17/05/2023
Mahilig ka mag-ayos sa sarili? Mabuti kang Ina
Losyang ka na daw? Mabuti kang Ina
Malaki ang katawan mo? Mabuti kang Ina
Sobrang payat mo? Mabuti kang Ina
Stop looking at our physical appearance para husgahan ang pagiging nanay namin. What's worst eh yung kapwa nanay pa ang magpupuna sa ibang nanay. Tandaan niyo na iba-iba tayo ng karanasan sa pagiging nanay. May ibang isa lang ang anak, may maraming anak, yung iba may katulong o katuwang sa bahay, yung iba walang ibang tutulong dahil nasa malayong lugar ang asawa o kamaganak. Yung iba single mom pa.
Stop JUDGING OTHER mothers just because you thought you're better than them. Walang competition kung sino ang pinaka da best nanay kasi para sa mga anak natin, tayo ang THE BEST sa lahat. Hindi kawawa ang anak natin kung ano man ang physical appearance natin, ang mahalaga pare-pareho natin silang naaalagaan ng maayos. 🥰
Kaya mga momsh, pabayaan niyo na yung mga nanghuhusga sa hitsura natin, nagaayos man tayo o hindi, mabuti tayong Ina.
Words by Stay at Home Pinay Mom
📸 Credits to the owner