05/04/2022
F2F classes simulation, isinagawa bilang preparasyon sa pagbubukas ng klase
Ni: Shanna Mae Baltazar
Bilang paghahanda para sa napipintong pagbubukas ng limited in-person classes sa Baguio City National High School, nagdaos ang paaralan ng limited face-to-face classes simulation ngayong araw, Abril 4, upang matiyak ang matagumpay na pagsisimula nito sa Abril 11.
Ayon sa punongg**o ng nasabing paaralan na si Brenda M. CariΓ±o, kinakailangan at inaasahan ang partisipasyon ng lahat ng estudyanteng lalahok sa pormal na pagbubukas sa naturang simulation upang angkop na masunod ang mga itinakdang protokol at mapaghandaan ang pagsasagawa ng mga klase.
"Ita-try out kung paano sila magta-triage, paano sila papasok sa kanilang mga classroom, kung paano sila may entrance-exit procedures na dapat nilang i-observe sa kanilang pagpasok dito sa school," paglilinaw ng punongg**o sa isinagawang virtual orientation na ginanap para sa nasabing pagbubukas ng mga klase nitong Marso 31.
Bukod sa implementasyon ng health protocols at paglilimita ng bilang ng mga estudyante sa isang klase na kung saan 20 kada silid, magkakaroon din ng ilang pagbabago sa nakasanayang pagsasagawa ng klase bilang pagtalima sa mga pamantayang itinalaga ng Local Government Unit, Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Ayon kay Vic Jomar M. Laderas, Grade 9 Teacher Coordinator ng paaralan, magkakaroon ng dalawang batch na magsasalitan kada linggo bilang pahinga ng mga mag-aaral at magsisilbing quarantine na rin ng mga ito.
"Ang set-up ay every other week. Tapos ang schedule namin ay Monday, Tuesday, and Friday. We will be meeting the students three days in a week. We don't have Wednesday and Thursday kasi we have to consider the module packing at tsaka distribution namin ng Thursday," dagdag pa ni Laderas.
Bilang karagdagan, aalisin na rin sa pagbubukas ng klase ang pagkakaroon ng recess gayundin sa pagkain ng mga estudyante sa loob ng mga silid.
Samantala, inilatag din ni CariΓ±o sa nasabing virtual orientation ang iskedyul ng lahat ng mga baitang para sa buwan ng Abril.
"April 4 ay simulation day natin. April 11 and 12, 'yun po ulit ay face-to-face classes. April 18 to 22, face-to-face po ulit 'yan, and then April 25, 26, 27, those are again face-to-face class days."
Sa kadahilanang limitado lamang ang mga estudyanteng pinapayagang lumahok na kung saan 160 mag-aaral lamang sa walong silid, prayoridad umano ang mga SARF o students at risk of failing lalo na't isang enrichment umano ang gagawing klase partikular na sa mga batang nahihirapan sa independent learning.
Sa kabila nito, sinabi rin ni Laderas na nahirapan pa rin umano ang ilang g**ong kumbinsihin ang ilang SARF na lumahok sa nasabing pagbubukas.
Gayunpaman, marami pa rin umano sa mga g**o ang nakatanggap ng mainit na pagsuporta sa pagsisimula nito sa darating na Abril 11.
Dagdag pa ng g**o, matitiyak pa rin ang pagkakaroon ng balanseng oras ng bawat g**o sa kabila ng pagsisimula muli ng in-person classes.
"Ito ay hindi naman magiging sagabal sa usual na trabaho ng mga teachers kasi naka-schedule naman siya," dagdag pa ni Laderas.
Samantala, kasabay ng simulation na pinasinayahan ang naturang pagsisimula muli ng klase sa paaralan, naging malugod naman umano ang ilang estudyanteng lumahok sa nasabing paghahanda.
"At least mas maiintindihan ko na po ngayon ang topics kasi mahirap 'pag mag-isa ka lang na nag-aaral. 'Yung advantage po dito, mas madadagdagan ang learnings po namin, mas mai-interpret sa amin nang maayos. Pero 'yung disadvantage po, mas nae-expose po kami," pahayag ni Jinky M. Bastiano, isa sa mga mag-aaral na lumahok sa naturang simulation.
Gayunpaman, umaasa si Bastiano na magtutuloy-tuloy na ang pagsisimula ng mga klase sa paaralan at mas maging normal tulad ng pagbabalik ng buong araw na klase, pagpapahintulot ng recess, at malayang pag-iikot sa paaralan.