CONGRESSWOMAN MITCH CAJAYON, NAGMUKHANG WALANG ALAM SA BUDGET DELIBERATION NG MMDA
๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ๐ช๐ข๐ ๐๐ก ๐ ๐๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก, ๐ก๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ ๐ ๐๐
Naging mainit na usap usapan ngayon ang viral at trending tiktok video ni Caloocan City 2nd District Congresswoman Mary Mitzi "Mitch" Cajayon na ayon sa mga nakakapanood, maging ng kanyang mga kritiko ay "trying hard" at mistulang hindi preparado sa pagdepensa sa 2024 budget ng MMDA. Binanggit pa ni Cajayon na ang naturang 21 MILYONG PISONG "Intelligent Fund" ay bahagi sa paghuli ng mga colorum at mga tiwaling kawani ng ahensya ng MMDA. Tiniyak din nya habang kino-"coach" ng kanyang mga senior Committee on Appropriation members sa mababang kapulungan ng Kongreso na bumubulong, na ang naturang nakalaang budget ay bahagi rin ng MMNAT o Metro Manila Network Against Terrorism.
Ayon naman sa kanyang mga kritiko sa pangunguna ni 3 term ex-Congressman Egay Erice na napapabalitang makakalaban ng magandang tiktoker na mambabatas sa 2025, na hindi lang daw grammar ang mali sa pahayag ni Cajayon, hindi rin daw pwdeng gamitin ang mga confidential funds sa paghuli ng colorum vehicles at tiwaling empleyado ng MMDA. Kontra din daw ang pahayag na ang MMDA ay kasapi ng Metro Manila Anti Terrorism Council. Mariing sinabi ni Erice na mali ang pagdepensa ni Cajayon sa Intelligence Fund.
Si Congresswoman Mitch Cajayon ay kasalukuyang junior vice chairman ng Committee on Appropriation ng Kamara. Samantalang si ex-Congressman Egay Erice ay naging Vice Chairman naman ng Metro Manila Development Council sa MMDA na kumakatawan sa mga Metro Manila Congressman sa kanyang panahon ng panunungkulang.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐!
Kuha sa CCTV ang mukha ng isang tirador ng selpon at laptop sa Barangay 163, Sta. Quiteria Caloocan City.
Maintig na pag-iingat at pagmamatygag ang ibinibilin sa mga mamamayan. Mangyaring ipag-bigay alam sa mga awtoridad kung inyong makita ang taong nasa bidyo.
Bidyo mula sa Scheduler Niรฑo
Joyce C. | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Video sa Facebook post ni Jhay Andaya, residente sa Caloocan, kung saan nagbahagi siya ng kanyang hinaing sa paninira laban sa programang Gamot sa Kasuluksulukan (GSK) ni Congressman at Mayoral aspirant Egay Erice.
Aniya, hindi totoo ang paratang na expired na ang mga ipinapamahaging gamot at bitamina galing sa GSK.
Hiling niya na itigil na ang paninira lalo't hindi ito makakatulong para sa bawat mamamayan ng Caloocan na apektado ng pandemya.
- Arlene Mascarenas | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Mag-asawang tubong Caloocan pumunta sa Philippine arena bitbit ang portrait ni Ferdinand Marcos Sr. upang ipakita ang kanilang buong pagsuporta sa pagtakbo bilang presidente ni Bongbong Marcos.
(c) Rayven Carlos | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Higit P100K na mga pekeng paracetamol, nasamsam sa Quezon City at Caloocan
(c) Tin Crisanto | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Dagsa ang mga senior citizen sa vaccination site sa University of Caloocan South.
(c) James Umali | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: NLEX Connector nasa 55% nang tapos!
Aasahang maging operational na ngayon taon ang NLEX Connector Section 1 mula sa Harbor Link-Caloocan Interchange patungong C3 Road/5th Ave. hanggang Espaรฑa Blvd. sa Sampaloc, Manila.
(c) Joyce Ching | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Oplan Katok ng Caloocan Police, pinaigting.
(c) Ching Orteza | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Pang-aambush ng mga di pa kilalang suspect sa isang van.
Nangyari ang nasabing insidente sa M. H. Del Pilar Street at C3 Road sa Caloocan City noong Nobyembre 24, 2021, Miyerkules ng gabi.
Patay ang drayber nito at sugatan naman ang pasahero.
(c) Yayo Himenez | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Campaign Headquarters ni Cong. Egay Erice, Pinasok at Ninakawan!
Ito naman ang opisyal na pahayag ni Congressman Egay Erice ng 2nd district ng lungsod ng Caloocan ukol sa pagpasok ng mga hindi nakikilalang mga kalalakihan sa campaign headquarters ng Aksyon Demokratiko sa Brgy.171-Bagumbong, Caloocan City, kung saan sinira at kinuha ang mga tarpaulin at ninakawan ang nasabing headquarters kamakailan.
Baklas Tarp
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Huling-huli sa CCTV ang ginagawang pagsira at pagbabaklas ng mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) sa mga tarpaulin ng kalabang kandidato ng anak ni City Mayor Oscar "Oca" Malapitan.
Ayon sa aming source, ang pagbabaklas ay naganap sa Barangay 154, Bagong Barrio Service Rd. Kitang kita din sa CCTV na hindi naman tinanggal ang tarpaulin ni Congressman Along Malapitan na katabi lamang ng tarpaulin ni Congressman Egay Erice. Kita din sa CCTV na may mga tarpaulin si Congressman Along Malapitan na mukhang ikakabit pa ng mga kawani ng DPSTM.
Inaantay pa namin ang panig ng DPTSM at ni Congressman Egay Erice tungkol sa issue.
- Bart Delos Santos | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Muling sumalakay ang mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ng City hall upang magtanggal muli ng mga tarpaulin ng kalabang partido nina Mayor Oscar "Oca" Malapitan at Congressman Along Malapitan sa ikatlong distro nitong linggo.
Ayon sa nagpadala ng video, isang napakalaking kalokohan ang pinatutupad ng Cityhall dahil tanging mga kalaban lang sa pulitika ng administrasyon ang tinatanggal samantalang pag kakampi nila ay hinahayaan lamang.
Nakakatawa din umano na ang mga mismong miyembro pa ng DPSTM ang nakasuot ng larawan ng pulitiko samantalang sinasabi nila na bawal ang mga ito.
(c) Maron Laksamana | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Tupad workers ni Congressman Along Malapitan, pinagtatanggal din ang mga posters at tarpaulin ni Congressman Egay Erice.
Kitang kita sa video na kinumpronta ng mga residente ang Tupad Workers ni Congressman Along Malapitan kung bakit pilit nilang tinatanggal ang isang tarpaulin ng kalaban nito sa pagka Mayor sa susunod na eleksyon. Hindi pumayag ang mga residente dahil nakadikit naman ito sa kanilang bahay at kinukunsidera itong private property.
Ikinagulat naman ni DOLE NCR Regional Atty. Sarah Buena S. Mirasol na nagagamit sa pulitika ang kanilang programang TUPAD na naglalayon lamang tumulong sa mga displaced workers dahil sa pandemya. Hindi umano ito maaring gamitin sa pulitika.
- Allen Lopez | News Correspondent | Caloocan Ngayon
๐๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐, ๐ก๐๐จ๐ช๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐ง๐๐๐๐๐ก๐
Nauwi sa live stealing ang ginagawang live selling ng isang tindera ng mga sapatos at damit sa Caloocan nang tangayin ng kawatan ang cellphone na ginamit sa streaming.
Makikita sa video ang suspek na kunwaring bibili ng dalawang pares ng sapatos. Nang mga sandaling iyon, naka-live selling ang tindera habang inaasikaso ang lalaki na nagpahanap pa kunwari ng maayos na kahon para sa sapatos na nasa estante.
Nang magpunta ang tindera sa stock room, doon na tinangay ng lalaki ang cellphone at sabay alis habang patuloy ang streaming ng cellphone.
(c) GMA News
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Inilabas ni Barangay 179 Kagawad Kaye Franco-Barredo ang kanyang sama ng loob matapos siyang hindi papasukin ng mga tauhan ng cityhall sa kanyang mismong barangay para maghatid ng tulong sa kanyang mga kabarangay na apektado ng Covid-19.
Ayon kay Kagawad Kaye Franco-Barredo, sinunod naman niya ang mga health protocols at sa katunayan ay nagsuot pa siya ng PPE sa gitna ng init ng araw pero hindi pa rin siya pinagbigyang papasukin ng mga kawani ng cityhall.
Nanawagan siya kay DILG Barangay Affairs Martin Diรฑo at kay PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar kung tama ba ang pamamalakad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oscar Oca Malapitan na pagbawalang pumasok ang mga gaya niyang elected official para tumulong sa kanyang mga kabaranggay.