamang na tayo'y magin...
25/06/2024

๐— ๐—”๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง. ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— . ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”

ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!!

Bilang isang mamamayang Pilipino marapat lamang na tayo'y maging MAPANURI at MAKIBAHAGI ukol sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa.
Sa kasalukuyan, ang ating bansa'y humaharap sa krisis laban sa Tsina. Sa patuloy na pag-aangkin ng bansang Tsina sa ating karagatan, maraming Pilipino na ang naaapektuhan. Sila'y nakararanas ng mga paglabag sa karapatang pantao mula sa kamay ng mga Tsino.

Ang labang ito ay hindi lamang laban ng gobyerno ngunit laban ito ng bawat mamamayang Pilipino. Gamitin natin ang ating boses upang maibahagi ang adhikaing protektahan ang West Philippine Sea . Nawa'y sama-sama nating ipagtanggol ang ating karagatan. Ipakita natin ang mga Pilipinong hindi magpapalupig kahit kanino. Ang mga Pilipinong walang takot na lalaban para sa ating bayan. Huwag nating hahayaang tayo'y mawalan ng karapatan sa sarili nating teritoryo.

Ang West Philippine Sea ay kailanma'y hindi magiging South China Sea, ito'y bahagi ng ating bansa. Bahagi ng ating nakaraan at patuloy na magiging bahagi ng ating kinabukasan.

๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—ข๐—ฃ ๐—”๐—ฌ ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—ข๐—ฃ.



Mga salita ni: Precious Lleana B. Pales
Poster ni: Katlyn Barrion

๐—ฉ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ปNagbitiw nitong Miyerkules si Vice President Sara Duterte bilang kalihi...
20/06/2024

๐—ฉ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜„ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป

Nagbitiw nitong Miyerkules si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nilinaw ni VP Sara Duterte na ang kanyang pag-alis sa Deped ay hindi umano dulot ng kahinaan kundi malasakit sa mga g**o at mag-aaral.

"Hindi man ako tumatayong kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina - isang ina na nagmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat g**o at bawat mag-aaral sa Pilipinas para sa isang matatag na Pilipinas," pahayag nito sa isang press conference pagkatapos magbitiw sa kanyang posisyon.

Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, tinanggap ni PBBM ang pagbitiw ni VP Sara Duterte sa kanyang mga posisyon.

Lubos ang pasasalamat ni VP Sara Duterte sa kanyang mga naging katuwang na sumuporta sa kanya upang maipatupad ang mga programa niya sa edukasyon.

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung sino ang papalit sa kanyang binitawang posisyon.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ด๐‘ข๐‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฆ ๐ด๐‘™๐‘“๐‘œ๐‘›๐‘ ๐‘œ
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐ฟ๐‘Ž๐‘‘๐‘ฆ ๐น๐‘’๐‘Ÿ๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘ง

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐— ๐—”!Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฒ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa lahat ng ama o haligi ...
16/06/2024

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐— ๐—”!

Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฒ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa lahat ng ama o haligi ng tahanan na kung tawagin. Ito ay upang magbigay pugay sa lahat ng tatay, papa, dada, itay, daddy, dad, erpats sa mundo dahil sa kanilang pagbibigay ng tatag at suporta sa bawat tahanang kanilang kinabibilangan.

Ang mga ama na hindi alintana ang kanilang pagod masig**o lamang ang magandang kinabukasan na inaasam nila para sa kanilang mga anak. Ang kanila ring walang humpay na pagpapakita ng kanilang pagmamahal at aruga sa araw-araw na pagtaguyod ay hinding hindi mapapantayan ng kahit sinuman.

๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป! ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฑ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ!

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ด๐‘ข๐‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฆ ๐ด๐‘™๐‘“๐‘œ๐‘›๐‘ ๐‘œ
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง

Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ay ipinagdiriwang ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—˜๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† na may temang "๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€ ...
15/06/2024

Ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ay ipinagdiriwang ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—˜๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† na may temang "๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—ข๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐—˜๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜€."

Ito ay naglalayong magbigay ng kamalayan na may mga taong may edad na ang nakararanas ng pang-aabuso kung kaya't bilang parte ng kanilang buhay, protektahan natin sila at alagaan sa lahat ng pagkakataon lalo na't sila naman ang may kailangan ng ating tulong.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ฝ๐‘Ž๐‘‘๐‘’ ๐ท๐‘ข๐‘™๐‘–๐‘›
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

Kumusta, Roqueans? ๐Ÿค—Kami ay may handog na magandang balita sa inyo! Alam n'yo na ba? ๐Ÿค”Ang Ing Siuala ay bukas sa pagtang...
13/06/2024

Kumusta, Roqueans? ๐Ÿค—
Kami ay may handog na magandang balita sa inyo!

Alam n'yo na ba? ๐Ÿค”
Ang Ing Siuala ay bukas sa pagtanggap ng mga ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ง na interesadong sumali upang makibahagi sa pagsisiwalat ng mga impormasyong pawang katotohanan lamang.

Kaya't ano pang hinihintay mo? ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ฎ! ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ผ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐ธ๐‘™๐‘—๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘…๐‘œ๐‘—๐‘Ž๐‘  ๐‘Ž๐‘ก ๐ด๐‘ข๐‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘ฆ ๐ด๐‘™๐‘“๐‘œ๐‘›๐‘ ๐‘œ
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–๐‘›๐‘Ž: ๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง ๐‘Ž๐‘ก ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

"๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—ž๐—” ๐—ฃ๐—”""Bato, bato, p*k! Ikaw ang taya!"Rinig ang bawat ingay at sigawan dito sa plaza. Nagsisipaghabulan an...
12/06/2024

"๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—ž๐—” ๐—ฃ๐—”"

"Bato, bato, p*k! Ikaw ang taya!"

Rinig ang bawat ingay at sigawan dito sa plaza. Nagsisipaghabulan ang mga bata. Kita sa kanilang mga maamong mukha ang ngiti at saya na kanilang nararamdaman. Sama-sama ang buong pamilya na nagkakasiyahan.

"Dahan-dahan kayo!"

Wika nang nag-aalalang ina habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak na nagbibisikleta.

"Tara doon tayo maglaro!"

Aligaga nitong sinabi sa kaniyang kaibigan at hinila papunta sa iba't ibang uri ng palaruan. Takbo rito, takbo roon ang kanilang ginawa.

"8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, Yess!"

Bilang ng isang grupo ng magkakaibigan na sumasayaw upang gayahin ang mga nauuso ngayong panahon. Masayang nagtatawanan ang mga ito nang panoorin ang kanilang sarili sa bidyo.

Sa isang sulok naman ay masayang nagtatampisaw ang mga bata sa tubig na galing sa fountain. Hindi alintana ang sermon na aabutin sa kanilang magulang dahil sa basang kasuotan.

Hayyyy...ang sarap maging batang malaya. Napakasayang pagmasdan ng mga ito. Ang kanilanng maamong mukha ang nagpapaaliwalas ng kapaligiran.

------------------------

"Kuya, pabili nga po ng isang lobo"

Napahinto ako sa pagmunimuni nang kalabitin ako ng batang halos kasing-edad ko lamang upang bumili ng tinitinda kong lobo. Binigyan ko ito at sinundan ng tingin nang siya ay makaalis pabalik sa kaniyang mga kaibigan.

Ako'y isa ring batang katulad nila...ngunit ibang iba sa kanila. Hindi ko nagagawa ang mga ginagawa nila, hindi ako nakapaglalaro tulad nila. Para sa akin ang magkaroon ng malaking kita sa isang araw ang aking kasiyahan, hindi tulad ng kasiyahan nila. Malayang-malaya silang gawin ang kanilang gusto at mag saya kasama ang kanilang pamilya at kaibigan.

Paano naman kami?? Paano kaming mga batang namulat sa kahirapan ng buhay. Kinailangang magsakripisyo at kumayod. Paano kami lalaya sa isang kadenang pilit na humihila sa aming kalayaang maging normal na bata?

Kailan kami makikita at aalalahanin ng nakararami??

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ - ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ

Hanggang dito nalang ba talaga kami?? Ang maging malaya bilang batang manggagawa ang tanging mithiin. Batang bata pa para maranasan ang ganito.

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘’๐‘–๐‘›๐‘’ ๐ผ๐‘™๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐‘…๐‘œ๐‘Ž๐‘› ๐ท๐‘’๐‘™๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ง

Ngayong ika-12 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa, ito ang i...
12/06/2024

Ngayong ika-12 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa, ito ang ika-126 na anibersaryo ng ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป na may temang โ€œ Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan. " Ang selebrasyon ay naganap kaninang alas-otso ng umaga sa Rizal Park, Luneta, Manila na sinimulan sa pagtaas ng bandila ng Pilipinas na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong 1898 ay idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa 333 taong pananakop ng mga Kastila. Ang kalayaan na ngayoโ€™y ating nararanasan ay buhat sa katapangan, kagitingan at buhay ng maraming Pilipinong nagsakripisyo para sa Inang Bayan.

Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, ating tanungin ang ating mga sarili, "๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป?"

๐‘†๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘–: ๐ธ๐‘™๐‘—๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘…๐‘œ๐‘—๐‘Ž๐‘ 
๐‘ƒ๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘›๐‘–: ๐‘๐‘’๐‘Ž๐‘› ๐ถ๐‘Ž๐‘ ๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘‘

Isang masigabong palakpakan para sa mga mag-aaral ng taong panuruan 2024! Pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagt...
02/06/2024

Isang masigabong palakpakan para sa mga mag-aaral ng taong panuruan 2024!

Pagbati sa lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos at nagsipagtaas-antas nitong ika-29 ng Mayo. Lubos ang aming tuwa sa inyong mga naging sakripisyo at pagsusumikap hanggang sa araw na ito.

Ang Ing Siuala rin ay ipinapa-abot ang mainit na pagbati para sa ating mga mamamahayag na kasali sa mga nagsipagtapos at nagsipagtaas-antas. Ang buong Ing Siuala ay lubos kayong ipinagmamalaki dahil sa ipinakita ninyong kasipagan, katapangan at mahusay na pagpapahayag ng katotohanan, kayo ay paniguradong magiging inspirasyon sa karamihan.

Sa inyong pagtahak sa magiging panibagong hamon ng buhay, nawa'y itatak ninyo sa inyong puso't isipan ang mga napulot at natutunan ninyong aral.

Muli, binabati namin kayo ng Maligayang Pagtatapos at Matagumpay na Pagsisipagtaas-antas sa inyong lahat! ๐Ÿฅณ

Mga salita ni: Aubrey Alfonso
Poster nina: Roan Dela Cruz at Zean Casindad

Pagbati sa iyo, Bb. Christine Joy R. Miranda!Ipinagmamalaki namin ang iyong nakuhang karangalan, nagagalak ang buong ING...
23/05/2024

Pagbati sa iyo, Bb. Christine Joy R. Miranda!
Ipinagmamalaki namin ang iyong nakuhang karangalan, nagagalak ang buong ING SIUALA sa iyong tagumpay! ๐Ÿ˜Ž๐Ÿ˜

๐ŸŽฏIkaanim na Pwesto sa Editorial Cartooning Filipino, REGIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE

Ing Camulatan Quing Catutuan
ING SIUALA! โค๏ธ

Poster by: Roan Dela Cruz

Iniaabot ng Ing Siuala ang mainit na suporta, ipinagmamalaki ka namin Bb. CJ!
22/05/2024

Iniaabot ng Ing Siuala ang mainit na suporta, ipinagmamalaki ka namin Bb. CJ!

Ngayong ika-14 ng Mayo taong 2024 ay sinimulan ang Online Election ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Office...
14/05/2024

Ngayong ika-14 ng Mayo taong 2024 ay sinimulan ang Online Election ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers ng San Roque National High School para sa susunod na taong panuruan. Ang dalawang partido ay pinangungunahan ni Jericko Alphonse Aguila De Leon para sa Tanglaw Partylist at Alexander D. Agustin naman para sa Voice Partylist.

Ang pagboto ay huwag gawing bingo, kilalanin, alamin, at siguraduhin kung sino nga ba talaga ang karapatdapat na mamuno para sa susunod na taong panuruan. Nawa'y mamutawi ang patas at totoong halalan para sa ating paaralan dahil ang bawat boto ay may epekto!

Mga salita ni: Eljay Rojas
Poster ni: Zean Paulo Casindad

Hindi mapapantayan ng kahit ano mang bagay ang sakripisyo, pagmamahal, at kalingang pinaramdam nila para sa kanilang pam...
11/05/2024

Hindi mapapantayan ng kahit ano mang bagay ang sakripisyo, pagmamahal, at kalingang pinaramdam nila para sa kanilang pamilya. Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa lahat ng ilaw ng bawat tahanan, ang Araw ng mga Ina. Tunay ngang hindi rin matatawaran ang kanilang ipinakitang pagsisikap at suporta magkaroon lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Sa lahat ng mga Ina, na patuloy na ipinapamalas ang kanilang nag-uumapaw na aruga at hindi masusukat na pag-uunawa, Maligayang Araw ng mga Ina sa inyong lahat! Maraming salamat po at saludo po kami sa inyo!

Mga salita ni: Aubrey Alfonso
Poster ni: Roan Jade Dela Cruz

Address

Bonifacio Street Brgy Dela Cruz, Tarlac
Bamban
2317

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ing Siuala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ing Siuala:

Videos

Share

Category


Other Bamban media companies

Show All

You may also like