14/04/2024
Chapter 1-Joyce-
Joyce's POV
"Hindi ko naman kailangang makapagtapos sa pribadong paaralan ate. Alam kong
nangako ka sa puntod nila Papa at Mama pero okay lang ako kahit sa public school ako
makapagtatapos ng kolehiyo," wika ng kapatid ko.
Pumanaw na ang mga magulang namin kaya ako na lamang ang nagtataguyod sa
pag-aaral ni Celestina. Ipinangako ko sa puntod ng aking mga magulang na mapagtatapos
ko si Celestina sa isang pribadong school, ngunit ngayon ay nag-aalala ako na baka hindi ko
na matupad pa ang pangakong 'yon dahil nagbawas ng tauhan sa kumpanyang
pinapasukan ko, and unfortunately, isa ako sa hindi pinalad na manatili sa kumpanyang
yon.
"Gagawa ako ng paraan. Maghahanap ako ng bagong mapapasukan ko para
matustusan ko ang pag-aaral mo. Ikaw na lang ang natitirang kayamanan ko Celestina.
Mahal na mahal kita kaya ibibigay ko sa iyo ang lahat ng makakaya ko. Hayaan mo na lang
ako sa ginagawa ko, dito ako masaya, ang maibigay ko ang lahat ng pangangailangan mo,"
wika ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigit na ginantihan ko naman.
"Salamat ate, huwag kang mag-alala dahil mag-aaral ako ng mabuti para sa iyo.Gusto
kong maipagmalaki mo ako katulad kung paano kita ipinagmamalaki sa lahat ng
nakakasalamuha ko lalong-lalo na sa mga kaibigan ko ani niya.
1/4
"Sige na pumasok ka na nga! Mamaya niyan eh magkaiyakan pa tayo dito, natatawa
kong wika sa kapatid ko.
Pagkaalis ng kapatid ko ay newspaper naman ang hinarap ko. Kailangan kong
makahanap agad ng trabahong mapapasukan ko dahil paubos na ang natitira kong
pera.
Halos lahat na yata ng nasa ads ay natawagan ko na pero sa kasamaang palad ay may
mga nauna na sa akin.
Napatitig ako sa huling tatawagan ko. Huminga ako ng malalim at tinipa ko na ang
numero na nakapaskil sa ads.
lang ring lamang at may sumagot din agad sa akin.
"Ineng pumunta ka na lang dito, ibibigay ko sayo ang kumpletong address para makita
mo ang mga batang aalagaan mo, ani ng kausap ko sa telepono.
Pagkatapos naming mag-usap ay naligo na ako at naghanda sa pag-alis. Sa totoo lang
ay wala na lang talaga akong choice kaya pagiging yaya na lamang ang pinasok ko. Wala pa
akong alam tungkol sa sasahurin ko pero dahil triplets ang aalagaan ko ay nakasisiguro ako
na maganda ang matatanggap kong sahod. Pansamantala lang naman ito dahil sa oras na
makahanap ako ng mas maayos na trabaho ay magpapaalam na din ako sa kanila.
Pagkabihis ko ay umalis na din agad ako, sumakay ako ng jeep para makatipid ako ng
Chapter 1-Joyce-
pamasahe at lalakarin kO na lang papunta sa loob ng village kaysa naman magbayad ako
ng mahal sa taxĂ.
"Kuyang Guard, dito ba nakatira ang mga Dux? tanong ko sa guard na nalkatalaga sa
gate. Napakalaki ng village na ito at ngayon ko lang napagtanto na hindi pala basta-basta
ang mga batang aalagaan ko.
2/4
Tinanong ako ng guard kung ano ang pangalan ko, pagkatapos kong magpakilala ay
hinanap niya ang pangalan ko sa isang malaking notebook at ng mabasa niya ito ay agad
din naman akong pinapasok sa loob.
"Dito ka lang muna, may susundo sa iyo. Itatawag ko lang sa kanila na nandito ka na,"
ani niya kaya naman napatango lang ako.
Hindi naman nagtagal ay may paparating na isang magarang sasakyan, napatabi ako
dahil akala ko ay lalabas ito ngunit nagulat pa ako ng bigla itong huminto sa
harapan ko.
"Joyce Imperial?" tanong ng driver kaya tumango agad ako. Pinagbuksan ako ng driver
ng magarang sasakyan na ito kaya naman mabilis akong sumakay. Ngayon lamang ako
nakasakay sa ganito kagandang sasakyan. Kung kasama ko lang ang kapatid ko ay baka
panay selfie na ang ginagawa niya ngayon para ma-post niya sa social media.
"Ikaw pala ang nag-aapply na yaya ng triplets na anak ni Sir. Hugo. Naku matutuwa ka
sa mga batang 'yon dahil napakagwapo, manang-mana sila sa ama nila.
Kamukhang-kamukha ni Sir Hugo ang mga anak niya," masayang anini manong
driver.
"Ah ganuon ho ba? Ngayon lang po ako mag-aalaga ng mga bata lalo pa at triplets.
Pero huwag po kayong mag-alala dahil sanay naman po ako dahil ako ang nag- aalaga sa
kapatid ko mula ng mamatay ang mga magulang namin, wika ko.
Mabait naman si manong driver, makwento at palatawa kaya nakagaanan ko agad siya
ng loob.
Nakarating kami sa isang napakataas na gate at ng bumukas ito ay laking gulat ko ng
sinalubong kami ng napakaraming kalalakihan na may mga hawak na armas.
"Panginoon ko! Ba-Bakit ho napakaraming tao at may mga dalang armas?" takot kong
ani. Ipinaliwanag naman ni manong driver na mga tauhan ang mga ito ng magiging amo ko.
Na hindi pangkaraniwang tao lamang ang ama ng mga aalagaan ko.
"Ibig n'yo pong sabihin ay Presidente ang magiging amo ko?" inosente kong tanong na
ikinatawa niya ng malakas.
Ipinaliwanag naman niya sa akin na multi billionaire ang mga Dux at isa ang mga ito sa
pinakamayamang tao sa mundo kaya marami silang tauhang armada upang protektahan
ang mga ito sa masasamang loob.
Pagbaba ko ng sasakyan ay namangha ako sa sobrang laki ng palasyo, este mansion
pala na pagtatrabahuhan ko kaya napalingon ako sa kay manong driver at natawa naman
siya sa reaksyon ng mukha ko.
Sinalubong naman kami ng isang ginang nasa tingin ko ay nasa edad sixty na at
nakangiti niya akong iginiya papasok sa loob ng malaking mansion.
Tamang-tama at gising ang mga batang aalagaan mo. Mababait namnan ang mga bata
Chapter 1 -Joyce-
kaya hndi ka mahihirapan sa kanila at nandito naman ako para kahit papaano ay
matutulungan kita. Maraming kasanmbahay ang mansiong ito kaya mamaya ay ipapakilala
kita sa kanila. Ako ang mayordoma dito at tawagin mo na lang akong Nanay Ester"
ani niya.
Nagulat ako ng malaman ko na ang sasahurin ko ay thirty thousand pesos a month
kaya sa sobrang katuwaan ko ay mabilis kong tinanggap ang trabaho.
3/4
Nakita ko na rin ang triplets na aalagaan ko at tama nga si manong driver na
napakagwapo ng mga batang yon at hindi rin sila iyakin. Dalawang taon na ang mga bata at
katulad ng sinabi ni Nanay Ester ay tinutulungan nga niya ako sa pag-aalaga sa mga
ito.
"Kapag dumating na ang dalawa pa na makakatuwang mo sa pag-aalaga sa kanila ay
hindi ka na masyadong mahihirapan, ani niya.
Nagulat ako sa sinabi ni Nanay Ester. Akala ko kasi ay ako lang ang mag isang
mag-aalaga ng mga bata. Aaminin ko na mahihirapan ako dahil tatlo sila kaya laking tuwa
ko na malaman na tatlo pala kami na mag-aalaga sa mga bata.
"Ang dalawang kasama mo na mag-aalaga ng mga bata ay may mga anak na kaya
uwian sila, ikaw lang ang mananatiling stay in dito; dagdag nya pang ani. Tumango lamang
ako sa kanya at nginitian ko lang siya. Okay na din sa akin yon, kapag tulog na ang mga
bata sa gabi ay hindi naman ako mahihirapan, at least sa maghapon ay may katuwang ako
sa pag-aalaga.
"Eh Nanay Ester, nasaan ho ba ang mga magulang ng mga batang aalagaan namin?"
tanong ko na nahihiya kasi baka isipin niya kabago-bago ko pero nakiki-Marites agad
ako.
"Pumanaw na ang nanay ng mga bata, nagkaroon ng malalang karamdaman na
namana pa niya sa pamilya niya. Si Sir Hugo na lang ang natitirang magulang ng triplets,
busy din kasi lagi si Sir Hugo kaya kinakailangan talaga niyang kumuha ng mga mag-aalaga
ng mga anak niya. Ang mga magulang naman niya ay nasa ibang bansa kadalasan dahil sa
dami ng mga negosyo nila, sagot niya.
Kawawa naman pala ang amo kong lalaki, maagang nabyudo. Siguro gwapo ang amo
namin dahil napaka gwapo ng mga anak niya at ang sabi pa na kamukha daw niya ang mga
anak niya. Maniniwala lang ako kapag nakita ko na siya ng personal.
Napatingin ako sa isang malaking larawan na nasa wall, malaking larawan ng isang
lalaki na ubod ng gwapo at naka sunglasses.
"Ayan si Sir Hugo, ang ama ng mga batang aalagaan mo, ani ni Nanay Ester. Nalaglag
yata ang panty ko habang pinagmamasdan ko ang larawan ng gwapong lalaking ama daw
ng mga aalagaan ko.
"Bagay kami, pwede akong maging nanay ng triplets niya," bulong ko sabay hagikgik
ko ng tawa.
"Anong sabi mo ineng?" tanong ni Nanay Ester na ikinagulat ko at napatakip pa ako ng
kamay ko sa aking bibig.
"WaWala po, ani ko sabay talikod ko sa kanya. Nakakahiya, baka narinig niya ang mga
sinabi ko.
Nagmamadali na akong nagtungo sa maids' quarter, ayoko na munang tumingin kay
Chapter 1 -Joyce-
Nanay Ester dahil nahihya ako.
4/4
Matapos kong makita ang magiging silid ko ay nagpaalam na din ako, babalik na
lamang ako mamaya kapag nakuha ko na ang mga gamit ko at kailangan ko din namang
magpaalam na sa kapatid ko.
Huminga ako ng malalim at bago ako tuluyang lumabas ng malaking bahay ay muli
kong nilingon ang malaking larawan ng amo ko na nasa dingding. Shemay ang gwapo
naman talaga niya, makalaglag panty. Dapat pala kapag nakaharap ko na siya ay lagyan ko
ng sinturon ang panty ko at baka kusa ko itong ibaba kapag hindi ako nakapag-pigil.
Chapter 2 -Mister. Sungit-
Chapter 2-Mister. Sungit-
Joyce's POV
Ilang araw na akong nagtatrabaho dito bilang yaya pero hanggang ngayon ay hindi ko
pa nakikita ang ama ng mga batang inaalagaan namin na umuuwi dito at tila ba wala
namang pakialam sa mga anak niya.
"Linisin ninyo ang silid ni Sir Hugo ninyo dahil darating siya ngayon." ani ni Nanay Ester
kaya napalingon ako sa kanya at ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng kasabikan na
makita ang amo ko samantalang hindi ko pa naman talaga siya nakikilala ng
personal.
1/4
"Darating po ang ama ng triplets?" gulat na ani ko. Kung darating siya ay baka makilala
niya ako. Sobrang sungit at ang yabang niya pero shemay makalaglag panty talaga ang
amo ko.
"Oo tumawag siya kanina na uuwi siya dito mamaya, baka nga papunta na 'yon dito
kasama ang mga kaibigan niya at ang pinsan niyang si Marcus. Namimiss na raw niya ang
mga anak niya. Dito daw sila matutulog kaya pinapahanda ang kaniyang silid ani ni Nanay
Ester.
Nakaramdam tuloy ako ng pangamba, baka kung ano pa ang isipin niya dahil narinig
ko kung ano ang sinabi niya sa mga kasamahan niya ng aksidente ko syang mabunggo sa
mall. Hindi lahat ng babae ay katulad ng sinasabi niya, wala akong pakialam sa pera niya at
hindi ko rin sinadya na mabunggo siya para mang hook ng mayayaman. Bwisit siya! Okay na
sana ang gwap0-gwapo niya pero ang ugali naman pangit. Pero gayunpaman tinamaan
yata ako ni kupido nuong magtama ang aming paningin.
"K-kung gusto po ninyo ay ako na lamang ang maglilinis, tulog naman po ang mga
bata." ani ko.
"Naku ineng, may nakatalagang tagapag linis ng silid si Sir Hugo. Ayaw na ayaw niya na
kung sino-sino ang pumapasok sa silid niya. lyang si Selay ang naglilinis ng silid ng amo
natin. Napatingin naman ako kay Nana Selay. Ngumiti lamang sya sa akin at umakyat na sa
itaas,
"Nanay Ester, may bagong kasintahan ho ba ngayon si Sir Hugo? Natanong ko lang ho
dahil mukhang hindi siya madalas umuwi dito." ani ko.
"Hindi ko alam ineng, mayordoma lang ako dito at hindi ako nangingialam ng buhay
nila. Kung mayroon man ay wala akong kaalam-alam. aniniya. Medyo napahiya naman
ako. Napaka pakialamera ko naman kasi.
Hindi na ako kumibo pa, pumunta na lang ako ng kusina at uminom ng tubig
Pakiramdam ko kasi ay biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko si Sir Hugo ay
may mga kasama itong mga babae at para silang mga modelo na nag ggandahan, Marahil
ay isa sa kanila ang kasintahan ng amo ko. Nakaramdam tuloy ako ng selos na hindi ko
maipaliwanag.
Chapter 2 -Mister. Sungit-
Ipinikt Ko ang mga mata ko at pumasok sa isipan ko na sa sa babaeng yon ay
kahalikan niya. Bigla ko na lamang naidilat ang mga mata ko at ipinilig ko ang aking
ulo.
"Ayy! Erase! Erase! Ayokong isipin!" bulalas ko na hindi ko na alintana na nasa bahay
ako mismo ng amo ko.
"Alin ang erase ineng? Ano ba ang nangyayari sa iyo at nagkakaganyan ka ha?" anini
Nanay Ester ng inabutan ako sa kusina na pumapadyak at hinahampas-hampas ko pa ang
ulo ko.
Napangisi na lamang ako at nag-peace sign pa ako kay Nanay Ester at nagpaalam na
ako na pupuntahan ko na ang mga alaga ko.
'Ano ka ba naman Joyce, nakakahiya ka talaga! Muntik ka pa tuloy marinig ni Nanay
Ester. bulong ko sa aking sarili habang patungo ako sa silid ng mga bata.
Umalis na ang dalawang katuwang ko sa pag-aalaga ng mga bata, pagdating kasi ng
alas-sais ng gabi ay nag-papaalam na sila at ako na ang umaako sa pag-aalaga ng mga bata.
Mababait naman ang triplets ni Sir Hugo. Kabaligtaran ang ugali nila sa kanilang ama.
Darating daw ang daddy ninyo, si Mister. Sungit na nakakainis.' bulong ko habang
natutulog ang mga bata.
"Sino ang Mister. Sungit na nakakainis?" isang baritonong boses ang gumulantang sa
akin na nagsalita sa likuran ko. Nanginig yata ang mga tuhod ko ng muli kong marinig ang
boses niya. Napakaganda at napakasarap pakingBggan ng boses niya pero nakakatakot
naman ang ugali niya.
"Wa-wala po." ani ko ng humarap ako sa kanya ng nakayuko.
"Eyes on me kapag kinakausap kita!" malakas niyang ani na ikinakabog ng
dibdib ko.
2/4
Inhale.. Exhale. bulong ko sa sarili ko na hindi pa rin ako tumitingin sa mukha niya.
Natatakot kasi ako na makilala niya dahil kahapon lamang nangyari ang pagkakabanggaan
namin sa mall.
"Eyes on mel" malakas niyang ani kaya napatayo ako ng tuwid at napatitig ako sa
mukha niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang tinititigan ang mukha ko.
"Do I know you?" tanong niya at umiling agad ako. Pakiramdam ko ay nakahinga ako
ng maluwag ng hindi niya ako nakilala.
Hindi na siya kumibo at nilagpasan lamang aka at nilapitan na ang kanyang mga
anak.
"My angels, daddy's home." malambing niyang bulong sa mga anak niya. Marunong
naman palang magsalita ng mahinahon ay Mister. Sungit na ito.
Lumabas na agad ako ng silid at hindi ko na hinintay pa na ipagtabuyan ako palabas ng
amo ko. Mukha pa naman itong pinaglihi sa gwapong demonyo.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan, tinungo ko agad ang maid's quarters bago
pa ako mapansin ng mga kasarnahan niya. Sigurado naman ako na makikilala nila
ako.
Pagkapasok ko sa aking silid ay napasapo ako sa aking dibdib at napangiti. Mayamaya
ay nagtatalon ako at kinikilig akong namimilipit dahil sobrang gwapo talaga ng amo
Chapter 2 -Mister. Sungit-
ko.
"Oh my goddddddd! Ang gwapo talaga ng amo ko. halos patili ko ng sinabi habang
nakatakip naman ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Kailangan ko talagang gamitan ng
sinturon ang panty ko dahil baka hindi ako makapag pigil ay kusa itong malaglag sa
harapan niya. Humiga ako sa single bed ko, niyakap ko ang aking unan at itinakip ko sa
aking mukha.
ko.
"Ang gwapooooooo!" tili ko habang halos isaksak ko na sa mukha ko ang unang yakap
3/4
Mayamaya ay katok sa pinto ang nagpalingon sa akin. Bigla akong napatayo at
humarap ako sa salamin upang makasiguro na wala na sa mukha ko ang kilig moment ko.
Nagpractice akong magtaas ng kilay, pagkatapos naman ay sumibangot ako. Shemay
mukhang mahirap tanggalin ang ngiti ko.
Ineng pinapatawag ka ni Sir. Hugo." ani ni Nanay Ester habang kumakatok kaya
nanlaki mata sa narinig ko. Oh my god anong gagawin ko?
Mabilis kong binuksan ang pintuan at salubong na kilay ni Nanay Ester ang tumambad
sa akin.
"Bakit ba napakatagal mong buksan ng pintuan mo ha? Pinapatawag ka ng amo natin,
nanduon siya sa salas kasama ang mga kaibigan niya. Baka sasabihin sa iyo ang mga bawal
sa mga anak niya." wika ni Nanay Ester. Tumango lamang ako sa kanya at mabilis ko ng
tinungo ang salas kung saan sila naroroon.
Nanginginig ang mga tuhod ko, nanlalamig ang mga kamay ko ng lahat sila ay halos
sabay-sabay akong nilingon. Huminga ako ng malalim, pumikit ako ng bahagya at muling
idinilat ko ang aking mga mata. Nakatitig lamang ako sa kanila, ang mga kilay naman ng
amo ko ay salubong na nakatitig sa akin.
'Shemay, baka nagagandahan na siya sa akin. halos mapangiti ako sa naiisip ko ng
bigla siyang sumigaw.
"Tatayo ka na lang ba diyan at ngingiti ha! Lumapit ka dito!" sigaw niya na ikinagulat
ko. Narinig ko naman ang mahihinang tawa ng mga kasama niya.
Dahil sa pagkabigla ko ay napatakbo ako palapit sa kanila.
"Hey, I know you from yesterday at the mall. Yeah, that was you.!" wika ng isang
gwapong lalaki na kasama nila. Biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas kaya napayuko
ako ng aking ulo.
"Sabi ko na nga ba at nakikilala kita pero pinagkaila mo. Kung inaakala mo na
magugustuhan kita ay nagkakamali ka, hindi ang katulad mo ang pinag-aaksayahan ko ng
aking oras" ani niya. Ouch naman! Grabe naman ito ng magsalita sa akin.
"S-sir, wala naman po a-akong ginagawang masama, ang nangyari po kahapon ay isang
aksidente po lamang at humihingi po ako ng pasensya sa inyo." wika ko sabay yuko ng
aking ulo. Ang sakit naman magsalita ng hinayupak na 'to. Akala mo kung sinong gwapo
pero shemay gwapo naman kasi talaga. Napahagikgik pa ako ng hindi ko namamalayan
kaya isang kamay ang humablot sa aking braso na ikinagulat ko.
"Pinagtatawanan mo ba ako ha?" sigaw niya sa akin. Sa sobrang takot ko ay napaluha
akong bigla.
Chapter 2 -Mister. Sungit-
4/4
Umiling ako ng umiling pero isang kamay ang ng-alis sa kamay ng amo ko sa mahigpit
na pagkakahawak sa braso ko.
"Umayos ka Hugo, wala siyang ginagawang masama." ani ng isang lalake na may
pagkakahawig sa kanya. Siguro ay kapatid niya ito. Tinitigan ako ng amo ko ng matalim at
pagkatapos ay pinabalik ako sa silid ng mga anak niya at tinawag pa akong stupida sa
harapan ng mga kaibigan niya.
Pagpasok ko sa silid ng mga alaga ko ay napaiyak na ako ng tuluyan at hinimas ko ang
braso ko na mahigpit niyang hawak kanina na halos palipitin na niya dahil sa galit. Hinimas
ko ang namumulang bahagi nito at sigurado akong mamaya lamang ay pasa na ang mga
ito. Napaka pangit naman ng ugali ng amo ko, pero bakit hindi ko magawang magalit sa
kanya?
Continuation of Full Story Message US
https://www.facebook.com/MeetYourNextSkin?mibextid=ZbWKwL