11/09/2024
MAHALIN MO ANG IYONG KAAWAY..PAANO?
Iniutos ni Jesus sa mateo 5:44 na patuloy nating mahalin ang ating kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa atin.
Meron ka bang taong nakaalitan? Taong nang-insulto sayo? napopoot sayo?hindi ka binigyan ng importansiya?pinabayaan ka?
Alin ka man jan,pinapayuhan tayo ng panginoong Jesus na magpakita pa rin ng pagmamahal sa kanila.paano?
Mga teksto na tutulong sa atin kung paano tayo magpakita ng pagmamahal sa taong kinaiinisan natin,nakaaway natin, tsinismis tayo, o napopoot sa atin;
■Gawan natin sila ng kabutihan(Lucas 6:27)
:Ayon din Sa Roma 12:20,"Kung nagugutom ang kaaway mo, pakainin mo siya; kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng maiinom.”
■Sundin natin ang golden rule sa Lucas 6:31,"Kung ano ang gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.”
■Pagpalain ang mga sumusumpa sa inyo.
(Lucas 6:28)
Kahit sinasabihan tayo ng masama at maging mabait pa rin tayo sa pakikipag-usap sa kanila.
■Ayon sa 1 Peter 3:9 na huwag gantihan ng pang-iinsulto ang pang-iinsulto ng iba dahil lalo lamang lalala ang tensiyon.
■Ipanalangin sa Diyos ang nang-iinsulto sa atin at hingiin na patawarin sila,hayaan natin Diyos ang humatol sa kanila dahil perpekto ang katarungan ng Diyos.
(Lucas 6:28)(Lucas 23:24)(Leviticp 19:18)
■Maging matiisin at mabait sa kanila.Dahil ang pag-ibig ay mabait at matiisin, hindi naiinggit, hindi nagyayabang at hindi gumagawi ng hindi disente.
(1 corinto 13:4)
Tunay nga na hindi madali ang magpakita ng kabaitan sa kaaway natin,pero kung sikapin nating ikapit ang mga payo ng Bibliya ipinapakita nating anak din tayo ng Diyos dahil tinutularan natin siya,Sapagkat pinapasikat ng Diyos ang kanyang araw sa lahat ng tao: mabuti man o masama.,mabait din siya kahit sa mga taong masasama at walang utang na loob.
Kapag din lagi tayong magpakita ng kabutihan sa kaaway natin maaring matunaw ang galit nila at maaring maging mabait din sila sa atin.😊
Baka matanong ng ilan: Paano ko makontrol ang galit ko ?
Matulongan ka ng Bibliya :Bisitahin lang po ang Jw.org at hanapin ang artikulo ," HOW TO CONTROL ANGER.
JW.ORG😊