
03/01/2025
Konteng hirap pa magigising din tayo balang araw...
Kapag nakasalalay tayo sa importasyon para pababain ang bigas o anu mang produkto marami ang maapektuhan at mawawalan ng trabaho. Domino effect kumbaga. Maapektuhan ang mga maliliit na Miller, kasama dito ang mga kargador, operator, truck driver pati mga nagbebenta sa palengke. Buong supply chain apektado. Kapag sila ang naapektuhan hihina din ang bentahan sa palengke, hardware, malls at iba pang bilihan. Sa huling dako tayo din ang mahihirapan, pilit na pinapababa ang bigas sa pamamagitan ng importasyon sa huli mas dumarami ang makakasama sa ayuda sa kawalan ng trabaho at kahirapan. Ang tanong sustainable ba ang ayuda?Konteng hirap pa magigising din tayo balang araw sa mga pinaggagawa natin sa ating bansa
Ctto: Philippine Star