SLU Daily Dose

SLU Daily Dose The Official Publication of SLU School of Nursing, Allied Health, and Biological Sciences.

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข. ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข.Sa bawat pa...
20/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข.
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข.

Sa bawat pagtilaok ng manok at pagkalat ng sikat ng araw sa daanan, ay siya rin ang hudyat ng aking simula. Habang ang bayan ay unti-unting gumigising mula sa pahinga, naroon na ako sa tabing daan, tulak-tulak ang karitong pinaglumaan. Aking masinsinang inaayos ang samut-sari kong tinda: kendi, yosi, sitsirya, tubig, juice, o ano pang abot-kayang bagay na maaring kailangan ng mga taong dumaraan. Ginagawa ko iyan sa ilalim ng munting payong ng aking kariton, na nagsisilbing panangga ko sa nagbabagang sikat ng araw, o โ€˜di kaya naman sa tuwing bumubuhos ang luha ng langit. Ang hirap talagang magtinda, hindi lamang panahon ang kalaban, minsan pati ang mamimili. Kailangang habaan ang pasensya sa mga barat na namimili, kulang na nga sa tubo, pilit parin ang pagtawad. Minsan pa nga ay pasimpleng kumupit sa kending nakalatag. Beep, beep! O tatlo pa tatlo pa, aalis na! Iyan ang mga musika ko sa tuwing ako ay nagtitinda, ngunit tila bang wala ng mas maingay pa sa batingaw ng aking mga gunam-gunam. Mga isipin na mas mabigat pa sa karitong tulak ko araw-araw; Mauubos ko kaya ang tinda ko ngayon? Ano kaya ang mabibili kong ulam sa mapagbebentahan ko? Minsan, ang pinaka malala, may mabebenta ba ako ngayon? Pero kahit na ganoon, hindi ako maaaring sumuko dahil sa bawat pagtinda, ay kalansing ng pera, at ang bawat kalansing ay may katumbas na pagkain para sa aking pamilya.

Sana ngayong Pasko, madama naman namin ang kaginhawaanโ€“kahit na sandali lamang, kahit na sa iisang araw lamang. Sana isang araw magising ako na wala ang bigat sa dibdib at isipan, wala na ang takot na madama, na baka isang araw ay mawalan kami ng kakanin. Hindi biro ang ganitong buhay, nakatatakot nakapapagodโ€“laging umasa, mangarap, magdasal na baka isang araw, sapat na. Sana sa Paskong ito, madama naman namin ang tunay na saya sa kapaskuhan, makaranas man lamang ng kaunting ginhawa. Kami sana ay magkaroon ng munting salu-salo sa noche buena; isang kaldero ng sopas o โ€˜di kaya naman ay isang inihaw na manok, ay isa nang biyaya para saโ€™min. Higit pa roon, dalangin ko rin na makita ang mga anak ko na masaya, tumatawa, nakangiti habang kami ay nagsasalu-salo.

Sa Paskong ito, ang tanging hiling ko ay mapadama saโ€™min ang simoy ng Paskoโ€“pagmamahal at pag-asa. Hindi naman kami naghahangad ng magarbong handaan o ng mamahaling regalo. Bagkus, ang tanging hinahanap namin ay isang pagkakataon na maramdaman namin na kami rin ay parte ng pagdiriwang. Sana ngayong Pasko, hindi lamang ang mga Christmas lights ang kumukutitap, hindi lamang ang parol ang nagniningning, sana pati ang puso ay magninging ng pag-asaโ€“ munting paalala na sa hirap ng buhay, palaging may dahilan upang tumuloy at para maniwala.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ

[D]

ni Alexis Lazarte
dibuho ni Luigi Ronquillo
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐’๐‹๐” ๐–๐ž๐ž๐ค ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ž๐ซ๐ญ ๐›๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ: ๐€ ๐ฅ๐จ๐จ๐ค ๐›๐š๐œ๐ค ๐จ๐ง ๐ฐ๐ก๐š๐ญ ๐€๐ฎ๐ซ๐ข ๐š๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐œ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐š๐ญ๐ฌ, ๐…๐ข๐ ๐ฏ๐ซ๐ž๐ฌ, ๐€๐ฎ๐ญ๐จ๐ญ๐ž๐ฅ๐ข๐œ, ๐š๐ง๐ ๐“๐ก๐ž ๐‘๐ข๐๐ฅ๐ž๐ฒ๐ฌ ๐ฆ๐š๐๐ž ๐ฎ๐ฌ ๐Ÿ๐ž๐ž...
20/12/2024

๐’๐‹๐” ๐–๐ž๐ž๐ค ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ž๐ซ๐ญ ๐›๐ฅ๐ฎ๐ž๐ฌ: ๐€ ๐ฅ๐จ๐จ๐ค ๐›๐š๐œ๐ค ๐จ๐ง ๐ฐ๐ก๐š๐ญ ๐€๐ฎ๐ซ๐ข ๐š๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐œ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐š๐ญ๐ฌ, ๐…๐ข๐ ๐ฏ๐ซ๐ž๐ฌ, ๐€๐ฎ๐ญ๐จ๐ญ๐ž๐ฅ๐ข๐œ, ๐š๐ง๐ ๐“๐ก๐ž ๐‘๐ข๐๐ฅ๐ž๐ฒ๐ฌ ๐ฆ๐š๐๐ž ๐ฎ๐ฌ ๐Ÿ๐ž๐ž๐ฅ ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ

In celebration of ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜†โ€™๐˜€ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿฏ๐˜๐—ต ๐—™๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†, the Kataas-taasang Sanggunian ng Mag-aaral/Supreme Student Council (KASAMA/SSC) presents us the campus concert โ€œ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฒ๐—ฒ๐—น๐˜€ ๐Ÿต.๐Ÿฌ: ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ (๐—ฆ๐—ฎโ€™๐˜†๐—ผ)โ€ held at the Fr. Paul Van Parijs Event Center on November 28.

After each bandโ€™s performance, a press conference with the student publications, White & Blue, The Buttress, Schema, Stellaris, and Daily Doseโ€”took place at the Diego Silang Building to hear their thoughts and feelings as they faced the Louisian crowd.

First in the lineup is the Baguio-based indie band, ๐˜ผ๐™ช๐™ง๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™˜๐™ž๐™ค๐™ช๐™จ ๐˜พ๐™–๐™ฉ๐™จ, who sang covers and original songs. With their unique tone and exceptional musicality, they captured the Louisianโ€™s hearts. When asked about what they felt performing in such a big crowd, they said it was hard to believe they were performing in SLU. The band invites Louisians to join their collective called โ€œSigaw ng Kuwago,โ€ where they perform and enjoy art with other people. An album is set to be released in 2025, the band reveals. Auri and the Conscious Cats thank the Louisian community and Navi for the warm welcome, and for setting a huge milestone for the band.

The 4-member indie band, ๐™๐™ž๐™œ๐™ซ๐™ง๐™š๐™จ, serenaded the Louisians with their lovelore anthems such as โ€˜Nandito,โ€™ โ€˜Himbing,โ€™ โ€˜Yakap,โ€™ and โ€˜Ulila.โ€™ Through their lyricism and melodies that span rock, alternative, and pop, the band expressed their emotions and untold stories. Figvres said that they felt heard and known during their performance because of the cheers they received. When asked what song they would dedicate to the Louisians, they answered, โ€œIt would be โ€˜Nandito.โ€™ Why? Kasi this experience may end, pero dadalhin natin โ€˜tong lahat kahit saan man tayo mapunta afterโ€ฆ Dadalhin natin yung experience. Basically, part na kayo ng core memory naminโ€”core memory unlocked.โ€

๐˜ผ๐™ช๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™š๐™ก๐™ž๐™˜, an indie-alternative band formed in 2012, hyped up the stage with their catchy and enchanting songs โ€˜Laroโ€™ and โ€˜Languyin.โ€™ Known for their experiences in the music industry, they reveal the anchor of their relationship as a bandโ€”having the โ€˜gigilโ€™ and their common goal. They said that their similarities keep them together. โ€œPara maging member ka dapat may comorbidity ka. โ€˜Di, joke lang. Ano sakit mo? Pasok! Hypertension, wala? Ay, โ€˜di ka pโ€™wede,โ€ they jokingly said. The band hints at releasing more songs in 2025. Autotelic thanks the Louisians for appreciating their music, highlighting that it spans all ages.

To wrap up TLF 9.0: Patungo, Pabalik (Saโ€™yo), the 4-member alternative folk rock band, ๐™๐™๐™š ๐™๐™ž๐™™๐™ก๐™š๐™ฎ๐™จ, filled the campus with heart-stopping melodies that also tell stories. They sang hit songs such as โ€˜Aphroditeโ€™ and โ€˜Be With You.โ€™ For the Louisian fans who may be struggling with the challenges of college life, The Ridleys would like to motivate or inspire them to push forward by listening to the album โ€˜Until I Reach The Sun.โ€™ โ€œItโ€™s an album I wrote and compiled during the pandemic when I was feeling lost. So, itโ€™s actually our least-streamed album, but I think it has the deepest songs, the deep cuts that speak to people at just the right time. I hope that encourages Louisians to really take a deep dive into our 33-song catalog. Especially that album, very personal siya,โ€ the bandโ€™s vocalist, Benny Manaligod, said. The Ridleys emphasize sharing the story of love to those who need it.

Auri and the Conscious Cats, Figvres, Autotelic, and The Ridleys have seen how music brings people together, and they showed how well they resonate with the community through their music. With that, they invite the Louisians to let music be their companion during the ups and downs of life. The guest performers express their gratitude to the Louisian community for giving support and love for them.





[D]

by Elijah Almoite
photos by Einy Barcena, Precious Biรฑegas, Jhamire Bumanlag, Jevelyn Caligtan, Danielle Gulen, Leobile Gulloy, Miguel Jao, Ronalyn Junio, Sophia Malonzo, Sofia Maranion, Joshua Nigos, Yvonne Sangdaan, Nikkole Santiago, AJ Siddayao

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ญโ€”๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข...
19/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ญโ€”๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข.

Hindi biro ang pagiging isang sikyo. Hindi namin alintana ang panganib, puyat, at pagod dahil nasa amin ang responsibilidad na protektahan ang mga tao at mga ari-arian. Madalas, hindi kami napapansin, ngunit kami ang unang humaharap sa anumang banta. Sa gitna ng malamig na gabi o mainit na araw, kamiโ€™y nakatayo, handang rumesponde sa oras ng kagipitan.

Ngayong Pasko, ang tanging hiling ko ay ang maibigay ang seguridad na ito hindi lamang sa iba, kundi sa aking sariling pamilya. Kahit malayo ako sa kanila, alam kong bawat sakripisyo ko ay para sa kanilang kinabukasan. Hindi man magarbo ang aming selebrasyon, sapat na sa akin ang malaman na ligtas sila, may pagkain sa mesa, at may maayos na bubong na masisilungan.

Ang bawat oras ng pagod, bawat hakbang sa pagroronda, at bawat gabing walang tulog ay isang paalala kung gaano ko sila kamahal. Ito ang regalo kong hindi kayang balutin ng kahit anong kumikinang na papelโ€”isang mas ligtas, mas maliwanag, at mas maayos na bukas para sa kanila.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜บ๐˜ฐ

[D]

6 na araw nalang, Pasko na!

ni Noemi Ramos
dibuho ni Luigi Ronquillo
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ.Nagbabalik tanaw sa mga panahong darating sa b...
18/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ.

Nagbabalik tanaw sa mga panahong darating sa bahay na may pasalubongโ€”galing kay tito o kay tita, mula sa Estados Unidos o Australia. Ngayon, ako na yung nandito, boses na nananaig sa kabilang dulo ng telepono, nangungumusta't nakangiti habang nagkukwento. Kukuha ng lakas at ginhawa sa kanilang tawaโ€˜t himigโ€”umaasang magbibigay init sa lamig ng hangin na bumabalot sa akin. Pipiliing makinig sa kwento nilang lahatโ€”maramdaman lang na ang distansya'y balewala. Na tila baโ€™y walang nagbagoโ€™t nandiyan pa rin ako.

Ngunit walang pangungulila ang hihigit pa sa pangangailangan. Titiisin ang bawat hirap at lumbay kung ang katumbas nitoโ€™y kanilang mga haliklik at ginhawa. Patuloy ang pagkayod at pagsusumukap kahit anumang hamon sakin ay iharap. Sa bawat bangon, aking pamilya ang palaging rason. At sa bawat gabing bago ipikit ang aking mga mata, aking ipinagdarasal na kalusugan koโ€™y pakaingatan upang kinabukasan ng aking pamilya ay guminhawa.

Sa Paskong darating, mga hiling sana'y dinggin. Magkaroon ng mas maraming oportunidad sa sariling bansa nang sa gayon, pamilya ay โ€˜di na kailanganing lisanin pa. Masilayan ko lamang ang buhay na mas maluwang ang paghinga, na maggan ang loob. Pinagdarasal pa rin na balang araw, ang mga minamahal sa buhay ay hindi na kailangang umalis.

๐˜•๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜–๐˜๐˜ž

[D]

7 na araw nalang, Pasko na!

ni Naomi Gabrielle Dela Cruz
dibuho ni Kristienne Bernaldez
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐ | ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐‹๐จ๐ฎ๐ข๐ฌ ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐š๐๐ข๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐‘๐“๐‹๐„The December 2024 Radiologic Technologist Licensure Exam (RT...
18/12/2024

๐‰๐”๐’๐“ ๐ˆ๐ | ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ ๐‹๐จ๐ฎ๐ข๐ฌ ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐š๐๐ข๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐‘๐“๐‹๐„

The December 2024 Radiologic Technologist Licensure Exam (RTLE) results yielded a national passing rate of 57.55%, producing 2,450 Registered Radiologic Technologists out of 4,257 takers across the country.

Saint Louis University ( SLU ) and its Department of Radiologic Technology continues to be an image of distinction and quality for the program, bagging the ๐˜๐—ผ๐—ฝ ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น nationwide, with 155 newly Registered Louisian Radiologic Technologists out of 162 takers.

With two Louisian Radiologic Technologists placing in the top ten of the recently concluded December 2024 RTLE, namely ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ๐—น ๐——๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฐ ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—”๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ranking 1st and ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ranking 6th, the School of Nursing and Allied Health and Biological Sciences (SONAHBS) cements its reputation as a school of topnotchers.

The Radiologic Technology board exams were conducted on December 12-13, 2024, at testing centers located in NCR, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao and Zamboanga.

Congratulations, Louisian RRTs!

[D]

by Isaac Vincent Calica
layout by Ivan Cruz and Jhamire Bumanlag

๐—ข๐—ป ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐—ช๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†On a random Wednesday, I laughed, I cried, I died, and I lived.On a random Wednesday, I laughed bec...
18/12/2024

๐—ข๐—ป ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐—ช๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†

On a random Wednesday, I laughed, I cried, I died, and I lived.

On a random Wednesday, I laughed because there you were, lighting up my screen with your playful jokes and funny faces, your face aglow with love and mischief that felt infinite. We exchanged words that never seemed enough to capture the feelings pulsing between us, yet somehow, we understood. Our gaze lingered, melting barriers we didnโ€™t know we had, and you told me my eyes were the doorway to my soul. And youโ€”only youโ€”looked at me as if I were the brightest, warmest star youโ€™d ever seen. That night, I slept with my heart brimming, holding onto the hope that tomorrow would be just as real and just as perfect as this Wednesday.

On a random Wednesday, I cried because the tomorrow I had hoped for seemed to have slipped through my fingers. My screen stayed dim as I waited and waited, as if youโ€™d still reappear with a reassuring text that would bring light back to my world. I craved the sounds that had once filled my daysโ€”our comfortable silences, secret smiles, and sneaky glances. Instead, there was only a hollow quiet Iโ€™d never known, and I kept waiting, hoping this was only a dream. I reached for messages that never came, replaying each word and glance weโ€™d shared as if I could summon you back through memory alone. Days blurred, the warmth of that Wednesday slipping further away, like a dream fading as I woke.

On a random Wednesday, I died. Four walls stared at me, and my heart stilled as reality shattered around me. You were gone, just like that. Those were the only words that could describe what had happened. The air turned cold, carrying your scent as I packed my things in boxes. I decided I had to be far away, but I had no more home to go to, and that broke me. Songs from artists we both loved played softly, each lyric holding the words we had never said but always felt. Who would have guessed that memories could echo so loudly, filling the air with loneliness and despair? I felt myself fade in that moment. My world fell silent, as if time had stopped to mourn with me. Nothing moved. I couldnโ€™t breathe. It was as if my body knewโ€”you were no longer breathing in the same air.

And then, on a random Wednesday, I lived. Just when I thought I could no longer continue, I felt the faintest pulse of life inside me. I walked to the places weโ€™d talked about, whispered the things I wanted to say to you, and I felt you there somehow, in the spaces Iโ€™ve been. It was not as bright and warm as the Wednesdays we shared, but I would like to experience Wednesdays again, to see what else they have in store for me. I will keep chasing my dreams as if you were still cheering me on, holding on to your love and support. I promise you and myself that I will live for the both of us and that each random Wednesday will be a little brighter because of what we had. You will live on in me, because your name will never die on my lips. And when we meet again, I will have enough stories to tell you.
I can now share our story with a smile. Sometimes, tears fall, but how lovely it is to have something so beautiful to remember. I discovered something true and experienced gentle and genuine love with you. I will carry you and your love on every passing Wednesday of my life.

On a random Wednesday, in some other life, weโ€™ll begin again. We could happen.

[D]

by Marcella Gomez
photo by Sofia Maranion
typography by Gabrielle Seen

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข'๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ; ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.โ€œBakit...
17/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข'๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ; ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

โ€œBakit parang kasalanan ko?โ€ Kabilang ito sa hindi mabilang na mga tanong sa aking isipan lalo na sa tuwing akoโ€™y nadadamay sa anumang kasakimang ginagawa ng kapuwa manggagawa sa larangan ng batas (tulad ng paggamit ng kaban ng bayan sa sarilng mga selebrasyon tulad ng Christmas party), sa halip na isipin ko ang ihahanda sa noche buena. Ako rin ay mayroong pagkadismaya bilang isang manggagawa ng hustisya, dahil mataas ang bilang ng mga kabilang sa pamahalaang lumilihis sa panunumpa at ipinangakong tungkulin. Ang paglobo ng isyung politikal ay patuloy, sa kabila ng pagdami ng mga nanunungkulanโ€”marahil isa ito sa mga sanhi na siyang magkasalungat. Ang mga ngiting nagtatago sa layunin at mapagkunwaring kasiyahan, sa Pasko sana'y mawala't maging tunay. Nabalewala ang aking dalisay na layunin at kabutihang loob sa pagkamit ng hustisya dahil sa pagdungis ng aking kapuwa manggagawa sa esensya ng paglilingkod sa bayan.

Sa walang tigil na pagtambak ng mga papel sa aking lamesa, sa dami ng mga dokumentong ligal na babasahin at aasikasuhin, at sa dami ng taong nakasasalamuha kahit sa papalapit na kapaskuhan, hindi ko mapigilan na balikan ang panahong kasama ko sa gabi hanggang sa pagsikat ng araw ang nagsisikapalang mga libroโ€™t hindi matapos-tapos na pag-aaral kung saan ko ginugol ang aking oras at tulog dahil sa pangarap na mayroon na ako ngayon ngunit hindi inaasahang ganito ang matatamasa. Noon ay pinangarap kong magpasko nang nakapasa sa bar examinations at magkaroon ng "Atty." sa aking pangalan para masarap ang aking kain sa handaan. Ngayon na natamo ko na ito, hindi na katulad ng sa dati ang sumusunod kong Pasko.

Alam kong ang tinatahak kong propesyon ay may kalakip na hindi magagandang sitwasyon at lalo na kung ako'y haharap sa isang mabigat na kaso. Sanaโ€™y ang pamahalaan ay maging katuwang ko para sa aking kaligtasan at maayos na daloy ng aking trabaho. Nananaig ang determinasyong makatulong sa kapuwa at makamit ang tinatamasang katahimikan ng kanilang mga kalooban na puno ng p**t. Hindi na materyal na bagay ang pumupuno ng aking listahan, kundi ang mithiing kapayapaan sa bansang aking pinaglilingkuran. Mayroon pa rin namang tapat na mga nahalal na opisyal, at nais kong maging isa rito. Dati ay hiling ko lamang makapasa sa isa sa mga mahirap na pagsusulit sa buong bansa. Ngayon, ang aking tanong ay: "Ano na ang susunod kong 'target goal' bilang isang tunay na manggagawa ng hustisya para sa bayan at para sa aking sarili?โ€, ang alam ko lamang ay kailangan ko ng tulong ninyo upang maisakatuparan ito.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข

[D]

8 na araw nalang, Pasko na!

ni Maxenne Guarin
dibuho ni Kristienne Bernaldez
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ฐโ€ฆ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขโ€ฆ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ...
16/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ฐโ€ฆ
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ขโ€ฆ
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐโ€ฆ

Linis dito, linis doon. Punas dito, punas doon. Patak ng mga pawis na tilaโ€™y kasing lamig ng simoy ng hangin ngayong darating na Pasko. Patak ng pawis na nagpapatunay ng aking pagsisikap upang maging karapat-dapat sa aking minamahal na anak. Sa apat na sulok ng kaniyang silid-aralan, ako ay kuntento na kapag naririnig ko ang mga bungisngis niya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Masaya na ako na nakikita ang aking bunga na masaya sa ibang tao kahit na pagdating sa aming tahanan, akoโ€™y kinamumuhian niya sapagkat eto lamang ako. Lingid sa kanilang kaalaman, ang pagkatao ng tunay niyang ama. Akalain ninyo na ang sarili kong dugoโ€™t laman ay kinamumuhian at kinakahiya ako dahil isa lamang akong dyanitor. Walang araw na hindi ko hinihiling sa itaas kung gaano ko hinahangad na sana akoโ€™y matanggap niya na rin sapagkat ang trabahong ito ay marangal at hindi dapat ikahiya.

Sana ngayong Pasko, ipagmalaki rin ako ng aking anak sa ibang tao sapagkat ako ang pinakaunang tao na papalakpak at susuporta sa kaniya sa nalalapit niyang pagtatapos sa pag-aaral dito sa unibersidad na aking pinagtatrabahuhan. Ngunit, akoโ€™y mayroong nililihim, akoโ€™y may dinaramdam na. Dinaramdam na kay tagal ko ng iniinda pero tuloy pa rin ang buhay para sa kinabukasan ng aking minamahal kahit masakit ang nasambit niyang salita sa akin noon gaya ng โ€œayokong maging katulad mo na isang dyanitor lamang, kinakahiya kitaโ€. Subalit, sana ngayong Pasko, mabigyan siya ng liwanag ng kataas-taasan upang mapagtanto niya na ang aking ginagawa ay para lamang din sa kaniya. Ang hiling ko lamang ay maging proud siya sa akin.

Isa akong ama na mayroong simpleng kahilingan ngayong darating na kapaskuhan, ang makamit ang pagmamahal ng aking anak. Hinaing ng isang amang katulad ko ang matamasa ang mahigpit na yakap ng aking anak, dahil kaunti na lamang ang nalalabi kong mga araw sa mundong ito. Sana ngayong Pasko o sa mga darating na araw, akoโ€™y marinig ng Diyos maykapal bago ko tuluyan ipikit ang aking mga mata.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ

[D]

9 na araw nalang, Pasko na!

ni Alex Gabrielle Soriano
dibuho ni Luigi Ronquillo
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’ | Newly registered nurses are being sworn in at the oath-taking ceremony at the Philippine International Conve...
16/12/2024

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’ | Newly registered nurses are being sworn in at the oath-taking ceremony at the Philippine International Convention Center (PICC) today, December 16, 2024.

A certificate of recognition was awarded to Saint Louis University for achieving a passing rate of 99.64% at the recently concluded Nursing Licensure Exam last November 2024. It was received by Level 1 Department Head and Clinical Coordinator Ma'am Cathlene B. Soliman on behalf of Dean Ann Opiรฑa and Associate Dean Elizabeth Bautista.

[D]

by Naomi Dela Cruz
photos by Carlo Kyle Bustamante

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ.Ang kasabihang โ€œDo no harmโ€ ay isang unibersal na ...
15/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ.

Ang kasabihang โ€œDo no harmโ€ ay isang unibersal na alituntunin ng bawat tagapangalaga ng kalusugan sa buong mundo. Obligasyon naming ipanata at gampanan ang mga salitang ito at ang mga responsibilidad na kaakibat nito. Sa ginintuang panahon na ito ng kabihasnang sangkatauhan, aakalain mong lahat ng tao, anumang estado sa buhay, ay may pantay na pagkakataon na makatanggap ng serbisyong pangkalusugan. Subalit, sa kabila ng aming pagsusumikap, malinaw na ang sistema ay hindi patas, hindi ligtas, at madalas ay hindi sapat. Ang aming mga pagod na katawan ay saksi sa kakulangan ng tulong mula sa mga nakaupo sa pwesto ng kapangyarihan. Ang aming pangarap, magkaroon ng isang sistemang pangkalusugan, na makatarungan at sapat para sa lahat, ay mukhang sa imahinasyon lamang makakamtan.

Ang diwa ng Pasko ay dapat magsilbing paalala sa ating mga tagapangasiwa na ang kalusugan ng mga mamamayan ay hindi isang luho, kundi isang karapatan. Ang mga tagapangalaga ng kalusugan ay hindi lamang tagapagbigay ng lunas; kami rin ay mga tao, mayroon pa kaming mga pangarap, pangangailangan, at takot. Sana ngayong Pasko, mamulat ang mata ng lahat sa mga bagay na hindi nakikitaโ€”ang mga hirap ng mga tagapangalaga ng kalusugan at mga pasyenteng naghihintay ng pag-asa. Hindi kami humihiling ng sobra, kundi ng makatarungang pagtingin at tunay na pagbabago.

Ang bawat Pasko ay pagkakataon upang magtulungan, para sa isang lipunang nagmamahal at nagpapahalaga. Sana ngayong Pasko, matamo namin ang makatarungan at maayos na sistemang pangkalusugan, isang sistemang magsisilbi nang tapat at may malasakit sa bawat isaโ€”anuman ang estado sa buhay.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ

[D]

10 na araw nalang, Pasko na!

ni Jana Pia Calicdan
dibuho ni Kristienne Bernaldez
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ...
14/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ.

Bilang isang g**o, wala na akong ibang ninanais pa, kung hindi ang mapabuti ang pag-aaral ng aking itinuturing na mga anak. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kakayahang magkaroon nang maayos na edukasyon, kaya't ang aking inaasam na lamang sa papalapit na Pasko, ay ang magkaroon ng maayos at sapat na mga kagamitan sa aming paaralan.

Sana ngayong Pasko, ang tanging hiling ko ay maging masaya at makapagpahinga ang mga mag-aaral. Pagkatapos nang mahabang araw sa eskwelahan, kaharap ko na naman ang lesson plan at ang mga papel ng mga bata. Nakapapagod maging isang g**oโ€”oo, alam kong mahirap. Pero kahit gaano kahirap, napapawi ang pagod tuwing nakikita kong masaya ang mga estudyante at alam kong may natututunan sila. Maghari sana sa kanilang mga puso ang pag ibigโ€”pag-ibig sa kanilang pangarap at kanilang magulang. Nawaโ€™y magdiwang sila nang panatag sa paskong paparating.

Sana sa Paskong paparating, pag-ibig ang siyang maghari, nawaโ€™y ang Paskong ito ang maging ginhawaโ€™t kasiyahan nila, aming sahod sanaโ€™y tumaas, upang magampanan ang tungkuling wagas. Ang pagiging g**o ay hindi lamang natatapos sa loob ng paaralan, kamiโ€™y nagsisilbing gabay, taga-puno ng pangarap, at taga-bukas ng daan. Kamiโ€™y naging pangalawang magulang sa bawat kabataang tinuturuanโ€”katuwang sa hirap at saya, sa paghubog ng kanilang kinabukasan. Sa bawat aralin at hamon, kami'y patuloy na nagsusumikap upang silaโ€™y magtagumpay sa buhay. Sana sa darating na Pasko, ang pagkakaroon ng sapat na kagamitan at pasilidad ay magbigay daan para sa mas magaan at mas epektibong pagtuturo na walang kapantay.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ

[D]

11 na araw nalang, Pasko na!

ni Mark Peterson Macaranas
dibuho ni Kristienne Bernaldez
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐโ€”๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜ณ๐˜ข, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข...
13/12/2024

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐโ€”๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ช๐˜ณ๐˜ข, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ข, ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข โ€˜๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ.

Sa mga panahong oras ay tila palaging kulangโ€”mga oras na napunta sa puyat at pagod, o mga segundong mabilis na kumawala sa aking mga palad. Gusto kong makabalik sa araw na hindi luho ang aking pahinga o mabalikan ang kaarawan ng aking ina, na mas pinili ko ang overtime kaysa ipadama ang pagmamahal sa kaniya. Ang nais ko sanang relo ay โ€˜yung kaya akong ibalik sa oras ng aking kabataan na ingay ng kwentuhan at tawanan ng barkada ang bumubuo sa aking gabi, hindi ang tunog ng punching card sa pinto ng trabaho, at order ng mga kostumer na nagmamadali. Sana, magkaroon ako ng relo nang ako ay makadungaw lamang sa nakaraang mga pahina ng sandali na kung saan ang pangarap ko ay sumisibol pa lamang. Nakalilimutan ko na kasi ang dahilan kung bakit ako nagsimula.

Sana ngayong Pasko ay magkaroon din ako ng lapis, โ€˜yung bagong tasa, lapis na handang humagod sa bagong papel, lapis na magpapaalala sa akin na sa gitna ng pagod, gaano man kahirap balansehin ang pag-aaral at pagtatrabaho, may mga pangarap akong isinulat na naghihintay sa akin na makamit ito. Sa likod ng pagod ng trabaho at pag-aaral, nariyan ang lapis para maiguhit ko muli ang natabunan kong pangarap. Gusto ko ang lapis na sa bawat linya sa papel ay ipapaalala sa akin na may espasyo pa para sa aking pangarapโ€”hindi balakid ang pagtatrabaho upang mangarap at magpursigi pa lalo. Bawat hagod sa papel ay siya namang pagbibigay hugis sa mga bagay na malapit na, pero malayo paโ€”diploma para sa sarili at pamilya, at kinabukasan na hindi ko na pasan sa aking balikat ang buong mundo.

Sa Paskong darating, hindi ko hiling ang kasintahan, pinakabagong model ng cellphone, o kung ano pang magarbong bagay. Batid ko lamang ay relo at lapis. Sapagkat gaya ng relo, kahit walang tigil ang ikot ng responsibilidad bilang estudyanteng manggagawa, maari akong bumalik hindi sa oras mismo, kung hindi sa tamang ritmo. Lapis naman ang magsisilbing paalala na kahit ako ay paubos sa dagok ng trabaho at pagod ng pag-aaral, maaari pa rin akong tasahan muli, handang gumuhit muli, para sa panibagong pahingang bubuuin.

๐˜“๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ,
๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต

[D]

12 na araw nalang, Pasko na!

ni Alexis Lazarte
dibuho ni Kristienne Bernaldez
anyo ng pahina ni Jhamire Bumanlag

Galingan sa finals, upang malunok ang fruit salad sa handaan ๐ŸฅนThis week, let's get through the exams before we look forw...
10/12/2024

Galingan sa finals, upang malunok ang fruit salad sa handaan ๐Ÿฅน

This week, let's get through the exams before we look forward to Christmas and the New Year. It's the last push before the first semester comes to an end. Do your best!

[D]

layout by Jhamire Bumanlag

๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒAfter years of searching Lady's mantle, Searching for it was like a battle.Almost gave up on finding a fine wine, Bu...
08/12/2024

๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ

After years of searching Lady's mantle,
Searching for it was like a battle.
Almost gave up on finding a fine wine,
But, patience is me who's waiting for a sign.

In the first place, why am I looking for it?
I questioned myself and hated to admit it.
Admit that most of them are rotten eggs,
Suddenly I saw myself being caged in cells.

Cells that would protect my peace,
But, someone dared to free me at ease.
I never thought a peter pan would be like keys,
Keys where I found colors of hue, made me like cheese.

Healed my inner child and brought me sunshine smiles,
Shocked at how we were so alike in all ways of styles.
You became my always in all ways,
A bond that mended my bad days into good days.

What we have is not a game of thrones,
Stars are aligned for us in this universe full of unknowns.
Wanted to be in a crowded place like in Paris and Rome,
But despite these places, it's you who feels like home.

[D]

by Alex Gabrielle Soriano
photo by Carlo Kyle Bustamante
typography by Gabrielle Seen

Today, we celebrate the Feast of the Immaculate Conception. As Christians, we are called to reflect on her example of un...
08/12/2024

Today, we celebrate the Feast of the Immaculate Conception. As Christians, we are called to reflect on her example of unwavering faith, humility, and obedience to Godโ€™s will. The CICM core values of faith, service, and community resonate deeply in this celebration, reminding us that our lives should mirror Maryโ€™s devotion and selflessness.

In this season of reflection, let us be reminded of the importance of being socially aware and engaged in the world around us. It is a clarion call for us to advocate for those who are marginalized, promote peace and live out or Christian Mission to serve others. Let the Feast of the Immaculate Conception inspire us to be agents of positive change, always striving to embody the values that Mary exemplified in her life.

[D]

by Noel Mariano
layout by Danella Cheng

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– |  Dean Sucha Chulsomlee of the Medical Technology department from Huachiew Chalermprakiet University (HCU...
05/12/2024

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | Dean Sucha Chulsomlee of the Medical Technology department from Huachiew Chalermprakiet University (HCU) in Thailand conducts a seminar on automation in the Hematology section of the clinical laboratory for the Saint Louis University Clinical Laboratory Interns today at the Jose Rizal building Audio-Visual Room.

HCU is an academic partner of Saint Louis University, with exchange student programs regularly occuring between the two universities across various programs.

[D]

photos and caption by Mia Bautista

๐—” ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ช๐—ฒ ๐—ข๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐—ฑYou were a languageI learned with my heart;Syllable per syllableWord per wordAn alphabet, the begi...
03/12/2024

๐—” ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ช๐—ฒ ๐—ข๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐—ฑ

You were a language
I learned with my heart;
Syllable per syllable
Word per word
An alphabet, the beginning
Where my longing stirred

Every facet of your syntax
The ambiguityโ€”
Nouns were crisp and clear
Adjectives ablazed
Words bloom and breathed
Like flowers in early spring
Each soft and alive
And when I speak of it,
It feels like spring

For months
You were my favorite sound
Sentences, melody sweet
Tone and rhythm, profound
I thought I knew
Every lexicon's face
and dialects whispered
etched in our hands embraced

I loved every word
The way they would blend
Grew vast as the world
Deep as the ocean
The meanings extend
Each sentence or question
A beauty to hear
Like line of notes
Crystal clear in my ear

But then,
Words came lessโ€”
Language grew faint
A mere static press
Phrases I can no longer paint
Pages left bare
A pang, an ache took root
And lingered thereโ€ฆ

Your language was gone
Like a whisper, sigh
Once excitement
now a yawn
A language run dry
Forgotten, erased
In silence it lay
Once vivid and bold
Now faded away,
Nothing left to say

[D]

by Alexis Lazarte
photo by Chelsea Aquino
typography by Gabrielle Seen

Address

Saint Louis University
Baguio City
2600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SLU Daily Dose posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SLU Daily Dose:

Videos

Share