GFJC NEWS ALERT | March 31, 2024 Episode
Host: Jep Jep Tamo
GFJC News Alert is a news broadcast aired twice a month during Sunday Worship Service of Global Flock of Jesus Christ congregations. This news program covers and features recent updates on the activities and programs of the church nationwide and worldwide. π
To God Be The Glory! βοΈ
#GFJCMedia
#GFJCNewsAlert
#GFJCUpdates
#GFJCNewsProgram
#CalledToShareJesusGlobally
4TH FOUNDING ANNIVERSARY NG GLOBAL FLOCK OF JESUS CHRIST, GAGANAPIN SA BAGGAO, CAGAYAN
Ulat ni: Jep Jep Tamo Tamo
"To gather the flock of Jesus Christ around the world and unite them into Christ like being." Iyan ang vision ng GFJC Congregation kung saan patuloy na umuusbong ang bawat gawain ng Diyos sa iba't ibang lugar at plataporma. Masasabi nating God is so great dahil patuloy na kumikilos ang Diyos sa bawat GFJCians simula pa nung una magpahanggang-ngayon.
Bilang pasasalamat sa Diyos, puspusan na ang paghahanda sa nalalapit na ika-apat na anibersaryo ng GFJC Philippines kung saan gaganapin ito sa April 26, taong kasalukuyan. Ito ay napagkasunduang isasagawa sa probinsya ng Cagayan kung saan host church ang Baggao Congregation. Tinataya namang aabot sa mahigit tatlong daang GFJCians ang dadalo sa nasabing gawain kung saan layunin ng programa na magkaroon ng pagkakaisa sa iba't ibang simbahan at makilala na rin ang bawat isa sa kahit maiksing panahon man lang.
Samantala, kabilang sa mga inaasahang dadalo sa selebrasyon ang mga kapatiran mula sa Tarlac, Bulacan, at maging sa Sto. NiΓ±o at Piat dito sa Cagayan. Dahil dito, nagsasagawa na nga ng ilang preprasyon ang host church dito sa pangunguna ni Ptr. Chriz Victorio tulad ng invitations, programs, foods, stage and hall, at iba pa. Kaya't inaanyayahan ang lahat na makiisa sa gagawing paghahanda upang maging mas mabilis at maging pulido ang lahat sa gaganaping pagdiriwang.
Samakatuwid, tumatanggap pa rin ang tanggapan ng GFJC sa lahat ng nais tumulong sa gawain sa kahit anong paraan, ang mahalaga ay nanggagaling ito sa puso, at hindi napipilitan lamang. Dahil ating pakatatandaan, mas pinagpapala ng Diyos ang taong nagbibigay nang may kagalakan at bukal sa kanyang puso.
GFJCians, sama-sama tayong makiisa sa tagumpay ng selebrasyong ito, at itanghal ang nag-iisang pangalan ng Diyos na buhay sa araw na iyon. Tulung-tulong tayo sa preparasyon, para ikaluluwalhati ng Panginoon!
PHILIPPINE VALUES EDUCATION PROGRAM SA BAGGAO, CAGAYAN NAGPAPATULOY PA RIN
Ulat ni Arnel Ballesteros Vallejo
CENTRALIZED ONLINE BIBLE STUDY TUWING MARTES, MULING IBINALIK NG GFJC ADMINISTRATION
Ulat ni: Eingels Kween Dela Cruz
Muling nagpatuloy ang pagkakaroon ng Online Bible Study makalipas ang ilang buwan nang mahinto ito noong nakaraang taon. Muling ibinalik ang nasabing programa nito lamang ika-2 ng Enero, taong kasalukuyan na pinapangunahan ng ating Senior Pastor na si Ptr. Christopher Victorio. Dito nagpakita ng pagkakaisa ang iba't ibang kongregasyon ng GFJC tulad ng Tarlac, Bulacan, at Sto. NiΓ±o upang patuloy na magpalakasan sa pananamapalataya sa pamamagitan ng online platform.
Tinatayang umaabot sa 50-60 participants ang sumasali sa Google Meet kada Martes na ginaganap sa oras na alas syete ng gabi kung saan pati si Ptr. Dennis Hawkins mula America ay dumadalo rin dito. Tunay ngang napakabuti ng Diyos, dahil mapa face-to-face man o online ang ating pagkikita, nakakabahagi pa rin tayo ng kanyang mga Salita na nagsisilbing lakas sa pang araw-araw nating pamumuhay. Kaya't patuloy lamang tayo sa pananalig sa Diyos, at nawa'y huwag magsawang magpagamit sa kanyang ministeryo at tungkulin dito sa lupa.
GFJCians, sama-sama nating purihin at dakilain ang ating Diyos na buhay! Malugod namin kayong iniimbitahan na makiisa sa ating Online Bible Study na ginaganap tuwing Martes, sa oras na alas-syete ng gabi. Mark your calendars and set your alarms and together, let's prioritize meeting the Lord every Tuesday night. See you virtually, mga kapatid!
PRAYER MOUNTAIN NG GFJCIANS SA STO. NIΓO, CAGAYAN, MATAGUMPAY NA GINANAP; PVEP SA TATLONG ESKWELAHAN DOON, PATULOY ANG PAGLAGO
Ulat ni: Vanessa Geronimo Olea
Nito lamang January 28 ng hapon hanggang January 29 ng umaga, isinakatuparan na ang inaabangang Prayer Mountain ng GFJC Sto. NiΓ±o na ginanap sa bundok ng Brgy. Matalo, Sto. NiΓ±o Cagayan. Kabilang sa naging programa ang pag-awit ng mga worship songs, pagkakaroon ng bonfire, intimate and intercessory prayer at pagbabahagi ng bible verses sa umaga.
Walang pag-aalinlangang dinaluhan ito ng mga kabataan, kids at ilang mga elders upang magbabad sa presensya ng Diyos. Ani nga nila, hindi lang puspos sa ispiritwal ang mga nagsipagdalo dahil naging busog din ang mata nila sa napakagandang tanawin sa paligid. Tila itoβy isang magandang bungad sa unang buwan ng taon para sa yugto ng mas malakasang pagpapatuloy at paglilingkod sa Panginoon.
Samantala, sinimulan na rin ni Ptr. Aaron Alcantara ang Midweek Online Preaching ngayong 2024 kung saan sa kasulukuyan, mayroon na itong apat na live sessions sa social media platform partikular sa Facebook na grabeng tinatangkilik at sinusubaybayan ng mga viewers mula pa sa iba't- ibang lugar.
Sa kabilang banda, lubos pa ring pinagpapala ang PVEP Sto. NiΓ±o sa kaniyang ikalawang akademikong taon sa pagkakaroon ng mga advocates sa pangunguna ni Pastor Aaron kasama ng kanyang buong team na willing magturo at magtrabaho sa kaharian ng Panginoon. Sa ngayon, on the go pa rin ang PVEP sa Abariongan National High School at Namuccayan Integrated School at Sto. NiΓ±o National High School dito sa munisipalidad.
Ika nga, starting the year right with the Lord, will always lead us to beautiful experiences and places we have never thought and imagine. Nawa'y patuloy nating ipanalangin pa ang gawain ni Lord sa taong ito at hayaang gamitin ang ating katawan sa ikalalawak pa ng kanyang kaharian. Praying you will be with us too in our exciting journey with the Lord.
KFC BAGGAO, NAMAHAGI NG MGA BIBLES BILANG PAKIKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL BIBLE DAY 2024
Ulat ni: Kate Ann Vallejo Ballesteros
Taong 2018 nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11163 na nagtatalaga sa buwan ng Enero bilang National Bible Month, kung saan dito naging legal na ang pagkilala sa Bibliya sa buong Pilipinas.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Bible Month sa taong 2024, ang mga aktibong opisyales ng KFC Department sa Baggao, Cagayan ay namahagi ng mga Bibles sa iba't ibang mga barangay dito sa munisipalidad na kinabibilangan ng Brgy. Mabini at Brgy. San Francisco. Ito ay isinagawa ng grupo nito lamang January 13 at 20 taong kasalukuyan. Layunin ng aktibidad na mabigyan ng Bible ang bawat tahanan sa nasabing mga barangay at maibahagi ang kahalagahan ng Bibliya sa bawat miyembro ng pamilya upang sa ganon ay maipakilala sa kanila ang Salita ng Diyos.
Ayon sa Adviser ng KFC Baggao sa katauhan ni Sir Mark Anthony Bosque, masaya ang naging experience ng mga KFCs dito dahil bukod sa pamamahagi ng mga Bibles, naipagpray din nila ang mga matatanda, maysakit, at kapapanganak na sanggol sa kanilang sariling tahanan. Talaga namang kitang-kita sa mukha ng mga taong naabot ng NBD ang pagkakaroon ng pag-asa dahil sa kanilang napakinggan at realizations tungkol sa kanilang natutunan.
Kaya naman, inaanyayahan muli ng mga KFC officers ang buong kapatiran na makibahagi sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa kahit anong paraan, upang sa ganoon mas marami pang pamilya at indibidwal ang makakilala kay Kristo. Kaya't, kudos KFC Officers sa sipag at tiyaga sa pagreach-out sa iba, Ni Apu ti agisubli iti amin nga rigrigat ken bannug yu para kenkwana. Keep it up KFCs! May God bless you more for your obedient hearts!
GLOBAL FLOCK OF JESUS CHRIST, MULING NAKIBAHAGI SA NATIONAL BIBLE DAY CELEBRATION SA TAGUIG CITY NGAYONG TAON
Ulat ni: Criztalene Victorio
Abot-langit na ngiti kung bigyang-tanaw ang naging karanasan ng mga dumalo sa natatanging selebrasyon ng National Bible Day nito lamang January 29 sa ikapitong taon nito sa Bonifacio Global Center, Taguig City.
Ito ay dinaluhan ng ilang prominenteng indibidwal sa iba't ibang sektor tulad ng midya, politika, showbiz, at maging sa business. Naroon din ang ilang Board of Trustees ng NBD Foundation sa pamumuno ni former Sen. Manny Pacquiao at Sen. Joel Villanueva - na naging instrumento ng Diyos para ipursigi at ipasa ang Republic Act 11163 o National Bible Day Act ditto sa buong bansa.
At mabuti ang Diyos, dahil sa dinami-daming gustong dumalo sa nasabing selebrasyon, napili ang NBD Cagayan-Chapter upang makiisa at makadaupang-palad ang ilang kapwa mananampalataya sa pagkakataong iyon. Naging maganda naman ang takbo ng buong programa dahil inumpisahan muna ito sa panalangin, awit ng papuri, at Salita ng Diyos na ibinahagi ni Rev. Edmund Chan-Founder and Leadership Mentor of the Global Alliance of Intentional Disciplemaking Churches, kung saan kanyang tinalakay ang tunay na kapaki-pakinabang na buhay dito sa lupa at paano ito maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblya.
Pagkatapos nito, nagkaroon naman ng panel interview ang ilang representatives sa iba't ibang sektor ng industrya tulad ni Police Colonel Rennel Sabaldica-former Philippine National Police Provincial Director ng Cagayan, Mr. Ernie Lopez-President of CPI and Ambassador of ABS-CBN Foundation, Ms. Carmie Martin-actress and celebrity model, and Atty. Chona Agustin-Gonzales-former Congresswoman, upang magbigay ng kanilang munting patotoo kung paano nila nakilala ang Diyos sa kanilang buhay. Sinundan naman agad ito ng special message ni Sir Manny Pacquiao- Chariman of NBD- Board of Trustees at ang NBD Updates mula kay Ptr. Jonathan Camcam- NBD- Executive Dir
GFJC NEWS ALERT | February 4, 2024 Episode
Host: Jonathan Apolonio
GFJC News Alert is a news broadcast aired twice a month during Sunday Worship Service of Global Flock of Jesus Christ congregations. This news program covers and features recent updates on the activities and programs of the church nationwide and worldwide. π
To God Be The Glory! βοΈ
#GFJCMedia
#GFJCNewsAlert
#GFJCUpdates
#GFJCNewsProgram
#CalledToShareJesusGlobally
NBD CAGAYAN CHAPTER 2023 UPDATES
Happy National Bible Day GFJCians! π
Here's the updates of NATIONAL BIBLE DAY - CAGAYAN CHAPTER for the year 2023! β€οΈ
News Feature: Criztalene Victorio
#NBD2024
#NationalBibleDay2024
PASASALAMAT 2023: ANG KWENTO NG GFJCIANS
Feature Story: Criztalene Victorio
Years, months, days and hours passed but the grace of God is still upon us. For the whole year of being as one family of Global Flock of Jesus Christ - Baggao will never be easy. There are times where it's tough, situations where it's hard, and plans that did not prosper. But apart from it, GFJC Family chooses to be strong, firm and keep the faith in God.
Sa ilang buwang nagdaan sa taong 2023, marami tayong pinagdaanan. Ngunit sa kabila nito, mas marami pa ring dapat ipagpasalamat sa itaas. Mula sa KFC Department na on-the-go and active sa kakatapos na events tulad ng KFC Camp, KFC Anniversary and KFC Thanksgiving at iba pa. Hindi naging maiksi ang naging kamay ng Diyos sa bawat kabataan upang sila ay abutin sa kahit anong paraan. Isama mo pa ang newly elected officers na always present and on-duty para kay Lord.
Sa Kids Department na kahit minsan nakakainis sa ingay ng mga chikiting ay nananitili paring matatag sa tulong ng Diyos. Umuulan pa rin ang pagpapala sa bawat bata dahil sa mga puso na laging naghahatid ng tulong sa kanila kabilang na ang mga sponsors and donors na hands-on to share their blessings and to the untiring officer-in-charge na si Sis. Melinda Victorio- na walang sawang sumusuporta at nagpapatuloy sa pagtuturo ng mga bata katuwang ang mga volunteer teachers sa KBO program.
Hindi rin pinabayaan ni Lord ang Nanay and Tatay for Christ-Department sa buong taon na ito, bagama't ang ilan ay ina'arthritis na at ang iba ay may-high blood pa, go na go pa rin sila sa mga bible studies, cook sa mga events, at sponsors sa mga programs. Indeed, God still strengthens them at all times as they serve and do the mission that God told them to do. Hindi lang 'yan, patuloy rin ang paglago ng Music Department dahil sa isa na namang taon, marami na namang worshippers and instrumentalists ang naidagdag in the ministry. Idagdag mo pa ang level-up na tugtugan this 2023, at mga pangmalaksang
KFC BAGGAO @ 2023: CHAMPION SA BLESSING, CHAMPION SA THANKSGIVING!
Ulat ni: Kate Ann Ballesteros
Matagumpay na ipinagdiwang ang Thanksgiving Program ng KFC Baggao nito lamang December 22, araw ng Biyernes sa San Francisco Barangay Hall na may temang: "Thanks be to God for His indescribable gift."
Ang Thanksgiving program ay talaga namang nagbigay ng hindi makalimutang saya at memories dahil sa samu't saring mga activities na dinaluhan ng mga KFCs na nagmula sa Baggao at Sto. NiΓ±o, Cagayan. Sa unang bahagi ng programa, naganap ang opening program na kung saan naging guest speaker si Pastor Ivhan Liban kung saan kanyang pinalawak ang nasabing tema ng programa.
Pagkatapos nito, ginanap naman ang kapana-panabik na ball games sa San Isidro Integrated School Gymnasium kagaya ng Basketball at Volleyball. Sa unang laro palang ay kitang-kita na ang tuwa ng bawat kabataan na dumalo dahil sila'y nabigyan ng pagkakataon upang maipakita rin ang God-given gifts nila sa larangan ng sports. Sa naging resulta ng laban, itinanghal na champion ang Team David sa Basketball Men League na nakatanggap ng certificate, cash prize, trophy at luxe scents habang nasungkit naman ni Jerome Barangan mula sa champion team Most Valuable Player (MVP) Award. Samantala, nasungkit naman ng Team Gideon ang championship sa Volleyball Women League kung saan nakatanggap rin sila ng certificate, cash prize, trophy and luxe scents habang si Kristen Uminga naman ang tinanghal na MVP sa larong ito. Congratulations winners and shout out din sa mga officiating officials and referees na sumuporta sa buong daloy ng programa.
Pagkatapos ng laro ay muli na namang bumalik ang lahat ng kabataan sa Barangay Hall ng San Francisco upang ganapin ang Night of Worship and awarding sa lahat ng nanalo. Ang programa ay pinasinayaaan ng nakakabless na praise and worship na sinundan ng eye-opener na mensahe mula sa speaker sa katauhan ni Sir Arnel Vallejo. Sa pagtatapos, umuwi naman ang lahat na masaya at busog physicall
CHILDREN'S DAY AT THANKSGIVING PROGRAM NG GFJC SA SA STO. NIΓO AT PIAT, CAGAYAN, MATAGUMPAY NA IDINAOS
Ulat ni: Vanessa Olea
God is on the move pa rin sa GFJC Sto. NiΓ±o at Piat, Cagayan! Sa katunayan, ngayong 2023, puspos ng pagpapala ang GFJCians sa lugar na ito kung kayat nararapat lamang ang pasasalamat sa ating Poong Maykapal!
Matagumpay na idinaos ng GFJC Sto. NiΓ±o at Piat ang kanilang Children's Day sa apat na stations; una, sa lugar ng Calapangan; pangalawa sa Balagan; pangatlo, sa lugar ng Dungao kasama ang Sitio Tungtung at Nag-uma at panghuli sa lugar ng Calaoagan, Piat simula noong December 25, 26, 28, at 30 ayon sa pagkakabanggit na may temang "As long as I'm breathing I got the reason to praise the Lord." Dahil dito, tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang pag-awit at pag-indak sa kantang "Praise" at naging kaabang-abang rin ang mga inihandang games at activities na labis nilang ikinagalak. Super nag-enjoy ang mga bata hindi lang sa mga prizes na kanilang nakuha, pati na rin sa mga pagkaing inihanda na hatid ng mga generous sponsors mula pa sa iba't-ibang lugar.
Naging mapanganib man ang paglusong sa mga daan dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan ay hindi naging alintana ito sa pag-abot ng mga bata na masayang naghihintay sa ganitong programa. Pagod man at ginabi sa pag-uwi ang mga volunteer teachers, ngunit iba ang saya sa pag-abot sa kanila. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong 150+ na mga batang naabot ng KBO Program sa tulong ng Diyos.
Sa kabilang banda, bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa ng Diyos sa taong 2023, idinaos ng GFJC Sto. NiΓ±o ang kanilang Thanksgiving Program nito lamang December 28 sa ganap na alas sais ng gabi na may temang ,"As long as I'm breathing I got the reason to praise the Lord." Dinaluhan ito ng mga bisita mula pa sa iba't-ibang barangay gaya ng Balagan, Nag-Uma, Tammucco at Namuccayan. Dumalo rin sa programa ang mga taga-Baggao sa pangunguna ni Senior Pastor Christopher Victorio bilang guest speaker kasama ang mga