17/10/2024
TOXIC NA UGALI NG KAMAG-ANAK
1. Kapag di ka nila mapakinabangan, MAYABANG ka. Kapag ayaw mo makipagplastikan, MAPAGMATAAS ka.
2. SWAPANG! Gusto sa kanila lahat. Feeling superior; Yung porket sila ang nakakaangat, sila nakakatanda, feeling bawal maungusan, ayaw magpa daig. Akala nila laging may kumpitensya kahit ikaw, chill lang.
3. Yung respeto nila base sa kung may pera ka o wala. Kilala ka lang kapag meron ka, kapag wala, TAE ang tingin sayo.
4. Gusto kang ibaba. Mas makukuha mo pa ang totoong suporta sa ibang tao kaysa sa toxic na kamag anak mo.
5.Mababait sa harap mo, pero patalikod kung tumira. Nabubuhay sa paninira ng kamag anak kaya hindi umaasenso.
6. Bastos ka kapag sumagot ka; pero nung panahon na sila ang nangbabastos sayo, ok lang. Nung pumalag ka, bastos ka na.
7. Yung feeling may ambag sa buhay mo pero sila naman yung walang pakialam noon. Sila yung walang naitulong pero sila yung maraming nasasabi.
8. Kapag mas pinili mong manahimik at mag disconnect sa kanila, para mas mapayapa ang buhay, nagmamataas ka na agad. Ayaw nila ng masaya, gusto nila makipag away.
9. Nakabantay sa buhay mo pero buhay nila hindi nila naasikaso. Dahil hindi sila umangat, ayaw ka rin nilang umangat.
Bonus: Magkaka away buong taon, tapos bati bati tuwing pasko. Tapos nagsisiraan ulit sa susunod na taon. 🤮🤮🤮 Nagkakampihan pa yung nagsisiraan.
May ganitong kamag anak ka rin ba? Ang toxic no? Pero subukan mo silang hayaan, mag disconnect ka sa kanila, huwag ka mag paapekto, tutal nabubuhay sila sa paninira, ikaw, mabuhay ka kung saan ka sasaya at aasenso.
Hayaan mo silang manggigil, ikaw, magtrabaho ka lang. Diyos na ang bahala sa kanila. 🙏🙏😁