16/10/2023
Hindi naman kahinaan yung pagbitaw sa mga bagay na hindi na talaga para sa'yo. Ilang beses ipaiintindi sa'yo ng reyalidad na karamihan sa mga gusto mong makuha, hindi agad-agad mapapasa'yo.
May mga ilan rin na ikapapahamak mo lang kaya't huwag kang matakot na sumubok muli ng mga bagong oportunidad. Hindi ka mauubusan ng mga pagkakataon para kumapit ulit. Sa mga oras na parang ipinararamdam sa atin na wala na tayong magiging papel sa mundong 'to, doon nagkakaroon ng mga bagong pintong naghihintay sa atin.
Hindi masamang bumalik muli sa umpisa lalo na kung alam mong mas matatag ka na ngayon.