16/04/2018
Reynold Villania
Checkpoint at Eleksiyon
Simula na ng “election period” para sa Barangay at SK election ngayong Mayo 14 na magtatapos sa Mayo 21. Kasabay nito ang pagsasagawa ng kaliwa’t kanang checkpoint ng Comelec at PNP para ipatupad ang polisiya ng Comelec lalong lalo na ang ‘gun ban” na sa panahon ng election period.
Mga dapat tandaan sa pagsagawa ng checkpoint, election man o ordinaryong panahon:
1. Ang checkpoint ay legal sabi ng Korte (Valmonte vs Gen. De Villa) at pinapahintulutan ang pulis na pahintuin ang sasakyan at magtanong sa okupante nito.
2. Ang checkpoint ay hindi lamang para sa motorsiklo (nakagawian) kundi para sa lahat ng sasakyan; mamahalin o bulok, at sa lahat ng tao; mayaman man o mahirap. Pag-palaging motor ang pinapara, nagkakaroon ng impression na biased ang pulis sa nakamotor at nagagalit ang tao. Parahin rin ang mga kotse at SUV.
3. Ang pinaka-layunin ng checkpoint ay para maiwasan ang krimen at hulihin ang tao o halughugin ang sasakyan kung siya ay may ginawang krimen at hindi para tingnan kung may lisensya o rehistro ang drayber ng motorsiklo (nakagawian). Iyan ay principally trabaho ng LTO at secondarily ng pulis, in line with our law enforcement function. Minsan, sa LTO ang accomplishment, sa atin ang kaso.
4. Sa checkpoint, plain view lamang. Meaning, magalang na utusan ang drayber na ibaba ang salamin at i-switch on ang ilaw at sumagot sa mga katanungan. Tingnan ang loob gamit ang mata at flashlight lamang. Hindi pwedeng pababain ang okupante at pabuksan ang trunk.
Subalit, pag may probable cause, halimbawa, mga bangag, lasing, iba ang kilos, amoy, mukha at tingin ng okupante at kumbinsido ang pulis na “puwedeng” may krimeng nangyayari, may karapatan siyang pababain ang okupante at halughugin ang sasakyan (exhaustive search). Pag positibo, kasuhan sa nakuhang illegal na bagay.
May mga pagkakataon na pilosopo ang okupante. Ayaw pumayag na ibaba ang salamin at sumagot sa mga tanong. Bigyan ng warning na aarestuhin siya. Pag ayaw pa rin, gamitan ng tamang pwersa, hablutin palabas ng sasakyan at kasuhan ng resistance and disobedience sa ilalim ng RPC.
5. Pag tumakas sa checkpoint, habulin at i-report sa mga karatig na mga estasyon. Pag armado ang mga sakay at nalagay sa bingit ng kamatayan ang pulis at publiko, barilin ang patakas na sasakyan (firing upon the escaping vechicle, POP).
Tandaan: Mali ang paniwala ng publiko at ibang pulis na hanggang plain view lamang ang checkpoint. Marami tayong mahuhuling criminal pag alam ang exhaustive search dahil sa probable cause.
Please share. Like page Reynold Villania for legal education