02/05/2021
👉🏻sa bawat taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, o segundong lumilipas, madaming tumatayong gusali, humahabang kalsada, lumalawak na daungan, paliparan, o nagagawang mga sasakyang panglupa,pandagat o panghimpapawid...
Kung ikaw ay anak, asawa, magulang, kapatid, kamag-anak, o kaibigan ng isang construction worker👷🏿♂️...
ANAK:kung pinag-aaral kayo, mag aral ng mabuti para di masayang ang prebelehiyong pinapamahagi ng magulang niyo sa inyo...
ASAWA: wag kang magreklamo kung maliit ang sahod ng asawa mo, magpasalamat ka pa at may trabaho pa siya, tulungan mo nalang siya yung sahod niya paunlarin mo,magbenta ka, mag fishball selling ka or online seller ka di yung puro sugal... MAGULANG: kapag minsan di sila makapag abot ng pera, intindihin niyo kasi baka nawalan ng trabaho, baka di pa kumakain ng isang linggo, baka naospital o ano... KAPATID:kung di mo naman kailangan wag ka na humingi, kasi baka nabaon na siya sa utang may maibigay lang sayo tapos pinang happy-happy inom mo lang pala... KAMAG-ANAK:wag niyo silang pagtawanan at ichismis, kung may kaya kayo at ayaw niyo ishare sa kanila okay lng wag niyo nalang silang etratong basura...
KAIBIGAN: kayo ang backer nila, kayo ang taga sabi na okay lang yan, kaya mo yan, anong nakakahiya jan?, sige lang...
CONSTRUCTION WORKERS:di kayo nakapag aral pero kaya niyong sumabak sa mundo pag gawa ng mga imprastraktura at straktura, kayo ang mga mang gagawa na kaakibat ngga propesyonal, pero wag niyong maliitin ang mga boss niyo dahil kung wala sila wala kayong trinatrabaho, kung di kayo masaya sa trabaho niyo maghanap kayo ng iba, pero saludo kami sa inyo dahil kung wala rin kayo walang gagawa sa mga proyekto, isabay niyo ang pagdasal,sa bawat galaw niyo kasi gaya ng iba, sobrang delekado rin ang buhay niyo sa trabahong eto... magpasalamat kayo kung may trabaho kayo, sa lahat ng gagawing maganda sa mundo, maganda rin ang pabalik ng karma sayo o kaya sa pamilya mo...
MGA BOSS or BOSSABOS: magpasahod at magpasalamat okay na yun, malaking bagay na yun...👈🏻
.
.